#5 My Twin Friends
Nagdaan pa ang mga araw. At si Besty ko at si boy Zion ay may isang buwan na ding magkasintahan. Hayon at madalas parin kaming magkainisan. Pero buti nalang at nandoon lagi si Jason para idivert yong inis ko.
Well, unti-unti ko na ding natatanggap ang pagiging independent ko, I mean hindi na ako masyadong dependent kay Micah.
Gaya ngayon, I'm all alone dito sa canteen at wala nanaman si Micah. Syempre given na, na kasama nanaman niya yong boyfriend niya.
Mas mabuting tanggapin ko na lang na hindi habang buhay ay nandiyan si Micah para damayan ako. Syempre kailangan din naman ng separation pagdating ng araw, medyo napaaga lang.
"Hi Den! "
Bati ni Gabby. And of course kasama nanaman niya yong kambal niya.
Sila nga din ang madalas kong kasama na kapag lunch.
"Oh hi! Anong ulam niyo?"
Tanong ko sabay silip sa tray nila.
Share-share kasi kami ng ulam. Nakakatuwa nga dahil ngayon ko lang nasubukan to. Magkaiba kasi kami ng taste ng food ni Micah, may pagkakapareho pero kunti lang.
"Pakbet, favorite mo to di ba?"
Wika ni Gabby.
"Ako adobo at shanghai. Gusto mo?"
Tanong naman ni Glen.
"Oo naman. Ito oh tikman niyo din yong ulam ko. Niluto yan ni mama."
Pagmamalaki ko. Nakukwento ko kasi sa kanila na nagseshare kami ng ulam kapag lunch. Kaya naexcite si ma at pinagluto ako ng baon kaninang umaga.
"Wow, masarap yan ah. Pahingi nga."
Sabi ni Glen at iniabot ko yong baunan ko.
"Hmm, sarap. Try mo yong luto ni mother in law mo Gab."
Heto nanaman at nagsisimula nanamang manukso si Glen sa kapatid niya. Well sanay na kami at katuwaan nalang namin iyon.
"Ikaw talaga Glen, kapag nakaharap naman si Mandy halos wala kang masabi "
Biro ko din. Crush niya kasi yong kaklase namin na si Mandy.
"Psshh.. Masyado kang maingay, magkabukingan eh.."
Sabi niya at nginuso yong nasa likod ko. Napatingin naman ako doon at nandoon nga si Mandy at yong boyfriend niyang lower year.
Nagtakip ako ng bibig as I mouthed 'sorry'.
Nagthumbs up lang naman siya.
"O Gab, bat ang---"
Hindi ko naituloy yong sasabihin ko dahil nagulat talaga ako na yong baon kong ulam ay nasa plato na niya lahat.
Maduga to ah, hindi man lang nagtira ng para sa akin.
"Oi, ulam ko? Duga nito, kala ko ba tikim lang. Sinulo mo naman."
Pagmamaktol ko.
"Sayo naman na yong ulam ko. Ayan oh, hindi ko pa ginalaw yan."
Sabi niya at iniusog yong mangkok ng pakbet sa akin.
Napabuntong hininga ako at kinuha nalang iyon.
Si Glen naman ngumingiti-ngiti..
"Next time Den, magbaon ka ulit ha."
Sabi niya lang na umiiling-iling pa.
"Problema mo?"
Sabi ko kasi mukha nanaman siyang ewan.
"Ang cute niyo kasing mag-away sa ulam eh."
Hay naku, yon nanaman pala.
Napainom naman ng tubig si Gabby kasi muntikan na siyang mabilaukan kanina.
"Huwag mo nalang siyang pansinin Den."
Sabi nalang nito.
"Hi!"
Narinig kong may nagsalita sa likod ko. I know her voice.
Bestfriend ko eh.
"Oh Micah, kumain ka na ba?"
Tanong ko sa kanya.
"Oo, kumain kami sa labas."
Sabi niya lang at naupo na. Nakita ko ding umupo sa tabi niya si boy Zion.
"Hi guys, hi Denisse."
Sabi naman ng lalaking umupo sa tabi ko.
"Oh, Jason, h-hello."
Sabi ko lang.
Nakita kong napatigil sa pagkain yong kambal at nakatingin sa akin at kay Jason.
I mouthed 'bakit?'
Umiling lang si Gabby, si Glen naman ay tumingin sa kambal niyang nakayukong kumakain.
"Mahilig ka pala sa gulay. "
Sabi nong katabi ko.
"Ah, O-oo."
"Yes naman Jay, favorite niya ang gulay kaya payatot. Haha"
Tawa ni Micah. Jay kasi ang palayaw ni Jason.
"Nagsalita ang mataba."
Sabi ko in sarcasm. Dahil napalingon ako sa kanya, nakita kong medyo nakangiti si Zion. Iba yong ngiti niya ngayon, parang genuine, not like noong mga nakaraang araw. Baka namalikmata lang ako.
Hindi ko napansing nakatitig na pala ako sa kanya.
"Tsk."
Sabi nanaman ni boy Zion saka umiling-iling. Hmm, hindi ko na nga lang pinansin.
"Lalabas kami mamaya, sasama ka?"
Biglang tanong ni Jason. Napatingin naman ako sa kambal. Umiling si Glen, si Gabby naman ay parang hinihintay yong sagot ko.
"Oo, sama ka na!"
Excited namang wika ni Micah.
"Ah-eh"
Hindi ako makasagot bigla dahil alam kong magkakabangayan lang kami ulit ni boy Zion kung sasama ako, pero makakasama ko naman si Micah.
Nag-iisip ako ng mabuti if sasama ba ako.
"Hindi bro, isasama kasi namin siya sa pupuntahan namin."
Biglang sabat ni Glen. Napakunot yong noo ko. Kasi wala naman silang sinabing may pupuntahan kami. Pero napag-isip-isip ko na mas masaya nga if itong kambal ang kasama ko.
Actually, since noong sinabihan ako ni boy Zion ng 'you already hugged hell' chuchu ay dumistansya na ako sa kanila. Nakakapangilabot kaya iyon. Iniisip ko nga kung paano ko mailalayo sa kanya yong bestfriend ko. Mahal na mahal pa naman siya ng bestfriend ko.
Hay, plano muna. Mahirap pumalpak.
"Di ba den?"
Bumalik lang ako sa sarili ko noong ulitin iyon ni Glen.
"Ah oo.."
Sagot ko nalang.
"Besty??.."
Sabi ni Micah na parang nagtatampo at nagpout pa.
Di ko tuloy malaman kong anong sasabihin ko.
"Ah-eh."
"She's going with us."
Nagulat ako noong sabihin iyon nong mayabang na si boy Zion at tumayo na ito.
Isa pa sa ikinagulat ko, I know for sure na ayaw naman niya talaga akong sumama kasi lagi akong paextra sa moment nila ng best friend ko, pero siya na ang nagdecide ha na sasama ako. Anong nakain non?
"Let's go love."
"Yey!, see you later besty!"
Sabi ni Micah na sobrang tuwa. Wow, so yon na pala ang final decision.
"See you! "
Sabi lang ni Jason at umalis na din.
Napafacepalm naman ako noong tuloyan na silang makalayo.
"Hindi ka pupunta diba?"
Napaangat naman ako ng mukha at tinignan si Gabby. Siya kasi nagsabi niyan at may halong lungkot at pagmamakaawa ang boses niya.
"O-oo, pero ano kasi..ahm.."
Bumuntong hininga si Gabby at yumuko, pero agad ding nag-angat ng tingin at ngumiti sa akin.
"Sige, sumama ka na sa kanila."
Ngayon ay nag-iba na ang pagkakasabi niya. Parang nanay na nagsasabing 'pinapayagan na kita.'
"Talaga?"
Alanganin kong tanong, syempre and dami ko nang utang na loob sa kanila. Sinasamahan nila ako sa panahong kailangan ko ng kasama.
"Pero sasama kami sayo."
Biglang sagot ni Glen.
"O-oo."
Alanganing sabi din ni Gabby.
"Why not, eh di mas masaya!"
Sabi ko at ngumiti sa kanila.
"Sige na, ubusin mo na yang pagkain mo."
Napatingin naman ako sa plato ko dahil sa sinabi ni Glen at hindi pa pala ako tapos kumain. Dinalian ko nalang din dahil malapit na magbell.
Sabay-sabay na din kaming pumasok sa classroom namin at doon nalang din itinuloy ang kwentuhan.
See, alam talaga ng Diyos kung anong kailangan natin.
➡ thanks for reading my story! God bless you :))
Sorry for grammatical errors, wrong spellings and typo errors !!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro