Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#4 Hug Hell

Actually, hindi lang iyon ang una at huling pagdalo ni Glen at ni Gabby. Dahil naulit pa iyon ng dalawang linggo. And I hope magtuloy-tuloy na sila.

At close ko na din sila. Medyo may pagka-ewan lang itong si Glen. Sobrang kulit, at talagang itinutukso niya yong kambal niya sa akin eh ang bait-bait naman nong tao.

Nandito ako ngayon sa canteen. Si Micah? Wala siya, dahil kasama niya si boy Zion. Duga nga eh, hindi man lang sinabi kung saan sila pumunta.

"Oh Denisse? Mag-isa mo? Asan si Micah?"

Tanong ni Glen. Kasama niya si Gabby na papalapit sa akin at umupo sila sa tabi ko. Si Glen sa kanan at si  Gabby naman ay sa kaliwa ko.

"Oo nga eh, ewan ko nga kung saan sila pumunta ni Zion?."

"Di bale, nandito naman na kami."

Nakangiting wika ni Gabby.

Hay, buti pala at naging close ko itong dalawang ito. Tinutulungan nila akong makaadjust sa ganitong situation namin ni Micah. Hindi na kasi kami laging magkasama ngayon. Hindi na kagaya ng dati, pero syempre, best friend parin kami.

"Salamat ha."

Sabi ko nalang sa kanila.

"Oi anong meron?"

Sabi ng kadadating na si Mark na tumabi kay Glen.

"Wala!"

Halos sabay-sabay naming tatlong sabihin. Kaya agad kaming nagkatinginan at nagtawanan. Si Mark naman ay nagkamot nalang ng batok.

"Ang susungit naman ng mga to. ..oi? Denisse, himalang hindi na kayo nagkakasama ni Micah ah."

Nasabi ko na bang madaldal itong si Mark? Baka kasi nakalimutan kong sabihin sa inyo na sobrang daldal niya.

"Okay lang naman iyon, nagkikita naman kami sa church at sa classroom."

Medyo tamlay kong sabi.

Okay nga ba?

"Alam mo Denisse curious lang ako ha."

Sabi pa niya. See, ang dami niyang bala.

"Bakit? Ano ba iyon?"

Kunot-noong tanong ko. Maging tong kambal, nacurious din kong anong sasabihin niya.

"May gusto ka ba sa best friend mo? I mean lesbian ka ba?"

The wierdest question ever!!!

Biglang nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Ano daw? Pinagloloko ba ako nito?

Aware naman ako sa nangyari sa Sodom at Gomorrah sa chapter 14 ng Genesis.

At lagi kong nababasa sa Bible na God create man and woman.

"Hindi ah!" - ako

"Hindi!" - Gabby

Halos sabay naming sabihin iyon. Ano bang problema nitong si Mark at pangalawang beses na niya iyong itinanong sa akin.

"Weh?"

Ai sus! Itong lalaking ito, ginawa pa ako akong indenial.

"Babae ako no! Bakit, nakita mo na bang nagdamit panglalaki ako?"

Nasabi ko nalang sa inis ko.

"Tignan mo nga kung paano ka manamit."

Sagot niya, kaya tinignan ko naman ang sarili ko.

As usual naman ah. White printed shirt, jeans, rubber sheos. Nakaponytail yong buhok ko at may bag pack akong black.

Hindi naman ako mukhang lalaki dito ah.

"Hindi nga sabi!"

Pilit kong sabi.

"Okay, okay, balang araw aaminin mo din."

Gusto ko nang umiyak sa sinasabi ng lalaking ito. Paano ko ba mapapatunayan na babae ako?

Alangan namang halikan ko siya, tapos siya na yong first ko, eww.

"Bro, tumigil ka na. Respeto naman."

Sabi ni Glen.

Salamat naman kay Glen dahil ayaw ko nang magsalita, baka may masabi pa akong hindi tama. Self-control nga sabi ni papa.

Tumahimik lang si Mark at hindi na talaga binawi yong sinabi niya.

Pero mas mabuti na iyan kaysa ipagpilitan niya pa.

"Denisse, ito oh."

Abot ni Gabby ng tubig sa akin.nagulat nga ako noong makitang ang seryoso ng mukha niya.

"Salamat."

Sabi ko nalang at inabot yong baso ng tubig na inaabot niya. At ininom ko iyon.

Right then, nakita ko na siyang ngumiti.

Gwapo din itong si Gabby. Actually, magkamukha sila ni Glen. Kambal nga diba? Pero mas cute and charming lang itong si Gabby.

***

Masaya kaming nagkukwentuhan ni Micah ngayon habang naglalakad. Dahil 4pm naman na kaya pauwi na din kami.

Hay, ngayon nalang ulit kami nagkasama.

"Halika, bili tayo ng mangga doon."

Yaya ko kay Micah, parehas kasi kaming mahilig nito. May nagtitinda kasi sa gilid ng daan, tag-limang piso lang ang isang stick ng mangga. Yong nabalatan at may alamang na rin.

Pumunta nga kami doon at bumili. Sinasarap namin ang pagkain nito noong may magbusina sa likuran namin kaya parehas din kaming napalingon dito.

May puting kotseng tumigil at alam ko kung kanino iyon.

Lumabas dito ang mahangin at antipatikong si boy Zion.

Sorry, not sorry for the description.

"Micah, tara miryenda tayo."

Yaya nito, haler, bulag ba ito, at hindi niya makitang nagmimiryenda na kami.

"Ah..eh.."

Hindi naman malaman ni Micah ang sasabihin niya.

Kaya tinulungan ko nalang siya.

"Uuwi na kasi kami, sa susunod nalang ha."

Sagot ko kay boy Zion kahit hindi para sa akin yong tanong.

"Tsk, am I talking to you?"

Wow? Pahiya ako don ah.

Kumuyom ang kamao ko at hindi lingid iyon sa kanila, kaya nakita ni boy Zion ang kamao kong nakakuyom at saka nagsmirk.

"Baka gusto mo lang makimiryenda eh."

Natatawang wika nito. Iniinis ba ako ng lalaking to?

"Pwede ba love!?"

Excited na tanong ni Micah bago pa ako makasagot ng 'hindi'.

"Sure, pasok na kayo."

Bigla namang naging gentle and sweet ang boses niya.

Eww siya, eww..

Pinagbuksan niya at inalalayan si Micah na pumasok sa kotse niya.

Doon niya pinapasok sa likod si Micah.

Ako ay nakatayo parin. Ayuko sana kaso sumama si Micah eh. Kainis, ngayon na nga lang kaming magkasama.

Mang-aagaw talaga ng moment itong si boy Zion.

"Denisse pasok ka na!."

Wika ni Micah na nasa loob na ng kotse nila boy Zion.

"Tsk.."

Sabi naman ni boy Zion at umiiling-iling pa.

Kaya, heto no choice na ako. Papasok na din ako. Pupunta na ako sa tabi ni Micah nang harangan ako ni Zion.

Kaya kumunot ang noo ko. Tinuro niya yong passenger seat. At saka pumasok na sa likod ng kotse at tumabi kay Micah. Sinarado na rin niya yong pintuan.

Bumuntong hininga nalang ako at pumasok na din.

So si Jason yong driver. Kaibigan ni boy Zion. Bakit ko alam ang pangalan niya, information from my bestfriend again.

"Hi!"

Bati nito. Nakabusangot akong pumasok pero nakakahiya namang huwag ngumiti sa kanya. Eh kay boy Zion lang naman ako naiinis.

"So you're Denisse?"

Tumingin ako sa kanyang nagmamaneho na. Noong lumingon siya sa akin ay tumango nalang ako.

Yong magkasintahan sa likod, malay ko kung anong ginagawa. Hindi ko sila nililingon.

"Parang pasan mo ang mundo ah?"

Madaldal din naman pala itong si Jason.

"H-hindi ah. B-bakit mo naman nasabi?"

Ewan ko ba kung bakit feeling ko napahiya ako sa mood ko. Sinira naman kasi ni boy Zion ang masayang hapon ko.

Oo, ako lang kasi kong idadamay ko si Micah, mukhang hindi naman nasira ang hapon niya dahil mukhang gumanda pa nga.

He smile, cute pala nito. I hope na hindi siya kagaya ni boy Zion.

"So your a Christian?"

Ha? Bakit niya alam?

"O-oo, bakit?"

Maang kong tanong. Bakit ba ako nabubulol dito.

"Chill lang, don't be shy to me. I won't bite... I'm Jason Vargas. I'm attending God's Love church."

Really? Christian din siya. How come? Eh kaibigan niya si Zion. Gusto ko sanang tanungin pero ayuko no, sabihin pang interesado ako sa buhay ni boy Zion.

"Oh, anak ako ng Pastor. Sa Catleya St. yong simbahan namin. Salvation Fellowship Center ang name ng organization namin. "

Naging comfortable na din ako sa wakas. At heto nakahanap pa ako ng kanampalatayaan ko. Sa unang pag-uusap namin ni Jason, masasabing kong mabait talaga siya. Ewan ko ba sa kaibigan niya.

Nakarating na din kami sa isang cafe malapit lang naman sa school namin.

Bumaba na kami at nilead kami ni Jason. Napag-alaman kong tita niya pala ang may-ari nito.

Christian din daw ang tita niya.

Halos siya lang ang kakwentuhan ko at nawala sa isip ko yong magkasintahan.

Umupo na kami sa table na sinabi ni Jason dahil siya na daw ang oorder para sa amin.

"Excuse me guys, restroom lang ako."

Paalam naman ng kaibigan ko at dali nang umalis.

Kaya, naiwan kaming dalawa ni boy Zion.

Tumitingin ako sa paligid at ayaw kong makita siya. Actually, ang awkward din eh.

"Do you like my game? Miss hug?"

Ha? Anong game?

"And it seems that I'm more worthy than you sa best friend mo."

Ha?

"Hindi ba Miss hug?"

Nagsisimula nanaman itong mang-asar.

"Kung sayo game lang to, sa akin hindi. Importante sa akin ang kabigan ko and hindi siya toy na pinag-aagawan. And I'm Miss Yakap at huwag mong i-english ang apelyido ko dahil it doesn't make you smarter than me."

"Says of the most innocent angel, whom I remembered started the game."

Then naalala ko naman yong sa library kung saan napalabas ako dahil sinigawan ko siya.

"Naalala mo din ba Miss hug?"

Nakakawala talaga ng self-control itong lalaking ito.

"Ikaw kaya iyon! At tigil-tigilan mo ako sa Miss hug na yan, dahil ang apelyido mo ay kasing bantot din ng ugali mo. Mr.Hell!"

Di ba katunog naman. Heil~hell.

Ngumiti lang siya ng nakakaluko. Then said,

"Alam mo Miss Yakap, since the day, you mess with me you already hugged hell."

Seryoso niyang wika.

Okay na sana dahil tinawag niya na ako sa tamang apelyido ko pero bigla akong kinilabutan sa sinabi niya.

➡ thanks for reading my story! God bless you :))

Sorry for grammatical errors, wrong spellings and typo errors !!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro