#35 hard
Tatlong araw na akong nagtatrabaho sa loob ng bahay na ito pero bihira ko lang makita yong amo kong babae. Nangangati na nga akong tanungin kay ate Jane kung bakit ito nagkukulong sa kwarto. Sobrang tahimik ng bahay at kaluskos lang ang halos naririnig.
Di ako mabubuhay ng ganito. Gagawin ko nalang to para kay mama.
Lagantak na ang pawis ko habang nagmamap dito sa sala, grabe naboboring talaga ako. Hindi ako sanay ng ganito.
Nang may biglang parang kumalabog sa bandang likod ko kaya napalingon ako doon. Nanlaki ang mga mata ko noong makitang nakaupo sa floor ang boss ko.
Dali ko siyang dinaluhan at inalalayang tumayo.
"Sorry po ma'am Divine.. "
Paumanhin ko pero hinampas niya lang yong kamay kong nakahawak sa kanya. Napalunok ako sa takot noong makita ang masasamang titig niya.
"Ma! "
Sigaw ng isang lalaki sa likod ko? Dali itong lumapit kay ma'am Divine at inalalayan itong tumayo. Natatakot talaga ako, baka tanggalin na ako agad.
"Sorry po ma'am! Sorry po.. "
Wika kong nakayuko. Nakatayo na siya at hawak parin siya nong isang lalaki at sa tingin ko nakatingin na ito sa akin.
"What you have done! ?"
Napapikit ako sa lakas ng sigaw ng lalaki.
"Sorry po sir, hindi ko po sinasadya..sorry p---"
Napatigil ako nong malingon ko ang lalaki sa harap ko, nanlaki ang mga mata ko sa gulat at maging siya din.
"Z-Zion? "
Wika ko at waring hindi na makagalaw sa kinatatayuan ko.
"Zion? How dare you call my son by his name? He's your boss! Stupid!.. Let's get out of here son.. And you! Do your work well!
Binabayaran kita dito hindi para maminsala! Naintindihan mo! "
Gusto ko nang malunod sa hiya at takot sa kinatatayuan ko. Bakit si Zion pa ang kailangang makasaksi nito? Alam kong nabigla lang siya kanina kaya nasigawan niya ako pero bakit nasasaktan parin ako? Hindi ko naman sinasadya eh.
Ano ka ba Denisse, wala naman kayong something, to feel that way.
Hindi na ako nilingon pa ni Zion bagkus ay inalalayan yong mama niya sa paglalakad na paika-ika.
Ano ba kasing ineexpect ko? Bakit ang sakit ng ganito?
Bumalik na ako sa paglilinis at pinipigilan yong luha ko.
"Don't cry Denisse, you're not a little girl anymore. Grow up. "
Pang-aalo ko sa sarili ko.
Binilisan ko na ang paglilinis ko dahil ayukong maabutan ulit ako ni Zion sa sala dahil hindi ko alam kong anong sasabihin ko. Yong feeling na gusto kong magtampo sa kanya pero wala namang akong karapatan, ano ba ako sa kanya? Tsaka boyfriend siya ng bestfriend ko.
Pagkatapos kong maglinis ay dumiretso ako sa kwarto ko muna at doon ibinuhos yong sama ng loob na nararamdaman ako. Yong sinabi ni Ma'am Divine kaya ko pa, pero bakit mas nasasaktan ako sa naging reaksyon ni Zion.
"Tama na Denden ha.. May trabaho ka pa, wala ka naman dapat iyakan eh.. "
Wika ko sa sarili habang nagpupunas ng luha sa pisngi ko.
Narinig kong may kumatok kaya dali kong pinunasan yong luha ko at humarap sa salamin. Inayos ko muna yong itsura ko bago binuksan yong pinto.
Laking gulat ko noong si Zion ang maabutan ko sa labas.
"Pwede ba kitang makausap? "
Gusto kong magsalita pero walang boses ang lumalabas sa bunganga ko kaya tumango nalang ako.
Dinala niya ako sa isang kwarto, mukha itong office.
"Sorry kanina.. "
Mahina nitong wika.
"A-ako nga dapat ang magsorry, pero hindi ko talaga sinasadya iyon ha.. Promise. "
Wika kong itinaas pa yong kanang kamay ko.
Ngumiti si Zion ng bahagya, sobrang ganda ng ngiti niya. Parang nagslowmo sa akin ang pagkakataon na yon.
Bumalik lang ako sa wisyo noong magsalita siya.
"I know, kaya nga nagsosorry ako eh. Anyway, bakit ka nandito? "
Kunot-noong tanong niya. Napayuko ako dahil nanliliit nanaman ako sa sarili ko.
"Ah ano kasi, natanggal ako sa trabaho, at nangangailangan kami ng pera, urgent hiring kayo kaya nag-apply na ako agad. At heto, tanggap na.. Boss na kita.. "
Wika ko, habang sinusubukang pakalmahin ang sarili ko.
"It's cute.. "
Ako naman ang kumunot ang noo.
"Ano? "
Maang kong tanong.
"Wala. Sige pwede ka nang lumabas.."
Naguguluhan man pero sinunod ko nalang siya at lumabas na.
Actually, I wonder kung bakit hindi sila magkamukha ng mommy niya. Baka nagmana si Zion sa papa niya. Then I remembered something from the past.. Zion told me na wala na siyang mom and dad.. Ampon ba si Zion ni Ma'am Divine??
Lumipas pa ang linggo at madalas parin akong masigawan ng mommy ni Zion, kabisado ko na nga din kong kailan siya lumalabas ng kwarto, actually never pa akong nakapasok sa kwarto nito dahil si ate Jane ang naglilinis doon.
Si Zion din ay hindi ko madalas makita dahil may condo unit naman ito at doon siya tumutuloy. Mas malapit sa trabaho nito.
Linggo ang off ko, actually sabado sana pero nakiusap ako kay ma'am Divine at buti naman at pumayag. Ewan ko ba kong bakit parang pasan niya ang mundo dahil ang bilis nitong magalit, ang sasakit pa minsan ng mga salitang binibitawan niya.
"Kamusta ang bunso namin? "
Birong wika ni Gabby saka ako inakbayan. Nandito kami ngayon sa church, hindi pa naman nagsisimula ang worship kaya pwede pang makipagchikahan.
"Ah pagod, pero maganda parin. "
Matamlay kong wika.
Tumawa ito at ginulo ang buhok.
"Nakuha mo pang buhatin ang sarili mong bangko ha. "
Ngumiti lang ako, napansin kong mag-isa lang ito.
"Si Glen? At si Yassy? Hindi mo kasama? "
"Umuwing probinsya si Yassy, reunion daw nilang magkakamag-anak. Si Glen susunod daw sinundo si sister-in-law ."
Wika nito at umayos ng upo.
"Oh ayan na pala sila Micah eh."
Wika nito kaya napalingon ako sa pinto. Kasama nito si Zion at magkahawak kamay pa sila. Dali akong nag-iwas ng tingin dahil hindi ko kayang tignan silang ganon. Dahil honestly, masakit parin.. Hindi naman na dapat diba? Pero ang hirap turuan ng puso ko.
****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro