#34 Unfortunate
"Ma'am? Bakit po ako? Kailangan ko po tong trabaho ko ma'am please.. Promise po pagbubutihin ko pa po huwag niyo lang akong alisin ma'am. Please.. "
Pakikiusap ko sa manager ko. Nagtanggal kasi ng dalawang employees ng pinagtatrabahoan kong store at isa ako sa natanggal. Kaya nakikiusap ako na sana huwag akong tanggalin. Kailangan kasi namin ni mama ng pera pambili ng gamot niya. Nagmemaintenance kasi siya. Kailan lang noong magpacheck up siya dahil sa madalas na pagkahilo. High blood daw si mama.
"Pasensya na Denisse, humanap ka nalang ng ibang trabaho, alam ko namang maraming kukuha sayo dahil napakasipag mo."
"Pero ma'am-"
"Sige na Denisse kailangan na ako sa loob. "
Wika nito at umalis na sa harap ko. Ayuko pa sanang umalis at magmamakaawa pa sana ako pero sa tingin ko wala na talaga itong magagawa pa.
Paano na kami ni mama. Mangiyakngiyak akong lumabas ng mall. Pagkalabas ko ay tumingala ako para pigilan ang mga luhang nagbabadyang mahulog sa mga mata ko.
Nang mapansin kong napakaganda ng langit. Nagpahid ako ng luha at pilit na ngumiti.
Lord, hindi niyo naman kami papabayaan di ba?
Wika ko at para akong nabuhayan ng loob. Kailangan ko nang maghanap ng trabaho agad. Kaya bumalik ako sa loob ng mall at nagtanong-tanong sa mga store doon if naghahanap sila ng worker.
Pero higit kalahating oras na ay wala pa akong nahahanap. Kahit nga sabihin kong magsisimula na ako ngayon. Pati nga sa mga fast food chain na-try ko na pero wala pa din.
Nanlumo akong umupo sa bench na nakita ko. Masakit na yong paa ko dahil nakaheels ako, actually nakauniform kasi ako ng uniform ng dati kong pinagtatrabahuan.
Lord, tulungan niyo naman po akong makanap agad ng trabaho..
Panalangin ko habang nagpapahinga.
Makalipas ang ilang minuto ay tumayo ulit ako noong mapansin ang wall sa tabi na may nakadikit na mga papel. Umagaw sa pansin ko yong isang papel na may urgent hiring. Tinignan ko ang detalye nito.
Nangangalaingan sila ng kasambahay? Iniisip ko kong kaya ko ba ito, dahil sa totoo lang ayuko sana ng ganitong trabaho.
Mukhang kailangan ko ngang subukan. Dali kong inilabas ang phone ko at tinawagan yong contact number na nakalagay dito.
Buti nga at sinagot ako agad, una kong tinanong kong nakahanap na sila, thankfully dahil hindi pa naman daw. Kaya nag-apply na ako agad.
Hindi pa naman nila ako tinanggap pero pinapapunta na ako bukas at ibinigay ang address ng bahay.
Nagtatalon ako pagkatapos ng tawag.
"Salamat Lord, salamat talaga! "
Wika ko at nagdesisyon nang umuwi. Dumaan lang ako ng gamot ni mama sandali sa isang pharmacy. At saka umuwi na.
****
Nagising ako ng maaga kinabukasan at nag fill out ng bio-data, inayos yong mga requirements na hiniling nong taong nakausap ko sa phone kahapon.
Sumilip muna ako sa kwarto ni mama bago umalis, tulog pa ito. Hinalikan ko siya sa noo at umalis na.
Narating ko naman agad yong address na binigay. Ang laki ng bahay, kaya ko ba itong linisan?
Nagdoorbell ako at pagkatapos ng siguro tatlong pindot doon at pinagbuksan ako ng guard, tinanong kong anong pakay ko at saka pinapasok.
Sinalubong ako ng I think maid din at pinaupo sa couch sa sala.
"Tawagin ko lang saglit si ma'am. "
"Ah sige po. "
Wika ko at umalis na ito. Naglalakbay ang mga mata ko sa paligid at nadako ito sa isang frame na maliit doon, larawan ng isang batang lalaki. Parang may kahawig ito.. Siguro anak siya ng magiging boss ko. Gwapo ha.
Napatayo ako noong magbukas yong pintuan sa di kalayuan sa sala kong saan pumasok kanina yong maid. Isang eleganteng ginang ang lumabas doon sumunod yong maid at umalis na, samantalang ang ginang ay dumiretso sa kung nasaan ako. Mukhang mabait naman ito.
Ngumiti ako at bumati.
"Hi ma'am! Good morning po! "
Masiglang bati ko.
Pero imbes na sumagot ay sinenyasan niya lang akong umupo.
Kaya sinunod ko nalang siya at naupo. Umupo din siya sa tapat ko.
"Tell me kung anong alam mong gawin. "
Tanong nito agad. Mali ata ako ng akala. Mukhang istrikto eh.
"Ah ma'am, marunong po akong maglaba, maghugas, syempre po maglinis, yong cr niyo po kaya ko yong pakintabin, ah ano pa ba? Ahm.. "
Nag-iisip pa ako ng kaya kong gawin.
"Eh magluto? "
Tanong nito.
"Kaya ko din po yan! "
Excited na wika ko, pero formal parin ang itsura ng magiging boss ko.
"So pwede ka sa all around, good. Magsimula ka na. "
Wika nito at tumayo na.
"Wait po ma'am.. Ahm, magkano po ang sahod ko? "
Nagsalubong ang dalawang kilay nito bago sumagot.
"Titignan ko muna yang performance mo. "
"Ah sige po ma'am. "
Wika kong nakayuko at umalis na ito. Tama lang namang tanungin ko di ba? Hindi naman masama?
Hay babait din siguro ito kapag nakilala niya na ako ng tuluyan.
Lumapit sa akin yong maid kanina.
"Hi! Ako si Jane, Jane Fernandez. "
Wika nito at ngumiti sa akin.
"Ah ako pala si Denisse, Denisse Yakap. "
Wika ko ding nakangiti sa kanya.
"Lika ihahatid kita sa room mo. "
"Room? "
Maang kong tanong. Oo nga pala, bakit hindi ko naisip yon. Naku hindi ako nakapagdala ng damit..
"Ah ate, pwede ko ba ulit makausap si Ma'am, wala kasi akong dalang damit eh. "
Hinila ako ni ate hanggang makarating kami sa loob ng magiging room ko ata.
"Naku Denisse, malabo yan.. Ayaw ni ma'am ng disturbo lalo na kapag hindi importante. "
"Ha ate? Importante naman yon, ano naman susuotin ko? "
"Ah ganito nalang, papahiraman muna kita tas kapag namalengke ako bilhan nalang kita ng panloob, may pera ka ba diyan? "
"Hindi ba nakakahiya sayo yon ate? "
"Naku okay lang, kasi si ma'am, first impression last, kaya kunin mo muna loob niya, aba mahirap na.."
Tumango nalang ako kay ate.
Salamat parin sa Diyos kasi sa tingin ko naman mabait itong makakasama ko dito sa trabaho.
"Iwan muna kita ha, ah, deretso ka na pala sa kusina, magluto na tayo."
Wika ni ate at sabay na nga kaming pumunta sa kusina.
I'm praying na magiging okay lang ako dito. Hopefully talaga.
****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro