Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#33 Grow up Denisse


Hindi ako makakilos ng maayos.. Nandito kasi kami sa isang restaurant kumakain ng lunch. .at of course kasama pa din sila Micah and Zion.

Nakakaramdam ako ng kunting kirot kapag nakikita kung gaano kasaya si Zion at Micah. Kung gaano kaganda ng tambalan nila. Parehas silang may successful career sa buhay. At... kung gaano kalabong magiging kami ni Zion.

Akala ko I'm over with Zion, pero after six years hindi parin pala nagbabago yong nararamdaman ko sa kanya.. At sa kanya parang wala lang ang lahat kung ano kami dati.

Siniko ako ng Glen kaya napalingon ako sa kanya at narealize na nakatitig na pala ako kay Zion.

Sobrang awkward naman nito. Napayuko ako at ninais ko nang maglaho.

"Kamusta Denisse.. "

Weird pakinggan na tinatawag ako ni Zion sa pangalan ko at bakit ako pa ang napansin niya.

"O-okay lang. "

Wika ko pero hindi ko siya nilingon kahit na minsan.

"Oh.. Mukha nga, kayo mga bro? Balita ko kakasal ka na daw Glen. "

Buti naman at nasa kanila na yong atensyon niya. Nakahinga ako ng maluwag at kumain nalang habang nakikinig lang sa mga pag-uusap nila.

Naramdaman kong may kamay na humawak sa kamay ko. Pagkaangat ko ng mukha ay si Micah pala ito.

"Okay ka lang? "

Bulong niya, tumango lang ako, kasi alangan namang sabihin kong hindi syempre tatanungin niya kung bakit tapos si Zion ang dahilan.. Ang boyfriend niya na ulit.

Ngumiti nalang ako sa kanya at she looks convince naman sa sinabi ko.

Hindi ako nagsasalita, pinili ko nalang makinig sa mga pinag-uusapan nila.

"Ikaw Denisse? "

Muntikan pa akong mabilaukan noong masali ulit ako sa usapan at si Zion nanaman ang nagtatanong. Umiinom kasi ako ng tubig.

"Ah? "

Wika ko dahil hindi ko din alam kung bakit niya ako nasali sa usapan.

"Naging huwarang salelady na ang bestfriend ko! "

Proud na wika ni Micah at niyakap pa ako. Hindi lingid sa akin ang pagkunot ng noo ni Zion.

"Salelady? "

Sinasadya ba niya talagang ulitin? Nanliliit na tuloy ako sa sarili ko.

"Hindi kasi ako nakapagtapos.. "

Maikling paliwanag ko.

Buti nga at hindi na siya nagtanong pa ng kung ano. Pero parang napatigil ito at nakatingin lang sa akin.

Nakakagulat ba na hindi ako nakapagtapos? Siguro nga.

"Tara na.. Walang kasama si mama sa bahay. "

Yaya ko nalang.

"Sige! "

Agree ni Glen. Nagsitayoan na kami, at sa parking lot ay nakahiwalay na kami nila Micah at Zion ng sinakyang sasakyan. May dala din kasing sasakyan si Zion tapos kami ni Glen makikisakay kay Gabby.

Nagpaalam na kami sa kanila at umalis na doon.

Sa byahe ay iniisip ko pa din yong kanina, mula sa pagdating nila Micah at Zion hanggang sa restaurant.

Mas tumangkad pa at gumwapo si Zion. Halatang naging successful na business man nga siya. Narinig ko kanina sa pag-uusap nila. Ang naiwan lang na katanungan sa akin ay kong bakit hindi na siya nagpakita noong pagkatapos ng birthday ko.. At kung bakit hindi na namin siya nakontak pa simula noon..

"Sorry Den, hindi namin alam.. "

Paumanhin ni Glen. Ngumiti lang ako sa kanila. Alam ko naman yon kaya hindi ko sila sinisisi. Pareparehas lang kaming nagulat sa nangyari.

Ngayon ko lang narealize kung gaano kaimpossible na maging kami ni Zion. Bakit sa kanya ko pa kasi to naramdaman. Sana sa iba nalang. Alam ko naman kasing simula palang ay hindi na talaga kami pwede.

Hindi ko namalayang tumulo na pala yong luha ko, pero bago pa makita nila Glen ay pinunasan ko na ito agad.

****

"Denisse, Paki-assist nga yong costumer doon. "

Wika ng kaco-worker ko, si Diane.

"Sige. "

Wika ko at lumapit sa matandang nahihirapang abutin yong nakahanger na blouse.

"Lola, ako na po. "

Inabot ko yong inaabot ni lola at ibinigay sa kanya.

"Salamat apo. "

Wika nito at nagtungo sa dressing room.

Napangiti ako sa lola, siguro fashionista si lola, kasi may pasabog ang porma niya.

"Denisse, pakicheck nga yong bagong dating na stock.. Malapit na daw sila.. "

Wika ng manager ko kaya pumunta akong stock room, may pintuan kasi doon palabas ng store. Doon ibababa yong mga paparating na stock.

Pagkabukas ko ng pintuan ay nasara ko ito ulit, pero hindi ko ito masyadong isinara dahil sumilip ako sa labas. Paparating kasi sila Micah at Zion at dadaan sila dito malapit sa store.

Sa dami ba namang pwede nilang pagdate-an bakit dito pa??..

Sa pagmamasid ko sa kanila ay may kunting kirot ulit akong naramdaman, lalo na noong makita ko kung gaano sila kasayang naglalakad na magkahawak kamay.

Dahil diyan isinarado ko nang tuluyan yong pintuan at sumandal doon.

Matagal ko nang tinanggap na hindi kami pwede eh.. Bakit ba bumabalik ulit yong nararamdaman ko sa kanya..

Sana hindi nalang kami nagkita ulit, sana hindi ko nalang ulit narinig ang boses niya..

At sana hindi nalang ako nainlove sa kanya noon. Sana rival nalang kami at hanggang doon lang.. Para hindi ako nagkakaganito..

Sinusuntok-suntok ko ng mahina ang dibdib ko at huminga ng malalim.

"Grow up Denisse.. "

Wika ko sa sarili, siguro kung nandito lang si kambal tatawanan nila ako dahil ako na ang nagsasabi sa sarili ng mga sinasabi nila sa akin lagi.

*****

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro