#32 Their Back!
After three years..
"Look who are here!!! The most handsome Engineer and the super hunk Police officer!!"
Wika ko habang kunwaring binabaril gamit ng aking mga daliri sila kambal.
Tumawa lang sila sa akin.
"Grow up Denisse.. "
Glen teased.
"Okay sir! "
Wika ko at tumatango-tango pa.
"Glen, sabihin mo na.. "
Sabat ni Gabby. Well siya yong tinutukoy kong napakagwapong engeener at si Glen yong police officer. At ako, dakilang sales lady sa mall.
But I never regret kung bakit naging ganito ang future ko. All things work together for good. And I know may plano pa ang Diyos sa buhay ko.
"Bakit anong balita? "
Maang kong tanong sa kanila. Inivite kasi nila ako na magbreakfast. Buti nga off ko kaya free akong sumama sa kanila.
Biglang nagsenyasan yong dalawa na parang hindi pa sila nagkakaintidihan.
"Oi bakit? Problema niyo? "
"Ah Den, pasyal pa tayo ha after we eat.. "
"Ha? Yan lang sasabihin niyo? Hahahahaha!!! "
Wika kong natatawa dahil para namang big deal iyon sakin.
"Ano ba kayo!! Oo ba.. Tara! Saan ba tayo papasyal? "
"Secret muna.. "
Wika ni Gabby at ngumiti na din sila. Napakunot-noo sila.
"Daming arte nitong dalawang to..o siya, secret na.. Go ako diyan.. "
At lumabas na kami ng bahay.. Buti pa tong mga kaibigan ko may naipondar na. Si Gabby may sarili nang kotse.. Si Glen nagpapatayo na ng bahay.. Lapit narin kasing ikasal yang kaibigan ko na yan.. Pero, hindi sila ni Mandy ang nagkatuluyan eh.. Nagbreak sila two years ago, habang going strong naman si Gabby at Yassy. Anyway I met Carly and Ezekiel yesterday at mag-asawa na sila.. At may one year old na baby na. Masaya ako para sa kanila. Wala na rin akong balita kay Jasmine and Mark..
Si Micah? Of course, lagi kaming updated sa isa't-isa. Best friend nga di ba..
Kahit gaano kahirap yong mga pinagdaanan ko hindi ako nawalan ng pag-asang magiging maayos din ang lahat. Nabayaran ko na ulit yong bahay namin kaya amin na ulit ito. Yep muntikan na kaming tumira sa kalye, buti nga at nagising na ako at nagsumikap. Kaya heto kumakayod para kay mama.
Dinala ako ng mga kaibigan ko dito sa airport pagkatapos nila akong ilibre sa isang restaurant. May uuwi ba? O aalis ba kami?
"Hoy? Ano to? One day lang day off ko ha.. Baka saan niyo ako dalhin. ."
Tumawa lang yong dalawa sa sinabi ko.
"We have surprise for you.. "
Wika ni Gabby at marahan akong tinulak sa likod para maglakad na. Nagtungo kami sa waiting area. So, hindi kami aalis. May hihintayin kami.. Huwag nilang sabihin na uuwi si Micah dahil kakausap lang namin kanina--napatigil ako..
I remembered Micah told me this morning sa chat namin.
'Wait for my surprise besty.. '
"Sabihin niyo nga sa akin, uuwi ba si Micah at kinutsaba niya kayo? Ha?? "
Wika ko habang sinusundot-sundot yong tiyan nilang dalawa.
"Grow up Denisse. "
Wika ni Gabby habang pinipigilan ako sa ginagawa ko.
"Kung makagrow up ka diyan.. "
Wika ko habang pinagpatuloy yong ginagawa ko..
"Wait, she's coming--"
Wika ni Glen pero parang bigla itong nagulat. Lilingon na sana ako noong akbayan ako ni Gabby.
"Tara, bili muna tayo ng maiinom.. Nauuhaw na ako eh.. "
"Weh? Totoo.. She's coming daw oh sabi ni Gle--"
"Sige na Denisse, bilhan niyo na din ako.. "
Wika ni Glen.. Feeling ko may tinatago tong dalawa sa akin. Hinila na ako ni Gabby pero nakaakbay parin ito sa akin kaya kapag lumilingon ako sa likod ko ay hinaharangan niya ako.
I gave up at sumama nalang sa kanya, pero hindi pa kami nakakalayo ay..
"Denisse!!! "
Wika ng kilalang-kilala kong boses. Wala nang nagawa si Gabby noong lumingon ako. Nagliwanag ang mukha ko noong tama nga ang hinala ko. Si Micah nga! Umuwi na siya. Tumakbo ako para yakapin siya.
"Besty!!! I miss you... "
Wika ko habang mahigpit na yinayakap siya.
"I miss you too besty!!! "
Wika din nito..
"Grabe ha nasurprise ako... "
Wika kong nangingilid ang luha ko. After seven years nayakap ko din ulit itong kaibigan kong ito.
Humiwalay ako sa kanya at tinignan siya mula ulo hanggang paa na may halong amazement sa mukha ko.
"Grabe, model na model ah.. Ganda! "
Wika ko pa. Ibang-iba na nga siya. Lalo pa siyang gumanda. Model daw siya doon sa kanila. Dapat na ba akong mainggit kasi tong mga kaibigan ko mga successful sa buhay.
"Thank you! Had another surprise for you.. "
Wika nitong sobrang lawak ng ngiti.
"Okay ready ako sa surprise na yan.. Ano ba? "
Wika kong punong-puno ng excitement.
"Did you remember Zion? Kami na ulit... And he's here with me.. "
Wika nito at saka humarap sa kung saan nakatayo si Zion na ngayon ko lang napansin. I don't know how and what to react. I'm surprise.
I don't expect it. Ang totoo, para akong binuhusan ng malamig na tubig. At lahat ng tuwa at excitement ko ay biglang naglaho. Naramdaman kong uminit ang aking mga mata at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon.
Si Zion nga.. Iba na yong hairstyle niya, napakapormal ng mukha niya. Mas kumisig at gumwapo pa siya..
"Hi Denisse, nice to see you again. "
Saka lang akong bumalik sa wisyo ko noong magsalita ito at nilahad ang kamay sa akin. Parang may nagbago.. Kung magsalita siya parang wala kaming something seven years ago. Bakit? Bakit ibang-iba na siya ngayon? Bakit siya nagbago? At paano ulit sila nagkabalikan? Bakit hindi kinukwento ni Besty sa araw-araw naming pagchachat..
"Den? Okay ka lang? "
Kunot-noong tanong ni Micah sabay tapik sa balikat ko.
Tumango lang ako at kumaway lang kay Zion. Hindi ko kayang hawakan ang kamay niya. Baka... Pagsisihan ko kung sakali.
"Sorry besty ha, sinekreto ko sayo. Anyway, kailan lang naman noong naging kami ulit. "
"O-okay lang.. "
Wika ko habang sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko at nang hindi manginig ang boses ko.
Muli akong sumulyap kay Zion pero hindi ito nakatingin sa akin. Tinititigan niya si Micah na may halong paghanga sa mata. It's seems that he really fell in love to my besty again. Hindi ko naman siya masisisi dahil gumanda pa si Micah.
Hindi ko maiwasang manliit sa sarili ko. Funny how things turned in the present. Naging successful tong mga kaibigan ko habang ako walang natapos kundi isang hamak na saleslady lang.
"Tara! "
Thanks to Gabby kasi gusto ko na ding umalis sa situation na to. Inakbayan niya ako at nagsimula na kaming maglakad. Sumunod na din sila sa amin.
"Sorry.. "
Gabby whispered. I know gaya ko ay hindi din nila inasahan ang lahat ng to. .
****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro