Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#3 Competition


Medyo malayo na ang nalakad namin ni Micah noong makahabol si Zion.

And to my dissapoinment, pumunta siya sa kabilang side ni Micah at saka inakbayan yong kaibigan ko.

Tinignan ko siya ng masama, kahit hindi siya nakatingin sa akin I saw him smirk.

At namula naman tong kaibigan ko, I saw her smile. Kinikilig to sigurado. Hay... Sige na nga. Pagbigyan na sila.

****

Ewan ko ba at hindi ako boto sa lalaking ito para sa kaibigan ko.

Or maybe, dahil feeling ko lang siguro ay naagawan ako. Sanay na kasi akong si Micah ang lagi kong kasama at sandigan. We have each other in worse and in best.

Hay, nakakalungkot lang dahil may bf na siya. I don't mean na ayaw ko siyang magkaboyfriend. Well, inaamin ko. It's just me. Hindi pa kasi ako ready ng ganitong situation.

Binatukan ko ang sarili ko sabay sabing.

"Ang selfish mo Dennise.."

"What?"

Nagulat pa ako noong may magsalita sa likuran ko.

Well, it's boy Zion again. Hay..

"Wala.."

Sabi ko na halos pabulong at hindi man lang siya tinignan.

Umupo siya sa tabi ko.

"Where's Micah?"

Kung hindi lang kasalanang magsinungaling sasabihin kong hindi ko alam.

"Nag-CR lang.."

Tamlay kong sagot sa kanya.

"Tsk..ano bang problema mo sa akin?"

He asked..

"Tsk."

Panggagaya ko sa expression niya.

"Because your leading my besty sa wrong path."

"Tsk..am I? "

He said full of sarcasm.

Lord, bigyan mo nga akong ng isang baldeng pasensya para sa lalaking to.

"Anyways, I don't care if you like me or not for your bestfriend. What important is she choose me. And he cares for me...."

See this guy? Really?

Buntong hininga ko. At akala ko tapos na siyang magsalita pero may dagdag pa pala.

"....more than she cares for you."

Parang akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ng lalaking ito.

Sinasagad niya talaga ang pasensya ko.

"I know my bestfriend at hindi siya ganon!"

Napasigaw ako bigla. I forgot na nasa library pala ako. Kaya hayon napatigil lahat ng mga istudyante na nasa loob ng library and they were all staring at me na para bang may ginawa akong crime.

"Miss Yakap. Please get out."

Madiin na sabi nong librarian.

Nakakainis, dahil unang beses akong mapahiya ng ganito. Sa favorite place ko pa.

And this guy beside me? Well I saw him smile, a smile of victory.

Mukha niya..I got an idea.

Kinuha ko yong bag ko at mga books ko sa table then I grab his uniform sa kwelyo at nagsimulang hilahin ito palabas ng library.

I don't care if pinagtitinginan kami. Well, I saw him blushing, dahil sa hiya o dahil sa galit. I don't care.

"What are you doing!?"

Sabi nito noong makalabas kami.

"I'm playing a fair game with you. Do you like it?"

I said in sarcasm.

"Tsk.."

He said then smirk.

"... Well hindi mo ako matatalo. I'm smarter than you."

Really this guy? Huh..

"At paano mo naman nasabi iyon? Ha?"

"Tsk..simple lang. Nasa section 1 ako and your in section 2. Am I right Miss hug?"

At nagsimula na itong maglakad palayo sa akin at hindi na hinintay ang sagot ko.

Syempre ako naiwang tameme. May point naman siya. Syempre napahiya ako don.

Pero anong sinabi niya? Miss hug?

Kailan pa naging Miss hug ang----(when I came to realized what does that mean) bastos yon ha!!! Eh Heil lang naman ang apelyido niya...katunog ng hell!!

Kainis! Nagkakasala pa tuloy ako..

Arrrrghh

****

Mag-isa akong umuwi ngayon. Well si Micah she's with boy Zion.

"Good evening pa.."

Sabi ko then nagmano kay papa.

"Si mama po?"

Tanong ko habang sumalampak ako sa sofa namin at nag-alis ng sapatos.

"Namalengke nak..may ginawang mango shake si ma sa ref. Miryenda ka muna. Maaga yong prayer meeting natin ngayon."

I almost forgot wednesday pala ngayon.

"Akyat lang ako pa."

Sabi ko kay papa at daling umakyat ng hagdan papuntang kwarto ko. Kailangan kong i-charge yong phone ko para matawagan ko si Micah. Nakalimutan ko kasing sabihin sa kanya kanina na mapapaaga yong prayer meeting. Malay ko kung anong dahilan ni pa.

Nong maicharge ko na yong phone ko ay bumaba din ako para magmiryenda. At nakarating na din pala si mama.

"Nak, pakibuhat nga yong nasa pintuan."

Utos ni mama na agad ko namang sinunod at dinala iyon sa kusina.

"May fries diyan..baka malambot na nga."

Sabi ni mama, yey! Favorite ko kasi iyon.

Dali ko itong kinuha at nilantakan.

"Salamat ma."

"Oh sige, dalian mo na. Nakaligo na ata si pa."

"Opo."

Sagot ko at dinala na ito sa kwarto ko.

Ang bait talaga ni mama. Mahal na mahal ko sila ni papa.

I checked my phone if full charge na. Pero kakacharge ko lang pala. Pero kahit ganon ay kinuha ko na at tinignan ang contacts ko idinial ang number ni Micah.

Mga ilang segundo lang noong sumagot ito.

"Hello Micah? Asan ka na?"

Agad kong tanong.

Nasa bayan, bakit?

"Sabi ni pa, maaga daw ang prayer meeting natin."

O sige papunta na ako.

"Sige"

Paalam ko at pinatay na yong call.

Naghalf bath lang ako at nagbihis. Then sabay-sabay na kami nila papa at mama na pumuntang church. Well nasa tabi ng bahay lang naman yong church eh.

Bilang anak ng pastor, obligado akong sumalubong sa mga dumadating.

Nakikipagkamayan..

Nagsasabi ng :

Welcome po!

Buti at nakarating po kayo!

Oh kamusta po!

Pasok po kayo!

Si ma naman ay nag-aayos sa loob kasama ng mga worker ng simbahan.

"Micah!"

Sigaw ko noong makita ko si Micah na pababa ng tricycle. Kala mo naman hindi kami nagkita kanina.

Tumakbo naman siya papunta sa akin tapos inihagis niya yong bag niya sa upuan at saka tumabi na sa akin.

Kasama ko din kasi siya sa pag-a-usher dito sa church.

"Dumating na ba sila Glen at Gabby?"

Tanong niya.

"Ha?"

Napakunot-noo ko. Hindi kasi nagsisimba dito yong mga iyon. Kaya nagulat ako noong sabihin ni Micah iyon.

"Anong 'ha' ka diyan. Hindi ba nila sinabi sayo kanina? Tinatanong kasi nila if pwedeng pumunta, kaya sabi ko, 'sige'."

"Ah yon pala, eh di maganda."

Mukhang ginagamit talaga ng Lord ang best friend ko ah. At masaya ako para sa kanya.

"Nakakalungkot nga eh. Niyaya ko si Zion, pero ayaw niyang pumunta. Hmm..naiintindihan ko naman siya."

Sa narinig kong iyon, mas natuwa pa ako sa best friend ko.

Ganyan nga Micah, hindi ikaw ang magpapatangay.

"Okay lang yan Micah, darating din ang araw para sa kanya. Atleast may ginawa ka."

Comfort ko sa kaibigan ko.

After few minutes ay dumating na rin yong kambal. Si Glen at si Gabby.

Pumasok na rin kami at nagsimula na ang gawain.

➡ thanks for reading my story! God bless you :))

Sorry for grammatical errors, wrong spellings and typo errors !!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro