Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#29 Never Was


Umuwi muna ako ng bahay para magpalit.  Ayuko kasing nakauniform lang,  di ba sabi ko nga I want this special day to be a very memorable one.  That I will cherish in the future. 

Naglagay ako ng lipstick at inayos ko yong buhok ko. Pagkatapos kong isuot yong sapatos ko ay umikot muna ako sa salamin bago lumabas ng kwarto.

"Pa,  ma!  Punta na po ako! "

Paalam ko kina mama at papa,  nasa kusina kasi sila.

Narinig kung sumagot sila bago ako lumabas ng bahay.

Pumara na ako ng tricycle at sinabi kay mamang driver na ibaba ako sa may Malchon Restaurant.

Malapit lang naman iyon kaya nakarating din ako agad.

Inayos ko muna yong suot ko bago pumasok doon.  Syempre with hinga ng malalim.  Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan masyado,  eh sasagutin ko lang naman si Zion.  Actually halo-halo yong nasa isip ko at nararamdaman ko ngayon.  Parang gusto kong bawiin,  pero nandito na ako and in any seconds from now ay maaring dadating na si Zion. 

"Go Denisse, you can do this!"

Pang-aalo ko sa sarili ko. Nakita kong may tumigil na sasakyan sa harap ng Malchon, I expected it was Zion.

Kaya inayos ko yong upo ko. But may lumabas na babae mula doon at a tall man with her. Kaya napakunot-noo ako. Siguro parehas lang sila ng sasakyan ni Zion.

Kahit ganon hindi ko maiwasang tignan yong bumaba mula sa sasakyan na yon na mukhang magkasintahan. Pumasok din sila sa Malchon, then I guest kilala ko nga yong lalaki. I super know him, tinignan ko yong girl.

Tumayo ako at pumunta sa kinaroroonan nila. They look so happy together.

"Ehem.. "

Intro ko noong makalapit ako sa kanila.

"Denisse? "

Wika nong lalaki na parang nagulat ng sobra sa prisensya ko.

"D-denisse. "

Wika din nong kasama niya. Natuwa ako noong nagulat sila.  I really don't expect them to be like this.  Like paano?  Kailan sila nagkita? 

"Field trip pala ha? "

Finally wika ko kay Gabby. Napakamot naman ito ng batok.

"Eh ..kasi, ano--"

Hindi na natapos ni Gabby ang sasabihin niya dahil sumabat na si Yassy,  and yes,  si Yassy na kaklase ko at bestfriend ni Carly.

"H-hi Den!  G-good to see you here. .m-magkakilala k-kayo? "

I heard uneasiness sa boses ni Yassy.  Para siyang kabado?  Bakit naman??

"Hi!  Ah oo,  kaibigan ko sila ng kambal niya. ."

Wika ko at ngumiti sa kanya.  Tumingin ako kay Gabby at sinenyasang magkwento siya sa akin. So may be I must leave now,  para magkaroon sila ng privacy.

"Sige balik na ako sa upuan ko.  Have a good time!. "

Wika ko at nagwave pa ako ng kamay. Tinignan lang ako ni Gabby at umiling-iling.

Bumalik na ako sa upuan ko at bumuntong hininga.  Ang tagal naman ni Zion.  Kinuha ko yong phone ko sa bag.  5pm ang usapan namin pero magsisix na,  wala pa siya. 

Hinanap ko nalang yong number niya sa contacts ko at matawagan na nga lang siya.

"Number busy?.. "

Wika ko sabay buntong hininga ulit.  Ano bang nangyayari sa taong iyon?  May katawag ba siya?

Pero later on nagring yong phone ko.  Nakahinga ako ng maluwag noong si Zion yong caller.  Baka siguro nagkasabay kaming tinawagan ang isa't-isa kaya number busy.

"Hello.. "

'Miss hug,  I'm so sorry.. I think I can't come to you. '

Bahagya akong nalungkot dahil sa sinabi niya.  Tinignan ko yong damit ko at ayos ko at bumuntong hininga ako. 

'Sorry Miss hug,  may emergency kasi na kailangan kong puntahan. '

So that's his reason,  napatayo ako at kinuha ko yong gamit ko at pumunta sa labas. Kinabahan ako para sa kanya,  hindi ko alam kung anong emergency iyon,  gusto kong tanungin pero nahihiya ako. Kahit nagkakausap na kasi kami ni Zion ng madalas ay hindi naman ganon kaopen si Zion ng tungkol sa buhay niya.

"Asan ka?  Pupuntahan kita.. "

Nag-aalalang tanong ko. I wanna know everything about Zion.  Baka kailangan pala niya ng masasandalan o ng kaibigan mananatili sa tabi niya.  May be he needs me.

"No! "

Nagulat ako sa naging sagot ni Zion. Ma-authoridad niya itong sinabi. 

"B-bakit? "

Tanging nasabi ko nalang.  Mukhang napansin ni Zion ang pag-iba ng boses ko kaya huminahon din siya.

"Ayukong magbyahe ka mag-isa,  at gabi na.. Delikado sa daan.. Just go home and be safe,  okay.. "

Tagos sa puso ko ang sinabi ni Zion.  Naramdaman ko ang pag-aalala niya sa akin.  Paano pa kaya if naging kami na. Kaya hindi nalang ako umangal though I really want to see him and be at his side right now. I really feel that he needs me.

"S-sige.. Ingat ka.. "

"You too.. Need to hurry,  bye.. "

Narinig ko na ang end call tone. Hindi ko maiwasang hindi mag-alala para kay Zion.  Pero ano namang magagawa ko,  eh hindi ko naman alam kung paano pumunta sa kanya.

Bumuntong hininga ako.

"Oh Den,  why are you still here?  Kanina ka pa lumabas ah, pauwi ka na ba? "

Tanong ni Gabby,  lumabas na kasi sila ng Malchon.

"Oo,  kayo? "

"Pauwi na din,  sabay na tayo. "

Yaya nito. Inirapan ko siya kasi ano ako tithird wheel sa date nila?  Paano si Yassy? Mukhang nagets naman niya ang ibig kong sabihin.

"A-ah kaya kong magdrive pauwi, don worry. "

Wika ni Yassy bago pa makapagsalita si Gabby. Mukhang nagets niya din yong expression ko.

"Sure? "

Tanong ko kay Gabby.  Baka kasi maging Carly - Ezekiel issue nanaman to. Di bale kaibigan ko naman talaga si Gabby eh.

"O-oo. Sige mauna na ako,  s-salamat G-gabby! "

Tumango lang si Gabby at nawave ng kamay kay Yassy?  Ha?  Mali ba ako ng interpretasyon?  Wala ba silang something?

Pinanood naming makalayo yong sasakyan nila Yassy na kagaya nong kay Zion at noong medyo malayo na ito ay pumunta na kami ni Gabby sa sakayan ng jeep.

"Akala ko ba may field trip kayo? At bakit kasama mo yong kaklase ko? Saan kayo nagkakilala? "

"May field trip naman talaga kami,  nagkataon lang na kailangan nong kaklase mo ng tulong,  tas ako yong nakakita sa kanyang nasiraan ng sasakyan. So I helped her,  at ililibre niya daw ako bilang kapalit,  sabi ko hindi na pero she insisted eh.  Susunod naman ako sa kanila mamaya. Hatid na muna kita. "

"You sure?  Baka mahuli ka na masyado? "

Paninigurado ko.

"Oo nga,  ah bakit ka pala nandito?  Sino ba ang imimeet mo dito? "

With that ay naalala ko ulit si Zion.  Kamusta na kaya siya ngayon?  Okay ba talaga siya?

"Saka ko na sabihin,  tara na. "

Wika ko at hindi naman umangal si Gabby,  dahil sumakay na kami ng jeep.

Noong maihatid niya ako sa bahay at umalis din siya agad.

Pumasok na ako sa bahay,  naririnig ko si mama at papa sa kusina. Tinatamad na akong pumunta doon kaya nilakasan ko nalang yong boses ko.

"Nandito na po ako.. "

Pagkasabi ko non ay umakyat na ako sa kwarto ko.  Umupo muna ako sa tapat ng study table ko at kinuha yong phone ko sa bag.  Natuwa ako noong may makita akong text message. Dali ko itong tinignan.

From: Gabby
Happy birthday ulit Den!  God bless you!

Though nadissappoint ako dahil I expected it was Zion,  pero still napangiti ako ng message ni Gabby.  Nagthank you nalang ako sa kanya.

*******

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro