#26 May Be Friends
Nakatulala ako sa bintana ng school noong dumating yong guro namin..
Parang wala ako sa mood mag-aral. Bumuntong hininga ako at kumuha ng notebook sa bag ko. Oo wala ako sa mood pero kailangan ko paring mag-aral.
Nagsasalita na yong guro namin sa harap. Ewan ko kung anong sinasabi niya. Wala akong maintindihan dahil nakatulala lang ako sa nilabas kong notebook at naalala parin yong nangyari kahapon.
"...Zion Heil! "
Bakit ko ba naririnig yong pangalan nong boy Zion na yon?.. Ganito na ba ang epekto niya sa akin?
Tama na heart, huwag mo siyang gustuhin. Di kayo bagay at hindi kayo pwede..
Pang-aalo ko sa sarili ko.
"Hi! "
Napakunot-noo ako sa narinig. May anino ng taong nakatayo sa gilid ko. Pag-angat ko ng mata ko, lahat ng classmate ko ay nakatingin sa akin. Dahan-dahan kong nilingon yong anino sa tabi ko.
"Ikaw?!!! "
Napatayo ako at alam kong gulat na gulat yong mukha ko. So totoong narinig ko nga yong pangalan niya. Anong ginagawa niya dito.
"Ako nga classmate! "
Wika nito na nagwink pa at saka umupo sa bakanteng upuan sa likod ko.
Bakit... Bakit... Bakit...
Anong gagawin ko na ngayon. Classmate ko na siya?
Kaya ko ba siyang makasama araw-araw ng hindi mahuhulog sa kanya ng tuluyan?
Naupo na ako at I think tumigas na yong katawan ko dito sa upuan ko. Nakayuko lang ako kahit na nagsisimula nang magdicuss yong guro namin.
Nananalangin na sana break time na o di kaya ay uwian na.
"Miss hug, pahiram ako ng notes mo ha?. "
Kalabit pa nito sa likod ko. Pero hindi ko nalang siya pinansin.
Nong magbell na ay dali kong inayos ang gamit ko at halos patakbo akong lumabas ng classroom.
***
Though nakakapanibago na kaklase ko na ngayon si Zion, nakakaya ko namang magsurvive na kasama siya.
Madalas nga lang na snob ako sa kanya.
Naglalakad ako ngayon papuntang library. Pero bago ako makapasok ay tumigil ako dahil palabas din is Ezekiel na napatigil din noong makita niya ako.
"H-hi! "
Wika nito pero di ako makasalita. How I wish na sana hindi nalang nangyari yong mga nangyari noon.
"S-sorry ulit about sa nangyari, I brought you trouble. . How I wish na kaya ko lang erasin lahat iyon. "
Wika nito na napakamot ng batok. Napakunot-noo ako at bahagyang napangiti kasi parang parehas kami ng iniisip.
"By the way, I miss our friendship ..p-pwede ba nating ibalik iyon? "
Tanong pa nito. Naglakad na ako papalapit sa kanya at tinapik yong balikat niya.
"Oo naman, friends? "
Wika ko at nilahad yong kamay ko.
"Friends.. "
Wika nito at inabot na yong kamay ko. Ngumiti na ito at nawala na ang pag-aalinlangan sa mukha niya.
"Excuse me ha.. Pwede na ba akong pumasok? ".
Wika ko dahil nakaharang siya sa pintuan ng library.
"A-ah.. "
Wika nito at nagpagilid para makadaan ako.
"See you later Den! " Paalam nito, at nagwave nalang ako ng kamay.
Napangiti ako dahil sa nangyari. Ewan ko kung kamusta na sila ni Carly, pero I think panahon na para ibalik yong meron kami dati. Hindi naman na siguro niya ipagpipilitan yong panliligaw niya.
Umupo na ako sa bakanteng upuan doon at inilabas na yong mga notebook ko. Pero kailangan ko pa palang kunin yong book na gagamitin ko para sa assignment. Kaya pumunta muna ako sa shelves at hinanap iyon. Agad ko din naman itong nahanap kaya bumalik na ako sa upuan ko.
Napakunot-noo ako sa kulay puting rose doon sa ibabaw ng notebook ko na iniwan ko kanina.
May maliit din na papel na may nakasulat doon na:
'Mahirap man hulihin yang puso mo, pero hindi ako mapapagod na habulin ito hanggang maitali ko siya sa puso ko. '
Secret admirer? Iginala ko ang aking paningin sa loob ng library. But everyone seems no idea sa rose and note na to sa table ko. Kaya naupo nalang ako at itinabi muna iyon.
Pero napapaisip ako kung sino nga..
***
After one week, yong akala kong habang buhay kong maiiwasan si Zion ay nanatiling akala lang pala.
Hindi ko kasi maiwasang hindi siya pansinin. Lalo at nakikilala ko na siya. Napakakind pala ni Zion, hindi lang sa akin kundi sa lahat. Ang bilis din niyang nagkaroon ng friends hindi gaya sa akin noong first time ko dito.
Kung noon feeling ko na wala akong puwang sa school na ito dahil nga halos mayayaman ang mga nag-aaral dito, pero salamat kay Zion dahil nakakasama na ako sa mga club-club ng walang kahirap-hirap.
Yep, magkaibigan na kami. Nagsasalo na kami sa tawanan, kulitan at maging sa pag-gawa ng mga requirements sa school.
Nagpaparamdam parin naman siya, pero naglalagay lang ako ng barrier. Okay na ako na kasama ko siya at nakakausap. Ayaw kong kunin yong pagkakataong i-betray pa ang kaibigan ko. I know that Zion is still important to Micah. At lagi ko iyang aalalahanin.
I hope nga hindi ako mag-give in..
Masaya naman ako ng ganito kami.
"Oi, bakit ka nakatulala diyan? Crush mo na ako? "
"Hindi no, may iniisip lang ako! "
"Iniisip mo ako? "
"Asa! "
Wika ko at nagpatuloy na sa pagsusulat.
"Miss hug.. Kailan mo ako sasagutin? "
"Baliw! Hindi kita sasagutin kaya ibaling mo nalang sa iba yan! "
Wika kong bahagyang tumawa at umiling-iling.
Pero nanatiling seryoso yong mukha ni Zion.
"Paano kung magchurch ako, sasagutin mo na ako? "
"Aaah!... "
Sabay pitik ko ng pisngi niya.
"Aray.. "
Wika nito at hinahaplos yong pinitik kong pisngi niya.
"Hinding-hindi! Ginawa mo pa akong dahilan para magchurch ka ha.. "
Bahagya ko siyang inirapan.
"Ano ba dapat ang reason? "
"Common sense Zion.. Syempre si God! "
Pagkasabi ko nito ay bigla siyang napatigil. At parang sobrang lalim ng iniisip.
Napaisip din ako.
"Bakit? May problema ba? "
Tanong ko pero umiling-iling lang siya.
"Taposin na natin to. "
Wika nito at bumalik na sa pagsusulat, gumagawa kasi kami ng assignment namin ngayon.
"Okay! "
Nagsulat narin ako..
****
Turtle update :(
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro