Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#23 Wrong Timing


I am not ready for all those confessions and happenings today.

This is too much to bear and experienced in just a single day.

I am not ready na yong crush ko dati na may girlfriend ay pipiliing hiwalayan yong girlfriend niya dahil gusto niya din ako.

I am not also ready na yong taong hate na hate ko noon ay parang nagkakaroon ng puwang sa puso ko

And to over think of it, I am not ready na yong bestfriend ko ay ituring akong enemy kapag nagkataon. I won't let that to happen.

Mahal ko si Micah, so dapat hindi ako napaparanoid at dapat umarte akong normal. I'm becoming abnormal these past days. Sabi nga ni Zion, nagbago ako.

Ah, Lord. Guide me please, show me what to do..

Wika ko bago piliting matulog dahil magtetwelve na and am still wide awake.

****

"Nak, bilisan mo na. "

Yaya ni papa, nakabihis na kasi sila ni mama. Birthday nong kambal ngayon and pupunta kami sa bahay nila kasi doon ang celebration. Pinapapunta si papa at mama kasi ipagpepray over daw sila.

"Opo!"

Wika ko at sinarado na yong kwarto ko at patakbong bumaba.

Sabay-sabay na kaming lumabas at sumakay sa sasakyan ni papa papunta sa bahay nila Gabby. At syempre may regalo ako sa kanila. I missed them sobra, halos isang linggo kaming hindi nagkita-kita. Bakit kasi magkaiba kami ng school.

Speaking of school, bigla kong naalala si Zion. Nag-aaral kaya iyon? Parang hindi ko naman nakikitang nakauniform siya kapag nagtatagpo yong landas namin. At madalas pa na malapit sa school ko pa siya makita.

Wait..wait.. wait.. Denisse, bakit mo ba siya iniisip. Anong pakielam mo sa kanya?

Buti nga at nakarating na kami dito sa bahay nila Gab para matigil na din tong utak ko sa kakaisip kay Zion.

Simple lang naman yong celebration ng birthday nila kambal. Ilan lang din ang bisita.

Pinakilala kami ni Glen at Gabby sa mga magulang nila at may kapatid pa pala silang babae, si Grace, grade six na ito.

Kung lalaki lang si Grace, para na silang triplets, magkakahawig talaga silang magkakapatid.

And ang bilis naging close si mama at mommy nila Gab. Halos magkaedad lang kasi sila.

So nagpray na nga si papa after non ay kainan na. Kasama ko na sina Gabby at Glen. And of course nandito si Mandy, Mark at Jasmine. May kaibigan din sila Gab sa school nila ngayon na nandito.

We have a happy celebration ng birthday ng kambal. I'm so happy na nagustuhan din nila yong gift ko.

"Den.. Sleep over ka nalang dito, matutulog din naman sina Jasmine at Mandy. Manonood tayo ng 'The Shack'."

Wow! Gustong-gusto ko talagang mapanood na yong the shack. Eh nag-iinquire pa ako ng mapagbibilhan ng book non.

Kaso.. I don't think if papayag sila papa.

"Paalam muna ako."

Tugon ko kay Glen.

"Sige na paalam ka na, paalis na ata kayo oh."

Wika niya at talagang itinulak pa ako. Inirapan ko lang siya habang nginitian niya lang ako.

Lumapit nga ako kina papa.

"Pa, pwede ba akong matulog dito?"

Napalaki ng mata si papa. Kaya agad akong humagilap ng sasabihin ko.

"Matutulog din daw po dito sina Jasmine at Mandy. Manonood lang po kami.."

"Hindi ba nakakahiya sa magulang nila?"

Tugon ni papa na mukhang nakahinga na ng maluwag.

"Si Glen naman po nagyaya."

Wika ko.

"Pero anak, alam mo ang tama sa mali ha."

"Pa naman, opo.."

Wika ko at niyakap si papa. Nasa tabi lang nito si mama na sinusuri din ako.

"Ma naman, pumayag na nga si papa."

"Anak, behave ha. "

Maikling tugon lang nito.

"Opo."

Wika ko at niyakap din siya at umalis na nga sila. Pinuntahan ko na nga sina Glen. Kasama pa rin naman yong mga barkada nila at sila Jasmine.

"Sayang lang at wala na si Micah.."

Mahinang pahayag ni Jasmine.

"Oo nga, nakakamiss yong babaeng iyon."

Wika ni Mandy. Oo, nakakamiss talaga siya.

"Wait lang guys ha, hatid ko lang sila."

Paalam ni Gabby, uuwi na kasi yong mga kaibigan nila.

So ang mag-sleep over lang ay si Jasmine, Mandy, Ako at si Mark.

****

Nakapwesto na kami sa sala nila at nilagay na din ni Gabby ang dalawang malalaking bowl ng popcorn sa gitna. Inayos na din ni Glen yong flash drive niya sa flat screen nila and we are all excited to watch the shack.

Nasa gitna ako ni Jasmine at ni Mandy.

"Wait! Bago tayo magstart, video call muna natin si Micah. Dali!"

Excited na pahayag ni Mandy. Lahat naman kami ay nagustuhan yong suhesyon niya.

Mabilis na binuksan ni Glen ang skype niya and in a minute ay nagriring na sa kabilang linya.

"Hi!!!!!!!!!"

Halos sabay-sabay naming wika kay Micah nong tanggapin niya yong tawag namin.

'Bakit kayo magkakasama?'

Natatawang pahayag nito.

"Birthday nila kambal, sayang nga wala ka."

Wika ko.

'Ah ganon ba? Anong handa?'

"Handa talaga ang hinanap, hindi man lang sila batiin?"

Pout na sabi ni Mandy.

'Andiyan ka naman na ah. Kala mo di ko alam.'

Biro nito at inirapan ako ni Mandy.

"Oi, that what bestftiends are for.."

Depensa ko sa irap niya. Tumawa lang naman yong mga kasama namin.

'Well, happy happy birthday Gab at Glen!! Wish you all the best!!'

"Thank you!"

Sagot ni Glen.

"Salamat!"

Sagot din ni Gabby. Ngumiti lang si Micah.

"Micah, nakita ko si Zion nong isang araw!"

Pahayag ni Mark. Lahat kami napatingin kay Mark na para bang may ginawa siyang malaking krimen.

Kinurot siya ni Jasmine sa tagiliran.

"Aray! Bakit ba?"

Maang pa nitong tanong.

'Don't worry guys, okay lang. Ah sige na ha. May gaawin pa kasi ako.'

Nagsisikuhan lang si Mark at Jasmine.

Nagpaalam nalang din kami. Bakit ba lagi nalang akong nagiguilty. Kita kasi sa mata ni Micah na hindi pa siya okay. While ako, mukhang nahuhulog na kay...no! No! No! Hindi ito pwede!

"Ikaw kasi."

Sabay sabunot ni Mandy kay Mark.

"Malay ko ba, hindi naman kayo nagsasabi."

Halukipkip na wika ni Mark.

"Ano? Manonood na ba tayo?"

Tanong nalang ni Glen. Napabuntong hininga lang ako.

"Oo, start na. "

Agree ni Jasmine.

Nakaramdam ako ng mahinang tapik sa likod ko. Lumingon ako doon at nakaupo si Gabby sa couch, nasa baba kasi kaming girls sa couch ang boys at sa floor kami nakaupo.

I smiled to him at ngumiti din siya sa akin.

See? Ang caring talaga ni Gabby, alam niya kong kailan mo siya kailangan...blessed talaga yong magiging girlfriend niya.

At nagsimula na kaming manood.

Na-LLS pa ako sa soundtruck nong movie na 'keep your eyes on me'.

*****

😰😰

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro