Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#21 Why

I keep waiting for Zion after that day sa pinaghihintayan ko ng jeep. I just want to thank him for saving me. Pero three days had passed, kahit anino niya hindi man lang nagpakita.

I also told Ezekiel na yong payong is papalitan ko nalang. Hindi ko na sinabi yong nangyari kung bakit ko ito nawala.

Pero of course nalaman ito nila kambal and ni Micah. I also told her na si Zion yong nagsave sa akin. And I feel so strange sa kinilos niya after I told her. Or it's just me, kasi parang nagmadali siyang nagpaalam sa akin.

Siguro nga hindi pa siya nakakamove on kay Zion.

Because of that..nagkaroon ako ng bright idea, and I hope that it was really a bright idea as I think it was.

Isa ako sa dahilan kung bakit sila nagkahiwalay noon, so may be I can be their bridge to reconnect and continue their love story that was ruined by the feeling superwoman, that was me.

Yes, may be that's the right thing to do. I need to pay my debts to them. Siguro that's the reason God wants me to realized kaya nangyari yong mga nangyari sa buhay ko.

Kaso. . .

Paano ko ba hahagilapin si Zion? Wala akong number niya o ng kaibigan niyang si Jason. And ayuko siyang i-add sa facebook. Or maybe pride ko lang to na ayukong maunang mag-add sa kanya.

***

So eventually that night, I'd decided to add him.

At ngayon hinihintay kong i-accept niya iyon. But that was already two hours ago, and 11pm na. I need to sleep may exam pa kami bukas.

Bakit kasi may pagka-aggressive ako. Malay ko ba kung busy yong tao tapos hindi pa niya nakikita .

So I off my wifi connection and my phone and lay on my bed.

***

" Malandi ka!! Mang-aagaw!!"

Hey? Ako ba ang tinutukoy niya? Nong ginawa ko?

Everbody was staring at me and the girl who just accused me na mang-aagaw.

Wala akong alam sa sinasabi niya? Wala akong inaagaw sa kanya?

"C-carly? Anong sinasabi mo?.."

Maalumanay kong tanong. And please if prank man ito, sana itigil niya na kasi masyado nang nakakakuha ng atensyon at hindi ako sanay ng ganito.

"Huh!?."

She said with disgust.

" Painosente! Diyan ka ba expert? Ha?!"

"Bakit ano ba kasing ibig mong sabihin Carly? And please if prank to, please just stop, kasi masyado na akong napapahiya sa ginagawa mo.."

I managed to said that to her calmly.

Pero parang mas lalo siyang nagalit at sinugod ako. Sinabunutan niya ako and all I can do ay sumigaw ng 'aray!' 'Masakit'.

Nagmamakaawang itigil niya na ito. Naghiyawan yong mga tao sa hallway. Yes nasa hallway kami, and this thing, I can't believe it's happening.

I cried as I ask her to stop, but she never listened instead hinigpitan niya ang pagkasabunot sa akin and declared.

"Itong babaeng ito! Mang-aagaw! Do you think she deserve what I am doing to her?!"

And nagulat ako when some agreed. Ni hindi ko alam kung anong nangyari, kung bakit ako naging mang-aagaw at kung bakit niya to ginagawa.

Gusto kong lumaban pero I tried not to. Papa said, do not pay wrong deeds with wrong deed.

Pero. . . .

This is too much, I am innocent here. I'd done nothing wrong.

Ni wala man lang tumulong sa akin. Bakit ganito sila? How I wish Glen and Gabby is right here.

Sinong magmamagandang loob na tulungan ako.

Lord, bakit po...

The next thing she did ay hinila ako sa buhok at kinaladkad from hallway hanggang sa gate. At yong luha ko ay patuloy na humahagos sa mata ko.

when the guard saw us ay lumapit siya at sinabihan si Carly na lubayan ako.

"Bakit? Gusto mo bang matanggalan ng trabaho?!"

"Miss, kawawa naman po siya. Wala po akong pakielam kong ipatanggal niyo ako sa trabaho ko, responsibilidad ko pong protektahan ang sino man sa inyo kapag sa ganitong bagay. Huwag niyo pong gawin yan if ayaw niyo pong kayo ang makick out sa school na ito."

Matapang na sabi ni mamang guard..

Salamat talaga kay kuya guard. Atleast alam kong may kakampi ako.

"How dare you! Then protect me! Don't tell anyone what I did! !! "

Sabi nito at saka itinulak ako.

"Yan! Magsama kayo!"

At umalis na ito. Agad naman akong inalalayan ni mamang guard na tumayo at
inabutan pa ako ng panyo para punasan ang luha ko.

"Okay ka lang naneng?"

Sabi ni mamang guard, may katandaan na din si mamang guard.

"Okay lang po.. salamat po.."

Sumisinghot ko pang tugon. Pinaupo ako ni mamang guard sa upuan niya sa gate.

"Alam mo naneng, pwede mo yang ireport sa guidance. At ano ba ang kasalanan mo pala? Bakit ka niya ginaganon?"

"Di ko nga po alam.. basta nalang po niya akong sinigawan at sinabunutan kanina. "

Wika ko noong mapunasan ko na mga luha ko.

"Hay naku talaga.. hulaan ko, scholar ka dito no?"

Tumango nalang ako.

"Kaya pala. . Alam mo naneng wala kang mapapala dito kung hahayaan mo lang silang ganyanin ka. Aba! ipakita mong hindi sa kayamanan ang sukatan ng respeto dito, dahil pareparehas lang kayong istudyante at pinag-aaral ng mga magulang niyo."

Tumango lang ako. Actually, hindi ko naman nakikitang ginaganon ako ni Carly dahil mas mayaman siya sa akin, ewan ko ba kung bakit ang init lang ng dugo niya sa akin?

"Salamat po.. mauna na po ako."

Wika ko at tumayo na.

"Deretso ka nang guidance office naneng ha. Ireport mo yong nangyari para hindi na nila uulitin iyon ha."

Ngumiti lang ako kay mamang guard, mabait pala ito. Nadadaanan ko lang kasi siya kapag papasok at lalabas ako ng gate, at ngayon ko lang siya nakausap ng ganito.

Thank you Lord sa buhay ni kuya Guard, pagpalain niyo po siya.

Taimtim kong panalangin bago tuluyang iwan si mamang guard sa gate at pumunta nang classroom namin, I don't care if pinagtitinginan nila ako. Hindi naman ako pwedeng umuwi kasi may exam pa ako at maapektuhan yong scholarship ko if hindi ako maipasa yong exam.

Nasa classroom na ako at inaayos yong notebook ko sa lamesa ko when someone called my name sa may pintuan.

"Den.."

Mahinahon at may pag-aalalang wika ni Ezekiel.

Is he the reason? Kung bakit iyon ginawa sa akin ni Carly?  I don't get it? Eh wala naman kaming ginagawang masama?

Lumapit ito sa akin at saka tinignan kong may galos ako sa mukha o sa kamay.

"Ezekiel...b-bakit?"

Tanong ko sa kanya dahil sa totoo lang hindi ko nagegets kong bakit nangyayari sa akin itong mga to ngayong araw.

"Pwede ba tayong mag-usap...I mean in private.."

wika nito at tumingin-tingin sa paligid where everyone was staring at us at nagbubulungan.

"Baka lumala lang ang sitwasyon, hindi ko maintindihan kung bakit ganon si Carly, pero pwede bang huwag muna tayong mag-usap. Nag-away ba kayo? Suyuin mo nalang siya, tell her the truth na friends lang tayo. Baka kasi naoover think niya lang yong mga kinikilos mo like yong pagpapahiram mo ng payong sa akin. Kasi I feel na hindi yon okay sa kanya. And don't worry I will forgive her. Tell her that. Sige na Ezekiel..may exam pa kami at kailangan ko pang magreview."

Nakatitig lang siya sa akin. May lungkot sa mga mata nito. Tumayo siya then may kinuha siya sa bag niya at ipinatong iyon sa lamesa ko.

"Sorry, my fault..."

Then he leave after he said that. At ako naiwang tulala, nakatitig sa likuran niya habang naglalakad ito palabas ng classroom namin..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro