#20 Strange Feeling
"Saan yong bahay niyo?"
Muling tanong niya noong nalagpasan na namin yong old house nila Micah.
"Diyan sa tabi ng church."
Turo ko sa bahay namin. So he stopped his car doon.
Nilingon ko siya at yayayain sanang pumasok muna dahil malakas pa ang ulan at kulog.
Tsaka basa kami kailangan din niyang magpalit.
Pero napatigil ako noong makitang he was looking intently sa cross sa harap ng church.
Then questions begun to rise in my mind.
"Why do you believe God?"
He caught me in his question.
Why do I believe God?
Bata palang naman ako ay naniniwala na ako kay God. Of course given na na mga pastors ang mga parents ko at laking church na talaga ako. Pero bukod kasi sa alam kong si Hesus ang tagapagligtas ko at mahal Niya ako ay wala na akong maisasagot pa kay Zion.
"H-he is m-my Savior.."
Medyo utal kong sagot, alam kong hindi naman dapat pero bakit ako ganito.
"I don't see Him one.."
Sagot nito, kaya napatulala ako.
No Zion, he saved me. And I think nga na naging instrument ka niya this day to saved me from harm.
Iyan ang gusto kong sabihin pero hindi ako makasalita kaya nag-iwas nalang ako ng tingin.
"Ah..nevermind.."
Biglang bawi niya sa sinabi niya. Kaya napatingin ako sa kanya. And now nagkasalubong yong mata namin. Pero ako ang unang umiwas.
"T-tara muna sa loob...m-malakas pa yong ulan, doon ka muna magpalipas oras."
Wika kong nakayuko. Pero napaangat din ako ng ulo sa agarang sagot niya.
"Okay."
So lumabas na kami sa sasakyan niya, noong makita kami ni papa ay sinundo niya kami ng payong.
Hindi na tinanong ni papa kung sinong kasama ko, basta pinapasok niya na kami.
Nakatayo lang sa pintuan si Zion at parang sinusuri ang loob ng bahay namin.
"Nak pumasok ka na sa kwarto mo at maligo. ..oh heto ibigay mo sa bisita mo nang makapagpalit na rin."
Sabi ni papa sabay abot sa akin ng damit. Short at t-shirt ito ni papa at may nakabalot pa na pangloob (brief). Namula ako sa nakita ko pero bakit ba ako nagkakaganito.
Umalis na si papa at parang pumasok ito sa kusina. Lumapit na rin ako kay Zion at inabot yong damit na bigay ni papa.
"Doon yong banyo."
Sabay turo ko ng pintuan malapit sa kusina. Umakyat na ako para makahugas na din ng katawan.
Habang nasa banyo ako para akong baliw sa iniisip ko. Iniisip ko kasi yong nangyari kanina.
Lahat ng nangyari ay biglang nagpabago ng pagtingin ko kay Zion. Hindi parin ako makapaniwala na siya pa ang magliligtas sa akin.
Napasabunot ako sa buhok ko. I am so mean to him before..
Lumabas na ako at nagbihis. At bumaba na din ako. Naabutan ko sa sala si mama at papa at kaharap si Zion. Biglang tumayo si mama at niyakap ako.
"Thank you Lord, anak buti hindi ka napahamak. Salamat sa binatang ito..sinabi na din niya ang nangyari kanina."
Tapos pinaupo ako ni mama sa tabi niya.
"Iho salamat sa pagliligtas sa anak namin."
Wika naman ni papa. Tumango lang si Zion. Tinignan ko yong kamay niya at mukhang nagamot na din ni mama.
"Iho dito ka muna matulog, mukhang hanggang bukas pa ng tanghali ang bagyo. Textsan mo nalang yong mga magulang mo."
Wika ni mama. Yes, kung may contest man ng pagiging hospitable, I will nominate my mama.
"Wala po akong magulang."
Ha? Wala siyang magulang?
"Ah, wala ka bang guardian iho?"
Nag-aalalang tanong ni mama.
"Meron po, sige po itetext ko nalang siya mamaya."
Mahinang wika niya. Pero feeling ko hindi siya comfortableng pag-usapan ang bagay na ito.
"Ah ma? Parang sunog na po ata yong sinasaing niyo?"
Tanong ko dahil may naamoy akong parang sunog nga.
"Ma, tignan mo?"
Sagot ni papa pero nakitayo din siya kay mama. So ngayon kami nalang ni Zion ang naiwan.
Tumingin ako kay Zion, which I think is wrong move dahil nakatingin din siya sa akin. Napayuko tuloy ako.
"You have a great parents, you are lucky.."
Wika nito, tumango lang ako.
"I wish my parents are still living. They are also great."
Wika nito. I can hear sadness in his voice. Bakit? Ano kayang nangyari sa mga magulang niya? I want to ask pero nahihiya ako. Baka mapahiya pa ako.
Then after that ay ang tahimik na namin. Para kaming rebulto na nakaupo lang na magkaharap pero hindi nag-iimikan.
Buti nga at dumating si papa.
"Halina kayo, kain na tayo ng lunch. Kumakain ka ba iho ng gulay?"
Tanong ni papa kay Zion.
"Opo."
Tipid na sagot nito. Tumayo na kami at humarap sa hapag. After papa prayed ay kumain na kami.
***
Nasa sala kami ngayon, sabi kasi ni papa may prayer meeting daw kami bago matulog. So hinihintay nalang namin si mama na bumaba.
Wala naman kaming masyadong ginawa kanina. Nag-uusap lang si papa at Zion. Tas nanonood ako ng TV o di kaya nagbabasa. May time na dalawa lang kami ni Zion pero hindi kami nag-uusap masyado.
Then after a minute, mama went down and sit beside papa.
Then we started the praying meeting. We pray for our country, the netizen and the safety of all people sa bagyong ito.
I don't know if what Zion felt about this. Pero silently I was convicted to pray for him. I don't know why he don't believe God. Mabait naman siya, I think.
After that we all went to bed to sleep. Sa sala pinatulog ni mama si Zion, binigyan niya ito ng foam, blangket at unan.
The next morning ay medyo tumahan na din ang bagyo. Hindi na siya kasing lakas ng gaya kahapon. Nagpaalam na din si Zion para umuwi na.
Wala pa rin kaming pasok so I stayed in my room the whole day and read a book.
Pero still what happened yesterday contineously bothering me. Especially every moment with Zion. There's a strange feeling forming inside me. And I don't understand if ano ito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro