#18 Blank
Gaya ng laging sinasabi ni papa, ang Diyos ay may tatlong sagot sa mga panalangin natin. Oo, hindi at maghintay. Oo kapag will niya na talaga iyon, hindi kung may iba siyang plano at maghintay kung hindi pa tamang panahon.
Napabuntong hininga ako dahil sa sagot ng Diyos sa panalangin ko.
Lord, ano pong plano niyo? Bakit nakita ko pa rin po si Zion?
"Huwag mo nga akong titigan! Alis na!"
Pagtataboy ko sa kanya. Kasi naman nandito nanaman siya sa pinaghihintayan ko ng jeep pauwi sa amin.
"Ayuko."
I rolled my eyes at saka inirapan siya. Ano bang trip nito? Nang-aasar nanaman ba ng gaya ng dati? Pero you know, wala nang reason bakit pa niya ako kinakausap?
"Bakit ba ang kulit mo! Ano ba kasing kailangan mo sa akin? Bakit mo ako ginugulo? Si Micah ba? Okay lang naman siya..wala pang boyfriend. Kausapin mo na, mapapatawad ka naman non. "
Ngumisi lang siya sa sinabi ko. Hindi man lang sumagot.
Nong may paparating na na jeep ay agad akong sumakay. Nakatingin lang si Zion sa sinakyan kong jeep at dahil malayo na kami ay natanaw ko pa rin siyang umalis na doon. Sinasadya ba niya talaga o assumera lang ako.?
Nakauwi naman ako ng ligtas at buo. Kumuha lang ako ng tinapay sa basket at umakyat na ako. Nakakagutom kayang mag-aral.
"Nak, yong fellowship niyong kabataan mamaya ha, huwag kalimutan. "
Paalala ni papa, may valentine fellowship kasi kami ngayon sa church.
Nagpahinga lang ako ng ilang minutes sa kwarto ko at bumaba pagkatapos kong magbihis. May narinig na rin akong ingay sa loob ng church. Di ba nga kapitbahay lang namin yong church. Pagkapasok ko doon ay nakita ko na agad sina Glen at Gabby. Buti nga at nayaya nila si Mandy. Hindi pa kasi converted si Mandy.
May mga ilang kabataan na din na mas bata kaysa sa amin ang nandito na.
"Hi!"
Bati ko sa kanila, lumapit si Mandy at nakipagbeso-beso naman. Yinakap ako ni Glen at pagdating kay Gabby ay bigla akong naalangan.
Pero ito na rin siguro yong time para ibalik namin yong dati naming samahan. Kaya lumapit ako sa kanya at ibinukas ko ang aking kamay, at nginitian ko siya. Medyo nagulat lang ako noong tanggapin niya iyon at yinakap ako. Saglit lang iyon at agad din kaming nagkahiwalay.
"Bati na tayo?"
Tanong ko sa kanya.
"Bati naman talaga tayo."
"Naku Den, nakamove on na yan sayo. May bago na nga siyang nililigawan eh."
Tukso ni Glen. Kung ganon, masaya ako para sa kanya.
"Masaya ako para sayo Gab." Pahayag ko.
"Pfff..hahahahahahahaha!"
Ang lakas naman ng tawa ni Glen. Anong nakakatawa kung nakamove on na talaga si Gabby?
"Bakit mo ba tinatawanan ang kambal mo? "
Tanong ko sa kanya.
"Kasi hahahaha...kasi si tita na yong nililigawan niya hahaha......"
Dahil diyan ay mas inirapan ko pa siya. Tumigil naman siya agad sa kakatawa.
"Joke lang, ito naman hindi mabiro.."
Binato ko siya ng ballpen, tapos tumingin ako kay Gabby na tumatawa din kanina.
"Huwag mo nga akong titigan ng ganyan, hindi pa kaya ako masyadong nakamove on sayo..baka bumigay ulit ako at baka mafriend zone ulit--Aray!"
Kinurot ko kasi yong tagiliran niya.
"Bakit kasi hindi nalang kayo? Ang cute namang tignan. "
Napatigil ako at hindi lang ako sa sinabi ni Mandy, parang sa lahat ng declaration sa araw na ito, ito yong pinakaawkward. Nanatili kaming ganon ng ilang minuto at noong makahalata si Mandy na foul yong sinabi niya ay agad siyang nagpeace sign.
"Joke!!!!"
Bawi niya, pero huli na dahil inakbayan na siya ni Glen, and he shouted the signal..
"Attack!!"
Well, gets na namin ang ibig niyang sabihin dahil ginagawa namin yan sa isa't-isa. Nagpupumiglas si Mandy sa akbay ni Glen.
"Huwag kayong----hahhaha"
Hindi na niya naituloy yong sasabihin niya dahil pinagtulungan na namin siyang kilitiin. Tawa na kami ng tawa.
Tumigil lang kami noong marinig namin yong mga mas batang kabataan na nakalimutan naming kasama pala namin sa chuch na mas malakas na yong tawa nila.
Umayos na din kami ng upo noong pumasok na si papa at mama sa church.
Pagkatapos nga ng batian ay nagsimula na nga kami.
Naging masaya at napuno kami ng prinsensya ng Diyos sa aming fellowship na ginawa.
Napapaisip lang ako sa mensahe ng Diyos, sabi kasi ni papa ; "May nilaan ang Diyos para sa bawat isa sa atin, huwag magmadali sa pagpili ng taong iibigin, dahil kusa yang darating sa lugar, oras, araw, panahon na itatalaga ng Diyos."
Learn to wait and trust God's perfect timing.
Ako kaya? Lord kailan ko mamimeet si true love?
Bulong ko kay Lord bago ako nakatulog.
****
Pagkapasok ko sa gate ay nakasalubong ko yong mga studyante na nagsisilabasan.
Naguluhan ako kaya maghanap ako ng pwede kong pagtatanungan.
"Excuse me miss, bakit kayo--"
"Denisse! Bakit pumasok ka pa?"
Tanong ni Ezekiel, tas yong babaeng pagtatanungan ko sana ay bigla namang nawala na sa harap ko.
"Bakit? Anong nangyayari?"
Tanong ko nalang sa kanya.
"Inanounce na ni Dean, na walang pasok, signal no. 4 na kasi yong bagyo. "
"Ha?, eh one lang kanina? "
Actually, kahit ngayon nga ambon parin naman, at nakalimutan ko pang magdala ng payong. At mukhang lumalakas na nga.
"Yon na nga eh, kaya nga pumasok pa kami ni Carly.."
Don ko lang napansin si Carly sa tabi niya. Tinignan ko siya. Halata naman na nagtitiis lang siya sa prinsensya ko. Bakit siya ganyan? Hindi ko naman aagawin si Ezekiel eh.
"Sige salamat. "
Wika ko at tumalikod na, itinaas ko yong bag ko sa ulo ko, lumalakas na kasi yong ulan.
"Den saglit lang."
Tawag pa ni Ezekiel.
"Bakit?"
Lumingon ako sa kanya, at ang lapit na pala niya. Naamoy ko na yong pabango at hininga niya.
"Use this, share nalang kami ni Carly sa payong niya."
Sabay abot niya sa akin ng payong niya. Kinuha ko iyon at tumingin kay Carly, pero nag-iwas ito ng tingin. Okay lang kaya sa kanya? Bumaling nalang ako kay Ezekiel.
"S-salamat."
"You're welcome."
Wika niya bago siya nakisilong kay Carly na parang bad mode na. Umiiling nalang ako, pero sa totoo lang naaapektuhan ako sa ginagawa ni Ezekiel. Feeling ko ang special ko.
Pero agad ko ding binatukan ang sarili ko dahil sa thought na yan.
Pumunta nalang ako sa hintayan ng jeep, uuwi na ako total may bagyo naman daw at walang pasok.
Lumakas na nga yong ulan, at pati na rin yong hangin. At kung hindi ko pa hahawakan ng mahigpit itong payong ay sigurado ako malilipad na ito.
Pero kahit anong higpit ng hawak ko pala, noong may malakas ulit na hangin ay bigla ko nalang itong nabitawan at nalipad sa gitna ng kalsada. Dali ko itong kinuha...
Pero bigla nalang may bumusina ng malakas. Nakakabingi at naestatwa na ako sa kinatatayuan ko.
Nakaramdam ako ng kaba dahil papalapit na yong tunog ng busina sa akin.
Lord, ito na ba ang hantongan ng buhay ko? Lord iligtas niyo po ako..
Sinubukan kong ihakbang ang mga paa ko pero sa sobrang pangangatog nito ay hindi ako makakilos.
Hindi ako makagalaw, hanggang sa nabingi na ako sa piligid ko, ang malakas na busina, ang hiyaw ng mga tao sa paligid.
Pinikit ko ang mga mata ko because I don't know what else to do. Kung ito na talaga ang panahon ko. Then be it...
➡ thanks for reading my story! God bless you :))
Sorry for grammatical errors, wrong spellings and typo errors !!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro