#16 Truth
"Nice to meet you again..Denisse right?"
Wika nito at tumango lang ako.
" Do you still remember me?"
"Oo naman..your name is Ezekiel di ba?"
"Yea!!"
Wika nito na para bang nasagot ko yong tanong ng pangjockpot prize.
Nakipagkamayan siya sa akin, kaya inabot ko naman yong kamay niya.
Sobrang lamig kaya ng kamay ko. Bigla kasi akong natense sa prinsensya niya.
"First year college na ako dito, ikaw?"
Tanong niya habang iginaya na akong maglakad papuntang gym. Parang normal nga lang sa kanya yong meeting namin, tapos ako parang narorobot na kasama siya.
"G-grade 11 palang. ."
Maikling sagot ko.
"Oh really!? Baka magiging kaklase mo yong girlfriend ko."
Masayang pahayag nito.
Ha? Ano daw? May girlfriend na siya? Parang akong baliw sa inaakto ko eh hindi naman niya papansinin kong may mali akong maikilos dahil occupied na yong utak niya. Dahil may girlfriend na nga.
Ganito ba talaga ang kapalaran ko sa pag-ibig? Kapag nagsisimula akong magkacrush ay parang nababasted na agad dahil may someone na sila. Gaya ni Jason dati. Hay..
"Ah, anong pangalan niya?"
Wala akong masabi eh.
"Carly.. Carly Panopolio..siguradong magkakabati kayo non. Ipapakilala nga kita sa kanya...may imimeet ka ba ditong kaibigan?"
"Wala nga eh, ako lang ang napadpad dito."
Malungkot kong sagot. Nakarating na kami sa gym at sumusunod lang ako sa direksyong pinupuntahan ni Ezekiel. Ai, kuya pala.
"Bakit yong boyfriend mo? Hindi ka sinamahan dito?"
Literal na napakunot-noo ako. Boyfriend? Eh wala pa naman ako non.
"Oi, wala akong boyfriend, I mean wala pa akong naging boyfriend no."
"Oh really? .."
Mukha ba akong nagsisinungaling? Expression niya ba yong 'oh really?' Lagi niyang sinasabi eh.
"Eh di ba nga noong nagkita tayo sa resort noon, sinundo ka nong boyfriend mo. Parang ang seloso---ah kuya mo ba yon?"
So si Zion yong tinutukoy niya. Nakakatuwa namang pagkamalan siyang boyfriend ko. Sarkastikong sabi ng utak ko.
"Hindi no, boyfriend siya ng bestfriend ko...noon, pero di na sila ngayon.."
"Oh I see, akala ko..ah don tayo."
Hindi na niya naituloy yong sasabihin niya noong parang may makita siyang kakilala niya sa hindi kalayuan.
Lumapit nga kami doon. May dalawang babae doon na magkatabi. Yong isa ay nakatingin sa akin. Nakakailang nga eh, para niya akong sinusuri, kaibigan niya ba tong mga to? Bakit puro babae-ah baka si gf niya to?
"Sino siya?"
Tanong nong babaeng nakatingin sa akin kanina. Tumingin na din sa akin yong isa at parang sinuri din ako. Mukha ba akong kriminal? Bakit badoy ba yong suot ko? Kung titigan naman ako ng mga to.
"Babe si Denisse nga pala, Denisse si Carly ang girlfriend ko at si Yassy."
"Hi!"
Maikling bati ko sa kanila at ngumiti ako. Para naman silang nabunutan ng tinik na dalawa at umaliwalas ang mga mukha nila. Wait? So tama nga yong nasa isip ko, naku, crush ko lang naman ng slight itong si Ezekiel pero di ko naman siya aagawin no.
"Hello, nice to meet you!."
Bati ni Carly at nakikipagbeso-beso pa. Bakit feeling ko hindi sincere? Ganon din yong ginawa nong kaibigan niya.
Tas naupo na kami kasi nasa stage na yong dean. After ng orientation ay deretso na kami sa classroom. Kaklase ko nga sila.
Kinakausap naman nila ako, pero ewan ko ba kung bakit hindi ko masyadong mailapit yong loob ko sa kanila. Mukha naman kasing I am out of their league.
Nong lunch humiwalay na ako sa kanila, later on siguro magkakaroon din ako ng madaming friends.
Tinawagan din ako ni Gabby at kinakamusta ako dito sa bago kong school. At susunduin niya din daw ako mamaya.
Pumayag na ako dahil parang gusto kong ibalik yong dati, nakakapanibago lang kasi yong changes eh.
Sinundo nga niya ako kahaponan kasama si Glen of course, and sila na pala ngayon ni Mandy ha. Natutuwa ako para sa kanila. Finally nagawa naring umamin ng kaibigan ko. Susuportahan ko naman si Gabby kung sino man ang gusto niya, sana huwag lang ako.
Nong maihatid ako ni Gabby at nong magpapaalam na sana ako ay bigla niyang hinawakan yong kamay ko dahil sa gulat ko ay nahablot ko iyon.
"Ah, sorry.."
Wika niya na parang nagulat at napahiya sa ginawa ko. Maging ako napahiya sa ginawa ko.
"Sorry din..."
Issh, dapat magkaibigan nalang kasi kami ulit para walang ilangan.
"Den, yong...."
Huminga muna siya bago ituloy yong sasabihin niya.
"Yong lalaking kausap mo kanina, sino yon? .."
"Ah, si Ezekiel ba?"
Kasi kanina nagkita kami ni Ezekiel sa gate ng school, nagpaalam lang naman siya kanina at nagprisintang makisabay na ako sa kanila pero sinabi kong may sundo ako.
"Kilala mo? Kaklase mo ba yon o ahm, alam mo na..."
Agad akong tumanggi dahil alam ko yong iniisip niya.
"May girlfriend na yon, nagmeet kami noon sa isang resort."
Paliwanag ko. Parang nakahinga naman siya ng maluwag.
"Akala ko kasi manliligaw mo, maganda ka Den, hindi malayong may magkagusto sayo sa school niyo.......Den, kailan mo ako sasagutin?"
Napatingin ako sa kanya. Natigilan ako dahil ang totoo ay wala naman akong balak na sagutin siya. Gusto kong manatiling magkaibigan lang kami. Ito na ba yong tamang panahon Lord para sabihin? Bakit hindi ako nainform. Hindi ko tuloy mahagilap ang tamang salita na sasabihin.
Busy ako sa pag-iisip ng sagot noong magsalita siya ulit.
"Ah sorry, hindi naman kita minamadali. Mahaba naman ang panahon ko para maghintay Den..sige mauna na ako ha."
Natarantang wika niya. Nagiguilty na talaga ako.
"Saglit lang Gab, may sasabihin sana ako.."
Halos pabulong ko nang wika at sana narinig niya.
"Hindi Den, madami ka pang oras para pag-iisipan yan. Makakapaghintay naman ako.."
Pero Gab hindi ko na kayang patagalin pa.
"Gab, ano kasi-"
"Wag mong ippressure ang sarili mo okay, magkakapaghintay ako.."
Bakit parang umiba yong tuno ng pananalita niya? Parang nagmamakaawa siya? Nagegets na ba niya yong sasabihin ko?
Gusto ko na talagang sabihin, hindi ko alam kong gaano to kasakit sa kanya pero mas mabuti na ito kaysa yong paasahin ko pa siya.
"Gab, ...hindi ba pwedeng magkaibigan nalang tayo."
Pikitmatang wika ko, mga ilang minuto akong naghintay ng sagot niya pagkatapos kong sabihin iyon. Hindi ko na din kasi alam ang kasunod nong sasabihin ko. Naramdaman ko siyang umatras at sumandal sa motor niya. Napaangat ako ng tingin dahil nag-aalala ako sa kanya. Pero agad siyang umiwas ng tingin. Nakita ko yong mga nangingilid na luha niya maging ang mga paglunok niya. Alam kong pinipigilan niya lang yong mga luha niyang huwag mahulog sa mata niya.
Bakit ganon, nasasaktan din ako para sa kanya. Masakit din sa akin na makitang nagkakaganyan siya.
"Sorry Gab, ayaw ko namang lokohin ka at sabihin may nararamdaman din ako sayo pero wala naman. Pasensya na kung hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo Gab..sorry talaga..."
Yumuko siya pero agad din siyang nag-angat ng tingin. Ngumiti ito pero namumula na yong mata niya, alam kong malapit nang mahulog ang luha sa mata niya. At masakit sa akin na makita siyang ganyan. Ganyan niya ba talaga ako kamahal?
"It's okay Den,..... huwag mo akong pansinin.."
Wika niya bago lumapit sa akin at yakapin ako. Itutulak ko sana siya dahil ayaw ko naman siyang paasahin nanaman pero hinigpitan niya yong yakap niya sa akin.
"Please..hayaan mo naman akong yakapin ka sa huling pagkakataon...please ."
Pakiusap nito. Anong ibig niyang sabihin, masisira na ba ang pagkakaibigan namin dahil dito? Lalayo na ba siya? Bakit?? Of that thought napaiyak ako habang ang mga braso niya ay nakapulupot sa akin.
"Sorry talaga Gab, huwag ka namang lumayo, huwag mo naman akong iwan...magkaibigan parin naman tayo di ba?..ibalik nalang natin yong dati.."
Naramdaman ko siyang bahagyang ngumiti.
"Huwag ka ngang umiyak Den, tinitease mo naman yong luha kong mahulog eh..ang hirap na ngang pigilan."
Biro nito bago humiwalay sa pagkakayakap sa akin at pinunasan na yong pisngi kong nabasa ng luha.
"Mahirap naman sa akin ang iwan ka, pero kailangan ko din ng space para makamove on. Mahirap kayang tanggaping na nafriend zone ako."
Pabirong wika niya pero alam kong nahihirapan siyang sabihin iyon.
"Sorry Gab, sorry talaga.."
"Huwag kang magsorry Den, tama naman yong sinabi mo, ako lang naman yon..ako lang naman yong hindi ko tanggap..sige mauna na ako ha "
Wala akong nagawa kundi ang panoorin siyang lumayo at umalis sa harapan ko. Alam kong simula sa araw na to ay hindi na magiging gaya ng dati ang lahat. Pero nagiguilty ako, mas gusto kong magalit siya o mainis sa akin kaysa yong ganon na nagkukunwari siyang okay kahit hindi naman talaga. Pero, kaya ko ba talaga na magalit si Gab sa akin?
➡ thanks for reading my story! God bless you :))
Sorry for grammatical errors, wrong spellings and typo errors !!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro