"Mama, tara na malelate na tayo."
Yaya ni papa kay mama. Graduation day ko na kasi ngayon. So glad pupunta silang dalawa ni ma.
Daling bumaba ng hagdan si mama.
"Nak, tignan mo nga? Hindi ba lagpas-lagpas ang lipstick ko? Yong buhok ko? Okay lang ba hindi magulo? Yong..hikaw? Bagay ba?"
Well kung nais niyong tanongin kung bakit ganyan si mama actually mas dalaga pa yan sa akin, I mean ang arte niya talaga sa pag-aayos ng gaya ng ganitong event. Buti pala nagmana ako kay papa.
"Okay na yan ma, maganda ka na."
Tumingin lang ako kay papa na nagsabi non at...
"Pfft, oo nga ma."
Medyo natatawa kong wika eh nagblush naman kasi si mama.hay naku para silang teenager.
"Tara na po, malelate na tayo."
Wika ko at dali na nga kaming lumabas ng bahay at pagkatapos masecure ni papa na nakalock na ito at pumara na kami ng taxi at pumunta na kaming school.
Marami na ring tao doon. Nakita narin namin si Micah doon at ang mommy niya. Tas may matangkad na kano silang kasama.
Ito kaya ang daddy niya?
Ngumiti ito at lumapit sa amin.
"Oi, daddy mo ba yan?"
Bulong ko kay Micah noong makalapit siya sa amin.
"Yep.."
Mahinang wika lang nito at bumati na kina ma at pa. Lumapit din ako kay tita at sa daddy ni Micah.
"Hi tita!!." Wika ko at niyakap si tita.
"Hello sir."
Bati ko sa katabi ni tita.
"You must be Denisse..Nice to meet you!."
Sabi nong daddy ni Micah sa akin.
"Ah nice to meet you too po."
Ngumiti ito at tinapik ako sa balikat. Pagkatapos nilang magbatian ay sabay-sabay na kaming pumunta sa gym.
Ilang minuto lang ay nagsimula na kami at ang bilis din natapos ang seremonya. Dahil nagcombined ang honored student si Zion ang valedictorian at sa over all, pang fifth honorable mention lang ako tapos si Micah, nahulog sa top. Kaya recognition certificate lang.
Hay, Senior high na kami. Si Micah wala na, magkakalayo na kami. Sa sunday pa naman aalis sila Micah after daw ng service sa church. Ipagpepray over pa daw sila ni papa.
Noong matapos ang seremonya, nagyaya ang mommy ni Micah. Magseselebreyt daw kami sa labas. Sagot daw ng daddy nito.
Alam ni Micah na may usapan kami ni Zion. Kaya sinabihan niya ang mga magulang niya na susunod nalang kami. Mauuna na sila. Alam din naman ng mga parents namin na kailangan din naming magpaalam sa mga kaibigan namin. Kaya bago ako pumunta sa sinabi ni Zion na pagmimeet an namin ay pumunta muna kami ni Micah sa classroom namin.
Doon din kasi ang usapan namin ng mga kaibigan namin.
"Oi guys!!! Congrats sa ating lahat!"
Bati ko noong nasa pintuan palang ako.
"Makasigaw naman!"
Natutuwang sabi ni Mark, nasa pintuan kasi siya kaya sigurado akong nabingi siya sa lakas ng sigaw ko. Nagtawanan lang ang mga kaibigan at kaklase namin.
"Group hug!"
Yaya ni Mandy. Lihim kong tinignan si Glen, haha nakangiti ang loko. Hindi pa din kasi siya umaamin kay Mandy, kahit single na ulit ito.
Lumapit nga kami at nagyakapang lahat. Katabi ko si Micah at si Gabby, si Glen naman tumabi kay Mandy. Kung alam lang nila. Tas yong mga kasama pa namin ay si Mark at si Jasmine.
Habang nagkakatuwaan pa ang bawat isa sa amin ay pinili ko nang umalis upang katagpuin si Zion, siguro saglit lang naman kaming mag-uusap. Ano ba kasi iyon?
"Micah, punta na ako ha."
Paalam ko kay besty, tumingin siya sa akin. Parang may gusto siyang sabihin pero parang may doubt sa mga mata niya.
Nginitian ko nalang siya at niyakap.
"Babalitaan kita kung ano man iyon."
Wika ko nalang.
"D-den...."
"Bakit?"
Nakangiting wika ko parin sa kanya. Matagal muna niya akong tinitigan. Nahihiwagahan nga ako kung bakit ganon ako tignan ng besty ko.
"Oi, ano yon?"
Sabay tapik ko sa kanya, tumigil kasi siya at nakatitig nalang sa akin.
"Sige na sabihin mo na kung anong sasabihin mo. Tungkol ba ito kay Zion, huwag kang mag-alala, hindi kita huhusgahan."
Pang-aalo ko sa kanya.
"A-hm, ano, may itatanong lang kasi ako..ahm, k-kung dati i-kaw yong niligawan ni Zion at hindi ako, magkakagusto ka din ba sa kanya?"
Natameme ako sa sagot niya. Pero agad ding akong napatawa ng bahagya.
"Ano ba namang tanong yan Micah. Hindi ba halatang ayaw ko sa kanya noon pa, at mukhang ganon din naman siya sa akin kaya imposibleng mangyari yang sinasabi mo kahit kunwari lang haha."
Maya-maya'y napatawa din siya pero mahina lang.
"Sorry, baliw na siguro ako kaya ko natanong iyon."
Wika nito..
"Oh siya sige na punta na ako..."
Paalam ko at nginitian ko siya. Nakalabas na ako ng classroom noong habulin ako ni Gabby.
"San ka pupunta?"
Tanong nito at nakisabay na sa akin sa paglalakad.
"Sa library, gusto daw akong makausap ni Zion eh."
"Ganon ba? Hatid na kita."
Alok niya.
"Bahala ka."
Kako lang at dumiretso na kami sa hallway na papuntang library.
"Ahm, Den...may sasabihin sana ako eh."
Hindi ko siya nilingon at deretso lang ako sa paglalakad.
"Mmm...ano yon?"
Matagal bago siya sumagot, medyo malapit na kami sa library noong magsalita ulit siya. Tanaw ko na si Zion sa may malapit sa pinto ng library at nakatayo siya doon. Nakaramdam ako ng kaba, kasi di ko parin alam kong anong sasabihin ko at paano ko siya kakausapin na walang halong awkwardness.
"Den...gusto kita."
Bigla akong napahinto sa paglalakad at pag-iisip noong marinig ko iyon mula kay Gabby.
"H-ha?.."
Naguguluhan kong tanong. Magkaharap na kami ngayon. Nagkamot siya ng kanyang batok, para itong nahihiya at mukhang namumula pa siya.
"G-gusto kita Denisse, at matagal na.."
Ngayon ako naman ang natameme. Hindi ko alam kong anong isasagot ko dahil hindi naman parehas ang nararamdaman namin at kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Pero sinubukan kong magsalita, ayaw ko namang maging awkward kami.
"A-ah, joke ba yan?! Try harder Gab, waley eh.."
Kunwari tumatawa pa ako.
Pero alam kong kaibigan ko siya. At maaring mahalata niya na I'm faking my laugh.
Akala ko nga baka magagalit siya. Hindi ko kasi alam kong paano ko sasabihing kaibigan lang ang turing ko sa kanya.
Pero ngumiti si Gab at bigla nalang akong niyakap.
"Alam kong nagulat ka, hindi ko naman hinihingi agad ang sagot mo. Sana hayaan mo akong ligawan ka. Seryoso ako Den, mahal kita... "
Humiwalay na ito sa pagkakayakap sa sa akin at may isinuot siya sa leeg ko
"Regalo ko sayo, congrats Den! Sige!."
Sabi nito at bigla nalang akong iniwan, ni hindi pa nga ako nakakaget over.
Napafacepalm ako. Totoo ba tong mga nangyayari.
"Naku naman..."
Mahina kong bulong sa sarili ko. Bigla akong natauhan noong may maglinis ng lalamunin malapit sa akin. Napaangat ako ng tingin, isa pa pala ito.
Lumapit si Zion sa akin.
"Okay lang yan."
"H-ha?"
Maang kong tanong. Nakita niya ba kami ni Gabby, narinig ba niya? Ano ba naman yan, nakakahiya, bakit siya pa ang nakarinig..
"Normal lang naman yan."
Wika nitong nangingiti-ngiti.
"Tinatawanan mo ba ako!?"
Sabay irap ko sa kanya.
"Natuwa lang ako sa reaction mo.."
Hay naku, tama bang pagtawanan ako. masyado bang epic ang mukha ko kanina?
"Baliw, oh bilisan mo na kung ano man iyang sasabihin mo. May pupuntahan pa ako."
"Don't worry saglit lang naman to.."
Wika niya at lumapit sa akin. Naalarma ako kaya umatras ako ng isang hakbang.
"Tss..hindi kita rerape-in."
Pagkasabi nito ay namula ako. Hindi naman iyon ang nasa isip ko ah. It made him laugh a little.
"Dali na! Baliw!"
Pagmamaktol ko.
Mula sa pwesto niya ay inabot niya yong kanang wrist ko. Huhugotin ko sana mula sa kamay niya pero mahigpit niya itong hinawakan.
"Ano ba?!"
Sigaw ko sa kanya. Pero hindi parin siya natinag kundi ngumiti lang siya. Ano bang kasing gagawin niya?
Lord, iligtas niyo po ako..
➡ thanks for reading my story! God bless you :))
Sorry for grammatical errors, wrong spellings and typo errors !!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro