Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#11 Confused

Dali akong pumunta sa pagitan nila at itinulak si Zion.

"Hoy Monster ka! Wala kang karapatan para saktan ang kaibigan ko ha! Bakit hindi mo kasi tanggapin na wala na kayo! Hello!? It's over! Tapos na! Babo na! Move on agad para hindi ka na mahirapan!."

Wika ko habang dinuduro-duro pa itong si boy Zion. Hindi ko ugali ang makipag-away pero he's getting into my nerve.

Tumitig muna ito sa akin bago ngumisi, bago tignan ng napakaseryoso ang kaibigan ko na ngayon ay nakayuko na. Tinakpan ko ang kaibigan ko at sinalo ang titig niya. At ngumisi ulit ito.

"Nakakaawa ka.."

Ani nito at umiling-iling pa. Bagama't nagsalita parin ito.

"Wala ka ding karapatan na makisawsaw sa usapan namin. And do you know the hell we are arguing about?"

Natigilan ako ng bahagya. Nag-iwan sa akin ng palaisipan ang una at huli niyang sinabi. I actually don't know what's happening here, It's just my instinct that telling me na maghihiwalay na sila because of what Zion had done to me. And sinaktan niya ang kaibigan ko, hinampas niya ang kamay nito. Agad din akong bumalik sa wisyo ko.

"Wala akong alam, pero sinaktan mo na yong kaibigan ko. Kaya may karapatan na akong ipagtanggol siya without her or your permission monster! "

At tinaasan ko pa siya ng kilay.

"I wonder if may tatagal ba sa ugali mo! You're such a monster! "

Dagdag ko pa.

"Hindi mo ako kilala ng lubusan Yakap kaya huwag mo akong sinasabihan ng ganyan. .bakit hindi mo muna tanungin sa best friend mo kung ano talaga ang nangyayari at nang matikom mo na yang bibig mong dada ng dada without even knowing what's the real thing here."

That left me dumbfounded. Wala na akong maisagot although it pissed me off. Somehow, I felt guilty. I became judgmental again but siya ang nauna.

Hay naku, kung nakikita lang ito ng papa ko I'm sure lagot ako.

Sorry God...

Before I could ever speak a single word, Zion was already inside of his car and in a second he completely disappeared in our naked eyes.

Bumuntong hininga ako bago hinarap si Micah.

"Micah, okay ka lang?"

Tanong ko habang hinahawakan siya sa magkabilang braso. Tumango lang ito, alam kong nasasaktan siya at naniniwala akong lilipas din ito. Sobrang mean ko na ba na maging dahilan ng paghihiwalay nila. Anyways, it's originally, Zion's fault naman eh.

Yinakap ko ang kaibigan ko at hinamplos ang likod niya.

"Magpakatatag ka Micah, tama lang ang ginawa mong pakikipaghiwalay sa lalaking iyon. He don't deserve you. "

I really feel sorry for my besty.

"Hindi kami naghiwalay den.."

Mahinang wika nito.

"Oo, tama lang na makipaghi....h-ha?"

Natigilan ako sa aking sasabihin noong marealize ang sinabi niya.

"Di ba kaya siya nagalit sayo dahil nakikipaghiwalay ka na sa kanya, at dahil iyon sa ginawa niya sa akin..di ba??"

Pangungumbinsi ko sa kanya...
.
.
..
.
O sa sarili ko..

"Hindi Den, dahil hindi iyon magagawa ni Zion."

Dahil sa sinabi niya ay naiinis na ako sa kanya. Bakit ba kapag inlove kahit mali na kinakampihan parin?.

"Micah, gumising ka nga! Nabubulag ka ng pag-ibig na yan. Hindi mapapagkatiwalaan si Zion! Hiwalayan mo na siya! "

Halos pasigaw ko nang wika.

"Bakit Den? Para masolo mo ako? May gusto ka ba sa akin?"

"Anong bang pinagsasabi mo?"

Sagot ko dahil naguguluhan ako sa sinabi niya. Pero narealize ko din ang ibig niyang sabihin at nanghinang tumingin sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.

"Pati din ba ikaw? Naniniwala sa kasinungalingang iyan?"

Maalumanay ko nang tanong sa kanya.

"Den, hindi malayong maniwala ako dahil lagi mo nalang akong hinihigpitan simula noong maging kami ni Zion. Sige nga, sabihin mo sa akin kung bakit hindi mo kami masupportahan sa relasyon namin? Kami ba talaga ang mali, o baka dahil nagseselos ka at nasasaktan kapag nagkasama kami? May gusto ka ba sa akin den?"

Madiin nitong wika. I can't believe what I am hearing now.

Pak

Hindi ko sinasadya, pero hindi ko kayang pakinggan ang mga sinasabi niya ngayon sa akin. Bakit siya pa? Bestfriend ko siya alam kong dapat siya ang nakakakilala sa akin.

Agad din akong nagsisi sa ginawa ko. Lumapit ako sa kanya at hinawkan yong kamay niyang nakahawak sa pisngi niya kong saan ko siya nasampal.

"S-sorry Micah, h-hindi ko sinasadya..."

Pero hinampas niya lang ang kamay ko at nakita kong tumulo na ang kanyang mga luha.

"Simula ngayon, kakalimutan ko nang naging bestfriend kita!"

Wika nito bago patakbong lumayo sa akin.

Napaluhod ako sa semento at hinawakan ang dibdib ko. Sobrang sakit sa akin yong sinabi niya.

Gusto kong sabihin na "Micah, ayusin natin to. Pag-usapan natin huwag yong ganito.."

Pero nakaramdam din ako ng kunting pagtatampo. Bakit ganon nalang kadali iyon sa kanya?. Hanggang dito na nga lang ba ang pagkakaibigan namin?

****

Dalawang araw na ang nakakaraan at hindi ko parin nakakausap si Micah. Ilang beses ko nang sinubukan pero lagi nalang niya akong iniiwasan. Gustong-gusto ko ng makipagbati sa kanya. At mukhang okay na sila ni Zion, nakita ko kasi sila sa library na magkasama. Hindi na rin kasi nagsimsimba sa amin si Micah.

Buti nga at kasama-kasama ko yong kambal, dahil hindi ko talaga kakayanin ang ganitong set-up namin ni Micah.

Pero ngayon, mag-isa akong naglalakad sa hallway, may practice kasi ng basketball yong kambal.

Napatigil ako noong makita kong makakasalubong ko si Jason. Nakatingin din ito sa akin. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad at yumuko nalang. Pero noong magkalapit na kami ay bigla itong nagsalita.

"Den, pwede ba kitang makausap."

Napaangat ako ng tingin sa sinabi niya.

"Pwede ba?"

Pag-uulit nito. Tumango lang ako sa kanya. Dinala niya ako sa cafe na pag-aari ng tita niya. Umorder muna siya bago umupo sa tapat ko.

"Kamusta ka na?"

Nagulat ako at napaangat ng tingin sa kanya. Why on earth na kinukumusta niya ako? Pero I feel his care, malayo talaga ito sa kaibigan niya.

"A-ayos lang naman."

Medyo confused kong sagot. Ngumiti ito bago magsalita ulit.

"I'm sure na 100% ay babae ka, you dress simple and yet it made you look beautiful. It means, you are beutiful without putting an effort to fix yourself. And another thing I am sure is hindi kayang gawin ni Zion iyon sayo. You know the issue that you being ahm...nevermind..but don't get me wrong here, I am not here to defend him. Just stating the truth."

Tinignan ko lang siya and didn't utter any word. You know I am still bitter of what just happened two days ago.

"Actually, maraming nakakamisunderstood sa kanya, but to tell you, Zion is a kindhearted man. He is a good guy, inside. May be he is not good at showing it, but he really are. Kahit nga lagi niyang sinasabing 'do not push me to believe your God, or else I will abandon you as my friend.' Pero in the end hinahayaan niya lang ako. May be may bagay lang sigurong pumipigil sa kanya para maniwala sa Diyos. But I have faith, he can get over it."

Ayaw kong maniwala, but I know Jason he fear God, and surely he is telling the truth. Hindi ko nga namalayang dumating na pala yong inorder ni Jason.

"Bakit mo naman sinasabi iyan sakin?"

I wonder, so I asked that.

"I know he wanted to clear things out with you kahit hindi niya ito sabihin. We're friends, alam kong ayaw niyang may galit sa kanya. Especially if hindi naman niya iyon ginawa talaga."

Tumango-tumango lang ako sa kanya.

"I hope it is easy to believe what you have told me Jason. I know you're trustworthy, but I don't trusted Zion."

I said that as I shrugged.

"I will pray na paniniwalaan mo yong mga sinabi ko ang I hope na mas makilala mo pa si Zion."

After that he smiled at me at inabot ang tuktok ng ulo ko at hinaplos-haplos ito.

Nakoconfused ako, why so many people cared about that boy named Zion.

"Alam kong mabuti ka ding tao Den."

With that napatulala na ako sa kanya.

➡ thanks for reading my story! God bless you :))

Sorry for grammatical errors, wrong spellings and typo errors !!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro