Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#10 Gossip

Yong kawirdohan ni boy Zion noon sa resort ay hindi na nasundan dahil bumalik na ulit siya sa dati after ng sembreak. Lagi na ulit kami nagbabangayan sa school. At madalas ding naiipit si Micah sa sitwasyon.

Hay, pagkapasok ko ng eskwelahan ngayong umaga ay maraming nagbubulong-bulongan habang dumadaan ako. Naguguluhan ako sa kanila, pero as long as hindi naman ako iyon, why do I care? Di ba?

Hanggang sa makarating ako sa bulletin board where i saw Zion standing there looking and pining something there. Parang mga flyers iyon.  Baka may activity ang section 1.

Nilagpasan ko lang siya, hopefully nga hindi niya ako mapansin. Dahil alam kong tatapunan nanaman niya ako ng mga salitang makakapagpainit sa ulo ko.

Nang makasalubong ko si Mark sa tapat ng likuran ni boy Zion.

"Denisse, pare! Buti umamin ka na. Sabi ko sayo eh, oh ano ngayon, di ba mas maganda ang feeling.?"

"Ha?"

Napakunot noo ako dahil hindi ko naman alam ang sinasabi niya.

Napaharap na rin sa amin si boy Zion na busy kanina sa bulletin.

"Ayan oh, ikaw nagpakalat niyan no? Grabeng aminan yan, dapat malaman talaga ng buong campus.?"

Pabirong wika niya, pero hindi ko talaga maintindihan at anong kumalat na sa buong campus?

Napalingon ako sa itinuro niya. Ang bulletin board. Nakahilera ang mga nakapin na bond paper doon na may nakaprint na : I AM DENISSE YAKAP. I AM PROUD THAT I AM A LESBIAN.

Napamulagat ang mata ko ng pagkalaki-laki. Agad ko itong pinagtatanggal at pinagpupunit ito. At mukhang natatawa pa si Mark sa ginawa ko. Pagkatapos non ay humarap ako sa kanila at nagawi ang mata ko sa mga papel na hawak ni Zion.

Mas lalong naningkit ang mata ko at tumingin sa mukha ni Zion. I cannot read his face. But I hate him right now.

"Isa ba to sa paraan mo para asarin ako? Ano? Masaya ba? Na nakakasira ka ng buhay ng tao? Oo, isa akong malaking hadlang sa pag-iibigan niyo ng kaibigan ko. Oo, hindi ako buto sayo pero sobra naman itong ginawa mo! Kaibigan ko siya kaya hindi ko maiwasang tignan kong anong makakabuti sa kanya! Kasi base on my observation, Zion you are a big destruction for my bestfriend. Mababa na ang grades niya, she don't even focus sa ministry niya sa church, kahit nga ako kinalimutan niya na eh. At dahil iyon sa pesteng pag-ibig niya sayo! What do you think I would feel? Zion hindi ito laro, this is a real life, real life na kapag pinalagpas ang mga opportunity ay hindi mo na mababalikan! At ano to? Nakakahiya ka! Matalino ka ba talaga para gawin to sa akin! Babae ako! babae ako! babae ako! At yang ginawa mong yan, you're just showing na mas lalaki ako kaysa sayo. Bakla!!!"

Wika ko at itinulak na siya at nagwalk-out na ako. Naiwang tulala ni Mark sa mga sinabi ko. Mabigat ang pakiramdam ko, dahil kung prank niya lang to o ano pa man, this is not good. Nakakasakit na talaga siya.

"Bro? Ikaw ba talaga ang nagpakalat niyan?"

Narinig ko pang tanong ni Mark kay Zion.

So, ako ba? Ako ba ang pinagbubulungan nila kanina?

"Pare!"

Wika ng kaklase kong lalaki at nakikipag-apir pa. Pero nilagpasan ko lang siya pagkatapos irapan. Hindi ko alam kong saan ako pupunta dahil lahat na sila dito sa campus ay inaakalang lesbian nga ako.

Ano nalang iisipin ng mga kachurchmate ko dito sa school. Mapapahiya pa si mama at papa dahil pastor pa man din sila.

Grabeng trouble at kahihiyan  itong ginawa ni Zion.

"Denisse! Grabe! Believe na ako sayo! Ang tapang mo! Nagawa mong umamin at kailangan pang ipangalandakan sa buong school friend!? Kaloka! Tapang-"

"Stop!....please.."

Madiin kong wika.

Pinutol ko na ang balak pang idugtong ni Jasmine sa sasabihin niya.

"A-ah, naku huwag ka nang mahiya, naiintindihan naman kita."

Mali, mali ka jass, hindi mo ako naiintindihan.

Bakit ba ang bilis nilang maniwala? .Bakit hindi muna nila tanungin kong totoo ba iyon o hindi.

"Babae ako! ...jasmine."

Wika ko bago siya iwanan. Patakbo akong umalis doon.

At habang tumatakbo ako ay narinig ko pa yong mga bulong-bulongan ng mga istyudyanteng nadaanan ko.

'Grabe ang tapang ni girl, ai boy pala.'

'Sayang, maganda pa naman siya.'

'Hindi ako makapaniwala, crush ko lang yan dati eh.'

'Cute niya, paano pa kaya kung mag damit pa siya ng panglalaki?'

At dahil diyan ay tuluyan nang tumulo yong mga luhang nagbabadya sa mata ko. Kaya mas binilisan ko pa ang takbo ko. Sa likod ng science building ako dinala ng mga paa ko. At doon ay pinakawalan ko na ng lubusan yong mga luha sa mata ko. Asan na ba si Micah? Alam kong siya lang ang maniniwala sa akin.

Alam kong hindi iyon totoo, kaya dapat hindi ako apektado. Hindi lang ako sanay mapahiya sa madaming tao, tapunan ng mga maling paratang.

I hate you boy Zion!!!!

May nagtext kaya tinignan ko iyon agad dahil baka si Micah ito at baka nalaman niya na ito. At alam kong pupuntahan niya ako at sigurado akong hihiwalayan niya na si Zion dahil sa ginawa nito.

Pero hindi siya ito. Kasi si Gabby ito.

'Den, asan ka? Pupuntahan ka namin.'

Meron pa pala akong mga kaibigan na maniniwala sa akin. Kaya nireplyan ko siya at sinabi kung nasaan ako.

Ilang minuto lang ay dumating na sila.

"Glen..Gabby.."

Naiiyak kong sabi sa kanila. Dali naman nila akong dinaluhan at niyakap ako ni Gabby.

"Ssshh, huwag mong pansinin sila, hindi naman iyon totoo eh."

Tumango lang ako pero umiiyak parin. Hinaplos ni Glen ang likod ko.

"Hay naku, mga baliw yong mga iyon. Ikaw ba naman ang pagkamalan na nilalaki eh napakaganda kaya ng kaibigan namin. Mga dakila silang bulag. Sino ba ang may pakana nito?"

Alam kong sinabi lang iyon ni Glen para gumaan ang loob ko.

Thank you Lord, because I have them.

"Sigurado akong si Zion yon, siya lang naman nag-aasar sa akin eh at siya ang nakita kong may hawak ng mga iyon."

Nanggagalaiti akong sumagot sa tanong ni Glen. Pero napatigil ito.

"...I don't think-ah eh, huwag na muna tayo magconclude ngayon. If si Zion man yon, grabe maiiba talaga tingin ko sa kanya."

Deklarasyon ni Glen.

"Kailangan pa ata eh magdress ako araw-araw para makita nilang babae talaga ako."

"Hmm, don't be destructed by them Den, remember that God knows you better. At alam namin kung sino ka talaga. BE YOURSELF, DON'T SATISFY THEM. Lilipas din yan, okay."

Payo naman ni Gabby at tumango-tango lang ako at pinupunasan na yong mga luha sa pisngi ko.

Buong maghapon nga ay kasama ko yong kambal. Hindi nila ako iniwan at pinagsasabihan pa yong mga balak komongratulate sa akin dahil daw sa katapangan kong umamin.

Nakita ko si Micah sa klase pero hindi siya makatingin sa akin ng deretso. Dahil ba sa ginawa ng boyfriend niya?

Kakausapin ko nalang siya at sasabihing hindi ako galit sa kanya mamaya.

Kaya before uwian nga ay hinanap ko siya. Mayroong bulong-bulongan parin pero hindi ko nalang sila pinansin ng gaya ng sinabi ng kambal kong mga kaibigan. Lilipas din ito.

Nakita ko si Micah sa parking lot. Kasama niya si boy Zion. At mukhang may something wrong sa kanila. Para silang nag-aaway, nakikipaghiwalay na ba ang bestfriend ko?

Boy Zion, Face your karma. You sow it, then you reap it.

Naalerto lang ako noong hinampas ni Zion ang kamay ni Micah na hahawakan sana siya.

Aba! Bastos to ah, kalalaki niyang tao tas nananakit ng babae, ungentleman talaga.

➡ thanks for reading my story! God bless you :))

Sorry for grammatical errors, wrong spellings and typo errors !!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro