Chapter 4
Derederetsyo ang lakad ko papunta building namin. Hindi ko maiwasan mailang dahil sa bawat daanan ko ay may naririnig akong bulongan at ang mga tingin nilang malagkit, since naman noon agaw pansin na ako, mas malala lang yata ngayon
"Pare. Mas gumanda siya." Rinig kong bulong ng kung sino.
"Oo nga, pare pero bakit kaya nanamit na ulit siya ng gan'yan?"
"Si Esterlla ba 'yan?"
"Bakit gan'yan ang sout niya, 'di ako sanay."
Napailing nalang ako sa mga narinig ko saka mabilis na naglakad.
Hindi ko rin naman masisi sila kung bakit ganoon nalang ang reaction nila, kilala ako sa pagiging boyish manamit, kaya kahit nga kapatid ko at kaibigan ko magtataka dahil sa suotan ko ngayon, well nagdadamit na naman ako ng ganito dati, sadyang ang nakilala lang nilang Esterlla ay iyong boyish side ko.
"Wow! The old Esterlla is back!" Hindi makapaniwalang sigaw ni Viva. Isa si viva sa kalaban ko noon sa kahit ano'ng pagandahan sa school namin pero lagi ako ang nanalo dahil mas maganda naman talaga ako sa kanya. Maganda siya pero mas maganda nga lang ako, beauty and brains kami pareho but, mas may utak siguro ako.
"Hi viva." Simple kong bati sa kanya saka siya nilagpasan at pumasok sa classroom namin. "Wow ganda mo girl." Papuri agad sa'kin ni Onica ng makaupo ako sa tabi niya.
"Matagal na." Pagmamayabang ko saka kinuha ang cellphone ko.
"Mukhang handa kana ibalik ang dating ikaw?" Nakangisi niyang tanong sa 'kin tumungo lang ako saka hindi inaalis ang paningin ko sa cellphone ko.
"Tigilan mo nga ang bff ko!" Pagtataray ni Onica kay Viva, natawa naman ako dahil sa sinabi niya, baliw talaga.
Kagabi pa kasi ako nagkakalkal sa Instagram. Hindi ko malaman kung ano ba ang pangalan ni Connor sa ig.
"Alam mo ba ang username ni connor sa Ig?" Tanong ko kay Onica agad naman siyang tumungo saka sapilitan kinuha sa 'kin ang cellphone ko.
Binalik naman niya agad sa 'kin at doon ko nakita ang Ig account ni Connor.
Nakakaloko ang lalaking 'yun! Sino ba naman matino ang username ay "Presidentakopakemo" Abnoy 'ata siya! Hindi ko ma-imagine na ganoon ang username niya!
"Seryoso ka?" Hindi ko makapaniwalang tanong, malaking ang ngiti tumungo siya.
"'Yan ang Secret account ni Connor, maliban doon sa isa niyang account na sobrang dami ng followers." Pagpapaliwanag niya kaya tumungo ako saka agad na pinindot ang Follow.
Itatago kona sana ang cellphone ko sa bag ko ng bigla tumunog ang notification ko.
'Presidentakopakemo.' Followed you back.
Hindi ko alam pero biglang sumaya ang mood ko saka mabilis siyang Dm.
Ako:
Hi
Presidentakopakemo:
Paano mo nalaman Ig ko babae ka?
Ako:
Secret. Anyway bakit may pa-secret account ka pang nalalaman?
Presidentakopakemo:
Tf, paano mo nalaman secret acc ko 'to? Are you a stalker?!
Ako:
Tf ka rin, stalker agad
Presidentakopakemo:
Idc, bye, I'm not interested naman sa'yo
Sungit!
Sa inis ko ay hindi nalang ako nag-reply saka inis na tinago ang cellphone ko.
"Oh ano'ng nangyari sa 'yo?" Agad na tanong sa akin ni Onica nang makita niyang bumusangot agad ako.
"Pangit ba ko?" Emosyonal kong tanong, para naman siyang tanga na hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Hindi ka pangit, luka!" Sigaw niyang sagot, kailangan talaga sumigaw?
"'Yung Pinsan mo kasi hindi raw interested." Pagmamaktul ko. Habulin ako tapos siya ayaw lang sa akin? Ayos ah.
"Duh, 'Wag mo paniwalan ang lukong 'yun, pero matanong nga kita. Gusto mo talaga 'yung pinsan ko?" Naniniguro niyang tanong hindi naman agad ako nakasagot kahit alam ko na naman ang sagot sa tanong niya. Pero kaibigan ko siya, kaya dapat alam niya ang sekreto ko.
Dahan-dahan ako tumungo, umawang naman ang kanyang bibig at hindi makapaniwala sa aking sinabi.
"Seryoso ka? Gusto mo talaga ang gago kong pinsan..." Halos masampal niya ang sarili, dahil hindi talaga siya makapaniwala na may gusto ako sa pinsan niya.
May mali ba magkagusto ka sa isang tao?
"Pero Esterlla, hindi ka gusto ng pinsan ko." Mahinahon niyang sabi, nasaktan ako ng kaunti pero hindi ko pinapansin 'yun dahil alam kong totoo naman ang sinabi niya.
"Ano'ng gagawin mo? Hahabulin mo ba siya?" Sunod-sunod niyang tanong agad naman akong umiling.
Asa. Asa talaga!
Ako? Maghahabol? Umasa ka nalang sa wala!
"Gusto ko lang ang pinsan mo," mahina kong sambit, at pinipigilan mairita.
"Pero hindi ako 'yung tipo ng taong. Ipagpipilitan ang sarili ko sa isang taong, ayaw naman sa 'kin." Mahinahon kong paliwanag sa kaniya tumungo tungo naman siya.
"Siguraduhin mo lang. Ayokong masaktan ka. Dahil harsh magsalita ang pinsan ko, sa sobrang sakit mas gusto mo nalang siyang ilibing ng buhay." Biro niya saka mahina tumawa, nakitawa nalang din ako.
"Oo, hindi naman akong ulaga maghahabol sa pangit at salbahe na President natin." Biro ko saka malakas na humalakhak.
Natigil ako sa pagtawa dahil sa malakas na hampas sa lamesa ko ang narinig ko. Halos mahugot ko ang lahat ng hininga ko ng bahagya akong humarap doon.
Narinig niya ba? shiti!
"Ano'ng sabi mo?, paki ulit nga. Miss Secretary..." Mariin niyang bulong sa 'kin ramdam kong nasa tainga ko ang bibig niya, bahagya ako nakiliti ng dahil sa hininga niya kaya lumayo ako ng kaunti.
"Ulitiin mo ang sinabi mo..." Mariin niya pa rin bulong napalunok naman ako ng paulit-ulit saka masamang tinignan si Onica at humihingi ng tulong umiling lang siya.
Bwisit. Napaka walang kwentang babae talaga! I swear pag-aawayin ko sila ni Kuya para makaganti ako.
"Uulitin mo o hihilahin kita?" Halata sa boses niya ang irita. Jusko po nagbabait na nga po ako eh! Binalik kona ang mabait na Esterlla bakit nilalapitan ako ng demo— este, ng lalaking ito!
"May sinabi ba ako?" Pilit kong kinalma ang sarili ko saka naglakas loob na humarap sa kaniya. Hindi ko alam pero na bigla ako na halos isang daliri nalang ang layo namin sa isa't isa.
Bakit ba kas—I hate this feeling!
"Hindi ako bingi, para hindi marinig ang sinabi mo Miss Secretary." Mariin niyang saad saka pinag-cross ang mga braso at nakangisi tumingi sa 'kin.
I really fucking hate this feeling. Bwisit
Malakas akong ngumisi saka nagsalita at tinarayan siya, pilit nilalabanan ang emosyon na ibinigay niya sa akin.
"Mr. President..." Mariin kong saad saka naglakas loob na tumayo para matapatan ko siya pero mas matangkad pa rin siya sa 'kin.
"Hindi ka naman pala bingi. Bakit mo pa pinapaulit sa 'kin? Tanga lang?" Pataray kong tanong sa kaniya at doon ko lang na pansin na pinagtitinginan na pala kami ng mga ka-blockmates namin.
'Yung iba nagbubulungan at 'yung iba naman nakatingi lang sa 'min.
"Hindi ako stupid, at ano'ng karapatan mong sabihin ako na pangit at salbahe?!" Pasigaw niyang sambit kaya halos tumaas ang balahibo ko.
Pilit akong ngumisi sa kanya saka dahan-dahan naglakad papalapit.
"Bakit? Ikaw lang ba may karapatan na manghusga ng tao? Baka nakakalimutan mo sinabihan mo rin akong desperate nagreklamo ba ako?" Seryoso kong tanong sa kanya saka nagtaas ng kilay sa kanya.
"Masama ba magsabi ng totoo?" Mayabang niyang tanong sa 'kin.
"Alin ang totoo sa mga sinabi mo?" Taka kong tanong saka mahinang tumawa at tumalikod sa kaniya.
"Na Desperada ka." Seryoso at nakakunot niyang noo ani kaya tumigil ako sa pagtawa saka siya mabilis na lumingon sa kanya.
"Mr. President... Kahit tanungin mo lahat ng tao rito! Hindi ako desperada! at isa pa sa mga sinabi mo sa 'kin ay walang kahit isang totoo roon..." Seryoso kong sambit saka marahan na umirap.
"Dahil hindi ako Desperada."
"At hindi ka kahabol-habol." Dagdag ko pa.
"Eh 'yung sinabi ko sa 'yo may totoo roon. Gwapo ka nga salbahe naman." Mapang-asar kong sabi, nakita ko naman umigting ang panga niya.
Who cares if he gets mad, at least nakaganti ako.
Pinanood ko lang kung paano siya mariin pumikit habang umiigting ang kanyang panga, ngumisi ako saka kinuha ang bag ko at tinalikudan siya pero hindi pa ako tuluyan na kakalakad ay agad niya tinawag ang buong pangalan ko.
I eeally hate this feelings... Na dedeja vu yata ako, bwisit na lalaki ito.
"Esterlla Mailein Diaz..." Mariin niyang tawag sa pangalan ko, napapikit ako sa inis saka inis siyang hinarap pero hindi ko pinahalata 'yun.
Hindi pa ako nakakaimik ay agad na siyang umimik para unahan ako.
"Miss Diaz, Estrella Mailein. Go to SOC right now, because we have to talk about us." Utos niya sa 'kin bago ako tinalikuran.
What about us?! No way akala ko ba wala ng balikan sa past?! At akala ko ba ay Kakalimutan na ang lahat about us! Eh bakit namin pag-uusapan ang tungkol sa 'min, ano'ng topic? Past or present? Fuck you, Connor!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro