Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

"Ano ba kanina pa tayo dito hindi ka pa rin makapili?!" Sigaw na tanong sa 'kin ni Onica halatang inis na inis na talaga sa akin, napakamot nalang ako sa ulo ko lalo't na hindi ko rin naman magawang patulan pa siya. Halos dalawang oras na kami dito sa mall pero wala pa rin kami nabibili kung 'di sapatos at bag pa lamang.

"Ang arte mo naman kasi, Estrella! Hindi ko talaga alam bakit ang arte mo mamili ngayon, before naman basta bili ka lang ng mga clothes mo." Irita niyang bukyaw saka bumalik sa kung saan niya kinuha 'yung damit na pilit niyang pinapasuot sa 'kin.

Sinundan ko lang siya nang tingin hanggang sa makabalik siya na may bagong dala na naman.

"Ito pwede na?" Tanong niya sa 'kin sabay abot ng black mini maxi dress, white croptop, at blue skinny jeans.

"Pwede na 'yan." Saad ko saka kinuha at dali-dali pumunta sa Cashier para magbayad. Mas okay na 'to kaysa roonsa binibigay niya kanina. parang makikita na kaluluwa ko roon, ang laki ng backless sa likod. Lamingin pa naman ako tapos iyon ipapasuot niya? I can't.

"Saan next?" Tanong ko sa kanya. Pagkatapos ko makapagbayad.

"Make-up."

Naka pamulsa ako habang naglalakad habang siya ay hawak ang mga pinamili ko, ewan ko ba sa kanya siya na raw maghahawak. Hindi na rin ako nagreklamo dahil tinatamad din naman ako, nag-insist siya so why ko tatanggihan, right?

Habang naglalakad kami ay hindi sinasadya ng malikot kong mata na mapatingin sa isang resto, mabilis nanlaki ang mata ko ng makita ko si Connor sa loob noon at mas hindi ko inaasahan na mapapatingin siya sa gawi ko kaya agad ako nag-iwas nang tingin dahil sa hiya na nararandaman, I feel so embarrassed, baka mag-assume siya.

Iling-iling ako nagmadali sa paglalakad at inunahan na si Onica.

Halos isang oras kami bago kami na tapos bumili ng mga make-up, takte na make-up lang 'yun isang oras?! Reklamo sa akin si Onica sa clothes section pero sa make-up section wala akong reklamo sa sobrang tagal niya mamili.

Gabi na nang makauwi ako dahil hinatid ko pa si Onica sa kanila. Pagkarating ko sa bahay ay nakita ko agad si Kuya na nakatayo sa living room at masamang nakatingin sa 'kin.

"B-Bakit?" Taka kong tanong sa kanya, sinenyasan niya lang akong lumapit sa kanya. Kaya kahit kinakabahan ay lumapit ako nalang ako, no choice rin naman eh!

Kuya, 'wag mo 'ko papatayin!

"A-Aray ko!" Sigaw ko dahil pagkalapit ko pa lang ay agad niya kinurot ang tainga ko. Sakit ha! Parang 'di kapatid na babae ang tingin sa akin?!

"Bakit ba, Kuya?!" Inis kong tanong habang hawak ko ang tainga ko na kinurot niya.

"Ano'ng trip mo sa buhay, Estrella ha?" Seryoso niyang tanong sa 'kin habang masama pa rin nakatingin, kaya't napalunok ako bigla nang sunod-sunod.

"W-Wala naman." Utal kong sagot. Bwisit, nautal pa talaga ako!

"Gusto mo ba 'yung Connor na 'yun?" Tanong niya sa 'kin nakina laki naman ng mata ko.  Huh?! Ano raw?!

"Ano?!" Hindi ko makapaniwalang sigaw, grabe! Dinuro niya lang ako kaya tumiklop ako bigla.

Kasi naman si Kuya nakakatakot talaga siya, kung alam lang ng mga tao sa school kung gaano nakakatakot ang Kuya ko hindi sila matatakot sa 'kin, sa Kuya ko dapat.

"Isang sagot lang ang hiningi ko, Estrella Mailein Diaz." Seryoso at diin niyang sabi habang pinanglalakihan ako ng mata. Hindi ko naman maiwasan matakot lalo dahil full name ko na ang sinabi niya.  "Oo at Hindi lang Esterlla." dagdag niya pa, napanguso ako dahil sa inis.

"Hindi ko siya gusto, 'no!"

Bakit ganto ang utak ko? Sinasabi nung kabilang side may gusto ako sinasabi naman nung isa hindi! I'm crazy na ba?!

Pinaningkitan niya ako ng mata at mas inilapit ang mukha sa mukha ko at mukhang sinisiguro na hindi ako nagsisinungaling.

"Sinungaling!" Pasigaw niyang saad kaya lumayo ako bahagya sa kanya. Minsan talaga si Kuya hindi nag-iisip na ang lapit ko sa kanya tapos sisigaw siya!

"Abnoy kaba, Kuya?" Hindi ko napigilan ang sarili kong hindi magtanong sa kanya, kumunot lang naman ang noo niya dahil sa naging tanong ko.

"Bibig mo Esterlla, pakainin kita ng sili!"

"Aamin kana?" Tanong niya, apayuko nalang ako saka sunod-sunod na tumungo.

"Gusto mo?"Tanong niya ulit pero, hindi ko alam sa sarili parang nagkusa na sunod-sunod akong tumungo bilang sagot.

"Kaya mo ba binabago mo ang sarili mo, Dahil sa lalaking 'yun? Sino ba iyon? Ipakilala mo sa akin" Tanong niya pa ulit. Nakayukong lng ako tumungo.

"Bakit mo babaguhin ang sarili mo?  Para ano? Para magustohan ka niya?" Seryoso niyang tanong pa. "Opo." Magalang kong sagot.

Narinig ko siyang bumuntonghininga saka ako hinila sa sofa para maupo.

"May sasabihin ako sa 'yo, Esterlla ha." Seryoso niyang sambit kaya nag-angat ako nang tingin.

"Masaya ako dahil ibabalik mo ang dating Esterlla na kilala ng tao, pero hindi ko gusto na ibabalik mo 'yun dahil sa isang lalaki, ang gusto ko mangyari ibalik mo iyong dating ikaw para sa sarili mo, hindi para sa iba." Malungkot npero seryoso niya pa rin sabi sa 'kin.

"Gusto ko bumalik 'yung dating Esterlla na sobrang ingat sa sarili, gusto ko bumalik 'yung kapatid kong mahilig magpaganda, pero gusto ko bumalik siya ng kusa nang hindi dahil sa isang lalaki... Pero kung 'yan ang gusto mo, wala akong magagawa."

"Natutuwa ako dahil nagkagusto ka ulit, dahil sa lumipas na maraming taon wala kang interest sa ganan bagay at natutuwa talaga ako na sinubukan mo ulit magmahal pero ayoko na ikaw masaktan ng dahil lang ulit sa lalaki, Mailein." Dagdag pa niyang sabi. aang drama ni Kuya jusko pero na touch ako. Pero Kuya kung alam mo lang. Kilala mo siya, Kuya...

"But kung gusto mo ulit sumubok, why not 'di ba? Basta kung nasasaktan ka 'wag mahiya magsabi kay Kuya." Seryoso niyang paalala sa 'kin saka ngumiti. Hindi ko na napigilan ang sarili kong yumakap sa kanya.

"Thank you, Kuya." Emosyanal kong sabi sa kanya at mas hinigpitan ang yakap. "Oh siya pumunta kana sa kwarto mo, maligo kana para makakain na tayo." Utos niya sa akin tsaka ako pinakawalan sa yakap. Kinuha ko ang mga pinamili ko saka nagpunta sa taas.

Maaga ako nag-ayos ng sarili saka lumabas ng kwarto ko. Suot ang mga biniling damit kahapon white croptop, skinny jeans at white  shoes ay bumaba ako ng hagdaan saka dumaan sa harap ni Mommy.

"Good morning, Mommy." Magalang kong bati saka humalik sa pisngi niya.

"You look good on your outfit, Darling." Malaking ngiti papuri n'ya sa 'kin.

"Thanks, mom." Sabi ko saka naupo sa upuan ko.

"Saan si Kuya, pati si Daddy?" Tanong ko kay Mommy saka kumuha ng Bacon. "Ang Kuya mo maaga umalis susunduin 'ata ang girlfriend niya, habang ang Daddy mo ay maaga rin umalis dahil may meeting pa raw siya." Kumakain na kwento ni mommy tumungo nalang ako. saka pinagpatuloy ang pagkain.

Pagkatapos ko kumain ay nagpaalam na ako kay Mommy na papasok na ako. Nang makasakay ako ng sasakyan ko ay sinumulan ko agad paandarin.

Nang makarating akong school ay laking gulat ko na meron na naman mga lalaking naghihintay kung saan ako nag-park.

Seryoso ba sila?! Hindi ba sila nagsasawa kakabigay sa 'kin nang mga bulaklak na hindi ko naman makain, kung chocolate pwede pa!

Mabilis akong nag-park saka bumuntonghininga.

"I hope it's worth it ti bring back the old me, ang babaeng pinili at minahal m noon..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro