Chapter 2
Kanina pa ako nakaupo ng deretsyo rito sa upuan ko, maski ang lumingon ay hindi ko magawa lalo na hindi ko gusto lingunin ang katabi ko. Bakit ba siya nandito?
"Girl, ayos ka lang?" Natatawang tanong sa 'kin ni Onica. Tinignan ko lang siya nang masama dahil mismo pag-imik hindi ko magawa para akong nawalan ng boses ng hindi oras.
"Gagi, anong nangyari sa 'yo?" Tanong pa rin niya sa akin. Ewan ko rin ano bang nangyari sa 'kin. Dapat nga okay lang ako, dapat nga wala ng epekto pero, hindi ko alam ba't nagkakaganito ako ngayon.
"Crush mo?!" Masigla niyang tanong sabay hampas sa 'kin kinurot ko lang siya sa tagiliran para manahimik siya. Masyado maingay eh.
"Aray ha!" Daing niya pero hindi ko pinansin 'yun.
"Eh bwisit ka!"
"Anong kasalanan ko?" Nakakunot niyang tanong halatang clueless talaga siya sa buhay, gusto ko tuloy siya iuntog.
"Bwisit." Iyon nalang ang nasabi ko.
Marahan kong palihim na nilingon ang katabi ko, agad ko naman nakita ang perpekto at seryoso niyang mukhang, na deretsyong nakatingin sa white board at tahimik na nakikinig sa discussion ng Professor namin.
Walang pinagbago, kung ano siya noon, iyon pa rin hanggang ngayon, kung may nag-iba mas naging matured siya tignan.
"Are you done?" Bigla niyang imik kaya napatigil ako sa pagsasaulo ng mukha niya.
"Ha?" Naguguluhan kong tanong.
"Kanina ka pa nakatingin sa 'kin, Miss." Seryoso niyang sabi saka ulit binalik ang tingi sa una. Narinig ko naman mahinang tumatawa si Onica sa likod ko kaya bahagya ko siyang siniko.
"Nakakatawa?" Seryoso kong tanong, binelatan lang ako ng luka saka tumayo at lumipat sa tabi ni Connor.
"Connor." Tawag niya sa pinsan niya bumaling naman sa kan'ya si Connor.
"Why?" Walang gana niyang tanong napaka yabang naman bigla nito.
"This is Esterlla, my bestfriend." Malaking ngiti pakilala niya sa akin.
"I'm not interested." Tanging sagot ni Connor. Napangisi ako sa sinabi niya, so... Anong tingin niya sa akin? Interested ako sa kaniya porket pinakilala ako ng pinsan niya? Yabang.
"Ano sa tingin mo Interesado ako sa 'yo?" Irita kong tanong lumingon siya sa 'kin saka ngumisi.
"I don't want to get to know or make friends with a desperate woman like you." Ngimisi na naman ito, halatang nang-aasar talaga. "You don't look like a woman, so I'm not interested in people like you." Mayabang at seryoso niyang sabi. Napapikit naman ako dahil sa inis.
Hindi ko alam parang nasaktan ang puso ko ng sabihin niyang desperada ako at walang ayos sarili.
Ano bang nangyayari sa 'yo, Esterlla?! Dati naman wala kang pakialam kapag sinasabihan ka nang gan'yan.
"Connor ano ka ba!" Sita ni Onica sa pinsan niya. Dahil alam niyang Baka masuntok ko ito, alam ni Onica nawala akong pakiaam kung sabihan akong hindi mukhang babae pero, bakit ngayon parang ayoko na ng nasasabihan ng gano'n, lalo na kung sa kaniya mismo galit, bwisit naman lalaki na ito.
"Hindi ako desperada." Bulong at mariin kong saad dahil baka may makarinig.
Nilingon niya ako. "You don't look desperate right now but, maybe you will be desperate because of me." Seryoso niyang sabi bago muling ibinalik ang paningin sa unahan, dahil nasa dulo kaming parte ng classroom hindi kami masyado napapansin ng Professor namin. Bwisit, buti nalang sa 4 subjects lang kami magkasama.
What?! Ako magiging desperada dahil sa kan'ya?! Hindi ko nga makita sarili ko maging desperada sa isang lalaki, kapal nito!
"Anong ibig mong sabihin na magiging desperada ako dahil sa 'yo?" Nakataas kong kilay na tanong humarap siya muli sa 'kin saka ako deretsyong tinignan. Lumunok ako ng ilan beses dahil sa talim nang tingin niya.
"Yes, that's what I mean. You will end up chaisng me, like other women I already rejected." Mayabang niyang saad saka ako muling tinalikuran, bahagya ko na ikuyom ang mga kamao ko.
"Are you saying that I will chase you, like the other women do?" Mataray kong tanong. "Yes, I say that, you will also chase me like the other women who chasing me right now." Seryoso niyang sabi na hindi na aalis ang tingin sa 'kin. Gusto ko ipagtanggol ang sarili ko na. Never ako magiging desperada sa kan'ya.
"Hinding-hindi kita hahabulin itatak mo 'yan sa utak mo!" Naiinis kong sigaw sa kan'ya. Tumaas lang ang gilid ng kanyang labi saka muling nagsalita.
"Let's see, I already know desperate women like you." Nakangisi niyang wika, na sapo ko ang noo ko dahil sa mga sinasabi niya. Masyado siyang mahangin.
"Hindi ako desperada!" Halos sigaw ko ng sabi.
"There is no point in talking to a woman like you, desperate..." Mariin niyang sabi. Akmang sasagot pa ako nang pigilan na ako ni Onica. Kaya buntonghininga nalang ako saka ulit bumaling sa unahan.
"Ang cute niyo..." Bulong pa sa 'kin ng luka. Cute ba 'yun ang tawagin akong desperada! Ang kapal pa ng mukha nang sabihin niya na hahabulin ko siya na never ko naman gagawin.
"Samahan mo 'ko mamaya sa mall." Bulong ko sambit kay Onica bahagya naman kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Ha?" Naguguluhan niyang tanong bumuntonghininga ako saka muling nagsalita.
"Sabi nang magaling mong pinsan hindi raw ako mukhang babae, pwes samahan mo 'ko sa mall at aayusan ko ang sarili ko." Seryoso kong sabi. Umawang naman ang bibig niya dahil sa sinabi ko.
"Seryoso ka?" Hindi niya makapaniwalang tanong agad naman akong tumungo. Halos tumalon na siya sa tuwa sa sinabi ko.
Mukha pa lang hindi babae ha? Hindi nag-aayos sa sarili? Tignan natin baka kainin mo lahat ng sinabi mo, Mr.President...
"What?! Babaguhin mo sarili mo dahil kay Connor?" Tanong niya hindi ko alam pero bigla tumungo ng kusa ang sarili ko.
Bakit ko nga ba babaguhin ang sarili ko? Dahik ba talaga kay connor? Or dahil sa sarili ko?
"Mygosh hindi ako makapaniwala!" Sigaw niyang sabi na animo'y kinikilig pa.
"Shut up!" Sigaw ko sa kan'ya, nahalata yata niyang wala na talaga ako sa mood kayq tumahimik na rin siya.
Nang matapos ang unang klase ay agad kaming pumunta ni Onica sa cafeteria. Dahil Nagugutom na raw siya saka miss niya na raw ang Kuya kong si Nathan.
Aarte, dalawang oras lang naman hindi nagkita.
"Alam mo ba Nat, si Sterlla nagyaya mag-shopping." Masiglang daldal ni Onica kay kuya kaya si kuya napatingin sa 'kin.
"Mag-shopping ka, Esterlla?" Nakataas niyang kilay na tanong sa 'kin tumungo lang ako. "Why?" Dagdag niyang tanong.
"Wala lang." Walang gana kong sagot saka kumagat sa waffles na hawak ko.
"Alam mo si Connor ang dahilan."
"Connor?" Takang tanong ni kuya saka nilipat ang tingin sa girlfriend niya.
"Si Connor. The new SSLG President. " Masiglang saad ni Onica sabay yakap sa boyfriend niya.
Eww... Oa...
"May gusto ka roon, Esterlla?" Seryoso tanong ni Kuya kaya bahagya akong kinakabahan dahil sa totoong pangalan niya ako tinawag at mariin iyon.
"Hindi ah!" Depensa ko. Ewan ko ba parang na guilty ako nung sinabi kong hindi.
"Anong hindi?!" Sigaw ni Onica kaya pinandilatan ko siya. Papahamak pa ako ng hinayupak! "Na love at first sight ka nga!"
"Ulol!"
"Oh, bakit ka mag-shopping kung gano'n?" Seryoso pa rin na tanong ni Kuya kaya mas kinabahan ako.
Mahigpit sa 'kin si Kuya ayaw niya na ako mag-boyfriend muli dahil nung mga panahon na pinayagan niya ako ay nasaktan lang daw ako. Sa first boyfriend ko ang tinutukoy ko hindi sa ghoster na si Dylan.
"Kasi sinabihan niya akong walang ayos sa sarili." Pagdadahilan ko.
"Esterlla, baka nakakalimutan mong sinabi mo sa 'min na wala kang pakialam sa sinasabi ng iba, parang nagbago ang lahat dahil lang sa lalaking 'yun." Nakataas niyang kilay na saad at mas nagpalakas ng tibok ng puso ko.
"Sinong Conor ba iyan?" Tanong ulit ni Kuya, doon na ako natigilan. Hindi niya pwede malaman kung sinong Connor iyon.
Dahil sa oras niya na nalaman niya kung sino iyon, husay na talaga ako nito...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro