CHAPTER 34: BROKEN AND BETRAYAL
Vince's POV
Everything was really fine not until I saw Liza's recent tweets.
'He cheated on a girl who isn't as high as me.'
'Hey girl iwan mo na yung boyfriend ko. Ikakasal na kami right?'
'She became a famous writer because she flirted my boyfriend. Right @EmilyWrites?'
I feel betrayed while reading those tweets. I thought we're okay. That she has nothing to do with us anymore. I thought she's already over me. I thought we're done. "Alam mo, alam kong mangyayari 'to." Saad ni Ems na nagbabasa na din ng tweets sa phone niya. "Ha? Ang alin?" Sagot ko. "Yung ginagawa ni Liza. Una pa lang inexpect ko na 'to." Sagot niya. "Bakit? Ako nga pakiramdam ko trinaydor niya ako eh." Sagot ko. "Ikaw nagsabi dun sa interview mo na wag magpapadala sa words tapos ikaw rin pala nadala. Ikaw ang dakilang clown ng taon." Sagot niya. "Nag-one on one kasi kami pag-alis mo. Kaya akala ko totoo na." Sagot ko. "Iwan na daw kita, eh paano kita iiwan kung wala pa namang tayo. Tsaka saang banda ko nanlandi sayo para maging famous? I was famous even before we met." Sagot niya. Natawa na lang ako sa sagot niya. "Akala ko pa naman matalino yang mapapang-asawa mo." Sagot niya. "Matalino nga. Writer pa nga eh. Tapos nasa harapan ko." Sagot ko. Agad naman siyang umiwas ng tingin sa akin. Namumula na din ang kanyang mga pisngi. "You're so cute when you blushed. Especially when it's because of me." Saad ko. "Edi wow." Sagot niya sabay hampas sa balikat ko. "Ubusin mo na yang pagkain mo nang makabalik na tayo sa klase." Sagot ko. "Opo, Doc Vince." Sagot niya. "Diba nurse tayo? Bakit nauwi sa doc?" Sagot ko. "Para ka kasing doctor sa sobrang strict." Sagot niya. "Ayoko lang kasing bumalik nanaman tayo sa hospital hindi na dahil sa sobrang baba ng platelet mo kundi dahil sa ulcer." Sagot ko. Umirap lang siya at nagpatuloy na kumain. Nagkibit balikat na lang ako at inubos na rin ang pagkain ko.
Pagkauwing-pagkauwi ko sa condo ko ay agad kong binuksan ang phone ko at hinanap yung number ni Liza. Agad kong pinindot ang call button para ma-dial ang number niya na nakasave sa akin. "Hello-hello, Vince. Miss me?" Bati niya. "Liza, why did you do that? You're starting another issue you know?" Sagot ko. "Yes I know. I'm not dumb." Sagot niya. "I'm not dumb too to know that you're jealous. Why?" Sagot ko. "Why? What a dumb question, Vince." Sagot niya. "There's nothing for you to get jealous there's nothing between us. Alam mo yan!" Sagot ko. "Is there really nothing? Why are you making me feel there's something the last time I visited you." Sagot niya. "It's because it's the right etiquette to a visitor and you're a girl. Do you expect me to just send you to your hotel and that's it? Well I'm not that type of guy. I don't want a girl roaming around alone at night." Sagot ko. "Well, why do you keep giving me hopes? Huh why?" Sagot niya. "When that thing happened? I clearly told you that I'm courting Emily right? I clearly told you that there's something between me and her. Then there you are ruining her image again." Sagot ko. "Ano bang meron sa kanya na wala sa akin? Writer lang naman siya ah! Writer din naman ako! Fangirl siya, fangirl din naman ako. Nagawa mo pa ngang ilibre siya ng VIP ticket sa concert at fan meet. I can do what she can, Vince. Why not me?" Sagot niya. "Why not you? Simple. Because she accepted the broken pieces of me. I can be vulnerable in front of her. I can be the true me when I'm with her. I can express what I really feel whenever I wanted. I can't find home without her." Sagot ko. "You can also be you in front of me." Sagot niya. "Yes I can but there's always limits. Liza, please stop making fuss now. We want to get back to our normal lives. I want to sleep peacefully without thinking that tomorrow there might be cameras around us again. Or the next day there might be bashers of her. Please, Liza." Sagot ko. "I'm not yet done Vince.I'm still planning on more. Tingnan natin kung hanggang saan ang kakayanin niyong dalawa." Sagot niya. "Go ahead. I'm waiting. Hindi mo kami mapapabagsak at isa pa. Hindi mo pa kilala ang totoong Emily Savvanah kaya maghanda-handa ka na rin." Sagot ko at pinatay ang tawag. Ako pa susubukin niya sa nararamdaman ko kay Emily eh sigurado na ako sa kanya.
Pagkatapos ng pag-uusap naming ay pumunta na ako sa condo nila Ems.Nakita kong seryoso siyang nagsusulat sa notebook niya. Nag-o-outline ata siya para sa next update. "Why so serious, Babe?" Saad ko. "Tigilan mo ko, Vince. Nagsusulat pa ko." Sagot niya. "Okay. Nag-dinner ka na ba?" Sagot ko at umupo sa tabi niya. Binaba niya ang ballpen at tiningnan ako ng masama. "Sabi ko. Nagsusulat ako. At alam mong ayoko ng inaalis ako sa writing zone." Mariing sagot niya. Dama mo talaga sa boses niya ang inis sa akin. Aambaan niya ako ng suntok ng magnakaw ako ng halik sa pisngi niya. "Sorry na babe. Tinatanong ko lang naman kung nag-dinner ka na eh. Walang sapakan babe." Sagot ko. Hindi niya nga ako sinapak kinaltukan naman ako ng napakalakas. "Aray naman! Napaka-sadista mo talaga." Daing ko. "Yan ang napapala ng nag-aalis sa akin sa writing zone." Sagot niya at niligpit ang mga gamit niya. "Huy, tinatanong kita kung nag-dinner ka na ba?" Sagot ko. "Hindi pa. Nakalimutan ko magluto. Ikaw naman magluto. Di pa umuuwi si Ate Gab eh." Sagot niya. "Okay." Sagot ko at tumayo na sa upuang kinauupuan ko kanina.
Binuksan ko ang ref nila para makita kung anong stored na pagkain. Ng makitang kumpleto ang ingredients para sa Afritada na favorite ni Ems ay sinimulan ko nang maghiwa. Habang naghihiwa ay nakita kong nakaktitig sa akin si Ems habang hawak ang cellphone niya. "Hoy, ano yan?" Saad ko. Para naman siyang natauhan at agad na binaba ang phone niya. "W-wala. Wala. May binabasa lang akong rant ng isang iKONIC." Sagot niya. "Gasgas na yan, Ems. Yan lagi dinadahilan mo kapag vinivideo mo ako secretly eh." Sagot ko. "Wow, talaga lang , Vince ah." Sagot niya. "Makapagluto na nga. Baka batukan mo nanaman ako eh. Tsaka siguradong gutom ka na." Sagot ko. Nagpatuloy na ako sa paghihiwa.
Emily's POV
Pagkatapos magluto ni Vince ay naghain na ako. Habang naghahain ay sakto namang pagdating ni Ate Gab. "Sorry, Ems natagalan ako sa pag-uwi. Marami pa kasi kong inasikaso sa hospital eh. Kumain ka na?" Bati niya. "Ako na nagluto, Ate Gab. Magbihis ka na po para makakain na tayo." Sagot ni Vince. Nagningning ang mga mata ni Ate Gab at binigyan kami ng mapanuksong ngiti. "Hindi lang boyfriend material si Vince, Ems. Husband material pa. Kailan mo ba siya sasagutin?" Saad niya sa mapang-asar na tono. "Ate naman. Wala naman po siyang tinatanong paano ko siya sasagutin?" Sagot ko kahit alam ko naman kung anong tinutukoy niya. "Naghihintayan lang kayong dalawa eh. Vince, galaw-galaw baka maagaw." Sagot ni Ate Gab at pumasok na sa kwarto niya. Nagkatinginan na lang kami ni Vince at sabay na tumawa. Nagpatuloy na ako sa paghahain. Ilang saglit pa ay lumabas na din si Ate sa kwarto niya. Umupo na kami at sabay-sabay na kumain. "Hmmm. Sarap talaga magluto ng afritada ni Vince eh." Saad ni Ate. "Thank you po, Ate Gab." Sagot niya. "Sana lagi." Sagot ko. "Pwede namang lagi eh. Sabi nga nila, the way to a woman's heart is through her stomach." Sagot niya. "Kahit kailan wala ka talagang originality. A way to a man's heart is through his stomach hindi woman." Sagot ko. "Sariling version ko yun eh. Ba't ba?" Sagot niya. "Kumain na kayo guys. Masama pinaghihintay ang pagkain." Sagot ni Ate Gab. Nagpatuloy na kami sa pagkain. "After natin kumain, Vince tambay tayo sa rooftop. Nakakamiss mag-star gazing at panoorin ang mga buildings eh." Saad ko. "Pero Ems. Mapupuyat ka niyan." Sagot niya. "Ito naman parang isang gabi lang eh. Hindi naman nakakababa ng platelet ang mapuyat ng isang gabi diba?" Sagot ko. "Oo nga, Vince. Hindi naman. Pagbigyan mo na si Ems." Sagot ni Ate Gab. "Oh see? Si Ate Gab na registered nurse na mismo nagsabing pwede naman." Sagot ko. "Okay. If that's what you want. Just for tonight okay?" Sagot niya na parang labag sa loob niya. Kami nan i Vince ang nagligpit ng pinagkainan dahil tumawag na si Kuya Mark kay Ate Gab.
Pagkatapos naming mag-urong ay pumunta na ako sa kwarto ko upang kumuha ng hoodie. Kinuha ko yung favorite hoodie ko na galling kay DK. Lumabas na ulit ako, nakita ko siyang nagcecellphone. "Tara na." Saad ko. "Tara." Sagot niya. Nauna na akong lumabas at hinintay na lang siya sa tapat ng elevator. "Hilig mo talagang iwan ako." Saad niya. "Sorry." Sagot ko. Hinintay naming dalawa na bumukas ang pintuan ng elevator. Ilang sandali pa ay pumasok na kami. Siya na ang nagpindot ng floor papuntang rooftop. Pagdating naming sa rooftop ay pinagbuksan niya pa ako ng pintuan. Kahit ilang beses ko nang nakita 'to palagi pa rin akong nabibighani sa ganda. Kasabay ng pagkislap ng buwan at bituin ay ang pag-ilaw din ng mga building. Sobrang ganda at kabigha-bighani. Napangiti na lang ako sa kawalan habang nakatingin sa nagkikislapang ilaw. "Alam mo, kahit ilang beses na tayong tumatambay dito yung kislap ng mata mo ganun pa rin." Saad ni Vince. "Wala eh. Kahit ilang beses kong makita 'to lagi akong napapamangha." Sagot ko at umupo sa mga sun lounges dito. "Ems, if there are more challenges with me, would you face it?" Tanong niya habang nakatitig sa mga building. Agad namang gumapang ang kaba sa sistema ko dahil sa tanong niya. "Of course. I will. As long as you're on my side." Sagot ko kahit hindi ko alam ang dahilan ng tanong niya. "Earlier, Me and Liza talked over the phone. She asked me why can't I choose her. Why I choosed you instead of her and my answer triggered something in her na maaring malaking pagsubok sa atin. I'm bothered about it." Sagot niya. "Hay, sa dami ba naman ng dating scandal na kinasangkutan nating dalawa tapos itong mistress scandal na 'to. Ngayon pa ba kita iiwan? Syempre naman haharapin natin yang dalawa. Wag ka magpaapekto siya kanya. Paano tayo mananalo kung una pa lang suko ka na." Sagot ko. "That's why I love you. You always gave me courage to continue." Sagot niya. "I love you too." Sagot ko. Kung dati hindi ako kumportable sinasabihan siya ng ganun ngayon kumportable na ako. Hindi ko alam pero bigla na lang akong naging kumportable sabihin yun sa kanya nung mga gabing sinasamahan niya ako kapag nagb-breakdown ako. Niyakap niya ako ng mahigpit. "Promise me that you won't leave no matter what?" Sagot niya. "Yes I promise. Sabay nating haharapin yung delubyong bibigay ni Liza. Hayaan mo lang siyang magsasalita ng magsassalita sa social media. Ang mahalaga focused tayo sa pangarap nating dalawa, okay?" Sagot ko. Pagkatapos ng dalawang oras ay napagdesisyonan na naming bumaba at bumalik sa condo. "Can I sleep beside you again?" Saad niya. "Baliw! Dun ka sa unit mo. Baka mamaya may iba nang nakatira dun eh." Sagot niya. "Walang ganyanan, Ems. Uuwi na ako. Hahatid lang kita sa unit niyo." Sagot niya. "Ayan. Mabuti nang magkalinawan tayong dalawa." Sagot ko. Hinatid niya lang ako sa unit namin at pumunta na rin siya sa sarili niyang unit. Inabutan ko si Ate Gab na umiinom ng hot chocolate. "Ate, bakit gising ka pa?" Saad ko. "Hindi ako makatulog eh. Hinihintay din kitang makauwi." Sagot niya. "Sige po, Ate. Good night." Sagot ko. "Good night." Sagot niya. Pumasok na ako sa kwarto ko at nagsepilyo ng ngipin bago ako nahiga. Siguro nakatulong ang pag-akyat naming ni Vince sa rooftop kaya mabilis akong nakatulog.
Ken's POV
Nasa online class ako pero yung isip ko lumilipad pa rin dun sa sinabi ni Sandra nung kagabi. I already expected her reply to be like that pero ang sakit pa rin kahit expected mo na. Ang sakit kahit expected mo nang marinig ito mula sa babaeng mahal mo. Yes narinig, dahil secretly na nirecord ni Sandra yung ppsg-uusap nila. Natapos ang online class ng wala akong natutunan. Lumabas na ako ng kwarto ko at dumiretso sa kusina para kumuha ng can of beer. Wala nang kain-kain. Kakain pa mamatay din naman. "Ken, it's bad for the health." Saad ni Ate Kass. Umiiral nanaman ang doctor instinct niya. Hindi ko siya pinansin at lumagok na lang ng alak. "If you're hurt wag mong daanin sa alak. Kapag nakita ka pa ni Kyle baka maging lasinggero sa umaga yun." Saway naman ni Kuya Kenneth. "Bakit ba ganun, Ate? Expected ko naman nang ganun yung sasagot niya pero nasasaktan pa rin ako" Saad ko. "I don't really know, Ken. I don't really know, cause I don't know what it feels like na maghabol. Maghabol ng taong mahal mo kasi ako, hindi ko na nahabol yung taong totoong mahal ko. Hindi ko na nahabol kasi hindi ko na alam kung saan siya nagpunta o kung nakagraduate ba siya ng medschool." Sagot ni Ate Kass. "Walang pangmalakasang payo si Kuya sayo Ken but just remember nandito lang kami para sayo." Sagot naman ni Kuya Kenneth. "Kuya Ken, if you're hurting right now don't drink. It's bad for your liver and health. If your heart is broken you can find ways to make yourself happy again." Singit naman ni Kyle sa usapan. "Hey Kyle, you're too young for that. Umakyat ka na nga sa kwarto mo at magbasa ng wattpad! Ang dami mong alam hindi ka naman naming tinuruan ng ganiyan ah!" Sagot ni Ate. "That's what wattpad thought me, Ate.If you're broken right now find yourself because when you really find yourself that's the real happiness." Sagot ni Kyle at umalis na sa dining area. Lahat kami ay naptigalgal sa narinig. "Si Kyle ba talaga yun?" Saad ni Kuya. "Marami na ata tayong namiss sa kapatid natin at naging ganun. Siguro dapat dalasan natin ang pagleave sa opisina para masubaybayan natin siya ng mabuti?" Sagot naman ni Ate. "Nagtaka pa kayo diyan sa kapatid natin na yan eh reader yan ni Ems. Ganiyan yung mga wordings dun sa novel niya." Sagot ko. "Yeah. Baka nga." Sagot naman ni Kuya. "Kumain ka na ng agahan, Ken. Hindi magandang almusal ang alak." Sagot ni Ate at pumunta sa pantry para magtimpla ng kape. Si Kuya Kenneth naman ay bumalik sa sala para ituloy ang trabaho. Tumayo na ako at pumunta sa kusina namin para kumuha ng makakain. Pagkatapos kumain ay bumalik na ako sa kwarto ko.
I don't feel like attending classes kaya binuksan ko na lang ang ipad ko at tinuloy yung next chapter ng comics ko. After finishing the drawing ay nanuod na lang ako ng anime. Pagkatapos ko manuod ng anime ay binuksan ko na ang laptop ko at tinuloy ang thesis part ko. Habang abala sa pagtatype ay biglang tumunog ang phone ko.
Unknown:
Hi, Ken. Emily's ex boyfriend.
Ang creepy nung text na 'to pero hindi ko alam kung anong nag-urge sa akin na buksan ito.
Me:
Who are you?
Unknown:
I'm your answered prayer. I will help you to get her attention.
Me:
What do you want?
Unknown:
I'm Alliza Evangeline Ford. Vincent's fiancée
Me:
So? What do you want? And I'm not interested to you.
Unknown:
Oh sure you will. Meet me at the Starbucks near our school.
Me:
I'm busy. I don't have time for your shits.
Hindi ko alam kung anong meron sa babae na 'to pero may something sa kanya. Kilala ko ang babae na 'to dahil siya ang president ng isang organization sa school naming. Paano niya kaya nalaman yung relasyon namin ni Ems dati? Siguradong may hindi ito magandang binabalak sa relasyon nila Ems at Vince. Base pa lang sa sinasabi niya siguradong may hindi magandang binabalak 'to.
Unknown:
Oh sure. I'll still wait for you after our class by 3 pm.
Pinatay ko na lang ang phone ko at hindi na siya pinansin dahil siguradong mali ang plinaplano niya. Pero kung kasali ako sa kasangkapan sa plano niya ay papayag ako, hindi para magtagumpay siya kundi para mabigo siya.
Unknown:
Oh sure. I'll still wait for you after our class by 3 pm.
Pinatay ko na lang ang phone ko at hindi na siya pinansin dahil siguradong mali ang plinaplano niya. Pero kung kasali ako sa kasangkapan sa plano niya ay papayag ako, hindi para magtagumpay siya kundi para mabigo siya. Hindi ko siya hahayaang magtagumpay sa plano niya. Agad akong nagchat kay Sandra.
Me:
Sandra, makikipagkita ko dun sa fiancée ni Vince bukas. Mukhang may binabalak siyang mali sa dalawa.
Sandra:
Fiancee? Yung mukhang paang si Liza? Ingat ka Kuya baka mamaya kung anong ipainom sayo nun at magulat ka na lang nasa news na kayong pareho. Para yung fiancée mo eh. May sapak sa utak.
Me:
Kilala ko din yun. Palagi siyang may pinagtritripan sa university lalo na yung mga scholars.
Sandra:
Balitaan mo ko kung anong magigiing resulta ng pag-uusap niyo ng mukhang paa na yun ah.
The next day katulad ng sinabi ko kay Sandra, nakipagkita ko kay Liza. Hindi na ako nakapag-paalam kila Ate dahil nasa meeting pa sila. Nauna siya sa meeting place naming. "So what do you want?" Saad ko. "Simple. I want you to be my fake boyfriend." Sagot niya. "What? Fake boyfriend? For what?" Sagot ko. "Just for the news. To caught their attention." Sagot niya. May pagkafreak din pala ang babae na 'to. "Why me? There are many other guys outhere and how did you know about my past relationship?" Sagot ko. "Research. Why you? Because surely you'll get her attention. I'm sure she'll react easily when you are involved." Sagot niya. "That's your theories. What if she got over me already?" Sagot ko. "You're her first love, topic of her poems and novels. How could you say she's already over you huh?" Sagot niya. "How could you say that he'll notice you when he's into Emily now huh?" Sagot ko. "Don't be fooled of what you see. Not everything you see is true. Sometimes it's not." Sagot niya. "Okay. Deal. I'll be your fake boyfriend but if everything messed up, make sure to clean it yourself huh?" Sagot ko. "Yes. I'll clean my mess up. Marunong ako maglinis ng kalat hindi katulad ni Emily na palaging pinaaako kay Vince lahat." Sagot niya. Sige, badmouth Emily more. Tama yan isipin mo kong kakampi. "I got to go. I still have meeting to attend." Paalam ko at tumayo na. Lumabas na ako ng starbucks. Dumaan muna ko sa favorite milktea store ko bago umuwi. Papasalubungan ko na lang sila para hindi na magtanong pa. Pagdating ko sa condo ay lahat sila ay nasa sala at nanunuod ng Sherlock Holmes. "Here. Lumabas lang kasi ko saglit. Akyat na ako para makapagbihis." Saad ko at nilapag sa lamesa yung milktea. Pagkatapos ko magbihis ay agad kong binuksan ang cellphone ko at sinned kay Sandra yung recording ko.
Me:
Sands, one of this days may news na lalabas na dating kami ni Liza. Sabihin mo sa kanila. Yan ang unang plano niya. Hiningi niyang maging fake boyfriend ako. Wag ka magalala sa boses naedit ko na yan at wala na yung boses ko.
Sandra:
Thank you for the info, Kuya. Makakarating 'to sa kanila.
Me:
Welcome. Babalitaan kita pag nagkita na ulit kami.
Hindi ko kaya na sumira ng relasyon ng iba katulad ng gustong mangyari ni Liza kaya hanggat maaari ay gagawin ko ang lahat para lang mapigil ang mithiin ni Liza. Si Vince ang nakakapagpasaya sa kanya ngayon kaya gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para maprotektahan siya sa sakit na idudulot ni Liza sa kanila.
A/N: Short update lang muna Bemskies dahil may chismosang kapitbahay na nagtawag ng kachismisan at nagulat ako kaya nakalimutan ko yung scenes pero nakabawi naman agad. This is a simple token of appreciation sa inyo dahil 88 followers na ako at road to 300 reads na tayooooo!!! Wuhooooooo!!!! Enjoy reading my update! Please vote, comment and recommend my story to your friends and if you really enjoy reading my story, don't hesitate to follow me on my wattpad account for more updates and books! I love you Bemskies! Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro