Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 20: CONVERSATION

Vince's POV
Nandito na kami ni Ems sa airport. Nagbago ang plano, hindi na namin kasabay bumalik ng Singapore si Ate Gab dahil nagpaextend siya ng vacationvacation leave.  Sa isang linggo na siya makakabalik sa Singapore.  ''Mag-ingat kayo dun, Vince ah. Ikaw na bahala kay Ems." Saad ni Tita. "Opo." Sagot ko. "Mommy naman! Kaya ko naman sarili ko eh." Sagot ni Ems. Si Tita Edna ang naghatid kay Ems dito sa airport habang ako naman ay sila Lean. "Eh hindi pa din kasi ako mapalagay. Dun ka muna sa condo ni Vince habang wala pa ang Ate Gab niyo." Sagot ni Tita. "Mommy naman. Hindi na ako bata para bantayan pa." Sagot ni Ems. "Tita wag ka na po mag-alala. Ako nang bahala sa kanya." Sagot ko. "Oi ikaw Vince! Mag-aral ka nga ng mabuti dun. Di puro ligaw." Sagot ni Lean. "Oo naman! Jusko naman! Para namang magpapabaya ako!" Sagot ko. "Mag-ingat ka dun. Baka kakaaral mo hindi ka na nakakain on time." Sagot naman ni Liam. "Huwag na kayo mag-alala para kay Vince! Ako na bahala sa kanya. Iingatan ko siya gusto niyo pati puso niya ingatan ko eh." Sagot ni Emily. Napangisi naman ako sa narinig kay Emily. "Nako may kinikilig dito. Vince? Vince? Bakit tahimik ka diyan?" Ani June. "Ikaw talaga June ang dami mong alam. Korny kaya." Sagot ko kahit di naman. "Wow Vince. Nahiya naman ako sa mala Balagtas mong banat!" Sagot ni Emily. "I smell something burning here." Sagot ni Lean. "It's my heart. My heart is burning for Ems." Sagot ko. Agad namang nagsigawan ang mga pinsan ko. "Abaaaa. Vinly natin lumalayag ahhh!" Saad ni Liam. "Sabi ko lang I smell something burning bumanat ka na." Sagot ni Lean. Napatingin naman ako kay Ems na nagmumukha nang kamatis ang mukha dahil sa pamumula. "Oyyy may kinikiliggg. I smell something crush back hereeee!!" Ani Lean na nakatingin kay Ems. "Bago nga kayo umalis magkaaminan na kayo dito. Wag na kayo maglaro ng taguan ng feelings." Sagot ni Lean. "Sino ba nagtataguan ng feelings?" Sagot ko. "Itong si Ems! Umamin ka nga! Gusto mo na ba itong si Vince?" Tanong ni Lean. Agad namang may dumaan na pag-aalinlangan sa mata ni Ems na agad niyang binura. "Bakit gusto mo malaman?" Sagot ni Ems na may mapanlokong ngiti. "Aba syempre para malaman namin kung worth it ba yung ginawa namin nung new year." Sagot ni Liam. "Bilisan mo sumagot Emily. Malelate kayo." Singit naman ni June. "Hayst. Si Vince na lang magsasabi sa inyo. Bubulong ko sa kanya." Sagot ni Ems. "Wala dapat naririnig namin." Sagot ni Lean. "Eh ayoko. Gusto ko si Vince lang makakarinig." Sagot ni Ems. Natawa naman ako sa dahilan niya. "Oo nga naman. Kayo ba si Vince?" Sagot ko. "Ito naman eh!" Sagot ni Lean. "Eh sa gusto niya ako lang makarinig. Malay niyo rereject niya pala ko nahihiya lang siya." Sagot ko. "Reject? Ang isang Vincent David Sawyer marereject?" Sagot ni Liam. "Malay nga diba?!" Sagot ko. Agad naman akong hinila ni Emily palayo sa kanila. Hindi naman maliit na babae si Emily sakto lang ang height niya para maibulong sa tenga ko ang nais niyang sabihin. "I like you na, Vince." Bulong niya sabay balik sa pwesto nila. Para akong naestatwa dahil sa narinig. Lumapit lang si Liam sa akin at binatukan ako. "Aray ko naman, Liam! Bakit mo ko binatukan?" Saad ko. "Boy, malelate na kayo ni Ems. Nagpaalam na siya sa mommy niya. Hinihintay ka na niya sa loob." Sagot niya. "A-ah. S-sige." Sagot ko. Bumalik na ako sa pwesto namin. "Ah tita. Alis na po ako. Pasensya na po't pinaghintay ko pa kayo. Ingat po kayo pauwi." Saad ko. "Ingat din kayo ni Ems. Ikaw na bahala sa kanya. Balitaan mo ko kapag sinagot ka na ah." Sagot ni Tita. Yumakap ako sa kanya at sa mga pinsan ko. "Hoy Vince! Mag ingat ka dun ah! Chat mo na lang kami kapag nakalapag ka na." Ani Lean. "Balitaan mo kami kapag sinagot ka na ni Ems ah." Sagot ni Liam. "Oo." Sagot ko at pumasok na. Natagpuan ko si Emily na naghihintay sa akin. Nagcheck in na kami ng mga bagahe namin. Habang nasa pila ay napansin kong hindi makatingin ng deretso sa akin si Ems. "Hey! Why?" Tanong ko. "A-ala. K-kinakabahan lang ako sa flight natin." Sagot niya. Alam kong hindi siya kinakabahan sa flight dahil paulit-ulit na siyang nagpapabalik-balik sa Singapore. "Hey. Kung tungkol yun sa kanina wag ka mag-alala. I like you too." Sagot ko. "It's not it. It's just that I'm shy kasi ang tagal kong tinanggi sayo na di kita gusto pero deep inside I'm falling for you." Sagot niya. "Ayan ka nanaman sa mga banat mo eh. Hindi ko na tuloy alam kung sino lalaki sa ating dalawa. Basta romance writer talaga napaka galing magpakilig. Pati lalaki napapakilig mo sa mga banat mo." Sagot ko. Agad niya naman akong hinampas. "Hindi porque krinash back na kita ganyan ka na ah!" Sagot niya. After namin nagcheck in at sa immigration ay bumili muna kami ng breakfast. Nagugutom nanaman kasi si Ems. Hindi ata siya nakakain dahil maaga kaming umalis sa Bulacan. Pati din ako hindi nakapag breakfast kasi maaga din kami umalis kasi dinaanan pa namin si Ems. "Ano gusto mong breakfast?" Tanong ko ng nasa loob na kami ng Mcdonald's dito sa airport. "Cheesy eggdesal na lang tsaka iced coffee." Sagot niya at umupo sa isa sa mga table dun. "Sige. Ako na oorder." Sagot ko. Umorder ako ng para sa kanya at para sa akin. Ganon na lang din ang inorder ko dahil meron ding iseserve na in-flight meal mamaya. Meron pa naman kaming 30 minutes bago ang flight kaya naupo muna kami dito sa Mcdonalds at kumain. Habang kumakain ay nagb-browse si Emily sa phone niya. "Hoy. Ano nanaman yang binabasa mo?" Tanong ko. "Hmm. Wala. Mga echoserang frog lang na walang magawa sa mga buhay nila. Mabuti nga nabawasan mula nung malabas yung article ni Tita eh." Sagot niya. "Mabuti. Konti na lang yung mga bashers mo." Sagot ko. "Hindi naman na nakakapikon yung mga sinasabi nila. Tsaka wala na akong time makipag deal sa kanila kasi busy ako sa pagpreprepare ng Return Series." Sagot ko. "That's the spirit. Ganyan nga Ems. Wag ka paapekto sa mga mukhang palaka na bashers mo." Sagot ko. "Picture tayo. U-update ko lang yung facebook story ko HAHAHAHA." Sagot niya. "Sige." Sagot ko. Nagpicture kaming dalawa sa cellphone niya maging sa cellphone ko. Parehas kaming nagstory sa facebook. Ang caption ko ay 'Flying with her.' Tapos minention ko siya sa story ko. Pagkatapos namin kumain ay umalis na kami at dumeretso sa gate. Habang naghihintay ng flight ay nakita ko siyang nagtatype sa phone niya. Para siguro sa Return Series ito. After 30 minutes ay tinawag na ang flight namin. Sumakay na kami sa eroplano. After four hours ay lumapag na agad kami. Nagchat ako sa Mama ko na nandito na kami pati na rin si Tita Edna. "Ems, nagchat ka na ba kay Tita?" Tanong ko. "Yes. Ikaw?" Sagot niya. "Oo." Sagot ko at bigla namang nagring ang phone ko. "Speaking of Mama. Wait lang ah. Sasagutin ko na muna." Saad ko. Tumango naman siya at tumawag din ata kay Tita. "Hello Ma. Nandito na po ako sa SG." Sagot ko sa tawag. "Are you with Emily?" Sagot niya. "Yes po." Sagot ko. "Dumiretso na kayo dito sa bahay after diyan sa airport. Papasundo ko kayo." Sagot niya. "Sige Ma. Just don't ask her too much question." Sagot ko. "Oo naman anak." Sagot niya. "Sige na po. Lalabas na po kami ng airport." Sagot ko. "Sige papasundo ko na lang kayo." Sagot niya at binaba ang tawag. "Ano sinabi ng Mama mo Vince?" Tanong niya. "Sa bahay daw tayo dumiretso." Sagot ko. Nakita ko namang namutla siya sa narinig. "Huy. Chill wag ka kabahan. Hindi ka naman tatanungin ni Mama ng maraming tanong." Sagot ko. "Eh. P-pwede b-bang ikaw na lang?" Sagot niya. "Hindi. Naka-oo na ko kay Mama. Magpapapunta siya ng driver para sunduin tayo." Sagot ko. Lalo siyang namutla sa narinig. "Wag ka mag-alala sa kanya. Hindi naman siya nangangain ng tao. Tara na baka nandiyan na yung sundo natin." Sagot niya. "Sige na nga." Sagot niya at bumuntong hininga. Kinuha muna namin ang mga bagahe namin bago lumabas.

Emily's POV
Ito pa lang ang pangalawang beses na magkikita kami ng Mama ni Vince. Kinakabahan ako dahil ngayon pa lang kami magkakaharap ng personal ulit. Ang huli naming paghaharap ay yung interview ko sa scholarship. Sinundo kami ng isang magarang kotse. Hinawakan ni Vince ang kamay kong ang kamay kong nanlalamig. "Hey. Just chill. Hindi ka kakainin ng buhay ni Mama." Saad niya. "Pero nakakaba pa rin. Paano kapag di niya ako magustuhan para sayo?" Sagot ko. "Bakit naman?" Sagot niya. "Anong bakit naman? Eh alam mo naman nangyayari sa atin. Binabash ako at pinaparatangan ng kung ano-ano." Sagot ko. "Wag mo na yun isipin. Alam naman yun ni Mama. Tsaka hindi judgemental si Mama hindi siya katulad ng nanay ni Ken na kulang na lang pagtabuyan ka nila sa bahay nila." Sagot niya. Oo alam niya yung nangyari dun sa first ever dinner namin ni Ken with his family. Ng makarating kami sa isang magarang bahay. Hindi naman ito kalakihan dahil masyadong maliit ang bansa para sa napakalaking lupa na pagtatayuan ng bahay. Pero kahit di ito kalakihan ay alam mong nagsusumigaw ito ng yaman at kapangyarihan. "Napakayaman mo talaga Vince." Ani ko. "Mas mayaman ka nga sa akin eh." Sagot niya. "Hindi ko yun yaman. Masasabi ko lang na mayaman ako kapag nakapag self publish na ako ng libro ko at nagkaroon ng sariling imprint." Sagot ko. "Makakamit din natin yan. Tayo pa ba." Sagot niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ng magbukas ang pinto ay sinalubong kami ng babaeng nasa middle 40's ang edad katulad ni Mommy. Napaka ganda niyang babae. Sa kanya siguro nakuha ni Vince ang hugis ng mukha dahil parehas sila at ang matangos nitong ilong. Hindi halatang matanda na siya dahil maganda itong babae. Parang lalo siyang gumanda ngayong muli kaming nagkita. Hindi ko gaanong naappreciate ang ganda niya noong una kaming nagkita dahil sa kabang nadarama. "You must be Emily. My son's future girlfriend. Nice to finally meet you again." Bati niya. "Hi po Tita. Nice to meet you po ulit." Magalang ko namang sagot. "Ma, wag mo siya tanungin ng kung ano-ano." Saad ni Vince. "Tara. Pasok kayo. Nakahanda na yung mga pagkain sa dining area." Sagot ni Tita. Sinundan namin siya ni Vince papunta sa dining. Maraming mga pagkain ang nakahandang pagkain. Iba-ibang klaseng pasta at ulam. "Niluto ko yung paborito mong kare-kare, Vince." Ani Tita ng makaupo kami. "Pasensya ka na pala Emily kung naintimidate ka sa akin nung una tayong nagkita." Saad niya pa. "Naku okay lang po. Naiintindihan ko po. Pasensya na rin po pala at nadadamay pa po si Vince sa mga nangyayari sa buhay ko po." Sagot ko. "Nako kumain na nga muna tayo at wag mo nang alalahanin yun. Okay lang yun. Walang kaso sa akin yun. Tsaka hinding-hindi ako magiging against sa relationship niyo." Sagot ni Tita. Napuno naman ng kasiyahan ang puso ko ng marinig ko ito. "Salamat po. Mabuti na lang po at tanggap niyo ako para kay Vince. Alam niyo naman po siguro ang nakaraan ko dahil naikwento ko ito kay Vince." Sagot ko. Nasa tabi ko lamang si Vince at nakikinig sa amin. "Oo nga. Naikwento niya nga na hindi ka nga raw tanggap ng pamilya ng dati mong nobyo. Nako wag ka mag-alala at welcome na welcome  ka dito sa pamilya namin." Sagot niya. "Thank you po Tita." Sagot ko. Masaya kaming kumain ng agahan. Marami pa kaming napag-usapan tulad ng mga plano namin as a writer. Plans after nursing school kung magtutuloy ba kami sa medisina at marami pang iba. "Magpahinga muna kayo bago kayo bumalik sa condo unit niyo. Alam ko namang di kayo papayag na dito magpalipas ng gabi dahil marami pa kayong gagawin for the rest of the day." Saad ni Tita pagkatapos kumain. "Ma it's okay. Alam kong pupunta ka pang hospital para sa shift mo today. Okay lang kami ni Ems. Sa condo na lang kami magpapahinga. We're also going to the mall to buy some stuffs for our 2nd sem." Sagot ni Vince. "Oo nga po Tita." Pagsang ayon ko sa sinabi ni Vince. "Hay sige na nga. Magpahatid na lang kayo. Kailangan na din ako sa hospital. May operation ako ng 3pm ng hapon eh." Sagot ni Tita. "Sige na Ma. Mauna na po kami." Sagot ni Vince at hinila na ang mga maleta naming nasa sala. "Ingat kayo ah." Sagot ni Tita. Yumakap muna kami ni Vince sa kanya bago umalis. "Napagod ako sa biyahe. Matutulog muna ko bago tayo magpuntang mall." Saad ko ng nasa elevator na kami. "Ok. Sa condo ko or sa condo niyo ni Ate Gab ka matutulog?" Sagot niya. "Dun na lang sa condo namin ni Ate Gab. Mauunpack din ako eh." Sagot ko. "Tulungan na lang kitang mag unpack."  Sagot niya. "Wag na kaya ko naman. Tsaka maguunpack ka din diba?" Sagot ko. "Aish sige na nga. Lock all the doors and close the windows kapag matutulog ka na." Sagot niya. "Oo." Sagot ko. Ng makarating na kami sa floor ng condo unit ni Ate Gab ay hinatid niya ako hanggang sa tapat ng pinto nito. "Magpahinga ka pagkatapos mo mag unpack ah." Saad niya. "Yes ikaw din. Rest well after magunpack." Sagot ko. Pagkatapos namin magkapaalaman ay pumasok na ako sa condo. Sinaksak ko muna yung wifi namin at siniguradong sarado ang mga pinto at bintana bago ko pumasok sa kwarto ko. Humiga muna ako sandali sa kama ko bago ko nagbihis. Pagkatapos ko magbihis ay una kong inunpack ang nasa hand carry ko. Yung laptop at mga albums ang laman nito. Kumpleto ko na lahat ng album ng iKON. Kasama na yung dalawang solo album ni Bobby. Kasabay ng pagbili ko ng Welcome back album ang Lucky man album ni Bobby. Kaya talagang nalagas ang budget ko. Pero matagal ko din naman yun inipon kaya okay lang. Reward ko sa sarili ko dahil sa mga achivements ko dito sa school. Mas naiinspire ako mag-achive kapag nakikita ko ang mga albums ko. Matapos kong mailagay sa shelf yung albums ko at sa study table ko ang laptop ay nagsimula na akong magunpack ng mga damit ko. Pagkatapos ko magunpack ng mga gamit ko at niligpit ang maleta ay nahiga na ako sa kama ko. Napagod talaga ako sa biyahe kaya nakatulog ako.

Vince's POV
Matapos ko mag-unpack ay muling pumasok sa isip ko ang mga larawan. Pumunta muna ako ng instagram para mastalk ang account ng kapatid na babae ni Ken na si Dra. Kassandra. Hindi naman mahirap hanapin ang instagram nito dahil isa siyang kilalang tao. Nagulat ako ng makita ang recent post niya. Silang magkakapatid at si Sandra. So totoo nga at ang mga kasuotan nila kay kapareho ng nasa larawan. Nagbabakasakali kasi akong hindi naman ito si Sandra at Ken. Agad kong kinontact si Andy.

Me:
Do you know anything about this?
You sent a photo
You sent a photo

Andy Woods:
What the heck is that? Who is that?

Me:
Its Sandra and Ken.

Andy Woods:
What? Wait. I'll call you.

Andy's POV
I was shocked at the picture Vince has sent to me. I don't know what to react to it so I immediately call him. "Are you sure it's Ken and Sandra huh?" I asked him. "Oo. At first I thought na baka napagkamalan lang sila ni Yohan pero I stalked Dra. Kassandra's instagram account kasi diba siya ang pinaka active sa social media nilang magkakapatid. There I saw Sandra in one of her recent posts. Kamukha nung babae yung damit niya dun sa photo. At si Ken. Yung body build nung lalaki sa photo is same as Ken." He answered. "Wait. Yohan sent it to you?" I answered. "Yes. He sent it to me." He answered. "What did he say?" I answered. "Two of our friends nga daw ay nakita niya sa New York. So at first napaisip ako kung sinong friend. Kung ikaw ba. Then after that I saw the picture. Nagsink in sa akin na si Ken. Imposibleng si Ivan yun kasi nasa New Zealand siya. Akala ko nga ikaw yung babae sa picture pero naalala ko hindi mo type si Ken." He answered. I burst out in laughing. "Pfft. My standards are high as the sky that Ken can't reach at least a meter of it." I answered. "Oo na. Pero ano nga may alam ka ba dito?" He answered. "No. Nothing. But I saw them in the mall. I also overheard their conversation." I answered.

*Flashback*
I was alone at the mall to buy some clothes abs some ingredients the thanksgiving later. While I am walking towards a boutique of clother I saw two people who is somewhat close to me. Sandra and Ken. They went inside a coffee shop. I don't know what urged me to follow them but I folllowed them. I sat behind Ken my back is facing at them. "Sandra,  bakit nakipag break ka kay Ivan?" Ken asked. "Kuya, paulit-ulit mo nang tinatanong sa akin yan. Don't you get it? I fell out of love for him." Sandra answered. She fell out of love? That's impossible. Ivan makes her feel loved every minute of the day. "Bakit hindi niyo pinag-usapan?" Ken answered. He's right. Why didn't they talked about it? "Hindi na kayang pag-usapan Kuya. Tsaka pagod na din ako Kuya. Pagod ako sa nursing school pati sa kanya." Sandra answered. I know she's not tired. I don't feel any tiredness in her voice. She's just confused of her feelings. I've noticed for so long the way he stares at Ken. There's something in her eyes when she stares at Ken. "Hindi sapat ang dahilang pagod ka na para maghiwalay kayong dalawa. Kung pagod ka na sana hinayaan mo munang si Ivan ang lumaban para sa inyong dalawa. Ayokong matulad kayo sa akin na nagsisisi dahil hindi naipaglaban ang babaeng mahal niya." Ken answered. He's living with regrets for the past eight years. That's good because Ems is also living in sadness for the past seven years. This may sound bad but yes I'm happy that he's living in regrets. I stand up slowly and exited at the another exit of the coffee shop. I continued to search for some boutiques here at the mall and after buying some ingredients then I go home.

*End of Flashback*

I saw confusion in Vince's eyes after what he heard. "Talaga bang napagod siya? Kasi kung napagod siya she would never be with Ken right now. Wala na ba siyang galang kay Ivan?" He asked. "She's not tired she's confused." I answered. "Bakit naman siya macoconfuse kung in the first place eh sinagot niya yung tao?" He answered. "You wouldn't understand my explanation because you aren't with us when Emily and Ken are still together. But I'll tell you. Since they have the same circle of friends which is us. Sandra, Lean, Zoe and me. They keep hanging out with us. There are times that I saw Sandra staring at them with jealousy in her eyes. Sometimes when she stares at Ken I saw sadness." I answered. "So she has feelings for Ken?" He answered. I just nodded. He sighed. "Wait. Does Emily knew this?" I asked. "No. And I don't know if I will tell it." He answered. "She's still dealing with the bashing right?" I answered. "Yes. I don't know what to do. Kakausapin ko na lang si Lean about dito. Thanks for your time, Andy." He answered. "Yeah. No problem. Got to sleep now. It's already late here." I answered. "Okay. Good night. Thanks for the time. Stay safe and take care." He answered and ended the call. I did my night routine and slept.

Vince's POV
Matapos namin mag-usap ni Andy ay umidlip na muna ako. 3 pm ng magising ako. Agad akong naligo at nagbihis. May mga bibilin pa kami ni Ems sa bookstore ngayon. Tumawag muna ako sa kanya. "Hello?" Bati niya sa bagong gising na boses. Ang cute pakinggan. Nawiwirduhan na ko sa sarili ko pati boses nacu-cutan ako. "Bumangon ka na Ems. Magmamall pa tayo para bumili ng mga kulang na supplies diba?" Sagot ko. "Oo nga pala. Sige sige. Kumatok ka muna bago mo ienter yung code para alam kong ikaw yung pumasok ah." Sagot niya. "Sige. Pababa na rin ako eh." Sagot ko. "Geh. Bye." Sagot niya. Bumaba na ako at pumunta sa  floor ng unit nila Ems. Sinunod ko ang sinabi niya. Kumatok muna ako bago ko inenter ang code. Umupo na lang ako sa dining nila habang hinihintay siya. "Uy Vince. Kanina ka pa diyan?" Tanong niya. "Hindi. Ngayon-ngayon lang. Take your time fixing yourself I can wait for you." Sagot ko. Bumalik muli siya sa kwarto niya. "Let's go." Aniya ng lumabas siya ng kwarto niya. Ang ganda niya sa suot niya. She's wearing a white checkered polo shirt and white pants. She also paired it with the shoes that Bobby gave. "Gustong-gusto mo talaga yung sapatos na binigay ni Bobby 'no?" Saad ko. "By the way ang ganda mo pala." Pahabol ko. Agad namang namula ang mga pisngi niya. "Hay nako. Ayan ka nanaman. Tara na nga." Sagot niya. Lumabas na kami ng condo nila. Sumakay na kami ng kotse ko. "Ano nga palang mga bibilin natin?" Tanong ko. "Black ink ng printer, bond paper long and short. Tapos mga notebooks for the second sem." Sagot niya. "Sagot ko na yung bond paper ikaw na sa ink." Sagot ko. Since sa kanya naman yung printer na ginagamit namin. May printer naman ako yun nga lang nasa condo ko
Kadalasan kasi kaming nag-aaral sa condo nila Ems. "Sige." Sagot niya. Ng makarating kami sa mall ay dumiretso kami sa bookstore. Habang namimili ng notebook ay nakita ko si Ems na masayang pumipili ng mga ballpen. Lumapit ako sa kanya. "Binigyan na nga kita ng bouquet ng ballpen tapos namimili ka pa diyan." Saad ko. "Ito naman eh! Pipili lang. Hindi bibili." Sagot niya. Hinatak ko siya papunta sa mga notebooks. "Yan. Yan ang bibilin mo okay?" Sagot ko. "Opo Tatay Vince." Sagot niya. "Tatay? Mukha ba kong tatay ha?" Sagot ko. "Joke lang." Sagot niya. Pagkatapos namin dito sa bookstore ay nagmeryenda muna kami ng ice cream. Habang pinagmamasdan ko ang masayang ngiti niya ay naalala ko nanaman ang mga larawan. Bumuntong hininga na lang ako para mawala sa isip ko ito. "Uy buong araw ka nang bumubuntong hininga. Bakit?" Puna ni Ems sa pagbuntong hininga ko. "Wala. May naisip lang ako." Sagot ko. "Ano naman?" Sagot niya. "Basta. Sakin na lang muna yun." Sagot ko. "Okay sige. Basta kapag kailangan mo ko nandito lang ako ah." Sagot niya. Tumango naman ako. Matapos maglibot sa mall ay umuwi na kami. Pumunta muna si Ems sa condo nila para magpalit. Matapos niya magpalit ay bumalik na siya dito sa condo ko dala ang laptop bag niya. "Vince, magpapatugtog ako ng iKON songs ah. Magu-update ka ba?" Saad niya. "Oo. Wait lang. Magluluto muna ako ng dinner natin." Sagot ko. "Ako na!" Sagot niya. "Hindi. Kaya ko na. Magsimula ka na magoutline." Sagot ko. Tumango naman siya at binuksan na ang tv. Matapos iset up ang tv ay laptop niya naman ang pinagkaabalahan niya. Ako naman ay nagluto na ng dinner namin. Mabuti na lang at pinuno ko yung ref ko bago ko umalis. Matapos ko magluto ay kumain na kami ng dinner at nagsulat na. Kasi ilang araw na lang ay babalik na kami sa school kaya wala na kaming time sa pagsusulat. Halos gabi na kami natapos sa outline ng update. Pinatay ko na ang tv at umakyat na kami sa kanya-kanya naming kwarto.

A/N: Enjoy Reading! Please vote and comment! Thank youuu!❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro