CHAPTER 16: PLANS
Vince's POV
Ngayon ang huling gabi ko dito sa Singapore dahil uuwi na ako bukas. A week before new year's eve. Hindi daw kasi gagana yung 2 days before. Mahirap ang choreography ng Beautiful at My Type. Sila Lean at iba ko pang mga pinsan ang susundo sa akin sa airport. Tinutuloy ko na yung editing ng video na p-play sa date namin. Napractice ko na rin yung Adore You by IKON. Maayos na yung diction ko notes na lang ang hindi dahil kinakanta ko ito base sa naririnig ko. Si Lean at Liam ang magtuturo sa akin ng tamang notes para dun sa Adore You. Parehas kasing trainee pero magkaiba yung label. Natapos ko na din ang pag-iimpake ko.
Me:
Lean, bukas flight ko pauwi. Dumeretso na tayo sa dance studio para marami tayong mapractice.
Lean:
Kaya mo ba? Baka magkasakit ka. Alam ko pa naman kung gaano kalakas tama ng jetlag sayo.
Me:
Ok lang ako. Basta dumeretso na lang tayo sa dance studio.
Lean:
Ok sige. Kami na lang susundo sayo.
Me:
Geh geh. Ingat.
After months makakaapak na ulit ako sa Pilipinas. Makakarelax at hindi haharap sa buildings. Nagbr-browse na lang ako sa facebook ko. Nag update na rin ako kanina bago ko mag-impake. Nakaonline si Ems kaya minabuti kong tawagan siya. Sana hindi siya nagsusulat. Agad naman niya itong sinagot. "Hello Ems! Kamusta?" Bati ko. "Pabalikin mo na ko diyan jusko. Napabili ko ng full welcome back album. Dumating na kanina. Wala na kong pera huhu." Sagot niya. "HAHAHAHAHAHA. Paano na yung mga inaanak mo?" Sagot ko. "Tataguan ko na lang sila. Eh kailangan may maiuwi ako diyan pagbalik ko. Pasimula na kaya yung 2nd semester. Makikipaglaban nanaman tayo sa mga libro." Sagot niya. "Edi sana dito ka na lang bumili. Sealed pa dito." Sagot ko. "Sealed din yung binili ko kaya sobrang mahal." Sagot niya. "Anong version yung binili mo?" Sagot ko. Balak ko din kasi siya ibili ng green version nun if hindi green yung binili niya. "Red syempre. Tapos naghahanap ako nung green na Return Album para makumpleto ko lahat ng versions nung Return." Sagot niya. "Eh dito mo na hanapin yung Return." Sagot ko. i Decide at Welcome back green version ang bibilhin ko para sa kanya. Pagbalik na lang namin tsaka ko siya bibili nun. "Ehhh. Gusto ko sana dito na lang eh." Sagot niya. "Online mo bibilhin eh matagal dadating. Dito pwede nang walk in." Sagot ko. "Matagal pa naman ako dito eh." Sagot niya. "Nako di mo sure, Ems." Sagot ko. "Eh kapag diyan kasi hindi naman tayo agad makakabili kasi 2nd semester na at finals yun. Konti na lang 2nd year na tayo." Sagot niya. "Oo nga eh. Parang kailan lang nung nagpunta tayo dito para mag-aral." Sagot ko. "Oo nga. Parang kailan lang din nung napamahal ako sayo." Sagot niya. Tama ba yung narinig ko or pinaglalaruan lang ako ng tenga ko? "H-ha?" Sagot ko. "Wala! Sabi ko parang kailan lang nagrereview pa tayo ng sandamakmak tapos malapit na pala tayo matapos. Hindi mo ba narinig?" Sagot niya. "A-ah. My imagination is playing me again." Sagot ko. "Bakit? Ano ba yung narinig mo?" Sagot niya. "Wala. Kala ko lang may tao sa baba." Sagot ko. Hindi na ako makapag-isip ng tamang palusot dahil baka akalain niyang patay na patay ako sa kanya. "Hay. Mabuti pa check mo yun. Baka mamaya magulat ka na lang may tao na sa tabi mo." Sagot niya. "Wag ka magalala sa'kin. May code yung pinto ko." Sagot ko. "Hackers are everywhere. Check mo na." Sagot niya. "Aish. Sige na nga. Para sa ikakatahimik mo." Sagot ko. Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba. "Anak!" Nagulat ako at nabitawan ang phone dahil sa tawag ni Mama mula sa sala ko. Agad kong pinulot ito at bumaling sa kanya. "Ma! Nagulat naman ako sayo. Ano ginagawa mo dito?" Sagot ko. "Hayst. Ichecheck ko lang kung humihinga pa ba ang anak ko at nagdala din ako ng mga pagkain." Sagot niya. "I have lots of it. Why are you here po ba?" Sagot ko. "I wanna check your luggage. Baka dinaanan na ng bagyo." Sagot niya. "By the way. Before that, I want you to meet your future daughter in law. Emily Savvanah Howards." Sagot ko at hinarap sa kanya yung phone ko. "H-hi p-po M-ma'am." Bati ni Ems. "Oh I know you. You're one of our scholars right?" Sagot ni Mama. "Yes po. Good evening po Ma'am." Sagot ni Ems. " I heard so much about you. Palagi kang binabanggit ni Vince. Let's have dinner kapag bumalik ka na dito ah." Sagot ni Mama. "Yes po Ma'am." Sagot ni Ems. "Ems naman. Bakit Ma'am tawag mo kay Mama? Pwede namang Tita or Mama na rin kasi magiging tayo naman in the future." Sagot ko. "Vince! Tigil mo nga yang jokes mo!" Sagot niya. Natawa naman ako dahil pulang-pula na siya. "Oh. You're turning red. You're so cute. Call me Tita na lang. Masyadong formal kapag Ma'am. Tsaka future girlfriend ka naman pala ng anak ko eh." Sagot ni Mama. "S-sige po. T-tita." Sagot ni Ems. "Sige na Ems. Mag-uusap muna kami ni Mama. Tatawagan na lang ulit kita." Sagot ko. "Okay. Bye! Bye po Tita. Nice meeting you po ulit." Sagot ni Ems. "Sige iha. Ingat ka diyan. See you soon." Sagot ni Mama. Inend ko na ang call at bumaling kay Mama. "Tapos na po ako mag-impake." Saad ko. "So she's the reason why you're going back to the Philippines. Finally. May niligawan na ang only son ko." Sagot niya. "Paano niyo naman po nalaman?" Sagot ko. "Your cousins has a big mouth. Specially Lean and Liam. Haharanahin mo siya in korean tapos magsasayaw ka pa. Those two talents na kayo lang magpipinsan ang nakakakita." Sagot niya. "Gusto mo talaga ko maging k-pop idol 'no?" Sagot ko. "Nako mas gusto kita maging doctor. Mahirap kapag naging idol ka. Hayaan mo nang kila Lean at Liam yun." Sagot niya. "HAHAHAHAHAH. Oo nga baka mamaya mag-agawan pa sa akin yung iba-ibang label." Sagot ko. "Hay balik tayo sa pinag-uusapan natin. So why her?" Sagot niya. "Kasi she's the best girl I ever met. Maganda siya, matalino, masipag, writer din katulad ko at sobrang dedicated niya sa pamilya at pag-aaral. Tsaka kahit malayo siya sa parents niya tinitiis niya para makagraduate sa magandang school. Kahit pinipilit siya na pumuntang Amerika she always stand for her dreams." Sagot ko. "You do have taste. Magset ka ng dinner kasama siya bago kayo bumalik ng school ah. Tama lang na ganyan ang tipo ng babae na gusto mo. Pero diba noon sabi mo hindi pa siya totally nakamove on sa ex niya? Paano ka? Baka maging rebound ka lang niya. Ayoko naman yung ganun anak." Sagot niya. "I will be her rebound then. Okay lang na maging rebound ako at least naramdaman ko kung paano magmahal ang isang Emily Savvanah Howards." Sagot ko. "Mana ka talaga sa akin anak. Bago kami maghiwalay ng daddy mo tiniis ko din siya. Basta kapag nasaktan ka nandito lang si Mama." Sagot niya. "Huwag mo na yun alalahanin Ma. Magfocus ka na lang sa hospital at sa akin." Sagot ko. Ayoko na niyang alalahanin yung masasakit na araw para sa kanya dahil pati ako nasasaktan. "Okay anak. Sige na uuwi na ako. Magtext ka na lang sa akin kapag papunta ka nang airport." Sagot niya. "Opo. Magtext ka sa akin kapag nakauwi ka na." Sagot ko. "Okay. Uwi na ako. Nagiwan ako ng mga pagkain sa fridge mo kaya wag mo papatayin kapag umalis ka." Sagot niya. "Oo nga po pala. Paano yung family gathering sa US? Wala kaming magpipinsan." Sagot ko. Kinumbinsi ko pa kasi sila na huwag sumama dun para matulungan ako. "Well edi matatanda na lang ang magmemeet. Sa isang araw nga flight ko eh." Sagot niya. "Sige po. Ingat po kayo pauwi." Sagot ko. Hinatid ko na sa kotse niya si Mama. Bumalik na ako sa unit ko ng makaalis siya. Naupo na muna ako sa sala at binuksan ang tv para mapanuod yung performances ng IKON ng My Type. Para ma-familliarize ako sa mga steps ng My Type. Binuksan ko ang phone ko para tingnan kung online si Ems. Agad ko siyang chinat.
Me:
Ano pala plano mo sa new year's eve?
Emily Savvanah:
Sa umaga kay Nanay kami pupunta lahat. Iniwan nga sa akin ni Kuya yung kotse niya eh. Tapos 12 am video call na lang dahil gusto nila magcelebrate sa kanya-kanya nilang mga bahay eh.
Nice! Maaga makakapagsimula sila Lean sa pagdedesign nung court.
Me:
Ohhh! Nice! Eh other than that? Syempre may hapon pa di naman agad 12 am diba?
Emily Savvanah:
Edi dun lang ako sa kwarto ko nag-a outline. Busy din daw kasi si Lean sa new year's eve kaya di kami makakapag road trip. Gusto ko pumunta ng Tagaytay eh.
Me:
Tagaytay? Kakagaling niyo lang dun last last week. Baka maaksidente pa kayo on the way.
Emily Savvanah:
Eh di naman ako nakaakyat ng taal eh. Vince, malapit na magpalit ang taon. I wanna say good bye to that wonderful place. Alam mo naman kung ano meron dun at pabalik-balik ako.
Me:
Okay. Magpapaalam ka na dun?
Alam ko na kung saan ko siya dadalhin. Dadalin ko na lang siya sa Tagaytay tapos gabi na lang kami babalik para tapos na sila Lean.
Emily Savvanah:
Oo. New year means new memories and new love.
Me:
Wow. Sanaol Love.
Emily Savvanah unsent a message.
Meron pang message pero napakabilis niyang nabura.
Emily Savvanah:
Sorry sorry. Wrong send.
Me:
Hala may ka chat ka palang iba bukod sa akin ahhhh.
Emily Savvanah:
Wala ah! Chachat ko kasi si Lean! Ikaw naman eh.
Me:
Ahhhhh. Kala ko kung sino na eh.
Emily Savvanah:
Magseselos ka ba if meron nga?
Me:
May dapat ba kong ikaselos?
Emily Savvanah:
Syempre wala!
Me:
Oo nga eh. Syempre wala, wala din kasing tayo!
Emily Savvanah:
Nakoooo di mo sure kung kailan magkakaroon ng tayo....
Me:
Bala ka nga diyan. Makikipag-chat na ko sa mga pinsan ko. Matulog ka na.
Emily Savvanah:
Mamaya na. Nanunuod pa ko ng videos ng concert eh.
Me:
Aish! Sige pagkatapos mo diyan matulog ka na ah!
Emily Savvanah:
Yes po. Good night!
Me:
Good night😘
Lumipat naman ako sa gc namin nila Lean.
Me:
Hindi na ba kayo nagbebe time? Baka naman pwede na tayong magvideo call.
Nathan:
Alam naman nating lahat na ikaw lang may bebe sating magpipinsan.
Lean:
Di mo sure...
Liam:
Di mo sure (2)
Jay:
Di mo sure (3)
June:
Kayo na may bebe!!
Me:
Mag-vc na lang tayo.
Tinawagan ko na sila. Si Lean lang ang sumagot. Nagulat ako dahil present sila lahat. Parang nasa iisang kwarto lang sila. "Nasaan kayo?" Saad ko. "Nandito kami sa hotel na malapit sa NAIA. Kilala ka namin eh hindi ka pwedeng paghintayin. Kaya kami na nagadjust para sayo." Sagot ni Nathan. Isa sa mga pinsan ko na tumutulong para makasa ang plano ko. He has best taste when it comes to flowers and date settings. "Napractice mo na ba yung Beautiful at My Type?" Tanong naman ni Jay. Isa naman ito sa mga pinsan kong adik sa k-pop na halos lahat ng choreography eh alam. Trainee din siya. Lahat sila trainee except sa akin dahil mas pinili ko mag abroad. "My Type pa lang. Kumalma ka muna Jay." Sagot ko. "Lean, kamusta yung sound system?" Tanong ko. "Well naghahanap pa ako ng other options. Tapos yung fireworks nagahahanap pa kami ni Liam." Sagot niya. "Teka nga muna, Vince. Bago yun nakahanap ka na ba ng magandang restaurant para sa pamamanhikan mo?" Ani naman ni June. "Wala pa nga eh. Meron ba kayong alam? Within Bulacan lang para convenient sa kanilang lahat." Sagot ko. "Ako na bahala. Chat ko sayo yung place." Sagot ni Nathan. "Review the lyrics of Adore You, Vince. Baka mamaya magkanda bulol-bulol ka the day itself." Ani naman ni Liam. "Opo. I'm reviewing it thoroughly." Sagot ko. "Kami na ni June sa fireworks. Si Liam at Lean na lang sa sound system." Saad ni Jay. "Ako na maghahanap ng murang scented candles." Ani naman ni Nathan. "Wag na scented Nathan. Sayang yun after date kasi di naman nila magagamit." Sagot ko. "Okay. Eh yung petals? Anong gusto mong petals?" Tanong niya. "Roses syempre. Maghanap ka sa Dangwa." Sagot ko. "Eh ano ba plano sa new year's eve? Paano magdedesign sa court?" Sagot ni Lean. "Wala daw ng umaga si Ems so makakapagsimula kayo ng bandang 7:30-8:30. Pupuntahan ko na lang siya sa sementeryo para dalhin sa Tagaytay. Hindi ako pwede makita dun kasi maraming nakakakilala sa akin dun." Sagot ko. "Kami lang? Paano kung bugbugin kami dun? Kawawa naman yung handsome face ko." Sagot ni Nathan. "Nako Nathan. Malabo kang bugbugin dun. Uhaw sa mga gwapo yung mga babae dun. Kaya lalandiin ka lang dun. Hindi nila ko malalandi kasi alam nilang kay Ems na ko." Sagot ko. "Nice! Magaganda ba Vince?" Sagot naman ni Jay. Isa pa 'tong malandi. "Kayo na lang magjudge. Basta para sa akin di sila bagay sa inyo. Tsaka diba Jay may dinedate ka na?" Sagot ko. "The more the merrier." Sagot niya. Loko talaga. "Bakit naman?" Tanong ni June. "Yung huling lumandi sa akin dun eh walang kadating-dating. Magaling lang lumandi pero walang dating." Sagot ko. "Guys, alam niyo nandun tayo para kay Vince hindi para sa kalandian niyong dalawa! Pag nakita niyo yung mga babae dun eh sasabihin niyo na lang. Ang sarap tadyakan ng mga mukha. Mga makakapal liptint di naman swak sa skin tone!" Sagot ni Lean. "Oo nga. Kayo din. Gusto niyo bang masabihan ng kung ano-ano?" Pagsang-ayon ko sa sinabi ni Lean. "Hayst. Magkakaalaman tayo sa new year's eve." Sagot ni June. "Hindi yun lugar ng landian guys. Mahiya kayo kay Emily." Ani naman ni Liam. "Oo nga. Tama si Liam. Mahiya kayo kay Ems kasi kapag kayo nagkamali siya pagchichismisan dun." Sagot ni Lean. "Maraming chismosa dun kaya magingat kayo." Sagot ko naman. "Basta ako highclass yung chic ko ngayon." Ani Liam. "Wow Liam. Kakatapos mo lang dun sa nurse iba nanaman?" Sagot ni Jay. "Oo. Nakita ko yan last week ata dun sa dance studio may ka make out." Sagot ni June. "Oh my god Liam. Makikipag make out na nga lang eh sa dance studio pa. Dapat sa cr." Saad ni Lean. "Hoy Lean. For your information hindi ako kasing wild mo. I took it slow. Hanggang dance studio lang kami." Sagot ni Liam. "Kadiri naman kayo guys! Siraulo kayo! Dito pa kayo nag-usap ng ganyan!" Saad ko. "Oo nga. Kayo talagang dalawa pinakawild sa ating magpipinsan eh." Sagot ni Jay. "Si Vince kala mong inosente makapag react may nalalaman ka din naman. Sinusulat mo pa nga eh!" Ani naman ni June. "Ako?! Hindi erotica genre ko! Siraulo ka! Bihira nga bed scene sa mga story ko eh." Sagot ko. "Pero aminin. Plinaplano mo rin magsulat ng erotica." Sagot ni Lean. "Hindi ah! Teen fiction-romance yung genre ko. Hindi ako magpapalit ng genre unless si Ems ang magpapalit." Sagot ko. "Ah under pala 'to kay Emily. Nakikita ko na buhay magjowa niyo." Sagot ni Jay. "Under ka pala Vince eh!" Asar ni Nathan. "Nako maghintay kayong tamaan ng love baka maging ganito din kayo!" Sagot ko. Nakita kong humiga na si Liam sa isa sa mga kama. "Itulog niyo na lang yan guys." Saad ni Liam. "Oo nga. Kulang lang kayo sa tulog. Sige na! Maghahanap pa ko ng restaurant." Sagot ko. "Okay. Bye." Sagot ni Lean at inend ang call. Inend ko na rin ang call. Nagpunta ako sa facebook para maghanap ng mga restaurants sa Malolos na malapit lang kila Ems. Nakakita ko ng fine dining restaurant sa Tabang. Agad kong chinat si Nathan na puntahan ito at ipareserve under sa name ko. Matapos ko ichat si Nathan ay si Tita Edna naman ang chinat ko.
Me:
Tita free po ba kayo nila Tita Marie at Tita Mhel sa isang araw?
Tita Edna:
Hmmm isang araw? Hindi ako sigurado. Bakit?
Me:
Invite ko po sana kayo ng dinner. May sasabihin po ako.
Tita Edna:
Sasabihin? May nangyari ba sa inyo ni Emily?
Me:
Tita naman. Syempre po wala po.
Tita Edna:
Eh bakit ininvite mo kami for dinner?
Me:
Eh manliligaw na po kasi ko kay Ems pagbalik ko. Bukas po flight ko. Wag niyo po sasabihin kay Ems kasi may plano po ko sa new year's eve.
Tita Edna:
Ah okay. For formalities yung dinner na sinasabi mo?
Me:
Opo. Gusto ko din po marinig yung criticism niyo about sa akin.
Tita Edna:
Okay! Iinform ko sila. Pati ba sila Mark?
Me:
Opo sana. Kung pwede.
Tita Edna:
Sige sige. Saan ba?
Me:
Sa Tabang po yung fine dining dun. Nakapagpareserve na po ako.
Tita Edna:
Ok sige. Sasabihan ko sila.
Me:
Thank you po.
Tita Edna:
Welcome.
Pagkatapos namin magchat ni Tita Edna ay chinarge ko na ang phone ko. Pumunta na ako sa cr para magtooth brush at skin care. Pagkatapos nito ay nahiga na ako. Chineck ko muna ang messages ko if nakuwi na si Mama. Mabuti na lang at nakauwi na siya. Nahiga na ako at natulog. Nagising ako sa alarm ko. 3 am ang alarm ko dahil 5 am ang flight ko. Nagpunta na ako sa cr at naligo na. Pagkatapos ko maligo at mag ayos ng sarili ay nagsuot lang ako ng simpleng sweater at jeans lang with white shoes. Dumeretso na ako sa airport. Dun na lang ako magbrebreakfast. Business class ang binook ko para walang katabi. Makakatulog ako over the flight at may lounge para makainan at mapagstayan habang maghihintay ng flight. Nagtext na ako kay Mama na papunta na ako sa airport. Pagdating ko ng airport ay nagcheck in ako at pumunta na sa lounge para makapagbreakfast. After 2 hours ay tinawag na ang flight ko kaya pumunta na ako sa gate. Agad ko namang chinat ang mga pinsan ko na boarding na ako. Ng tawagin na ay sumakay na ako sa eroplano. "Good Morning Sir. Welcome on board." Bati ng isang cabin crew. Ngumiti lang ako at pumunta na sa designated seat ko. The whole four hours ng biyahe ay natulog lang ako. Ng makalapag ako sa NAIA ay agad akong nagpicture. Tinawagan ko na sila Lean. "Nasaan na kayo?" Saad ko. "Nandito sa labas ng NAIA. Ano sa tingin mo? Lumabas ka na diyan!" Sagot ni Lean. "Okay." Sagot ko at lumabas na. Nakita ko sila nagkukumpulan sa tapat ng isang van. "Yow wassup Vince! Amoy Singapore ahhh." Bati ni Jay. "Wala ka bang pasulubong?" Ani naman ni June. "Yayaman niyo manghihingi kayo sakin ng pasalubong?" Sagot ko. "Tara na guys. May time lang kasi yung dance studio." Saad ni Lean. "Okay." Sagot ko. Nilagay ko na sa loob ng van yung bagahe ko. Pagdating namin sa dance studio ay binaba ko lang yung dala kong backpack. "Ganda ng dance studio niyo Lean ah." Ani ko. "Aba syempre. Yayamanin 'no?" Sagot niya. "Tamang flex lang Lean?" Sagot ni Liam. Magkaiba kasi ng label 'tong dalawang 'to. Si Jay, June at Liam ay parehas lang ng label. Si Nathan naman ang kasama ni Lean sa label.
Hindi sila nagsama-sama sa isang label dahil baka magkasapawan. "Magpractice na tayo." Saad ni Jay. "Panoorin mo muna yung steps Vince. Sasayawin namin nila Lean ah." Sagot ni Liam. "Okay." Sagot ko. Plinay nila yung My Type.
Sinayaw muna nila at ng matapos ay itinuro na nila sa akin step by step. Madali ko lang naman nagets dahil konti lang yung moves at halos paulit-ulit lang. "Ano plano pagkatapos nito?" Tanong ni Lean pagkatapos uminom ng tubig. "Samgyupsal ba gusto niyo? Treat ko. Pawelcome natin kay Vince." Ani Jay. "Wow. Mahal na mahal ka talaga ni Jay, Vince. Biruin mo magpapasamgyupsal yung pinaka kuripot nating pinsan!" Ani Lean. "Tama lang no! Sa Malolos na lang tayo mag samgyup." Sagot ko. "Okay." Sagot nila. Nagpatuloy kami sa pagpapractice. Matapos namin practicesin yung Beautiful ay napagdesisyonan namin na magligpit na. "Nathan, saan yung shower room?" Tanong ko. "Tara." Sagot ni Nathan. Naligo na kami at ng makapagbihis ay bumalik na din sa studio para kunin yung mga gamit. Si June ang nagdrive ng van. Nagmusic na lang ako habang biyahe at umidlip. "Hoy Vince! Nandito na tayo." Ani Lean. "H-ha?" Sagot ko. "Alam mo Vince sasapakin na kita. Minsan kaya ayaw kitang kasama sa mga gala kasi napakalutang mo pag bagong gising." Sagot niya. "Nandito na kako tayo. Bumaba ka na." Paguulit niya sa sinabi niya kanina. Tumayo na ako at bumaba. Ng makababa ako ay papasok na sana ako ng place ng pigilan ako ni Lean. "Bakit?" Ani ko. "Si Ems nandiyan kakalabas lang sa cr." Sagot niya. Napalingon naman ako at nakita ko si Ems ma umupo at babaling sana sa pinto ng tawagin siya ni Kuya Mark. Si Kuya Mark ang kasama niya dito dahil hindi mahilig sila Tita sa ganito. Agad akong tumakbo at nagtago sa likod ng van. "Tawagan mo sila. Sabihin mo magpalit na lang tayo ng kakainan. Nandiyan kamo si Ems." Utos ko kay Lean. Kinuha niya yung cellphone at tinawagan sila Nathan. "Nathan bumalik na kayo dito sa van. Nandiyan si Emily. Hindi ako pwede pumasok kasi kapag pumasok ako makikilala niya ko. Bilisan niyo. Palabas na siya." Aniya ng makitang tumayo na sila Emily. "Vince, pumasok ka ng infinitea. Tatawagan ka na lang namin kapag pwede na." Saad naman niya. Agad naman akong naghood at nagpunta sa infinite dahil dun ang safest place. Alam kong hindi pupunta dun si Ems kahit gusto niya ng milktea dahil kakatapos niya lang kumain ng samgyupsal.
Lean's POV
Nakita kong tumayo na sila Ems hindi ako pwede magtago dito kaya pumasok ako at binati siya. "Hi Ems! Hi Kuya Mark and Ate Gab! Hi May!" Bati ko. At pinisil pa ang matabang pisngi ni May. "Hello po Ate. Why did you know my name po?" Sagot ni May. "I'm friends with your Ate Ems eh. Pwede ko ba siya pakilala sa mga pinsan ko?" Sagot ko at tinuro sila Nathan sa table. Agad niya namang tiningnan yung tinuturo ko. "No po. Ate Ems is only for Kuya Vince." Sagot niya. "Don't worry. Papakilala ko lang siya. Pwede po ba Ate? Kuya?" Sagot ko. "Oo naman. Hintayin na lang namin si Ems sa kotse." Sagot ni Ate Gab. "Bakit ka nandito Lean?" Tanong niya. "Ah eh kakain kasi kami ng mga pinsan ko. Tara papakilala kita sa kanila." Sagot ko. Inakay ko na siya papunta sa table kung nasaan yung mga pinsan ko. Pinandilatan ko ng mata si June. "Oh Lean nasan si V- oh hi." Saad niya. "So guys eto nga pala si Emily. Vince's property." Pakilala ko kay Ems. Kilala lang nila si Ems sa pangalan pero di sa mukha. "Vince has a great taste for girls. Ganda ah. By the way I'm Nathaniel Gabriel Sawyer. Pinsan ni Vince of course at ni Lean." Pakilala ni Nathan. "Hi. I'm Emily." Pakilala naman ni Ems. "Hi I'm Jay. I heard IKONIC ka. Magkakasundo tayo." Pakilala naman ni Jay. "Oo nga eh. Kapangalan mo pa si Jinhwan. Sana makita kitang sumayaw ng IKON songs." Sagot ni Ems. "Soon." Sagot ni Jay. "I'm June. Nice to meet you." Saad naman ni June. "Hello. Kapangalan mo naman si Junhoe. Lean, baka may mga pinsan kang pangalan eh B. I at Bobby. Tsaka Chanwoo at Yunhyeong na rin baka meron. Kumpletuhin niyo na IKON." Sagot ni Ems. "Hi I'm Liam." Malamig na pakilala ni Liam. Siya talaga ang cold hearted kapag may bagong tao. "Nice to meet you Liam. I'm Emily. Wag ka magsorry if cold ka sanay na ko sa cold." Sagot ni Ems. Paano ba namang di masasanay eh yung ex niya katulad ni Liam. Pero mas matino naman. "HAHAHAHAHAH. Ang saya mo naman kausap no wonder na ikaw yung nagustuhan ni Vince. Bagay kayo." Sagot ni June. "Oh siya. Pinakilala lang kita sa kanila. Baka matagal nang naghihintay sila Ate Gab dun." Sagot ko. "Oo nga pala. Nice to meet you all. Sana mameet ko kayo ulit." Sagot ni Ems. "Oo nga eh. nice to meet you din. Bye. Ingat kayo sa paguwi." Sagot ni Nathan. "Umorder na kayo. Hahatid ko lang si Ems sa kotse nila." Ani ko. "Hindi na Lean. Okay na ako. Pupunta na lang ako dun." Sagot niya. "S-sige." Sagot ko at umupo na sa tabi ni June. Tiningnan ko muna kung nakaalis na ang kotse nila Emily bago ko chinat si Vince. Ng makasigurado kong wala na sila ay chinat ko na si Vince na magpunta dito. "Maganda pala si Emily 'no?" Ani Jay. "Witty din. Pero bakit nasabi niyang sanay na siya sa cold?" Tanong ni Liam. "Ah kasi yung ex niya ganun din ugali." Sagot ko. "Nako sana pala hindi ako nagpakacold. Nakakahiya naman sa kanya." Sagot niya. "Okay na yun Liam. Baka maging kaagaw pa kita." Singit ni Vince. "Umupo ka na lang diyan Vince. Dami mong alam. Bakod ka ng bakod wala pa namang kayo." Sagot ni Nathan. Umorder na sila ng mga meat. Ako na ang nagluto dahil mga tamad kahit marurunong naman. Pagkatapos namin kumain ay bumili kami ng milktea at dumiretso na sa bahay nila Vince. Dun kami lahat matutulog dahil bukas ay maghahanap kami ng mga materials na gagamitin sa surprise niya kay Ems.
A/N: Sorry for late updates. Nagpahinga kasi ko dahil nagkasakit ako dahil sa climate change. Kapag may mga mali or mispellings yung words pag pasensyahan niyo na. Not every story is perfect. Please vote comment and share! Thank you for waiting! Love you Bemskies!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro