CHAPTER 12: BEST DAY EVER!!
Warning: Lahat ng mga nakasaad sa update ay pawang imahinasyon lamang. Everything is purely imagination and based on the concert I watched at youtube.
Emily's POV
Nagising ako sa tugtog na Love Scenario. Napakalakas pa nito dahil nakalimutan kong idisconnect yung cellphone ko sa speaker. Bumangon ako sa higaan ng may ngiti sa aking labi. Today, just for today I will let myself go. I will let myself smile freely without worries of tomorrow. Bibitawan ko muna lahat ng mga nakakapagpabagabag sa kalooban ko. Hahayaan ko ang sarili ko na maging masaya. Makikita ko na sila at mahahawakan. Hindi na ako magtitiis na titigan lang sila sa laptop or cellphone ko. Kapag nagkaroon ako ng chance sana makahingi ako ng good luck sa kanila. Pumunta na ako sa cr ng kwarto ko para maligo. Matapos ko maligo ay hinanda ko na yung mga dadalin ko para sa fan signing. Poster na kasama nung i decide album at yung album ang dadalhin ko. Pati yung dalawa kong powerbank at yung isa kong phone ay nilagay ko na sa sling bag ko. Pati yung konbat ko ay dadalin ko. Papapirmahan ko kay DK. Matapos kong maayos lahat ay lumabas na ako ng kwarto ko. Nagulat ako dahil nandun si Vince sa dining table namin naghahain. "Wow naman Vince. Bakit ang aga mo dito?" Bati ko. "Ah maaga kasi umalis si Ate Gab. Pinakisuyo ka sa akin na lutuan ng breakfast kasi alam niyang exam natin." Sagot niya. "Ahhh. Sige. Thanksss!" Sagot ko. "Sa Max Pavillion yung venue ng fan signing nila. Tapos dun din gaganapin yung concert." Sagot niya. "Wow. Malapit lang pala sa school natin kaya di tayo malelate sa concert. Tsaka pwede naman na tayo lumabas ng school pagkatapos nung test kaya sigurado bawas na ang mga tao." Sagot ko. Magandang balita yun dahil makakaabot kami sa opening ng event. 3pm start nun at matatapos ng 7pm. Ang tapos ng klase namin ay 12:30pm so may mahabang time pa ako para magprepare at kumain. Dapat 2pm nandun na sa venue para hindi pumila ng mahaba. I heard may ibang fans pa na nagpunta dito sa SG para lang makita sila. Sobrang priveleged ko na dahil naka VIP na ako sa concert at nandito na ako sa country kaya hindi ko na kailangan gumastos pa ng air fare. "Kain na. Malelate pa tayo niyan sa school kung magpapatuloy kang tumulala diyan." Ani Vince. "Sama nito! Iniisip ko lang kung ilang minuto ko pwede makausap yung IKON." Sagot ko. "2 minutes each fan. Yun yung announcement nila sa website. Sinend sa akin nung nagbigay ng ticket." Sagot niya. "Wow! Bless na bless talaga ko ngayong araw! Yes! Makakahingi ako ng good luck sa kanila! Video mo ko ah!" Sagot ko. "Oo naman." Sagot niya. Umupo na kami sa dining table at nagsimulang kumain. Habang kumakain ay binabasa ko sa phone ko yung ginawa kong reviewer. Sa ganitong paraan ay narerefresh ang utak ko sa mga inaral ko kagabi. Matapos namin kumain ay umalis na kami ng condo. Sinigurado ko na nakatanggal lahat ng mga appliances namin at nakalock ang mga pinto. "Pagdadasal kita Ems na sana wag ka mamental block mamaya sa exam. Baka sumobra ka sa review eh." Ani Vince. Agad ko siyang binigyan ng hampas sa braso. Pinagdadasal ata nito na hindi ako pumasa. "Ikaw ah! Sama mo! Baka mamaya hindi ako makasali sa dean's list eh!" Sagot ko. "Joke lang! Ito naman eh! Masyado mong sineseryoso eh!" Sagot niya. "Pag talaga yan nangyari!" Sagot ko. Nagpatuloy na lang ako sa pagrereview hanggang sa makarating kami sa school. Habang nag-aantay sa prof ay nagbrobrowse ako sa fb ko. Nakita ko yung recent post ni Sandra na nag-aaral habang may ka video call. Sana all na lang talaga nakakausap si Ken pero okay na rin yun. At least sila eh may sariling business na sila at meron na din naman akong sarling mundo. Hindi ko na lang pinansin ang post at binalik ko na sa bulsa ko ang phone ko. "Emily, I heard pupunta ka sa fan signing ng IKON today." Ani Louise. "Ah yeah." Sagot ko. "Is it okay if I'll go with you? My friends is not an IKONIC eh." Sagot niya. "Sure. By 2pm we'll be there. Do you need a ride going there?" Sagot ko. "No. I can go there on my own. See you there." Sagot niya. "Okay." Sagot ko. Dumating na ang prof at binigay ang mga test papers. Mabilis ko lang natapos ang unang subject dahil halos lahat ng nakalagay sa reviewer ay lumabas dun sa exam. Matapos ang lahat ng exam ay nagkita na lang kami ni Vince sa corridor dahil magkaiba ang initials ng last name namin kaya di kami parehas ng room. "Emily I'll see you there." Paalam ni Louise. Tumango lang ako at ngumiti sa kanya. "Ready ka na?" Tanong ni Vince. "Oo maglunch lang muna tayo bago tayo pumunta sa venue. Mas maaga ang mas ayos para makauna tayo sa pila. Dun na lang tayo sa mall kung saan merong k-pop merch shop. May kailangan akong bilin para sa concert bukas eh." Sagot ko. "Okay." Sagot niya. Naglakad na kami papunta sa parking lot. Bibilhin ko yung nakita kong hoodie na may logo ng IKON sa likod kamukha nung ginamit nila sa Bling Bling M/V. Saglit lang ang naging biyahe namin papunta sa mall. "Bukas pala anong oras tayo kailangan sa venue?" Tanong ko kay Vince. "Gabi pa yung concert eh so dapat by 7 pm nandun na tayo para tayo yung nasa pinakaharap." Sagot niya. "Okay. 12:00 lang din tapos ng class bukas diba?" Sagot ko. "Oo kaya mahaba pa yung time mo para magprepare." Sagot ko. Nagpunta muna kami sa k-pop merch store kung saan kami bumili ng Konbat. Red yung kinuha kong hoodie para accurate sa kulay ng fandom. Matapos ko bayaran yung hoodie ay pumunta na kami sa isang fast food chain. "Bilisan natin kumain. Siguradong maraming tao na dun." Saad ko. "Itake out na lang natin." Sagot ni Vince. "Sige." Sagot ko. Matapos niya umorder ay dumeretso na kami sa parking lot para makapunta na sa venue ng fan signing. Si Vince ang kumuha ng number namin dahil kasalukuyan akong kumakain. "Ems, nakita ko dun si Louise." Sagot niya. "Ahhh oo nga. Sabi niya sasama daw siya sa'tin eh." Sagot ko. Nakita ko na nga si Louise palapit sa'min. "Uy Emily. I thought 2pm ka pa dito?" Bati niya. "Eh sabi ko kay Vince itake out na lang namin yung food para makakuha agad kami ng number." Sagot ko. "Wow. Sana all may kasamang jowa sa fan signing." Sagot niya. "Loko! Hindi ko jowa si Vince. Para ka namang ano eh!" Sagot ko. "Eh bakit palagi kayong magkasama?" Sagot niya. "Friends na kami ng pinsan niya since highschool eh nung sinipag umuwi ng Pinas 'tong loko na 'to eh napadpad sa university namin kaya ko nakilala." Sagot ko. "Tsaka Louise hindi pwedeng magkaroon ng relasyon ang parehong writer kasi magkakagayahan kayo ng mga gawa." Singit ni Vince. "Binabasa ko nga pala yung mga gawa niyo sa wattpad. Congratulations sa inyong dalawa." Sagot niya. "Thank you. Halika na baka nagtatawag na sila." Sagot ko. Sabay-sabay kaming pumasok sa venue. Pinapatugtog na roon yung mga songs nila. Ng mag 3pm na ay nagsimula nang dumami ang mga tao. "Please welcome, IKON!" Ani ng MC. "Wuhoooooooooo!!!!!" Sigawan namin. "Get ready?" Ani Jay. "Showtime!" Sagot naman ng ibang members. "Hello we are IKON!" Sabay-sabay nilang pakilala. "Hello I'm Jay. The sexiest member of IKON." Pakilala ni Jay. "Hello I'm Donghyuk from IKON." Pakilala naman ni DK. "Hello I'm Song. Your visual with pretty lips." Pakilala naman ni Song the mister nivea lip balm. "Hi! My name is Ju-ne." Pakilala naman ni June. "I'm Bobby." Pakilala naman ni Bobby. "Hi! I'm IKON's maknae, CHAN." Huling nagpakilala si Chanwoo. Sobrang deretso ng english nila. "I hope you enjoy today's event. And for those who will come in our concert see you there." Saad ni Jay. Nagsigawan ulit ang fans at umupo na sila sa mga seats na nandun sa stage. Pumila na kami at swerte na pangatlo ako at pang apat si Louise. "Yah! Vince! Video mo ko ah!" Saad ko kay Vince na nasa tabi ko. Tumango naman siya sa akin. Binigay ko kasi kanina sa kanya yung isa kong phone. Kay Jay kami unang pumila. Nilabas ko na yung poster ko at album. Ng turn ko na ay ngumiti ako sa kanya. "Hi. You have long hair. Where you from?" Tanong niya. "I'm from Philippines." Sagot ko at inabot sa kanya yung poster at album. "Ohh. My country. You look so young why are you here?" Sagot niya. "I'm currently studying here." Sagot ko. "Wow. Good luck on your studies." Sagot niya. "Thank you. Uhm can I take a picture with you?" Sagot ko. "Sure." Sagot niya. Pagkatapos namin magpicture ay binigyan niya ako ng hug. "Thank you." Saad ko. "You're always welcome." Sagot niya at inabot sakin yung album at poster. Pumila na ako kay Song kasunod ko si Vince. Panglima naman ako sa pila kay Song. "Wahhh. Nayakap ko yung dream groom kooooo!!" Bulong ko. Dahil nakakahiya naman kung sisigaw ako dito. "Wala mas gwapo pa rin ako sa kanila at pwede din ako maging groom mo." Sagot niya. Hinampas ko siya ng malakas sa balikat. "Joke lang naman eh!" Sagot niya. Tumigil lang kami sa pag-uusap ni Vince ng malapit na ako. Ng turn ko na sa pagpapapirma ay binigay ko na kay Song yung poster at album. "You're from the Philippines right?" Tanong naman niya sa'kin. "Yes." Sagot ko. "Can you teach me one phrase from there? Except from the phrase that Jinhwan keeps repeating for almost a decade." Sagot niya. "Sure. Hmmm its Mahal kita." Sagot ko. "Mahawl kita? What does it mean?" Sagot niya. "I love you or in korean Saranghae." Sagot ko. "Wow." Sagot niya. Siguro ay nagulat siya sa sinabi kong Korean phrase. "Can I take a picture with you?" Sagot ko. Agad naman siyang tumayo para makapag-papicture ako sa kanya. "Can I have Nivea lip balm? HAHAHAHAH." Tanong ko. "Sure. Here." Sagot niya at inabot sakin yung isang piraso ng lip balm. "Thank you. Gabsahamnida." Sagot ko. Ngumiti lang siya sa akin at nakipag shake hands. Inabot niya na rin sakin yung poster at album. Kay DK na ako pumila. Mahaba-haba yung pila sa kanya dahil maraming may bias sa kanya. Nilabas ko na yung Konbat ko para mapirmahan sa kanya. Ito din yung dadalhin ko sa concert bukas. "Uy 2 down Ems." Ani Vince. Kasunod ko si Louise. "Kay DK tayo mahihirapan Ems. Ang haba ng pila eh." Saad niya. "Hihingi nga ko ng may message na autograph kay Ju-ne eh. I'm also a poet kaya sobrang saya ko na makakuha ng autograph sa co-writer ko." Sagot ko. "Si Bruce Lee the second pala ang bias mo." Sagot niya. "Oo nga eh. Nagdala ko ng extra notebook. Yung notebook ko na pinagsusulatan ng plot para magkaroon ako ng autograph niya. Ng turn ko na ay inabot ko kay DK agad yung poster at album. "Thank you for coming I hope to see you in our concert." Aniya. "See you tomorrow too. Uhm can you sign my Konbat??" Sagot ko. "Of course." Sagot niya. Binigay ko ang Konbat ko sa kanya at pinirmahan niya ito. "I have one last request for you." Sagot ko. "What is it?" Sagot niya. "Can you wish me luck on ny upcoming exam tomorrow?" Sagot ko. "Oh its your examination day tomorrow yet you managed to be with us today. Thank you. And good luck for your studies and exam." Sagot niya. "Thank you. Can I hug you?" Sagot ko. "Sure. Let's also have a picture on my phone." Sagot niya. Nagulat ako sa sinagot niya. Hindi ko ineexpect na mangyayari ito sa akin. "Wow. Thank you." Sagot ko at yinakap siya. Nagpicture kami sa phone ko at sa phone niya. "I will find you in our concert tomorrow and I will give you a hoodie of mine so that you can always feel my love for you." Sagot niya. "Thank you!" Sagot ko. Ngumiti lang siya sa akin at inabot sa akin yung poster at album. Matapos nito ay pumila na ako kay Bobby. Saglit lang ako pumila dahil maigsi na ang pila kay Bobby. "I heard its your exam tomorrow." Aniya. "Yes." Sagot ko. "For my good luck to you I will give you one of my sneakers tomorrow. I think we have same shoe size." Sagot niya. "Wow. Its too much. A photo with you is enough and having a hoodie of Oppa DK is too much." Sagot ko. "Its not too much for us. Its just only a penny because you sacrificed your time to review for your exams to be with us." Sagot niya. "Gabsahamnida Oppa." Sagot ko. Tumulo na ang luha ko sa sobrang saya. Sobra na ito sa mga inexpect ko. "Hey don't cry. Just smile and enjoy the day." Saad niya. "Let's have a photo." Sagot ko. Nagpicture kaming dalawa sa phone ko. "Thank you Oppa." Paalam ko bago umalis sa harap niya dala ang album at poster. Matapos ko magpapirma sa last two members na si Chan at Ju-ne ay umalis na kami. 7:00pm exact natapos ang event. Nakakuha din ako ng autograph ni Ju-ne sa notebook ko. Sabi niya yun na daw yung good luck niya sa akin. Pati sa phone ni Chan ay may picture kami dahil sabi niya bibigyan niya daw ako ng Chanwoo-Sari merch. Ng nasa parking lot na kami ay agad kong niyakap ng mahigpit si Vince. "Thank you Vince. Thank you for making my dreams come true. Thank you!" Ani ko. Yumakap din siya pabalik sa akin. "No worries Ems. This is our only way to pay back your sacrifices for our friendship." Sagot niya. Bumitaw na ako sa yakap. Pumunta muna kami sa mall para kumain at maglibot saglit. Ng tumawag sa akin si Ate Gab. "Hello Ate Gab. Bakit po?" Bati ko. "Ems may dumating kang package dito sa bahay. Eh chineck ko na. Baka kako may inorder kang online eh wala naman. Puro libro. Wattpad books ata 'to eh. Galing Pilipinas yung adress na nakalagay." Sagot niya. "Wala na po akong libro sa Pinas. Isang maleta yung dinala kong libro dito sa Singapore." Sagot ko. Sino naman kaya ang nagpadala nung libro na yun? "Okay sige. Check mo na lang pag-uwi mo. Umuwi na kayo ni Vince. 8:00 na siguradong tapos na yung event." Sagot niya. "Opo Ate." Sagot ko at ibinaba ang tawag. Agad ko namang tinawagan si Kuya Mark baka sakaling siya yung nagpadala nun sa akin. "Hello Ems. Napatawag ka." Bati niya. "Hello Kuya. Ikaw ba nagpadala nung mga libro daw na nasa condo ngayon?" Sagot ko. "Ikaw padadalan ko ng libro? Isang maleta na nga yung librong dinala mo diyan eh." Sagot niya. "Sige. Thank you." Sagot ko at binaba ang tawag. "Uhm. Anong date ngayon? Masyado kong overwhelmed sa kasiyahan nawala na yung isip ko sa araw at date." Tanong ko kay Vince. "Hm. November 29." Sagot niya. 29? "Alam ko na kung kanino galing!" Sagot ko. "May dumating nanaman bang libro?" Sagot niya. "Oo. Address naman daw sa Pilipinas yun. Pero nung nasa Pilipinas tayo ang nakalagay dun is condominium from New York. Wala din nakalagay kung kanino galing. Nagtry ako mag email dun sa condominium pero sinabi hindi daw nila pwede ibigay kasi against sa policy nila and invasion of privacy daw yun." Sagot ko. "Umuwi na tayo para macheck mo yung mga books." Sagot niya. "Hindi ko na kailangan icheck. Kadalasan nung mga books na pinapadala sa'kin is kung hindi latest book at full set na may kasamang pirma or message ng author eh yung mga limited edition books." Sagot ko. "Di kaya si Ken ang nagpapadala sayo nung books?" Sagot niya. "Bakit naman ako nun padadalhan ng books? Matagal na kaming hiwalay Vince. Alam naman natin na ngayon ay may Sandra na siya. Bakit pa siya magaabalang magpadala sa akin ng books kung si Sandra eh mahilig din sa wattpad?" Sagot ko. "Yun na nga eh. Pero kailan ba kayo naghiwalay?" Sagot niya. "May 29." Sagot ko. "Every 29 of the month may nagpapadala sayo ng mga ganyan. Tapos may numbers diba?" Sagot niya. "Number 84. Yun na yung pinadala sa akin." Sagot ko. "Tara na para macheck mo yung libro." Sagot niya. Nauna na siya maglakad sa akin kaya sumunod na ako sa kanya. Ng makarating kami sa condo ay nagulat ako dahil nakalagay sa dining table yung mga libro at may hawak si Ate Gab na letter. "Alam ko na kung kanino galing Ems." Ani Ate Gab. "Kanino po?" Sabay naming sagot ni Vince. "Basahin mo na lang Ems. Nakuha ko 'to sa isa sa mga libro." Sagot niya at inabot sa akin yung letter.
Its been 84 months Ems. Congratulations on your novel. I just want you to know that I'm still reading your books. Keep bleeding Love. I miss you.
-ANONYMOUS
"Anonymous?" Tanong ko. "Nung highschool ka ba may gumamit ng ganyan sa mga secret admirer mo?" Sagot ni Vince. "Wala kong naging secret admirer kahit nung grade twelve tayo wala din naman eh." Sagot ko. "Try mo ichat si Kuya Kenneth. Tanong mo kung may kakaiba bang kinikilos yang EX mo." Sagot niya. "Wag na. Umuwi ka na nga Vince. Dami mong naiisip eh. Magpahinga ka na. Ako na bahala dito." Sagot ko. Kung ano-ano nanaman iniisip nito. "Sige." Sagot niya at lumabas na ng condo namin. "Thank you po sa pag-check Ate Gab. Ako na po bahala dito. Lalagay ko na lang po lahat sa book shelf ko tapos itatanong ko na lang po si Dra. Kass tungkol dito." Saad ko. "Sige Ems. Alam ko naman nagdinner na kayo ni Vince kaya hindi na ako nagluto. Matutulog na ako ah." Sagot niya. Tumango lang ako bilang sagot. Simula ng maghiwalay kami ni Ken hindi ko na tinawag na Ate si Ate Kass sa harap ng family ko dahil baka isipin nila na may something pa rin kami ni Ken. Niligpit ko na ang mga libro at kinuha sa bulsa ko ang phone ko para matawagan ko si Ate Kass. Lately nakakausap ko siya lalo na nung na-hit ang 500k reads nung novel namin ni Ken. "Hello Ate Kass. Sorry sa abala." Bati ko. "Wala yun. Ano ba yun?" Sagot niya. "Ikaw po ba nagpadala ng mga libro dito sa condo ko?" Sagot ko. "Libro? Hindi naman. Hindi ko nga alam yung bago mong address eh." Sagot niya. Agad ko namang tiningnan yung address sa Pilipinas. "Address po kasi ito ng bahay niyo sa Pilipinas eh. Nandun ka po ba ngayon?" Sagot ko. "Wala ako sa Pilipinas. Busy ako dito sa New York." Sagot niya. "Sige po. Ah pwede po ba pakitanong kay Ken kung siya po nagpadala nito. Baka po kasi para kay Sandra ito eh. Paalala lang po nasa Pilipinas po si Sandra wala po dito sa SG." Sagot ko. "Sige. No worries." Sagot niya. "Thank you po Ate. Tawagan niyo na lang po ako kapag mali po yung napadalan niya ah. Papadala ko na lang po kay Sandra sa Pilipinas." Sagot ko. "Sige tawagan na lang ulit kita." Sagot niya. "Sige po Ate. Thank you. Bye po." Sagot ko at binaba ang tawag. Inayos ko muna ang mga libro at nilagay ulit sa box. Pumasok na ako sa kwarto ko at naglinis na ng katawan.
Kassandra's POV
Ng maibaba ni Ems yung tawag ay agad akong pumunta sa kwarto ni Ken. Alam kong siya nagpadala nung books na sinasabi ni Ems at hindi siya nagkamali ng padala dahil alam kong dahil kay Sandra nalaman ng mokong kong kapatid yung address ni Ems sa Singapore. Kumatok muna ako sa kanyang pinto para makita kung ano ang ginagawa niya. Ilang araw na din dito yung fiancé niya kaya palagi siyang nandito sa kwarto niya. Ang kalat na ng kwarto niya. Nagkalat kung saan-saan yung mga pinaglagyan niya ng milktea at mga bond paper. "Ken! Ano ba naman 'tong kwarto mo?! Parang basurahan!" Sigaw ko dahil napakalakas ng music niya. IKON songs ang pinapatugtog ng loko. Kala niya siguro di ko alam yun eh yun nga kadalasan kong pinapatugtog sa operating room. Ng huminto ang tugtog ay bumaling siya sa akin. "Wag ka mag-alala Ate pati yung may-ari ng kwarto basura." Sagot niya. Agad akong lumapit sa kanya at dinagukan siya. "Kakatawag lang sa akin ni Emily. May nagpadala nanaman daw ng libro sa kanya." Sagot ko. "Ano kinalaman ko dun Ate? Ni hindi ko nga alam kung saan address ng babae na yun eh!" Sagot niya. "Sigurado ka ah!" Sagot ko. "Oo nga Ate. Oo nga pala. Aalis ako mamayang gabi papuntang Singapore." Sagot niya. Nanlaki ang aking mga mata sa narinig. "Singapore? Ano gagawin mo dun? Wala pa naman pinapaasikaso sa akin dun ah." Sagot ko. "Ha! Ikaw wala, ako meron." Sagot niya. "Weh?" Sagot ko. Paanong magkakaroon ng bagong project sa Singapore eh halos lahat ng project dun tapos na. "Meron. May bagong mall na pinapagawa dun yung isa nating kliyente. Pupuntahan ko yung sight. Tsaka may concert akong aattendan dun." Sagot niya. "Wow. Concert. Sama ko." Sagot ko. "Wag na hindi mo naman alam yun eh." Sagot niya. "Alin? Tour ng IKON dun?" Sagot ko. Nasakop kasi ni Ems ang New feed ko tungkol sa concert kaya ko nalaman. "Paano mo nalaman yun?" Sagot niya. "Syempre. Ako pa. Bukas yun diba?" Sagot ko. "Oo. Flight ko mamayang gabi eh." Sagot niya. "Bakit ka naman pupunta sa concert na yun ha? Fan ka ba ng IKON?" Sagot ko. "Hindi. I just want to stand under the same skies with hers." Sagot niya. "Stand the same skies with hers. Ken seven years is enough. Okay na tama na. She's happy with Vince. Gusto ko man na magkabalikan kayo wala na akong magagawa dahil may kanya-kanya na kayong buhay." Sagot ko. "Kung kaya ko lang na hayaan na lang siya edi sana hindi ko pinaabot ng pitong taon 'tong paghihirap ko." Sagot niya. "Pabayaan mo na si Ems kay Vince, Ken. Tsaka isa pa si Sandra. Isipin mo siya baka nahulog na yun sayo. Hindi ko sinasabing gawin mo siyang rebound pero at least give her a chance." Sagot ko. "Ate kahit bali-baliktarin natin ang mundo rebound pa rin ang kababagsakan ni Sandra at ayokong makasakit pa ulit ng babae." Sagot niya. "Eh kung yun na lang ang paraan para pakawalan mo si Ems eh! Susuportahan kita kahit makakasakit ka! Ken! Nakakapagod na ganyan ka!" Sagot ko. Ako ang napapagod para sa kanya dahil palagi na lang siyang malungkot at pressured. "Sa tingin mo ba Ate hindi rin ako napapagod? Ate kahit sa malayuan man lang aasa akong makita ko siya Ate. Siya na lang yung iniisip ko everytime nahihirapan ako. Yung gusto ko nang sumuko pero naalala ko yung mga memories namin!" Sagot niya. "Just let it all be memories! Wag mo nang alalahanin! " Sagot ko. "Mahirap Ate! Kung sayo madaling kalimutan si Dr. Marquez sa akin hindi! Kasi hindi ganun si Ems!" Sagot niya. "Sa tingin mo rin ba hindi ako nagsusuffer ha? Sa tingin mo ba hindi nangyayari sa akin yan? Pwes kung hindi nangyayari din sa akin yan Ken! Pero pinipili kong maging matatag para sa inyo! Kasi kapag naging mahina ako paano kayo? Paano ka?!" Sagot ko. "Tsaka na lang tayo mag-usap kapag pareho na tayong nakapagpahinga. Aalis ako mamaya kaya wala ka nang kailangan isipin sa akin." Sagot niya. "Hindi. Ako na lang ang pupunta sa Singapore. Dito ka na lang." Sagot ko. "Sa ayaw at sa gusto mo Ate aalis ako. Walang makakapigil sa akin." Sagot niya. Umalis na ako sa kwarto niya at pumunta na lang ako sa kawarto ko at dun ibinuhos lahat ng luha na kanina ko pa pinipigilan sa harapan niya. Gusto ko lang naman na mabawasan yung sakit na nararamdaman niya eh.
Emily's POV
Today is the day that I've been waiting for! Today is the concert day at may rumors sa social media na baka umaattend si Hanbin! Kaya sobrang saya ko na makikita ko sila ng kumpleto. Naligo na ako at nagbihis ng white shirt at skinny jeans. Nilagay ko na sa sling bag ko yung Konbat ko at yung mga power bank at yung isa kong phone para mamaya sa concert. Tinupi ko naman ng maayos yung sweater at isinama dun sa bag. Naglip tint lang ako at pulbos tsaka lumabas na ng kwarto. Nakita ko si Ate Gab na naghahain ng agahan namin. "Ate Gab. Baka late na po ako makauwi mamaya kasi po concert po ngayon ng IKON eh. Aattend po kami ni Vince." Saad ko. "Okay lang. Nagchat ka na ba sa Mommy mo?" Sagot niya. "Opo Ate. Kagabi pa." Sagot ko. "Sige. Kumain ka na at ng maaga ka makaalis. Exam niyo pa ngayon diba?" Sagot niya. Napansin kong hindi siya nakasuot ng scrubs ngayon. "Ah Ate. Bakit hindi ka naka scrubs ngayon? Wala ka bang pasok?" Tanong ko. "Mamaya pa duty ko eh. Kaya wala kang aabutan dito sa condo. Kay Vince ka na lang muna magstay para hindi ka nag-iisa dito." Sagot niya. "Okay lang po ako dito Ate Gab. Nakakahiya na din po kay Vince na magstay pa ako sa condo niya kasi sinamahan niya na ako sa concert eh." Sagot ko. "Sige. Basta ilock mo lahat ng pinto at bintana ah." Sagot niya. "Opo." Sagot ko. "Kumain ka na. Malelate ka na." Sagot niya. Nagsimula na akong kumain. Habang nasa kalagitnaan ako ng pagkain ay biglang tumunog ang doorbell. "Ako na. Kumain ka lang." Saad ni Ate Gab at lumpait na sa pinto para buksan ito. Iniluwa ng pintuan si Vince na may dalang kape. "Bakit may kape kang dala Vince?" Tanong ko ng makalapit siya sa akin. "Ayoko na magpunta dito ng walang dala eh." Sagot niya. "Nag-abala ka pa. Hindi naman na kailangan." Sagot ko. "Kung bilisan mo na lang kaya kumain para makaalis na tayo agad at makapag exam para mauna na tayo sa pila sa concert." Sagot niya. "Daanan na natin ngayong umaga yung number. VIP seating tayo diba?" Sagot ko. "Oo." Sagot niya. "May numbers pa rin silang binibigay. Kailangan natin makuha yun para makapasok sa venue bukod sa ticket." Sagot ko. "Okay." Sagot niya. Binilisan ko na ang pagkain para makaalis agad kami. Matapos ko kumain ay mabilis lang akong nagtooth brush nilagay ko na din sa bag ko yung lip tint ko. Matapos ko mag ayos ng sarili ay lumabas na ako. "Ate alis na po kami!" Paalam ko dahil nasa kwarto ata si Ate Gab. "Sige! Ingat!" Sagot niya mula sa kwarto. "Tara na Vince." Saad ko kay Vince na nandun sa sala namin at nanunuod ng netflix. Tumayo na siya at bumaling sa akin. "Wow. Hindi pa nga kayo magkikita ng IKON ready ka na agad." Sagot niya. "Ewan ko sayo!" Sagot ko at nauna nang lumabas. Sumunod naman siya sa akin. Habang nasa elevator ay inaayos ko na yung screenshot nung ticket namin para maipakita dun sa organizer. "Sinend ko sayo yung screenshot ng ticjet natin." Saad ko. Tumango naman siya bilang sagot. "Ems, just be happy today. I want you to smile today without worries. You had enough of everything." Sagot niya. "Oo naman. Ang maging masaya na lang ang maisusukli ko sa lahat ng ginawa mo para sa akin." Sagot ko. "Don't think of it as your payment for me. Hindi ako humihingi ng sukli galing sayo. Ang mahalaga lang ay maging masaya ka sa araw na ito." Sagot niya. Tumango ako ng may satisfied na ngiti sa aking labi. Tumunog na ang elevator sinyales na nandun na akmi sa parking lot. Haabang nasa biyahe papuntang concert venue ay bigla kong naalala yung libro. Agad kong chinat si Ate Kass.
Me:
Ate Kass, papadala ko na po ba kay Sandra?
Kassandra Ellaine Lizardo:
Wag. Sayo talaga yun. Si Kyle nagpadala sayo.
Me:
Talaga po? Pakisabi na lang po sa kanya thank you.
Kassandra Ellaine Lizardo:
Oo naman. Sige sasabihin ko sa kanya. Congrats pala kasi makikita mo na ang IKON.
Me:
Thank you po Ate.
Kassandra Ellaine Lizardo:
Pwede ba ako magtanong sayo? Isa lang. Ngayon lang.
Me:
Sige po Ate. Ano po ba yun?
Kassandra Ellaine Lizardo:
Mahal mo pa ba ang kapatid ko?
Nagulat ako sa tinanong ni Ate Kass. Never niya ito tinanong sa akin kahit nung mga unang buwan ng break up namin ni Ken. Bakit ngayon pa? After 7 years.
Me:
Hindi naman po yun mawawala eh. Nakatala na rin po sa libro ang pagmamahalan namin. Hahayaan ko na lang po na dun na lang lahat ng iyon. Kung saan po masaya ang kapatid niyo susuportahan ko po siya.
Matapos namin magchat ay nakita kong malapit na kami sa concert venue. Dinala ko lang ang phone ko pababa ng kotse para maipakita ang screenshot nung ticket. "Ako na lang pipila. Akin na yung phone mo." Ani Vince. "Eh sabay na lang tayo." Sagot ko. "Wag na. Diyan ka na lang sa kotse. Mainit." Sagot niya. "Yoko. Tara na. " Sagot ko at nauna na sa kanya maglakad. Ng nasa tapat na ako ng organizer ay pinakita ko na yung screenshot ng ticket namin. "Here's your number." Sagot nung organizer. "Thank you." Sagot ko. Binigay ko na din kay Vince yung kanya. Habang inaabot ko kay Vince yung number niya ay bigla na lang may dumaan sa likod niya na kamukha ni Ken. Agad ko siyang kinalabit. "Si Ken yun diba?" Saad ko sabay turo sa lalaking kakadaan lang sa likod niya. "Ha? Saan?" Sagot niya at luminga-linga sa paligid. "Ayun oh!" Sagot ko at tinuro yung lalaking kumukuha din ata ng number. "Ems, bakit naman makakarating dito si Ken? Kung alam niyang nandito ka at maraming projects na hinahawakan yun sa US." Sagot niya. "Ay sorry. Baka namalikmata lang ako. Tara na. Baka malate tayo sa school." Sagot ko. "Kukunin ko lang yung kotse. Dito ka na lang." Sagot niya. "Okay." Sagot ko. Habang hinihintay siya ay binuksan ko ang phone ko para malaman kung totoo ba yung rumors na aattend sa concert ngayon si Hanbin.
'Kim Hanbin (B. I) former leader of the south korean boy group IKON is spotted at Singapore Changi Airport. Fans are expecting him to join the concert of the members.'
Hala! Spotted siya sa SIN! Sana pumunta siya sa concert. Napahinto lang ako sa pagscroll sa phone ko ng huminto ang kotse ni Vince sa harapan ko. Binuksan ko na ang front seat niya at sumakay na. "Spotted sa SIN si Hanbin." Ani ko. "Weh?" Sagot niya. "Oo nga. Ineexpect ng fans na pupunta siya ngayon sa concert." Sagot ko. "Sana nga umattend para mas malakas sigawan mamaya." Sagot niya. Ng makarating kami sa school ay dumiretso na kami sa mga room na designated sa amin. Ng makaupo ako sa pwesto ko ay tumabi sa akin si Louise. "Sana all may picture sa phone ni DK at Chanwoo." Saad niya. "HAHAHAHAHA. Hindi ko nga expected yun eh." Sagot ko. "Sana ako din." Sagot niya. "Aattend ka ba sa concert mamaya?" Sagot ko. "Hindi eh. Di ko afford. Ang mahalaga nakapunta ako sa fan signing." Sagot niya. "Eh may rumors na spotted is B. I sa SIN ah. Baka umattend siya ng concert. Expected ng fans." Sagot ko. "Ahhh. Sana all talaga makakaattend." Sagot niya. "Wag ka magalala may next time pa." Sagot ko. Napatigil lang kami sa pag-uusap ng dumating yung prof. Habang nagsasagot ay iniisip ko yung lalaking nakita ko kanina. Iniisip ko kung si Ken ba siya talaga siya. Tsaka bakit ako tinanong ng ganun ni Ate Kass? Possible kaya na si Ken nga yon? Pero ang imposible naman nun dahil school year ngayon. Sigurado nag-aaral din siya dun. First semester ng Engineering. Tsaka hindi siya yung tipo ng tao na pupunta sa matataong lugar dahil ayaw niya ng crowded. "Time's up!" Bumalik lang ako sa wisyo ng marinig ko ito. Agad akong bumaling sa test paper ko para tignan kung nasagutan ko lahat. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang lahat ito ay may sagot. Matapos ang klase ay nagmeet na lang kami ni Vince sa labas ng nursing building dahil may mga gamit pa daw siyang kailangan iwan sa locker. "Emily una na ako ah." Paalam ni Louise. "Sige." Sagot ko. Tumayo na lang ako sa tapat ng building. "Ems tara na." Tawag ni Vince. "Tara. Sa mall na lang muna tayo para makakain ng lunch. 6 pm dapat nasa venue na tayo para nasa pinakaharap tayo." Sagot ko. Tumango lang siya bilang sagot at nauna nang maglakad apuntang parking lot. Ng makasakay kami sa kotse ay bigla namang nag ring ang cellphone ko. Nakita kong si Lean ang tumatawag sa akin. "Hello Lean. Bakit?" Bati ko. "Wala lang. Good luck sa concert mamaya! Fighting!" Sagot niya. "Thank you HAHAHHAHA. Kasama ko nga pala si Vince ngayon. " Sagot ko. "Ahhh. Loud speaker mo naman ng makamusta ko yung anak ni Don Juan." Sagot niya. "Sige. Wait lang." Sagot ko at niloud speak ang phone ko. "Hoy anak ni Don Juan! Kamusta ka na diyan? Di ka nagchachat!" Saad ni Lean. "Tigilan mo ko Lean! Sa December nga pala pinapapunta kayo ni Mama dito sa Singapore. Sabay-sabay na daw tayo magbibiyahe papuntang US." Sagot ni Vince. "Okay. Usap na lang tayo ulit mamaya. Bye! Bye Ems!" Sagot ni Lean. "Bye!" Sagot ko at binaba ang tawag. "Saan tayo kakain?" Tanong ni Vince. "Tokyo-tokyo na lang. Nakakamiss yung pagkain nila eh." Sagot ko. Pumunta na kami sa Tokyo-tokyo dito sa mall. Meron naman nun dito dahil international fast food chain yun. Umorder kami ng bento box at yung yakisoba nila. Ng dumating ang order ay nagsimula na kaming kumain. Chopsticks ang gamit ko dahil marunong naman ako nito. "Oo nga pala. Kailan balak niyo ni Ate Gab na umuwi ng Pinas?" Tanong niya habang kumakain kami. "Hindi ko pa alam. Hindi pa namin napapag-usapan yung pagbalik namin sa Pilipinas. Wala pa naman schedule ang Christmas break natin diba?" Sagot ko. "Hindi ka tumitingin sa calendar ng school 'no? Christmas break na natin ng December 15 onwards. Babalik tayo ng January 5." Sagot niya. "Ahhh. Sige kakausapin ko si Ate Gab about diyan soon." Sagot ko. "Oo nga. Eh ano daw ba usapan nila ni Kuya Mark?" Sagot niya. "Kasama daw namin babalik dito si Kuya Mark at May. Baka dito na din ako mag New Year." Sagot ko. "Ahhh. Kami kasi sa US eh. Hindi kita masasamahan salubungin ang New Year." Sagot niya. "Okay lang. Hindi naman required na palagi tayo magkasama eh." Sagot ko. "Pero gusto ko pa rin makasama ka sa New Year." Sagot niya. "Ano dadalin mo ko sa US? Alam mong may galit ako sa US diba? Nandun lahat ng mga taong nanakit sa akin." Sagot ko. Nandun si Ken at yung Tatay ko na mas piniling sumama sa iba kesa sa amin. "Oo nga pala. Pero looking forward ka pa rin ba na magpunta dun?" Sagot niya. "Hindi. Ayoko. Never. Papuntahin mo na ako sa lahat ng bansa sa mundo wag lang sa US." Sagot ko. Matapos namin kumain ay umalis na kami. "Ano gagawin natin? Maaga pa." Aniya. "Pumunta na tayong venue tapos magpicture tayo dun. Meron namang park dun kaya pwede tayo tumambay sa park." Sagot ko. "Sige." Sagot niya. Nagpunta na kami sa venue ng concert. Nandun na yung mga posters and standees ng ikon. Pati si Krunk nandun na din. "Picturan mo ko kay Krunk!" Ani ko. Lumapit na ako sa mascot dahil konti pa lang ang tao. Pinicturan ako ni Vince kasama ito. "Wait lang Vince! Picturan mo pa ko susuot ko lang yung hoodie!" Ani ko. Nilabas ko na sa bag ko yung hoodie at mabilis na sinuot ito. May logo kasi yun ng IKON sa harap maliit lang naman at sa likod naman ay yung text na kamukha ng ginamit nila nung Bling Bling era. Nilabas ko na din yung Konbat ko. Matapos namin magpapicture kay Krunk ay nagpapicture ako sa kanya sa harap nung concert venue na nakatalikod. "Tara na Ems. Nagpapapila na sila para sa entrance." Aniya. "Sige. Tara na." Sagot ko. Pumila na kami dahil pasado 4 pm na nung mga oras na yun. Nagtagal din pala kami sa paglilibot sa park. 3 pm kami nakarating dito eh. Habang nakapila ay nagcecellphone ako ng may makatabig nito. "Look where your going." Ani ko sa nakatabig sa akin. "I'm sorry." Sagot niya at binalik sa akin yung phone ko. Hindi ko masyadong natitigan yung mukha niya dahil umalis agad siya sa harapan ko. "Yah Vince!" Tawag ko kay Vince na nagcecellphone din. "Napansin mo yung nakatabig sa akin?" Tanong ko. "Hindi. Ka chat ko si Lean eh." Sagot niya. "Ahh." Sagot ko. Ng makapasok kami sa venue ay sobrang laki pala nito. Hindi ko expected na ganito pala kalaki ito dahil sa dami ng fans kahapon. Yung seat na pinili ni Vince ay yung pinakamalapit sa stage. "Wow. I didn't expect that this place is huge." Ani ko. "Akyat ka sa stage picturan kita." Ani ko. "Ayoko nga. Nakakahiya." Sagot ko. Sigurado once na umakyat ako dun maraming makakapansin sa akin. Ayoko makita ang sarili ko sa social media na ginagawang meme ng ikonics. Pumunta na ako sa seat na designated para sa amin ni Vince. Nagcellphone na lang ako habang iniintay ang oras. "Vince ikaw na lang lumabas ng venue. Bumili ka ng pagkain natin. Hindi na tayo makakakain in the middle of the concert." Ani ko. Alam ko kasi kung gaano ka-hype ang fans mamaya. Siguradong puro talunan at tulakan na mamaya. Nanood na din kasi ako ng past concerts nila sa youtube kaya alam ko at may ilang clips akong nakikita sa facebook. "Sige. Ano bang gusto mo?" Sagot niya. "Milktea tsaka fries. Tapos bumili ka ng tubig ah." Sagot ko. "Okay." Sagot niya. Nagabot na ako ng pambili ng milktea ko dahil nakakahiya na talaga sa kanya kung siya pa bibili ng pagkain ko. Habang naghihintay sa kanya ay tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ang dahilan nito at nakita kong si Achlys Nyx ito.
Achlys Nyx:
Enjoy the concert.
Me:
Thank you.
Nagpicture din ako at sinend sa gc namin para malaman nilang nasa venue na ako.
Lean:
Wag masyadong hype Ems ah. Baka makasapak ka diyan. Ingat kayo.
Andy:
Ingat ka diyan Ems! Miss you!
Ivan:
Enjoy your day Ems. Wag mo muna kami isipin. Hoping for one day na makasama kita diyan sa concert.
Me:
Thank you! Late na kami makakauwi nito HAHAHHAHA. 10 pm or so na kami makakauwi huhu.
Ivan:
Kapag magcoconcert talaga sila dito sa Pilipinas ako magssponsor ng ticket mo.
Me:
Wow. As if naman na nasa Pilipinas ka pa by that time.
Ivan:
Uuwi ako ng Pilipinas para sayo.
Andy:
Sanaol umuuwi.
Lean:
Kay EX puro tanggi pero pagdating kay Ems handang umuwi ng Pilipinas para lang sa concert.
Me:
HAHAHAHAHAHAHAH!
Lean:
Sanaol si Ems!
Me:
Sira!
Ivan:
Alam ko na kulang sa akin kaya ako pinagpalit sa malayo! Hindi ko kasi siya nabilan ng Army bomb.
Me:
Loko! Bahala nga kayo diyan basta ako dito mag eenjoy sa concert ng mga asawa ko. Be ready pala ah baka makita niyo ko sa social media na binibigyan ng hoodie ni Donghyuk.
Lean:
Hala! Sanaol talaga!! Buti pa si Ems makakatanggap ng hoodie mula sa idol niya😭
Me:
HAHAHAHAHAHAHA!
Vince:
Anong flavor yung fries mo Ems?
Me:
Sour cream. Bilisan mo nagpapatay na sila ng ilaw.
Vince:
Geh.
Lean:
Wow Ems. Napasama mo yang pinsan ko diyan sa concert at nauutusan mo pa. Grabe! Anong gayuma pinakain mo diyan?
Me:
Hindi ko yan gagayumahin noh! Yak! Hanbin or DK lang ang gagayumahin ko kung nagkataon!
Vince:
Hindi niya nga ako gagayumahin pero ako ang gagayuma sa kanya.
Ivan:
Tigilan niyo na nga yang gayuma na yan. Baka mamaya maghanap ako online tapos ipadala ko sa inyo eh!
Andy:
Just pm Ivan Daniel for more gayuma inquiries HAHAHAHAHAHA
Lean:
Ayan na may bibili na ng gayuma niyo HAHAHAHAHA!
Vince:
Ayoko na magsalita about sa gayuma baka mamaya hindi inumin ni Ems yung milktea na dala ko.
Me:
Nasan ka na ba? Aba aber bilisan mo!
Vince:
Nasa entrance na ako. Wag ka mag alala.
Me:
Alam niyo may nagpadala nanaman sa akin ng libro. Si Kyle pala yung nagpadala ngayon. Pero yung past na mga books hindi ko alam.
Andy:
Weh? Si Kyle padadalan ka? Eh ang bata niya pa nung nagkakilala kayo ah. Diba sa Tagaytay yun?
Me:
Oo. Tapos namalikmata pa kong nandito sa SG si Ken.
Lean:
May probability na nadiyan siya kasi may bagong project yung company nila diyan. Mall ata di ko sure.
Me:
Oo nga pero bakit naman yun makakarating sa concert venue ng IKON?
Vince:
Gutom ka lang siguro nun Ems.
Me:
Nasan ka na?
Vince:
Nasa tabi mo.
Agad akong bumaling sa tabi ko. "Nandito ka na pala di ka man lang nagsasalita!" Ani ko. "Busy ka kausap sila eh." Sagot niya. "Hay nako." Sagot ko at kinuha sa kamay niya yung milktea. Habang iniinom ko ito ay nagsimula nang maging dim ang lights at nagbubukas na din yung mga light sticks ng mga tao. "Picturan mo ko sa ocean ah." Ani ko. "Oo naman. Pose na bili!" Sagot niya. Agad ko namang kinuha sa bag ko yung Konbat ko at binuksan ito. Inabot ko na sa kanya yung phone ko at nagpapicture sa kanya. Matapos namin magpicture ay bumalik na ako sa pagkakaupo. Ng amubos ko ang milktea at fries ay sakto namang pagsisimula ng pagtugtog ng Sinosijak. Buti hindi pa hype yung mg tao kaya naubos ko pa yung pagkain ko. "Wahhhhhhhh!!! Ikonnnnnnn!!!" Sigaw ko. Nagsisimula na din kasi maging maingay ang mga tao. Seven na podium yung nakaangat. Tama ang hinala ng fans na kasama si Hanbin sa concert kumpleto sila kaya nagsimula na kaming mga fans na mag-iyakan kasi finally nakita na ulit namin silang kumpleto. "Sinosijak!" Sigaw namin. May lyrics din kasi sa likod nila kaya nakikikanta din kami. Napupuno ng kasiyahan ang puso ko ngayong araw. Walang mapaglagyan ang kasiyahan nito dahil nakita ko na ang mga lalaking matagal ko nang pinangarap na makita. Napalitan ng saya lahat ng pgahihirap ko para mapanatiling buo ang mga kaibigan ko.
Vince's POV
I'm happy just by seeing her smile with no worries about tomorrow. Even though umiiyak siya kanina dahil sa sobrang sayang makita si Hanbin. Kahit palagi ko pa siyang picturan okay lang at kahit ilang VIP tickets pa ng concert ng IKON ibibigay ko as long as mga ngiti ang makikita ko sa kanya at hindi luha. "Get ready?" Ani ni Hanbin. "Showtime!" Sigaw naman ng mga tao. Isa-isa ulit silang nagpakilala. "So! Yesterday I met a girl." Panimula ni DK yung bias ni Ems. "Girl? So you have a girlfriend?" Sagot ni Jinhwan. "No. She's a fan. I forgot to ask her name. She has exam today." Sagot niya. "Ohhh. The filipina girl with a long hair." Sagot ni Ju-ne. "Can I have my phone?" Ani Chanwoo. Binuksan niya yung phone at may pinakita kay DK. "Is she?" Tanong ni Chanwoo. "Yeah! Her! I don't know if she managed to attend today. I promised her a hoodie." Sagot ni DK. Pinakita naman ni Chanwoo sa camera yung picture nila ni Ems. "Yah Ems! Hinahanap ka nilaaa!" Ani ko. "HAHAHAHAHA. Hayaan mo sila." Sagot niya pero namumula na siya sa sobrang kilig. "Miss Filipina with a long hair. Where are you?" Ani Jinhwan. Naglibot sila sa stage sakto na malapit kami sa stage kaya makikita agad si Ems. Ng tumapat sa amin si Song ay bigla niya na lang binigay yung mic niya kay Ems at inalalayan ito na umakyat sa stage. Agad kong kinuha sa kamay ni Ems yung phone niya para mafilm ko ito. "You too mister beside Miss Filipina." Ani Song. "Me? Why?" Sagot ko. "Just come with her. I know that she's trembling right now. She also needs you to take a picture for her." Sagot niya. Agad naman akong sumunod kay Ems sa stage. "Hi again Miss Filipina with a long hair. What's your name?" Tanong ni Jinhwan. "Emily Savvanah." Sagot ni Ems. "Hi Miss Emily. Your the one who asked for my autograph as an author right?" Saad naman ni Ju-ne. "Yes." Sagot ni Ems. "May I ask you why? Its rare to see him sign an autograph as a poet." Sagot naman ni Chanwoo. "Ah because I'm also a poet and writer." Sagot ni Ems. "Wow. More books to write and I hope to meet you again." Sagot naman ni Ju-ne. "So Miss here's the hoodie I promised to you yesterday. I hope you like it." Ani naman ni DK. "Thank you." Sagot ni Ems at yumakap kay DK. "Miss here's the shoes that I promised you also yesterday. Thank you for coming." Saad naman ni Bobby. "I don't have present for you because I'm catching my flight." Ani Hanbin. "Its okay." Sagot ni Ems. Nagsimula na lumuha si Ems at napaupo sa sahig. Agad akong lumapit sa kanya at binulungan siya. "Tumayo ka diyan libo-libong tao nanunuod sayo sige ka. Magiging meme ka niyan sa social media." Bulong ko. Agad naman siyang tumayo at yumakap kay Bobby. "You mister holding a phone. What is your relationship with her?" Tanong ni Song. "Friend." Sagot ko. "Friend? But jealousy is relevant in your eyes when she hugged Bobby and DK." Sagot niya. "No. I'm not jealous. You make her happy more than I do so I don't have rights to be jealous to you. Your the reason why she's still living today." Sagot ko. "Miss! Here's your Chanwoo Sari merch." Ani Chanwoo at inabutan din si Ems ng hoodie. Natawa naman ang mga tao ng makita ang reaksyon ni Song. "Now I'm jealous. You got to give her merch." Saad ni Song. Natawa naman ako sa tinuring nila. May staff naman na nagsignal ng parang orasan sa kanila kaya agad na binalik ni Ems kay Song yung mic. "Thank you." Ani niya. "Let's give her a group hug before we perform again." Saad ni Jinhwan. Agad naman nilang niyakap na anim si Ems. Agad ko silang pinicturan para hindi ako makatikim ng sermon mamaya sa kanya na hindi ko siya pinicturan. Nakipag selfie pa siya sa kanila bago umalis ng stage. Grabe nakabulsa pala sa kanya yung isa niya pang phone. Galing talaga. Bumalik na kami sa seat namin. Nilagay niya na sa IKON eco bag yung sapatos at jacket ni DK. "Saan mo nakuha yung eco bag?" Tanong ko. "Diyan sa seat." Sagot niya. "Ahhh. May posters din pala dito." Sagot ko at binigay sa kanya. Habang palalim ng palalim ang gabi ay paingay ng paingay ang crowd maging si Ems ay sobrang hype na hype sa mga nangyayari.
Ken's POV
Sinubukan pa akong pigilan ni Kuya Kenneth na umalis kanina pero hindi din ako nagpapigil dahil nakabook na yung flight. Sayang din yung ticket ng concert na binili ko. VIP ticket pa naman. Matapos ko sa sight kanina auy dumiretso na ako dito sa venue. Finally after 7 years I saw her again. I really miss her and I want to hug her but I can't. Okay na ako sa ganito at magpanggap na Achlys Nyx as long as nakakausap ko siya. Lalong humaba ang buhok niya at mas masaya ang mga ngiti niya. Sobrang thankful ko na nakapunta ako dito. Kahit paano ay nakita ko ang pahinga ko. Ng bumaba siya sa stage ay umalis na ako. Baka makita niya pa ako at bigla na lang mawala ang ngiti sa mukha niya. Flight ko na rin mamaya kaya umalis na ako agad. Ayoko na magtagal dito baka mamaya hindi ko mapigilan at mapuntahan siya sa condo nila. Ako talaga nagpadala nung mga libro sa kanya. Itinanggi ko na lang kay Ate dahil siguradong masesermonan nanaman niya ako. Habang inaayos ko ang mga gamit ko ay nagring naman ang phone ko. Si Bunso tumatawag sa akin. Naalala ko nanaman ang pagtatalo namin ni Ate kanina. Agad ko na lang itong sinagot at pinagsawalang bahala ang iniisip ko. "Hello bunso. Bakit?" Bati ko. "Kuya tulungan mo naman ako sa research paper ko." Sagot niya. "Nako bunso hindi kita matutulungan. Nandito ko sa Singapore ngayon dahil may pinapaayos sa akin yung Mama ko sa company eh. Flight ko na ulit mamaya pabalik ng New York." Sagot ko. "Ah sige Kuya. Chat mo na lang ako kapag nasa New York ka na. Ingat ka." Sagot niya. "Okay. Thank you." Sagot ko at ibinaba na ang tawag. Matapos ko ayusin ang mga gamit ko ay lumabas na ako ng hotel room na binook nila para sa akin. 18 hours yung flight ko pabalik sa New York. Pagbalik ko dun ay babalik nanaman sa pagiging chaotic at stressful ang mundo. Hindi na ako pwedeng magpachill-chill lang. Ng makarating sa airport ay dumeretso ako sa lounge agad pagkatapos ko magcheck in business class plane ang binook ko. Kumuha lang ako ng snacks at umupo sa isang lamesa sa hall. Nagphone na lang ako pampalipas ng oras. 9 pm pa naman ang flight ko eh 8 pm pa lang.
Kuya Kenneth:
Wala si Ate ngayon dito sa New York. Pumunta ng Canada para dun sa nasunog na office.
Me:
Ok. Pauwi na rin ako. Naghihintay na lang ako ng flight ko pabalik diyan.
Kuya Kenneth:
Okay. Ingat ka pabalik. Text mo ko kapag nandito ka na. Susunduin na lang kita sa airport.
Me:
Wag na. Kaya ko umuwi diyan.
Kuya Kenneth:
Hindi pwede. Yun ang mahigpit na bilin ni Ate Kass.
Me:
Wag na nga eh. Kaya ko naman umuwi diyan.
Kuya Kenneth:
Pati ako sinasagot mo na. Ano nanaman bang nangyayari sayo? Bakit pinaiyak mo si Ate Kass ha?
Me:
Tsaka na tayo magusap.
Pati ba naman si Kuya dadagdag pa sa init ng ulo ko. Matapos ang isang oras ay pumunta na ako sa gate. The whole 18 hours ay natulog lang ako. Ng magising ako ay last 1 hour na lang ng flight. Naglagay na lang ako ng earphones. Madaling araw na ng dumating ako sa condo. Sinalubong ako ni Ana. "Ken! Where have you been?" Tanong niya. "Don't talk to me. Pagod ako galing flight okay?" Sagot ko at dumiretso sa taas. Hindi na ako nag abalang magbihis at dumiretso na lang sa higaan para matulog.
A/N: Enjoy reading! Napasobra yung word count dahil about sa IKON eh. Sana naenjoy niyo ang pagbabasa. Paalala po ulit lahat ng inyong nabasa ay imahinasyon lamang. Walang makatotohanan. Thank youuuuu!❤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro