OBSESSION 4
Chapter 4
TAHIMIK habang nagbabasa si Stefano ng sales sa kompanya niya sa kaniyang laptop. Tinitingnan niya kung mababa ba ang sales nila sa buwan na ito. Luckily, naman ay hindi ito bumaba. Bagkus, ay nadagdagan pa nga ito dahil sa mga pumapasok na business partner sa kanila.
Patuloy lang siya sa kaniyang ginagawa sa harap ng kaniyang laptop ng pumasok si Nero na kaniyang sekretarya.
“Do you need anything, Nero?” tanong agad niya rito.
Inayos naman nito ang suot nitong salamin bago sumagot.
“Ipapaalam ko lang po sa inyo, Sir na nakahanap na po si Ma'am ng trabaho,” sagot nito sa kaniya.
Nadismaya agad siya sa kaniyang nalaman.
“What?! Where did she work?” ’di makapaniwalang tanong niya kay Nero.
“Sa kompanya po ng kapatid niyo, Sir,” sagot muli nito sa kaniya.
Naging seryoso ang mukha ni Stefano at mukhang may planong naisip. Bumalik ang tingin niya kay Nero.
“Okay, thank you,” saad niya rito.
Tiningnan naman siya ni Nero nang mariin dahil sa sagot niya.
“What’s that looks, Nero?” tanong ni Stefano rito.
“Nothing po, Sir,” sagot naman ni Nero.
Kahit ang totoo ay nanibago siya sa reaksyon ng kaniyang boss. Kasi kahapon, gustong-gusto nito na rito sa kompanya niya magtrabaho, subalit ngayon-ngayon lang ay hindi na. Nagugulat tuloy siya bigla.
Lumabas agad si Nero sa opisina ni Stefano na sobrang nagtataka. Habang si Stefano naman ay may naisip nang plano paano makalapit at mapansin ng baby girl niya. Lahat na lang kasi ng pagkikita nila ay lagi siyang walang magawa para makausap o makasama niya ito nang matagal.
And this time, sana gagana na ang naiisip niyang plano. He's desperate para lang mapansin ni Rachelle. Handa niyang gawin ang lahat mapasakanya lang si Rachelle.
Kinuha agad ni Stefano ang cellphone niya na nasa mesa at hinanap ang numero ng kaniyang kapatid para tawagan.
Calling Cesár.... 📞
Naka ilang ring lang ng kaniyang tawag sa kapatid ay sumagot na ito.
“What’s up, bro?” pagbati sa kaniya ni Cesár.
“I need your help,” diretsong sagot niya sa kaniyang kapatid na nasa kabilang linya ng tawag.
“What kind of help? Kung sa babae mo lang ay hindi kita matutulungan,” sagot naman sa kaniya ng kaniyang kapatid.
“I want to work on your company!” diretsong saad naman ni Stefano at walang paligoy-ligoy pa.
“What?! Are you kidding me, Kuya!” sigaw naman ng kaniyang kapatid na para bang hindi makapaniwala sa narinig.
“I’ll pay you,” saad pa niya sa kapatid.
Mas lalong nagulat si Cesár dahil sa kapatid. Nahihibang na naman ito sa tingin niya.
“Kuya, ayos ka lang ba? Malala ka na ah!” sagot sa kaniya ng kapatid.
Subalit, desidido na talaga siya sa kaniyang gagawin makita o makasama lang niya si Rachelle.
“I’ll double it. Dodoblihin ko ang ibabayad ko sa 'yo. Just let me work sa kompanya mo,” despiradong pakiusap ni Stefano sa kapatid.
“Bakit mo ba gustong magwork dito? May kompanya ka naman, kuya. Sino ang magmamanage niyan?” takang sagot naman sa kaniya ni Cesár.
“Nero will handle it habang wala ako. She's working on your company that's why kailangan mo akong tulungan. Kahit janitor sa kompanya mo basta makita ko siya, Cesár,” paliwanag niya rito.
Bumuntong hininga muna si Cesár sa kabilang linya bago sumagot.
“Fine!” pagsukong sagot nito sa kaniya.
“You’re obsessed with her, Kuya. Hindi ka naman ganiyan dati,” dagdag pang sabi ni Cesár.
“Maiintindihan mo rin ako, Cesár kapag nakita mo na siya,” sagot naman niya sa kapatid.
“Hindi ako maging katulad mo, Kuya. Hindi ako magiging obsessed katulad mo,” saad naman ni Cesár sa kaniya.
“Tingnan natin, Cesár,” sagot naman niya rito.
“Ewan ko sa ’yo, Kuya. You can start your work tomorrow basta huwag ka lang gagawa nang gulo,” saad naman ni Cesár sa kaniya at pagkatapos ay naputol na ang tawag.
Ngumiti naman si Stefano dahil akala niya hindi na matutupad ang plano niya dahil hindi pumayag ang kapatid niya. Subalit, mukhang sa kaniya pumayag ang sitwasyon ngayon.
Nakangiti habang lumabas si Stefano sa kaniyang opisina. Masayang-masaya siya dahil bukas, makikita na niya ito.
••••••
“Tara, bar...” pag-aya sa kaniya ng kaniyang pinsan na si Cronus.
“Tara...”
“Sure...”
“Libre mo ba?”
Halos lahat pumayag sa pag-aya ni Cronus sa kanila, except sa kaniya na ngayon ay nasa cellphone lang ang atensyon niya at nakatingin sa larawan ni Rachelle.
“Ikaw, Stefano?” tanong ni Cronus sa kaniya.
“Nagbagong buhay na ’yan. Hindi na ’yan magbabar si lover boy,” sagot naman ni Drakov na ikinasama ng tingin ni Stefano rito.
“Oy! Patingin-patingin kung sino ang babaeng kinahuhumalingan ni insan!” hyper namang sabi ni Archer sa kanila.
Agad-agad namang tinago ni Stefano ang hawak niyang cellphone dahil alam niya ang mga pinsan niya na parang baliw lalo na kapag nagsama-sama silang lahat.
Lahat ng mga mata ay sa kaniya na nakatingin at hinihintay ang kaniyang sasabihin pero nanatiling tikom ang kaniyang bibig at walang sasabihin.
Ngunit, nagulat na lang siya bigla dahil sa sinabi ni Drakov.
“Alam niyo bang gusto niyang maging dad—” Agad naman tumayo si Stefano mula sa kaniyang inuupan para takpan ang bibig ni Drakov upang hindi matuloy ang sasabihin nito.
“Fuck you! Subukan mo lang sabihin. Malalagot ka!” pananakot ni Stefano subalit agad naman siyang inalayo kay Drakov sa tulong ng ibang pinsan niyang si Hades at August.
“Kwento mo na, Drakov,” saad naman ni Zeus.
“Nag cancel lang naman siya ng kaniyang meeting dahil nalaman niyang may nanliligaw sa babaeng gusto niya,” kwento pa ni Drakov.
Nagtawanan naman silang lahat habang si Stefano ay namumula sa galit dahil sa sinabi ni Drakov.
Tampulan tuloy siya ng tukso sa kaniyang mga pinsan. Kaya talaga ayaw niya ipagsabi ang mga bagay na tungkol sa kaniya dahil alam niya ang mga pinsan niya.
“Hindi lang ’yon ang ginawa niya...” natatawang kwento pa ni Drakov sa mga pinsan nila.
Habang sobrang sama na talaga ng kaniyang tingin kay Drakov. Ngunit parang wala lang ito kay Drakov at patuloy lang sa pagkukwento.
“Ituloy mo, Drakov,” sabi naman ni August.
“Dalian mo, habang hawak pa namin ito,” sang-ayon naman ni Hades na ngayon ay hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniya.
“Pumunta lang naman siya sa eskwelahan kung saan nag-aaral. Guess what happened?” pabitin namang sabi ni Drakov.
“Shut the fuck up!” sabat naman niya habang nagpupumiglas sa pagkakahawak kay August at Hades ngunit hindi niya magawang makawala dahil sa higpit nito.
“Sabihin mo na,” sabat naman ni Hellios na tahimik lang din nakikinig.
“Ito na. Ito na! Tinawag lang matanda,” natatawang kwento pa ni Drakov.
Napapikit na lang si Stefano sa kahihiyan at galit sa nangyari. Habang ang mga pinsan niya ay tawang-tawa sa kwento ni Drakov.
Ano pa bang aasahan ni Stefano sa kaniyang mga pinsan. Kaya nagpaubaya na lang si Stefano.
A/n: Comment your thoughts about this chapter. Ano sa tingin niyo?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro