OBSESSION 1
Chapter 1
2 years ago
“Hi handsome. Are you alone? Can I join?” A seductive lady asked Stefano if she could join in his table.
“Yeah, sure,” a wide lunatic smile forms on his lips upon saying to this lady who asking for him if she could join.
“Have a sit,” ani pa ni Stefano at inalalayan umupo.
Kinilig naman ang babae sa ginawa ni Stefano. Ang hindi niya alam, Stefano is playing him around. Well, he was titled for being “The Dangerous Sexiest Man”. He always wears his sexiest smile when he gets his target.
“Ang gentleman, naman," puri sa kaniya ng babae habang inaakit siya.
He was now inside the bar. Wala naman siyang ginagawa kaya dito na lang siya tumambay. And beside, this bar was managed and owned by his cousin named Magnus Nicholas II.
So, anytime pwede siyang magtambay rito. At habang nakatambay nga siya, hindi nga siya nagkamali at may babaeng lumapit sa kaniya. Sino ba naman kasing babaeng hindi mapapansin ang ganda niyang pagkakalaki. May makapal na kilay na bumagay sa mala-dagat na asul niyang ma mata. Matangos na ilong at manipis na mapupulang labi na. He's perfect jawline and well built body.
Lahat yata ng babae ay mahuhulog sa kaniya kapag nakita siya.
“Are you taken?” tanong pa sa kaniya ng babae.
“Nope!” sagot naman ni Stefano at uminom ng alak.
“Siguro, may asawa ka na,” saad pa nito sa kaniya.
“Well, if you're married. I'm willing to be your second wife,” dagdag pang sabi nito sa kaniya at unti-unti siyang hawak sa braso.
Tumawa lang si Stefano sa sinabi nito sa kaniya at pinabayaan lang din niya ito sa ginagawa sa kaniya.
He's enjoying it naman. So, wala siyang dahil para pagbawalan ito.
“You like it?” tanong muli sa kaniya ng babae.
“What do you think?” sagot naman ni Stefano rito.
The woman smile at him at walang at pag-atubiling kinalabit siya para halikan but Stefano distance himself.
“Opss! It's to early to do that. E, hindi ko pa nga alam ang pangalan mo,” saad naman ni Stefano.
Medyo nahiya naman ang babae dahil sa pagiging aggressive niya at walang pasabing paghalik niya sana kay Stefano.
“I'm so sorry. By the way, I'm Ayesha,” pakilala nito sa kaniya.
“Stefano,” simpleng sagot naman ni Stefano sa babae.
Habang nag-uusap silang dalawa. Napansin ni Stefano ang isang babaeng dumaan sa harap nila at may kasunod itong lalaki. Mukhang nag-aaway ito dahil sa tingin ni Stefano. Nahuli ito ng babae na nasa bar ang boyfriend. Tingin ni Stefano rito ay magkasintahan sila.
“Are you okay?” Ayesha asked him.
“Yeah, I'm sorry. Diyan ka muna, mababanyo muna ako,” sagot ni Stefano sa babae.
Subalit, ang totoo niyan ay hindi talaga siya magbabanyo. Susundan niya lang ang babae na dumaan kanina sa harapan niya.
Habang papalabas si Stefano ay narinig niya ang pagtatalo ng dalawa.
“Rachelle, babe! Ano ba!” sabi ng lalaki na mukhang boyfriend nito.
“Shut up, Marko!” sagot naman nito sa lalaki.
Na amaze naman si Stefano nang marinig niya ang sagot ng dalaga. Sa palagay niya, hindi ito tulad ng ibang babae na kapag nahuli nila ang kasintahan nila na nambabae at nagloloko ay nagmamakaawa ito sa kasintahan na hindi sila iiwan.
This lady is not a typical girl na gano'n ang gagawin. Stefano think this girl ay ibang-iba sa mga babaeng nakilala niya.
“Babe, listen to me! Hindi kita niloko, hindi ko ’yon babae!” pagrarason pa nito sa dalaga.
Napa-ismid naman si Stefano sa sinabi nito. Oo nambababae naman siya pero wala naman siyang girlfriend.
“Hindi ako tanga at bulag Marko! Ilang beses na kitang nahuli pero pinalampas ko lang ’yon but this time, iba na! Ayoko na. Tama na!” sigaw nito.
Nakikinig lang si Stefano sa isang tabi na hindi kita at halata ng dalawa. He was smiling all the time while looking at Rachelle.
“Maghiwalay na tayo!” dagdag pang sigaw ni Rachelle sa kasintahan niyang si Marko.
“Fine! Let's break up! Total boring ka namang girlfriend. Mas mabuting maghiwalay na nga tayo!” biglang sabi naman nito sa dalaga.
Nakita ni Stefano paano tumulo ang luha ni Rachelle habang nakikipaghiwalay ang jowa nito sa kaniya.
Uminit yata ang ulo ni Stefano at gustong bugbugin ang ex-boyfriend nito dahil ginawa niyang pagpapa-iyak sa magandang dilag sa harap niya.
“Diyan ka na nga!” bulyaw na sabi nito bago iniwan ang dalaga na ngayon ay umiiyak na.
Si Stefano naman ay pinipigilan niya ang kaniyang sarili na suntukin ang lalaki. Mabuti na lang at nakontrol niya ang kaniyang sarili.
Pagkatapos nang nangyari ay unti-unti na ring umalis ang babae. Kaya naman lumabas na si Stefano sa kaniyang pinagtataguan at nilapitan ang si Rachelle.
“Miss, are you okay?” tanong agad niya rito.
“Bobo lang? Kita mong umiiyak ’yong tao tapos tatanungin mong okay lang? Kung suntukin na lang kaya kita tapos tanungin ko kung ’di ba masakit?” sagot naman nito sa kaniya.
And Stefano shut his mouth dahil sa sagot nito sa kaniya. First time niyang may sumagot sa kaniya na gano'n at isang babae pa.
Hindi agad siya nakasagot sa sinabi nito sa kaniya.
“Diyan ka na nga. Pare-pareho lang kayong mga lalaki, mga manloloko!” saad nito sa kaniya at iniwan siya.
Subalit, sinundan ulit ito ni Stefano dahil sa sinabi nito sa kaniya.
“What did you say?” tanong ni Stefano rito.
Huminto naman ang dalaga mula sa paglalakad at hinarap siya.
“Bingi lang? Paulit-ulit lang?” sarkastik na sagot nito sa kaniya.
And Stefano find her beautiful and cute. Sa dami ng babaeng nakilala niya, ito pa lang ang unang babae na sumagot sa kaniya nang ganito.
“Nakaka offend kasi ’yong sinabi mo kanina. Hindi lahat ng lalaki ay manloloko,” saad naman ni Stefano rito.
“Syempre kwento niyo 'yan. Hindi kayo manloloko riyan,” sagot naman nito sa kaniya at umalis na.
Hindi na magawang masundan ni Stefano ang dalaga dahil sumakay na ito ng taxi. Nasa tabi na pala siya ng kalsada dahil sinundan niya ito kanina.
Nawalan na rin ng gana si Stefano na bumalik ulit sa loob ng bar. Kaya naman, tinungo na lang niya ang kaniyang kotse na dala niya at umuwi na lang.
“She’s quite interesting!” saad ni Stefano sa kaniyang sarili at sumakay sa kaniyang kotse.
••••••
Two weeks passed...
Matapos ang nangyari sa bar ay hindi na nakalimutan ni Stefano ang mukha ng dalaga. Palagi itong pumapasok sa kaniyang isipan kahit matulog pa siya. Kaya ang ginawa niya ay hinanap niya ito at hindi naman siya nabigo dahil nahanap niya ito.
Nasa labas siya ngayon sa isang university kung saan dito ito nag-aaral. Naghihintay siya ngayon sa gate para abangan ang dalaga. ’Di naman siya naghintay nang matagal dahil nakita niya nga ito na lumabas at may kasamang babae. Tingin ni Stefano ay kaibigan niya ito.
Lumabas agad si Stefano sa kaniyang kotse at nilapitan ang dalaga. Napansin naman agad siya nito pero agad din namang lumakad.
“Hey! Hintay!” pagtawag ni Stefano rito.
Huminto naman ito sa kaniyang sinabi at lumingon ulit sa kaniya.
“Bakit?” pataray na sagot nito kay Stefano.
“May kailangan ka?” dagdag na tanong nito sa kaniya.
“Gusto sana kitang makausap dahil two weeks na akong hindi nakakatulog nang maayos dahil sa ’yo,” pag-aamin ni Stefano rito.
Totoo naman ang lahat ng kaniyang sinabi dahil sa loob ng dalawang linggo ay hindi nga siya nakatulog nang maayos dahil sa kaniya.
“Oh? Bakit kasalanan ko na hindi ka makatulog? Ako ba ang pipikit sa mga mata mo?” sarkastikong sagot naman nito sa kaniya at ’yon ang nagustuhan ni Stefano rito.
Ang pagiging palaban nito.
“I think I needed you,” saad naman ni Stefano.
Napataas naman ang kilay nito sa kaniya habang ang kasama nito ay nakikinig lang sa kanila.
“Ako? Kailangan mo? Nahihibang ka na ba?” sagot nito sa kaniya.
Mabilis namang nagsalita si Stefano, “Of course, I'm not!”
“You're old enough for me,” sagot nito sa kaniya.
“What?! I’m just fucking thirty years old!” 'di makapaniwalang sabi ni Stefano dahil pinagkamalan siyang matanda nito
“I’m still twenty years old. Matanda ka pa rin sa akin. Parang daddy nga lang kita, e,” paliwanag nito sa kaniya.
Hindi naman nakareact agad si Stefano dahil sa gulat. Hindi niya alam bakit iniisip nito na matanda na siya. Thirty years old is not yet old enough. Iba takaga ang babae nito. Sa isip ni Stefano.
“Damn, then call me Daddy!” walang paligoy-ligoy na sabi ni Stefano.
“Baliw!” sagot nito sa kaniya at tinawanan lang siya.
Pagkatapos ay iniwan na lang siya nito. Habang siya naman ay ’di makapaniwala dahil tiklop siya pagdating sa babaeng ’to. Wala siyang magawa at okay lang sa kaniya na ganun-ganunin lang siya.
“Damn! She's challenging me!” sabi pa ni Stefano habang tinitingnan ang papalayong si Rachelle kasama ang kaibigan nito.
A/n: Stefano niyo payag maging Daddy! Ungrammatical error and typo ahead.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro