Steal My Heart Away
The smartest thing a woman can ever learn is to never need a man. But I guess there are a few exceptions to that.
Pinagmasdan ko ang dalawang lalaking nagbubuhat ng mattress na binili ko kahapon sa Home Decor.
"Dito po, Kuya. Dahan-dahan lang po sa steps, medyo mataas po kasi." Itinuro ko ang nakaawang na step papasok sa bagong apartment na nilipatan ko.
"Sa Unit 102 po, Kuya ha," imporma ko sa mga kuyang nagbubuhat since sila ang nauuna sa akin.
Mas maliit kumpara sa dati kong inuupahan ang unit ko ngayon. Honestly, may sarili naman akong bahay. Anytime pwede akong tumira roon, pero mas pinili kong paupahan 'yon. It pains me to look at every nook and cranny of that house. It reminds me of my parents when they're still alive.
"Dito na po ba, ma'am?" Napakurap ako at tulirong napatingin sa isang kuyang may hawak ng mattress. 'Di ko namalayan na nakarating na pala kami sa tapat ng unit ko.
"Ah, o-oo." Tarantang hinanap ko ang susi sa loob ng bag ko.
"Medyo bumibigat na po, ma'am."
"Ay teka lang, Kuya." Ibinaba ko sa may tabi ng pinto ang hawak kong iced coffee saka nagmamadaling hinalungkat ang loob ng bag ko.
Shit! Bakit ba ngayon pa naisipang maging black hole ng bag ko? Agh! Ang kalat, kasing kalat yata ng buhay ko.
"Found it!" Nagmamadaling isinuksok ko ang susi sa keyhole pero mukhang ayaw makisama sa akin ng pagkakataon. Dumulas ang susi sa kamay ko at tumalsik sa may bandang paanan ng isa sa mga may buhat ng mattress.
"Shit! Sorry, Kuya!"
"Ma'am, teka!"
Hindi ko pinansin ang sinabi ni kuya at tarantang yumuko para damputin ang susi kong nahulog. Laking gulat ko nang may biglang humatak sa baywang ko.
"Whoa! Dahan-dahan, Miss." Nilingon ko ang pinanggalingan ng matipunong boses at nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang itsura namin.
I squirmed away from his touch. "Th-thanks, I guess..."
"Walang anuman, Miss." Muli ko siyang nilingon.
I can feel the heat creeping on my cheeks. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, pabalik sa ulo pero bigla akong na-distract sa six-packed abs niya. Ba't naman kasi wala siyang suot na pang-itaas!
"Ma'am, medyo nalalaglag na," rinig kong wika ng isang kuya.
Kinapa ko ang baba ko. Nakasara pa naman. Hindi pa naman ako nakanganga.
"Ma'am, itong kama po tinutukoy ko."
"Ay, shems! Sabi ko nga!" Agad kong pinulot ang susi'ng muntik ko ng makalimutan dahil dito kay Mr. Abs saka binuksan ang pinto ng unit ko. Nagmamadali namang pumasok sila kuya. Kaya na nila 'yon, iisa lang naman ang kwarto sa unit ko. Gusto ko pa kasing makausap itong friendly neighbor ko.
"Ikaw pala 'yong bagong lipat. Diego nga pala. Diego Manansala. Dito lang ako sa kabilang unit." Nakangiting inilahad niya ang kamay na walang pag-aalinlangan kong tinanggap.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang mapadako ulit ang tingin ko sa naka-open for all niyang abs. Tila ba inaakit akong hawakan at tik—
"Ikaw?"
"Ako?" Pasimpleng kinapa ko ang tiyan ko bago siyang tingnan at ngitian. "Baby fat lang ang meron ako."
Para naman akong natauhan nang marinig ang malakas niyang tawa. "'Yong pangalan mo tinatanong ko, Miss."
Shit naman! Pangalan pala ang tinatanong. Akala ko naman curious din siya kung may abs din ako. Nakakahiya, Nile!
Ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko nang marinig na naman ang buong-buo niyang tawa.
"Nile Jane Laxamana. Nile na lang for short." Pwede ring your future girlfriend. "Nice meeting you, Diego."
Napalingon ako kina kuya nang lumabas sila sa unit ko. Nginitian ko lang sila nang magpaalam sila saka muling bumaling kay Diego.
"I better get going na 'di pa kasi ako tapos mag-ayos ng gamit ko," paalam ko sa kaniya.
Gusto pa sana niyang tumulong pero nakakahiya naman na first meeting pa lang namin ay uutusan ko na agad siya. Isa pa, ayoko namang makita niya akong haggard-haggard habang nag-aayos ng gamit, no.
Gabi na nang matapos ako sa pag-aayos. Ayoko na ring magluto ng hapunan at ramdam ko na ang pagod. Nagpasya na lang akong bumili ng snacks sa 7-11 sa tabi ng apartment.
Pagbalik, inayos ko ang pinamili ko at saka binuksan ang laptop ko para manood ng K-drama sa Netflix. Hindi pa man nangangalahati ang episode na pinapanood ko ay nag-uunahan na ang mga luha ko. Halos lahat na yata ng mga episode nitong K-drama na pinapanood ko ay pinaiyak ako o baka sadyang emotional lang ako. You know, cancer things. 'Yong zodiac ha, hindi 'yong sakit.
Pabalikwas akong napabangon nang makarinig ng kalabog mula sa kwarto ko. Hindi ko man lang namalayan na nakatulog na pala ako sa sofa dito sa sala. Hawak-hawak ko pa nga 'yong glass bowl na lagayan ng kinakain kong popcorn kanina.
I tried my best to silently get out of the sofa. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko habang dahan-dahan akong naglalakad papunta sa kwarto ko. Kitang-kita ko mula sa nakabukas na pinto ang bulto ng isang taong nakatalikod. Shit! Kalilipat ko palang dito ay may akyat-bahay na agad sa unit ko.
Parang biglang may nag-switch on sa adrenaline ko nang makita kung anong hinahalungkat ng magnanakaw. Oh no, not my bedside table!
Kaya naman walang pag-aalinlangang tinakbo ko ang distansya namin. "Kyaaaaah!"
Halatang nagulat ang magnanakaw sa sigaw ko. Nag-unat ito ng tayo at lumingon sa direksyon ko pero bago pa man siya makapag-react ay malakas na hinampas ko ang hawak na glass bowl sa ulo niyang natatakpan ng bonnet. Kumalat sa sahig ang mga basag na piraso nito pati na rin ang natitirang lamang popcorn.
Lupaypay na tumumba ang magnanakaw sa sahig at nawalan ng malay. 'Di pa ako nakuntento at pinulot ko ang vase na nasa bedside table ko para sana ihampas pa sa kaniya pero nakarinig ako ng isa pang kalabog, mas malakas kumpara sa kaninang galing dito sa kwarto ko.
Dali-dali akong nagtago sa likod ng pinto ng kwarto ko. Baka may kasama pa ang magnanakaw at narinig ang sigaw ko. Inilibot ko ang paningin sa kwarto ko. Shit! Ba't ko ba kasi nabitiwan 'yong vase! Wala tuloy akong pwedeng gamiting panghampas.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang malaking bulto na pumasok sa kwarto ko. Mas malaki ang pangangatawan niya kumpara sa taong nakahiga ngayon sa sahig ng kwarto ko.
Lumuhod ang bulto sa tabi ng lalaking nasa sahig, siguro inaalam nito kung patay na ba ang kasama. Lakas-loob akong umalis sa pinagtataguan at sinampahan sa likod ang lalaking nakaluhod.
"Kyaaaaah!" I wrapped my slim arms around the new intruder's neck. Kahit man lang mapatulog ko ang isang 'to para makatawag ako ng pulis.
I heard him choke and groan. A yelp escaped my lips when he suddenly stood up. Shit! Bakit ba petite ako! Wala akong nagawa nang dalhin niya ako sa kama at ihiga roon. Halos panawan ako ng ulirat nang daganan niya ako. Lumuwag din ang hawak ko sa leeg niya dahil doon.
"D-Diego? Oh, god! I-I almost killed you!" Habol ang hiningang saad ko.
Natigilan ako nang mapagtanto ang posisyon namin. He's literally on top of me. Nasa magkabilang side ng mukha ko ang dalawang kamay niya. Kitang-kita ko ang paghahabol niya ng hininga. Kapag inangat ko ng konti ang mukha ko ay—biro lang!
"Ayos ka lang ba?" tanong niya sa'kin habang ganoon pa rin ang posisyon namin.
"Ah..." Okay pa ko ngayon pero 'di ko alam kapag nagtagal pa tayo sa ganitong posisyon.
Mukhang na-realize din niya ang posisyon namin kaya agad-agad siyang umayos ng tayo at inalalayan ako. Tsk. Nag-eenjoy pa ako eh.
"Sorry nga pala sa pinto mo. Sinira ko nang marinig kitang sumigaw. Akala ko kasi kung napano ka na."
Pasimple kong sinilip ang front door ko at napangiwi. No door for me today, I guess.
"It's okay. Sorry rin, akala ko kasi magnanakaw ka rin naano tuloy kita." I pointed at his neck.
"Wala 'to. Basta ayos ka." Nginitian niya ako at kinindatan. Hindi ka marupok, Nile!
Siya na rin ang nagprisintang tumawag sa mga pulis para i-report ang magnanakaw na hanggang ngayon ay walang malay at nakatali na sa kwarto ko.
Halos papasikat na ang araw nang damputin ng mga pulis ang magnanakaw. Noon ko rin nalamang isa pala sa mga kuyang tumulong sa paghahakot ng gamit ko ang nanloob sa unit ko.
"Dahil ako nakasira sa pintuan mo, ako nang bahalang mag-ayos niyan."
Tatanggi pa sana ako pero nang sinabi niyang wala akong dapat ipag-alala dahil karpintero ang trabaho niya ay um-oo na lang ako. At ano pa nga bang magagawa ko kung nasabihan na niya ang mga kaibigan niyang bumili ng mga kakailanganing gamit para sa pinto ko.
"Salamat nga pala. I really appreciate what you did for me back there." Nginitian ko siya at pa-simple kong hinawi ang buhok sa likod ng kaliwang tenga ko.
"Tara kape muna tayo sa unit ko." Nahihiyang napatingin ako sa kaniya. Pero isang malawak na ngiti ang sumalubong sa akin. Damn! He also has dimples. "Sasamahan na rin kita mamaya papunta sa presinto. Hinihingi rin nila ang statement ko."
Tumango lang ako at nakangiting sinundan siya papasok sa unit.
Who would've thought that even at the worst times, someone inexplicably steals my heart away?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro