XIII
A/N
Shifted back to 1st POV because I could barely write using 3rd POV. I'm literally struggling! Hahaha. How's life, everyone? I'm starting to get really busy with work next week. I'm not sure when I can write again consistently. Wala po talaga akong oras palagi.
***
I nodded hesitantly. Si Sir Howard nga ang kailangan kong bigyan ng regalo next week pero hindi naman talaga iyon ang inaalala ko sa ngayon. Nasabi ko lang talaga iyon para may masabing dahilan sa dalawa na mukhang alalang-alala sa kalagayan ko.
Our Christmas Party will be next week at sa totoo lang, meron na talaga akong panregalo kay Sir Howard. It's a branded perfume for men that I've been keeping for a long time. It's never been opened because I was supposed to give it to Kuya Joaquin on his birthday. Pero lumipas na ang kaarawan niya. Ibibigay ko nalang kay Sir Howard. It would suit him.
I saw Lily cocking her eyebrow. Leandro just nodded his head, smirking, like he understood everything, and the longer I stared at him, he looked more like he was teasing me.
"Bakit hindi mo kasi sinabi agad?" maktol ni Lily. She sighed, looking disappointed. "Edi sana napalitan sana tayo ng nabunot na pangalan. Para ako na ang magreregalo kay Sir Howard. Alam mo naman ang pagsintang pururot ko sa kanya, diba?" Hinawi niya ang takas na buhok at inipit sa likod ng tenga. "But it's too late, nakabili na kami ng regalo para sa SP ko. Ikaw na bahalang maghanap ng solusyon sa problema mo." Sumungaw ang mapang-asar na ngiti na Lily.
"Kami?" tanong ko kay Lily.
Sandali siyang tumingin kay Leandro at nagsalita, "I mean, ako."
"Kailan?"
"Kahapon lang."
My forehead creased a little. I tilted my head as I fixed my eyes on her. "Kahapon? Diba may sakit ka kahapon kaya ka nga lumiban?"
"Oo. May sakit ako," mariing sagot niya. "Pero nakakalakad pa naman ako. At huwag mo na nga akong masyadong usisain," saglit siyang tumawa at sineryoso ang mukha. "Marami ka pang hindi nakikwento sa mga nangyari kahapon."
Iniwas ko ang tingin at binalik na lamang ang atensyon sa pagkain. Nang inangat ko ang tingin ay nahuli ko si Leandro na tiim ang panga habang nakikinig.
I just shrugged my shoulders. My problem has long been solved. I just needed to mention Sir Howard's name out of necessity.
"Do you need help?" Si Leandro.
"No. I'll be fine. In fact, I already have the gift," sagot ko.
Nagsalubong muli ang kilay ni Lily. " I thought you're confused about what gift to buy."
"Yes, but not anymore."
"Nakabili ka na ba talaga ng pangregalo kay Sir?"
Tumango ako.
"Okay. Hindi pala talaga iyon ang problema mo. So, ano?" tila naiinis nang sambit ni Lily.
"I think the gift I bought is already good. Ngayon ko lang narealize na hindi ko naman talaga iyon pinroblema pa... because it's the thought that counts, right?" may kaunting pag-aalinlangan sa boses. Tumikhim ako para mapagtakpan iyon. "Sir Howard, as we know him, is not picky."
"Ahhh!" Tumango-tango si Lily. "Okay. I'll just pretend that I clearly understood everything. For most parts, it's kind of make sense din naman, eh. Pero sa totoo lang, Danielle Therese, ang gulo!" Lips firmly closed, she shut her eyes off and shook her head firmly . "Pero hindi na kita kukulitin pa dahil baka may iba ka pang inaalala. Teka lang, magpapaload muna ako." paalam niya at tumayo. Sinundan ko ng tingin ang paglabas niya ng cafeteria.
Tama si Lily. May inaalala pa nga akong iba. It's the man with us who's not taking his eyes off me!
With every passing second, it's becoming hard to escape his sight. I held my head high and faced him, smiling. "Are you not going to eat?"
Napakurap-kurap siya. Ilang sandali pa bago siya sumagot. "Huh?"
I narrowed my eyes and snapped my fingers close to his face.
"I-I'm sorry. Ano nga ulit 'yong tanong mo?"
I leaned my back in my chair and crossed my arms. "Tinatanong kita kung kakain ka pa ba. You are just watching us eat since you came in."
"I-I'm sorry. Hindi ko pala nakuha 'yong tanong. Kumain na ako. Kakarating ko lang talaga sa school."
I nodded. I'm fully aware that his schedule isn't packed unlike mine. Hindi niya kailangan pumunta ng school ng maaga sa ibang mga araw. Mas marami pa ang time nilang nakatambay sa student center or nasa bahay. Sana all nalang talaga graduating na sa college. They went through all the hardships of college already. Deserve din nila ang ganitong schedule in their last semester as college student. Habang ako, nag-uumpisa pa lamang.
"How I wish ganoon din ang schedule ko gaya ng sa'yo."
"Soon, Dani." He showed a slight smile. "Are you sure you don't any help for the gift?"
So, he was really paying attention to our discussion earlier.
Umiling ako. "I'm good."
A long stretch of silence came and I started looking for nothing inside my bag. Basta binubuksan ko lamang ang lahat ng zipper ng luma kong shoulder bag at nagpapanggap na may hinahanap. Hanggang sa may maalala akong pwedeng itanong at doon ko lamang sinara ang bag ko.
"May Christmas Party din ba kayo sa section niyo? Will you still be celebrating it this year?"
"Meron pa rin, Dani, pero hindi ako sasali."
Gumuhit ang pagtataka sa mukha ko. "Huh? Bakit naman?"
"Pupunta akong Maynila. Dalawang linggo ako doon."
"Can't it wait? Pwede ka namang pumunta doon after ng Christmas Party, diba?"
Alam ko na doon ang pamilya ng tatay niya. Kinwento sa akin ni Lily. I just wonder why he needs to go really soon.
"My brother wanted me to spend time more time with them this year. Kung hihintayin ko pa ang Christmas party bago lumuwas ng Maynila, that's going to cut it really short."
I nodded again. It really makes sense. Gusto ko muling mainggit pero binalaan ko ang sarili huwag dapat makaramdam ng ganoon.
"Maiiwan pala si Lily kasama ni Tita Pearl sa inyo." Kahit palaging nag-aasaran ang magkapatid, alam kong malulungkot si Lily na hindi nakikita ang kuya niya nang matagal. Noong kailangan ni Leandro na umalis para sa tour na organisado ng department nila, halatang namimiss niya si Leandro kahit ilang araw lang naman itong nawala.
"Magbabakasyon din si si Lily doon sa Monreal pagkatapos ng mga activities sa school. Sasamahan siya ni Mama," he shared.
"Monreal?"
"Oo, sa lugar ni Papa." Ang tinutukoy nito ay ang lugar ng ama ni Lily. "Mga apat na oras na biyahe mula rito," nakangiting turan nito.
Tumango ako. Wala palang maiiwan sa kanila sa bakasyon. Napapaisip tuloy ako kung ano namang gagawin ko kapag ganitong wala pala silang magkapatid. Sila na nga lang tumutulong para mapawi kahit papano ang lungkot ko sa lugar na ito. Wala rin namang sinabi na makakabalik ako ng Maynila kahit man lang sana sa Pasko at Bagong Taon. Ayoko na rin mangulit kay Papa or kay Tita Laila. Kung nandito sana si Lola Erlinda baka pwede ko pang mapakiusapan. Pero hindi rin naman sinabi kung kailan ang balik niya sa Pilipinas.
Ayokong dagdagan ang mga iniisip ni Papa. I will be fine here. Hahanap lang ako ng mga pwedeng gawin na hindi ko na masyadong maiisip ang kamiserablehan ng buhay na sinapit ko. Pwede akong magtrabaho sa taniman o tumulong sa mga katulong sa mga gawaing bahay. Nakakasundo ko naman ang iba sa kanila maliban lamang kay Cora na laging nakamata sa akin.
Tumikhim si Leandro. "Ikaw ba? May pupuntahan ka ba sa bakasyon?"
Marahan akong umiling at bahagyang yumuko. "Wala. Nasa bahay lang ako hanggang sa mag-pasukan ulit sa susunod na taon."
Tumango siya na at tila iniintindi ang sitwasyo ko. "What if sumama ka nalang kaya sa akin? Sa Maynila?"
Hindi ko mawari kung nagbibiro or seryoso talaga ito sa suhestiyon niya. Nakatiim lamang ang bagang nito at diretso ang tingin sa akin.
Kumunot ang noo ko nang makalipas ang ilang sandali at hindi man lang nagbago ang ekspresyon nito.
"Alam mo naman na hindi pwede," ang tanging sagot ko.
Kahit yata magpaalam ako kay Tita Laila, sigurado akong hindi ako papayagan. Sinusuway ko na nga ang babala niya na umiwas sa mga Cordova tapos sasama pa ako kay Lee? At isa pa, sa kaloob-looban ko hindi talaga ako sasama hindi dahil ayaw kung bumalik ng Maynila. Sinabi ko sa sarili na babalik lamang akong Maynila kung si Papa mismo ang kukuha sa akin dito.
"Sumama ka nalang kina Lily at Mama sa Monreal. For sure, magugustuhan mo ang lugar doon. Merong malls doon at mga magagandang pasyalan," he suggested again, his voice filled with concern.
Umiling ako at hindi na nagsalita pa. And by this time, he knew anything he would suggest to me was just impossible.
Sumungaw ang ngiti sa kanyang mga labi. "Tatawagan kita palagi."
Hindi ko napigilang matawa. Alam naman nitong wala akong cellphone at pinagbabawalan akong gumamit ng telepono sa bahay.
"Kung may cellphone sana ako, eh pwede sana. Kaso wala eh. So, paano mo ako matatawagan?" I said, amused.
He sighed deeply. "Gagawan ko ng paraan," matiim na sabi nito.
"L-Lee..." I had to gulp to control my shaking voice. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang gawin ito. "Magiging okay ako dito. Marami akong pwedeng gawin sa bahay at sa taniman."
"Hindi ka sanay sa mga ganoong gawain, Dani," may bahid ng pag-aalala sa boses nito. "Hindi naman sa minamaliit ko ang kakayahan mo. Alam ko namang matutuhan mo naman ang mga bagay na hindi mo na naman ginagawa dati. It's just that..."
Marahan niyang pinikit ang mga mata.
"It's just that...what?" untag ko sa kanya matapos pinutol ang dapat na sabihin. Alam kong may karugtong iyon!
"I'm just concerned about you, alright! Hindi ko maiwasang mag-alala sa'yo." Puno ng emosyon ang mga matang nakasentro sa akin.
Umawang ang bibig ko at ilang sandali pa bago ko nahagilap ang mga salitang itutugon ko sa kanya.
"L-Lee, you see, I'm surprised. I don't know what's all this about but thank you for the friendship, always."
Nagpakawala ulit siya ng hangin. "Yeah," sagot nito na parang matamlay.
Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako sa mga sinasabi at mga kinikilos niya.
"K-Kuya, Dani..."
Agad akong napalingon kay Lily na humahangos papalapit sa amin. Nanginginig itong nakahawak sa cellphone.
Anong balita ang natanggap niya?
"N-Naospital daw si Sari, " mangingiyak na sambit nito.
Namilog ang mga mata ko. Bigla ay nakaramdam ako ng awa at pag-aalala. Tinuturing kong rival si Sariah but I wouldn't wish for her to be in such a situation.
"What? Anong nangyari? Bakit naospital?" si Leandro na hindi maipinta ang mukha.
"Naaksidente daw ang minamanehong kotse papunta rito sa Tierra Blanca. Pero hindi pa man daw nakakalabas ng Maynila, bumangga ang kotse nito sa pasalubong na truck," kwento pa ni Lily habang patuloy sa pag-i-scroll sa cellphone.
"How is she?" natanong ko sa mahinang boses. Hindi ko maiwasang mag-alala. Wala naman akong narinig na balita na uuwi pala siya rito. Hindi rin kasi kami nag-uusap at ang sa isip ko halos sabay-sabay naman ang break ng mga universities.
Bumaling si Lily sa akin. "She is being revived in the hospital. Nag-aagaw buhay si Sariah, Dani." Humikbi na siya nang tuluyan.
Leandro stood up immediately. "Puntahan natin siya kung saan mang hospital nandoon siya."
Tumango si Lily. Nagligpit siya ng mga gamit. May pagmamadali sa kilos.
Akma na rin itong tatalikod nang tumayo ako. "Sasama ako."
October 1, 2023
A/N
I'm here again seeing things through. Ilang taon na ang istorya na 'to? Hahaha. Sa totoo lang, tinatamad ako. Kaya ang matinding kalaban ko talaga dito ay sarili ko. Paano ko ba matatapos 'to? Sige, ito nalang. Maglalaan ako isang oras sa isang araw. Kahit ano lang ang maisulat ko basta naubos ko ang isang oras. Let's set it at every 5:30 or 6:00 pm, depende kung anong oras ako makarating sa bahay galing sa trabaho. Okay na ba yarn?
Agreement: I will finish this story at November 2023.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro