XII
A/N
I will shift to 3rd POV for this particular chapter to see whether I can do it. If not, I will go back to 1st POV and make it until the end. Haha. Igagapang ko ang story na ito.
Confused
Nakapasok na ulit si Lily at back to her happy self na ito. Tila hindi siya nagkasakit. Si Dani ngayon ang parang lalagnatin sa kakaisip ng nangyari nakaraang araw.
"Anong nangyari nang wala ako?"
Napaangat ng ulo si Dani mula sa pagsusulat. Kasalukuyan siyang nagsusulat ng 500 word-essay paper nila sa isang subject. Bigla siyang nakaramdam ng kaba sa tanong ni Lily ngunit kalaunan ay nakuha niya ang ibig sabihin ng tanong nito. Doon siya nakahinga nang maluwag.
"Wala namang tests. Puro reports at lectures lang kami noong araw na absent ka. Papahiram ko sayo iyong mga handouts at notes ko para maka-catch up ka. Meron din tayong mga paperworks na gagawin pero sa January na iyon ipapasa," paliwanag niya kay Lily na kunot ang noo habang tinititigan siya.
"Wala ba talagang nangyari?" tanong ulit nito. DNagulumihan siya sa tanong nito. Dumagundong ang kaba sa dibdib ni Dani nang may maalala.
Ano kaya ang pinapahiwatig ng tanong ni Lily? May nalalaman ba ito sa nangyari?
"A-Alin ang tinutukoy mo?"
"Dani, tapatin mo nga ako," may katigasan sa boses nito. "Crush mo ba si Sir Howard?"
Nalaglag ang panga ni Dani. She didn't want to laugh but she did anyway. At dahil sa ginawa niya, bumakas ang magkahalong inis at kalituhan sa mukha ni Lily.
"Hindi ko crush si Sir Howard kung iyan ang inaalala mo," sagot ni Dani na natatawa pa rin. Tuluyang napahinto si Dani sa pagsusulat. She wanted to see where this conversation is going. Nais niya tuloy tanungin ang kaibigan kung magaling na ba talaga ito sa lagnat. She couldnt understand what made Lily ask that silly question. "Bakit mo naman natanong 'yan?"
Nakita niyang napahilot sa batok si Lily. " Si Kuya Leandro kasi..."
"W-What about Leandro?" biglang tanong niya.
"He was murmuring when he got home something about your face turning red. Tapos mine-mention pa niya si Sir Howard, na parang siya ang rason na namula ang pisngi mo. Half asleep ako sa sala kaya hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyong narinig ko na kinikwento niya o totoo ba," hayag ni Lily. She looked really confused. Mukhang may lagnat pa yata ito!
"Huwag mong pansinin iyon. Nothing happened, really," Dani simply replied. Ayaw na niyang magsalita pa at baka may makwento siyang iba.
"Pero hindi mo crush si Sir Howard?" Lily asked again. Tumawa si Dani dahil lumalabas na big deal ang bagay na iyon kay Lily. Was it really important?
Mariing umiling si Dani. "I admire him for being a good teacher but he's not my crush."
"Diba pareho lang 'yon?"
"Hindi."
"Okay." Nagkibit balikat ito. "Mabuti nang malinaw."
I chuckled a bit. "Bakit issue sa'yo 'yon?"
Lily rested her face on the arm of the chair and put her hands on the sides. Nagmukha itong lantang gulay. "Gusto ko na talagang mag-move on kay Burt, Dani, kaya kay Sir Howard na ang puso ko ngayon," naisatinig nito sa matamlay na boses.
"It doesn't work that way, Lily. Hindi basta-bastang makapagmove-on ng ganonon lang." Bumalik sa pagsusulat ni Dani. She wanted to help her friend, but she didn't know how. Siguro mas mainam na makinig na lamang ito sa mga panaghoy ni Lily. Baka ito lang naman ang kailangan nito upang gumaan ang pakiramdam.
Umangat ang ulo ni Lily. "Hayaan mo na nga ako. Gumagawa na nga ako ng paraan tapos ganyan pa ang sasabihin mo. Ang gwapo kaya ni Sir Howard. Walang panama si Burt sa kakisigan ni Sir."
Sumulyap muli si Dani dito. "Kahit magparada pa yata ang isang daang makisig na lalake dito, kay Burt pa rin ang puso mo, eh."
"Huwag kang magsalita ng ganyan, Dani. Hindi bagay sa'yo. You sounded just like Kuya Leandro when you tease."
"No!" mariing sabi ni Dani. She just couldn't take to hearing Leandro's name right now!
Lily crossed her shoulders as she stared at her. Mukhang nagulat ito sa ka-OA-han niya. "Maka- no ka diyan! Inaano ka ba?"
Dani just shook her head. Mayamaya ay pumasok na si Sir Howard sa kwarto at nagsimula na ang klase. Dani glanced at Lily and saw her looking out the window.
***
Kakaunti pa lamang ang mga kumakain sa loob ng cafeteria nang pumasok sina Dani. Tatlumpong minuto lamang ang tinagal ng klase nila sa Financial Management dahil nagpatawag ng Faculty Meeting ang Dean ng department.
Naging mapagmatyag ang kanyang mga mata. She didn't want to run across Leandro in this place. Naiisip pa lamang niya na makita ulit ito ay bumibilis agad ang tahip ng kanyang dibdib. She was hyperventilating with just the thought of seeing Leandro again.
Lihim siyang nagpasalamat ng kaninang lumabas siya ng bahay ay wala ito kaya't naglakad na lamang siya at napatakbo papuntang shed nang matanaw si Lily. Mukhang magaling na nga ito.
Hanggang sa kumakain sila ni Lily ay iyon ang naaalala niya. Lalo na ngayong tahimik ang kasama niya ay mas lalong nagiging malinaw lamang ang lahat ng eksena kahapon kasama si Leandro. She was forcing himself to enjoy his food but her attempt was futile.
Impit siyang napatili sa matinding frustation at maging siya ay nagulat sa sarili.
"Ano iyon? May sunog? May sunog?" gulantang ni Lily, her clenched fist was on her chest as if trying to stop her heart from beating fast. Bakas sa mukha nito ang matinding gulat. Napadako ang tingin sa kanila ng ilang mga estudyanteng naroon at hindi maiwasang hindi matawa sa kanila. Ang iba naman ay nagtataka at tila nainis pa.
"Sorry. Sorry," bawi ni Lily. Tumayo ito at niyuko ang ulo bilang paghingi ng paumanhin. Nang wala na ulit ang atensyon ng mga tao sa kanila, bumalik din ito sa pagkakaupo.
Dani lowered her head and gazed at her food. "I'm sorry. May naalala lang."
She wasn't lying. She really remembered something that she should have forgotten already. Pero, bakit pabalik-balik iyon?
"Exciting siguro ang naalala mo, 'no? May patili-tili ka diyan, eh. Gusto ko nang isipin na kinikilig ka habang may naaalalang tao ka diyan, " may halong panunukso sa boses nito. Binalik nito ang atensyon sa pagkain. "Sino ba 'yan? Bagong kakilala or dati pa? Ikaw ha, wala ka pang kinikwento sa'kin."
Dani couldn't tell Lily about that matter, because she was thinking that Lily would find it a lame issue, aside from the fact that she was Leandro's sister. And she wanted to the best of her ability to ignore it and take it just a passing moment.
"Anong ikikwento ko sa'yo eh wala nga!"
"Paanong wala? Sa ganda mong iyan, mazezero ka pa!"
Dani knotted her forehead. " Hindi naman pang campus crush ang beauty ko. Sakto lang."
Hindi alam ni Dani kung saan niya na nahugot ang confidence na sabihin iyon.
"Pa-humble talaga! Hindi bagay." Pumalatak ito. "Dami kayang nagkakacrush sa'yo dito. You're just unbothered not to notice it."
"I didn't know, and I'm not interested," sabi niya at pinilig ang ulo. Somehow she was a little surprised to hear that. Ilang buwan na siyang nag-aaral doon at hindi niya kailanman napulsuhan na may mga humahanga sa ganda niya. She was too occupied with her own personal issues that she failed to notice those little noises around her. She just wanted to get out of this place and entertaining people who wouldn't even help her move forward with her plan is the least of her concern.
"Hay! Ang swerte lang talaga ng mga magaganda. Hindi na nila kailangang mag-effort para lang magustuhan."
"They have their own problems too. And surely, life isn't always rainbows and butterflies for them. May mga bagay din silang hindi makuha-kuha kahit gustuhin nila."
"But they could use their charm in almost anything. Kita mo 'yong magandang violator na nag-jaywalking kanina sa highway? Nagpacute lang kay kuyang traffic enforser doon ay nakalusot din, eh," Lily even recalled. Iyon nga ang naaktuhan nilang eksena kanina pagkarating nila sa terminal. "Tapos ang mga ordinaryong mamamayan, kailangang pagmultahin."
"Sad truth. We know very well that it isn't right, kaya 'wag nating gayahin. At walang mali kapag i-call out natin ang mga maling pamamalakad sa lipunan," paliwanag niya.
Lily nodded at her. "Ang galing mo talaga magpaliwanag. Kapag ikaw ang nagsasalita, nagiging maliwanag ang mga bagay-bagay sa akin. Pero hindi ko talaga maintindihan iyong tili mo kanina. Ginulat mo ako doon. Nakakapanibago pala kapag ikaw ang gumawa no'n." Sinabayan pa nito ng halakhak.
"I-I'm...I-I'm just confused."
"Confused sa ano?" Nag-isang linya ang kilay ni Lily. "Nawala lang ako ng isang araw, pakiramdam ko ang dami kong na-miss agad na balita. Ano ba? May problema ba ulit sa bahay niyo? May balita kana ulit sa pamilya mo doon sa Maynila?" sunod na sunod na tanong nito sa kanya.
Dani shook her head. None of it was the reason why she was confused.
"Siyanga pala. Pinadalhan ako ni Sariah ng picture ng kapatid mo. You might wanna see it." Dinukot nito ang cellphone sa bag at hinanap ang picture na tinutukoy nito. She then handed the phone to her.
Dani didn't hesitate and slowly grabbed it from Lily. For a moment, her whole attention was on the photo. Napag-alaman niya nang nakaraan na lalaki nga ang pinanganak ni Vivian at Primo Ishmael ang pinangalan nila dito.
Dani felt happy seeing the the baby even just on the picture. Hindi maipagkakaila na kamukha ito ng Papa niya. It looks like his mini-me. Maraming baby pictures ng Papa niya ang nakita niya doon sa bahay ni Lola Erlinda. But it doesn't mean na nakaligtas na si Vivian sa kasalanan nito. May tinatago pa rin ito sa Papa niya at hindi iyon mapapalagpas ni Dani. Kaya't kailangan na niyang makaalis ng Tierra Blanca upang maexpose ang mga plano nito.
Matagal siyang nakatitig sa mukha ng sanggol. The picture was taken by a professional photographer as a celebration for his first monthly birthday. At ang mga bagay na ito, wala siyang kaalam- alam.
"Kasing-cute mo ang baby."
Biglang nabitawan ni Dani ang cellphone na hawak. Mabuti na lamang at nalaglag din iyon sa mesa.
Maagap na pinulot ni Lily ang cellphone nito at sinipat kung may sira ba doon.
Dani looked up at the owner of the voice beside her. And lo and behold, it was Leandro, smiling at her. His hand rested on the edge of the table and his body was leaning towards her.
She gulped and moved her body slightly away from him. Mabilis ang naging kilos niya at muntikan siyang natumba sa pagkakaupo ngunit mabilis na nahagip ni Leandro ang kamay niya at nasuportahan siya sa likod bago pa man siya tuluyang nalugmok sa sahig.
"What's the matter with you?" may pag-aalalang tanong ni Leandro sa kanya habang inalalayan siya.
Maayos na siyang nakaupo at pumwesto na sa katabing upuan si Leandro na naroon sa mesa ni Lily.
"Confused daw siya, Kuya," sumbong dito ni Lily. "Kanina pa siya aligaga."
"I-I'm fine, really," she tried to calm her voice.
"Sure ka?" mukhang hindi kumbinsido si Lily. "Alam mo Danielle Therese, hindi mo kailangang itago at pasanin ang mga bagay-bagay. Mas mainam na sabihin mo ang bumabagabag sa'yo. Kung hindi mo masabi sa'kin, pwede rin naman kay Kuya."
"May problema ba, Dani?" malumanay na tanong ni Leandro. And it didn't help. She could feel her heart jumping out of her chest.
"I-I'm...I-I'm just confused..." palipat-lipat siya ng tingin sa magkapatid na tila nag-i-interrogate sa kanya ngayon, "... k-kung anong ireregalo kay Sir Howard sa Christmas Party!"
"Pangalan niya ang nabunot mo?!" si Lily na tila hindi makapaniwala.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro