X
"Ano kayang magandang regalo sa manito ko?"
Mula sa pagbabasa ng back cover ng libro ay napaangat ang ulo ko kay Lily. Her forehead furrowed and her brows almost formed a line. Until now, she had not yet made up her mind about what gift to hand to her manito for Christmas Party.
"Buy him anything. Hindi naman siguro magrerekalmo 'yan kapag nariyan na, eh," sabi ko at binalik ang mga mata sa pagbabasa. Parang ang ganda ng plot ng librong hawak ko.
Pero wala akong extra na pera para pambili no'n. Binalik ko na lamang iyon sa shelf.
Nagpapadyak si Lily nang lumipat naman kami sa kabilang bahagi ng bookstore. Pagkatapos ng klase namin ng alas tres ay niyaya niya akong pumasok sa book store dahil libro nalang daw ang ireregalo niya. Ang ending, nang tumitingin na kami sa mga libro ay nanlumo na naman ulit ito. Hindi niya daw alam ang ireregalo!
Isn't this why we're here?
Masyado siyang stressed sa ipanreregalo niya. Sa tingin ko hindi naman dapat iyon pinoproblema pa. Hindi na dapat kinikwestiyon ang natatanggap na regalo.
Pero itong si Lily ay halos magdadalawang linggo ng hindi makaahon sa tinuturing niyang unos.
"Sino ba kasi iyang manito na iyan at nagkakaganyan ka?" may halong inis na saad ko. Nakita kong umiwas siya ng tingin at nagpakawala ng buntong hininga.
At heto ulit siya, nililihim ang nabunot niyang pangalan. Kung ganoon siya ay malamang sa malamang wala talaga akong maitulong sa kanya. Mas makakapagbigay ako ng advice sa problema niya kung kilala ko mismo ang ugat no'n.
Sino ba sa mga kaklase namin ang manito niya? At bakit ganoon na lamang ang pangungunsumisyon niya?
"Secret kasi iyon." She just smiled at me and turned her back to walk to the other section.
Fine.
Wala namang problema sa akin kung hindi niya sasabihin. Ako din naman, hindi ko pa sinasabi sa kanya kung kaninong pangalan ang nabunot ko. Kaya siguro, ayaw rin niyang sabihin kung sino ang sa kanya dahil hindi ko rin inaamin 'yong sa akin?
The Christmas songs being played inside the book store filled my ears. How long have we been staying here?
"Kung hindi ka naman bibili ng libro, can we go out na?" tanong ko kay Lily. Her eyes were now fixed on the entrance. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko ang papasok na lalakeng nakauniporme ng ibang university. He's quite far that I couldn't see the logo.
"Burt," mahinang sambit ni Lily. Halos bulong na lamang iyon.
Burt? Iyong crush niya? Sa tingin ko, siya nga. Itong si Lily nakita kong napatakip ng bibig gamit ng palad.
Sunod na pumasok ay ang babae na nakasuot din ng ibang uniform na pareho din sa logo ng uniform ng lalakeng nauna sa kanya.
"Bagong girlfriend niya?" narinig kong tanong ni Lily. Tila nakikipag-usap ito sa sarili. Mas lumapit ako sa kanya at mahinang tinapik ang balikat niya. Bumaling sa direksyon ko si Lily at nag-pout na parang bata.
"May problema ka pa. Wag mo nang dagdagan," tipid na ngiti ko at sinabayan pa ng pagtango. Kumunot pa lalo ang noo ni Lily na ngayon ay pasulyap-sulyap sa magkapareha sa hindi kalayuan. Kumukuha ang babae ng mga school supplies habang nakasunod naman ang lalake na may bitbit na basket.
Lumabas kami ng book store na walang biniling kahit ano. Naglakad lang kaming dalawa pauwi. Si Leandro naman ay may inaasikaso pa sa eskwelahan at hindi na namin hihintayin dahil iyon ang bilin niya. One time na hinintay namin siya, inabot kami ng gabi sa school. Halos araw-araw na ganoon ka-busy ang schedule niya. Sa nakalipas na sem ay mas abala siya dahil sa kanilang internship. Ang bilis nga ng oras dahil halos hindi ko na nga namalayan na nakaabot na pala ako ng second semester.
At inabot na nga ako ng Disyembre, hindi pa rin ako nakakaalis dito! Ang saklap lang!
Hanggang ngayon, wala pa ring sinasabi si Papa na pwede na akong bumalik ng Maynila. Nakausap ko lamang siya ng isang beses noong tumawag siya para sabihin sa akin na nagpaalam na umalis si Diosana sa bahay. Magpapakasal na daw sa amerikanong nakilala niya online. Aba't ang bilis naman yata ng mga pangyayari!
Nakausap ko naman si Diosana sa huling sandali ngunit hindi na namin napag-usapan ang mga ibinilin ko sa kanyang manmanan sa bahay habang wala ako.
"Ginabi ka na naman," bati agad ni Tita Laila nang makita akong papasok sa bahay. Nakaupo siya sa sala bang himas-himas ang kulay abong pusa.
Hinubad ko muna ang suot kong sapatos at kumuha ng sapin panyapak. Maingat akong naglakad palapit sa kanya.
"May ginawa lang po kami ng mga kagrupo ko sa isang subject," magalang na sagot ko. Of course, it was a lie. Hindi pa naman kasi gabi pa ngunit tila may sariling orasan si Tita Laila. Siya ang magdedesisyon kung gabi pa ba or araw.
Ang liwanag pa sa labas at sa katunayan ito na yata ang pinakaaga kong uwi. Mabilis lang ginawa naming paglalakad dahil ang tahimik ni Lily at nagmamadali pa.
"Ang sabihin mo kung kani-kanino ka na naman sumama. Ilang beses ko bang sabihin sa'yong ayokong nakikita kitang nakikipagkaibigan sa mga taong iyan?" Buo ang boses ni Tita Laila nang magsalita. Tumayo pa ito at humakbang palapit sa akin. Ako naman ay napaatras. She was fuming with anger! I didn't know what made her act like that. Kung ang rason lang naman ay ang pakikipagkaibigan ko kanina Lily at Leandro, ang babaw naman no'n.
"Bakit hindi ako pwedeng makipagkaibigan sa kanila, Tita? You've been commanding me to do that but you never ever once told me the reason why I should do that," I said with conviction. Mismo ako ay nagulat din sa pagkasabi no'n nang hindi nauutal. Bumuntong-hininga ako upang hindi mahalinhinan ng kaba ang tibay ng loob na pinuno ko sa dibdib ko. Sa mga nakalipas na buwan, tiniis ko ang mga masasamang karanasan ko na kasama siya.
She has deprived me of so many things that I used to have. Kahit hindi na iyong mga priveleges na naeenjoy ko noon, kahit na lamang mga personal na bagay na para sa akin ngunit kinuha pa niya. Paano akong makakatawag kay Papa at sa mga kaibigan ko kung kinuha niya ang cellphone ko? Hindi rin ako pinahintulutang gumamit ng telepono. Hindi ako makapag-aral nang maayos dahil pagbabawalan niya akong gumamit ng computer sa bahay. Gustuhin ko mang pumunta sa computer shop para doon gawin ang mga school requirements ko, hindi rin sasapat ang pera ko. Kulang na kulang ang perang inaabot niya sa akin! Dadaan pa kay Cora.
Anong klaseng kapamilya siya? Does she really see me as her family? No one has ever treated me like this before until she did. I can't understand and I think I never would.
"At marunong ka na ngayong sumagot?" ngumisi pa ito na tila nang-uuyam. "Alam mo bang akong nagpapalamon sa'yo dito? Akong nagpapa-aral sa'yo? Kaya't magpasalamat ka! Tapos ang bilin kong huwag makipagkaibigan sa kanila, hindi mo pa masunod! Wala kang utang na loob!"
"Ang alam ko po, nagpapadala ng pera si Papa sa'yo para sa pag-aaral ko at sa sa pagtira ko dito." Kahit na gulong-gulo ang utak ko dahil sa mga sinabi niya ay sinikap ko pa ring magbigay ng galang sa kanya. After all, she's my father's sister, and my aunt.
"Ang Papa mo? Let me tell you, lubog sa utang ang ama mo. Ang kompanyang sinikap itayo ni Papa ay malapit nang mapasakamay ng iba.
Nanlaki mga mata ko sa narinig mula kay Tita Laila. She was lying, wasn't she? I looked at her face to see any trace of her just weaving a lie. But it only proves it all the more. She had no reason to lie. Kung sa akin, ay pwede siyang gumawa ng kasinungalingan. Ngunit, si Papa ay kapatid niya. The company was very close to their hearts. Pamana iyon ng namayapang lolo.
Tinikom ko ang nakaawang na bibig at napakurap. Tumungo ako upang itago ang emosyong unti-unting lumulukob sa akin. I didn't know what was happening in Manila. I felt sorry I couldn't be with Papa to help him with anything. Wala akong ideya sa mga nangyayari! How can I get any information when communication is really as bad as this?
Marahas siyang bumuntong hininga. "Matuto kang pagkasyahin kung anong binibigay sa'yo. You're just a freeloader here with nothing to offer."
Naramdaman ko ang pagkibot ng bibig ko. Kinagat ko iyon upang pigilan ang pagbadya ng luha. Ngayon ko gustong isipin na mas mainam na lamang ang cold treatment na pinapakita niya sa akin, rather than her saying these words.
She wanted to say more, and I'm ready to hear it all at once. Perhaps, it will become less painful if I feel it all at once too... and that's way better than feeling it each time.
"Ma'am, mawalang galang na po. Nariyan po si Mang Tony sa labas at gusto raw po kayong kausapin tungkol sa taniman. " Nahagip ng mga mata ko ang bitterneess sa mukha ni Cora nang mapadako ang tingin sa akin na tila sinasabi niya na nararapat lamang na mangyari sa akin 'to.
"Papabalikin ko nalang po siya bukas?" dugtong niya nang hindi agad sumagot si Tita Laila.
Bumuga ng hangin si Tita Laila at sumulyap sa akin bago bumaling kay Cora. "Kakausapin ko siya."
Nagpaalam na si Cora at naunang lumabas. Hindi na ako tinapunan pa ng tingin ni Tita Laila at sumunod na rin.
Ilang sandali pa akong natilihan bago naisipang bumalik ng kwarto. For a moment, I thought of packing my things and leaving Tierra Blanca for good. Bahala na kung saang lupalop ako mapapadpad. Ang importante ay makawala ako sa lugar na ito, at sa kamay ni Tita Laila. Pero paano ko maiiwan ang lugar na ito kung ito na lamang ang tanging koneksyon ko kay Papa sa ngayon? I want us to reunite, kahit na hindi na kami maalwan gaya ng dati, basta't magkasama kami. Pero nanaisin ko bang mangyari 'yon ngayong maliban sa amin nariyan na si Vivian at si Sariah...at ang baby brother ko.
Hindi ko pa siya nakikita. Nalaman ko lamang kay Cora nang tinanong ko siya isang hapong umuwi ako kung tumawag ba si Papa, at hindi naman niya ako pinagkaitan ng impormasyon.
Nanganak na si Vivian, at lalaki ang kapatid namin ni Sariah. I will give Vivian the benefit of doubt. Until I'm sure enough the baby is Papa's son with her, I will consider the baby, the name I didn't know of, my brother. I'm contented already knowing that the baby is well. Sa susunod ko na lamang aalamin ang pangalan niya.
Iwinaksi ko ang planong pag-alis. That will not change everything. Mas lalo lamang akong malalayo sa mga taong mahalaga sa akin. Natulog na lamang ako at hinintay ang pagsapit ng umaga.
"Hi!"
Naabutan kong nakasandal sa gate si Leandro, suot na rin ang uniporme nito. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis pa sa alas-kwatro na hinawakan siya sa braso at inakay siya palayo sa bahay.
"Hindi mo pa ako binabati pabalik, at gusto mo na agad akong masolo."
"Shut up, Leandro!" mariin kong wika at nilingon siya. Napapikit ako at saka binawi ang kamay ko. Kampante akong nakalayo na kami. I couldn't dare him being caught by Tita Laila loitering near the house.
"Ang sweet naman ng bungad mo. Kumpleto na agad ang umaga ko," ngumiti pa ito. Hindi man lang natinag kahit konti sa inasta ko. He was taking it lightly, too. He was probably thinking my mood was just acting up again.
I sneered at him. "Nasaan si Lily?"
Kanina ko pa gustong itanong sa kanya, okupado lang ako ng misyon kong mailayo doon sa bahay. Kadalasan, ako ang naghihintay kay Lily sa shed na tagpuan namin tuwing umaga. Bilin ko kasi sa kanya na huwag na akong sunduin sa bahay. Palabas na sana ako kanina para mauna ulit sa shed, ngunit nagulantang ako sa presensya ni Leandro doon.
"At bakit ikaw ang nandoon?" dagdag ko pa. Unang beses mangyari na makasabay ko siya sa pagpasok. Kinailangan nitong umalis nang maaga araw-araw noong internship niya. Ngayong last semester niya, iilang subject na lamang ang kinukuha niya.
"Sino ba dapat?" sabi nito, nakangiti pa rin. "Pasensya na kung nasorpresa kita. Naisip ko lang na sabay na tayong pumasok," banayad na usal nito. Unti-unting napalis ang kaning ngiti sa mga labi nito. "Masama ang pakiramdam ni Lily. Hindi siya makakapasok ngayong araw."
"Huh? Anong nangyari?"
Parang okay naman siya nang naghiwalay kami kahapon, ah. I knew she was feeling a little down after seeing Burth with his new girlfriend, but I didn't really think it would really cause her to get sick.
"Ang hyper mo talaga. Calm down. Simpleng lagnat lang 'yon." Napansin siguro nito ang biglang pagtaas ko ng tono dahil sa gulat.
"Huwag mong sinisimple ang lagnat."
"I understand. Alam kong nag-aalala ka sa kapatid ko. Ganoon talaga iyon kapag ganitong pabago-bago ang panahon. Nakainom na siya ng gamot at nandoon naman si Mama para alagaan siya."
Naibsan kahit papano ang pag-aalala ko. Maybe, Leandro was right. Ang init ng panahon buong araw kahapon at nang pagabi na ay, bigla na lamang bumuhos ang ulan. Umaambon pa nga nang naglalakad kami ngunit hindi na namin inalintana dahil mas dinaramdam pa yata ni Lily ang nakita niya kaysa sa ambon. I didn't really expect she'd catch a fever because of it. Sana ay napagsabihan ko siyang mag-ingat.
I sighed in relief. "Glad to hear she has taken her meds already." Tumayo ako para pumara ng dadaang tricyle.
"Pero hindi yata basta-bastang gagaling si Lily." Naramdaman ko ang pagtayo ni Leandro mula sa bench at paglapit nito sa bandang gilid ko.
"What do you mean?" I asked, feeling worried. Tumigil ako sa pagwasiwas ng kamay. Ano ba talagang kondisyon ni Lily?
"You know, it's something that medicine can't easily heal..." he uttered making me turn to him, "...because it's coming from the heart."
A/N
So, it's been a while since I went back to writing. Grabe! As in, hirap na hirap talaga ako. Huhuhu. I feel rusty at writing dialogues and narration. Or ako lang ba itong nagooverthink? At ang hirap din magset ng mood para makapagsulat. Ang daming distractions! Hahaha. Ako lang ata itong distracted pero tuwang-tuwa. Pero seryoso, nahihirapan akong magsulat mga mare. May mga ideyang gustong kumawala pero kay hirap isabuhay sa mga salita. Chos. Hindi ko na rin alam kung paano ipagpatuloy itong kwento. Nastuck ako kagaya ni Dani na nastuck sa Tierra Blanca. Iwan ko nalang kaya sila muna? Hahaha.
Ayun. Sana masaya kayong lahat. Hayaan niyo nalang akong magdrama. Alam ko naman hindi niyo mababasa 'to, unless pinilit ko kayo. Hahaha. Char. Sige na nga. Bye na! Kitakits kung kelan ulit, hindi ko alam.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro