Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

V

Natagpuan ko ang sariling nakaawang ang bibig habang nakatanaw sa tanawing naaabot ng mga mata ko. I feasted my eyes on the breathtaking view and I can't seem to get my eyes off it. I couldn't believe it would look this beautiful. Mula dito ay tanaw ko ang buong hacienda, the houses looked small and even the people working in the field. Hindi gaanong malakas ang hangin sa direksyon namin ngunit ramdam ko ang lamig. Sumamyo ako ng sariwang hangin at inipit sa likod ng tenga ko ang takas na buhok.

I looked back and saw Sariah and Leandro, talking to each other. They look really close to each other. Kahit hindi ko man lubos na kilala si Leandro ay masasabi kong may ugali itong likas na kakagiliwan ng sinuman.

Unang kita pa lang niya sa akin, agad na ngumiti ito nang makita niya akong kasama ni Sariah at pinakilala kami sa isa't isa. He always wears his smile like it's a normal thing to do. Kung ganoon nga ay hindi na ako magtataka kung ganoon na lamang ang pagkahumaling sa kanya ni Sariah.

Tila nabusog hindi lamang mga mata, maging ang kalamnan ko sa luntiang parang at bughaw na langit na tila abot kamay lamang mula sa aming puwesto. I can't stop extending my arms out to feel the wind blowing my hair away. Sinikop ko iyon at dinama ang init ng araw na tumatama sa pisngi ko. Mukhang gusto kong magpaaraw ngayong nandito ako. Hindi naman siguro ito makakasama sapagkat kailangan ko din naman talaga maarawan lalo na sa umaga.

"Loving what you see?" narinig ko mula sa aking likuran. Bahagya akong lumingon at nakita si Leandro palapit sa akin. Mayamaya ay nasa tabi ko na siya at nilibot ang mga mata sa paligid.

Tumango-tango ako. "I would love to see this every morning," puno ng pananabik ang boses ko, bagaman batid kong napakaimposibleng mangyari iyon. We will go back to Manila next week and I'm not sure when I can get to see this view again.

"I get to see this every day and it feels new each time. Kaya nga kahit araw-araw ko sigurong papanoorin ito, hindi ako magsasawa," sabi niya at sumulyap sa akin.

Tipid akong ngumiti at humalukiphip. "You're lucky! I rarely see this kind of beauty. Kapag kasi nasa siyudad, wala ng ganito."

"Maganda din naman ang view sa Manila, ah."

Tumawa ako. "Ano?"

"Seryoso. Maganda naman talaga doon lalo na sa gabi. Nakapunta na rin kasi ako doon ilang beses na," walang-alinlangang wika nito.

"Nagpupunta ka doon?" hindi ko maitago ang kuryosidad sa tinig.

He nodded. "Minsan, kapag kailangan na kailangan."

Tumango-tango ako. Malamang ay may pamilya din ito sa Manila kaya't napapaluwas ng siyudad. The city offers beauty, too, that you can't find in a place like this.

A burst of loud laughter interrupted us and made me look back to where it came from. Sa boses pa lamang ay alam ko agad na kay Sariah ang isa doon. Nang tuluyan na akong humarap ay nakita kong may kasama siyang babae, halos kamukha lang din ni Leandro.

"Kapatid mo?" tanong ko kay Leandro.

"Oo. Si Lily. Halika at ipakilala kita sa kanya." Nauna siyang maglakad at sumunod naman ako. Pagkarating namin sa puwesto nina Sariah ay pinakilala ako ni Leandro sa kanyang kapatid.

Lily smiled at me. Awtomatikong napangiti din ako sa kanya. Hanggang balikat ang itim na buhok nito. Her eyes brown and expressive. Her light skin made her look pale but then it complemented her overall feature. Natural na mapula ang manipis na mga labi.

Hindi din kami nagtagal doon sa burol at bumaba na rin kami matapos magpaalam kina Leandro at Lily. Ayon kay Sariah, malapit lang daw doon ang bahay ng pamilya nina Leandro. Mayroon lamang na susundang trail at mararating din iyon agad. Napilit ko si Sariah na bumaba dahil tiyak na hinahanap na kami sa bahay. Si Cora lamang doon ang nakakaalam na lumabas ako, at hindi nito nakitang lumabas si Sariah. I don't want anyone to worry about me or us. Kung gusto ni Sariah ay pwede siyang maiwan na lamang doon kasama ang dalawa ngunit sigurado akong itatanong din ng mga tao sa bahay pagbalik ko kung kasama ko siya. At parang mali na hindi ko siya madadala sa pag-uwi ko gayong halos magtago ito kaninang umalis kami.

Sariah was acting suspiciously, so how sure am I that I won't be dragged in any of her mess?

"What do you think of Leandro?" untag niya sa'kin nang malapit na kami sa bahay. Mayamaya ay natanaw na namin si Lola Erlinda na palakad-lakad sa garden. Nang makita kami ay agad itong kumaway at sumenyas na sumunod kami sa loob. Sa tingin ko ay mag-aagahan na.

"He seems like a nice guy," I casually said. Sa reaksyon ni Sariah, tila isang papuri ang sinabi ko.

Sariah smiled like she never did before. It looked as if she was the one being praised!

"He is a nice guy," ulit niya sa sinabi ko at bahagyang namula ang pisngi.

Napailing na lamang ako. "Whatever," sabi ko at agad na tinungo ang kusina. Narinig kong humagikgik siya habang nakasunod sa akin.

Nag-agahan na kami. Tinanong ako ni Lola Erlinda kung saan kami galing na sinagot ko naman. She looked pleased that Sariah went out with me. I still don't understand why people keep insisting that we could be sisters. Like real sisters!

Nag-agahan na rin sina Papa at Vivian. Nakita ko kung paano pagsilbihan ni Papa ang aking 'stepmother'. I can do nothing about it, can I? Besides, it's my sister or brother in her womb. I can only wish for the best for my so-called 'family'.

Nauna akong umalis ng hapag at dumiretso ng kwarto. Pagkatapos maligo ay nag-isip ako ng pwedeng pagkaabalahan buong araw. Sa huli ay natulog na lamang ako. Biglang kumulimlim kasi ang panahon at tila kaysarap magkulong sa kwarto.

Lumabas lamang ako nang magtanghalian na. Kumain na pala ang lahat at ako na lamang ang hindi pa. Bahagyang nainis pa ako dahil wala man lang tumawag sa akin para kumain. Sa huli ay tahimik akong kumain na mag-isa sa hapag.

"Nasaan si Papa, Tita Lai?"

Napalingon sa akin si Tita Laila at napabuntong-hininga nang makita ako. Hindi ko matanto ngunit mukhang iritado ito sa presensya ko. Dahil pa rin ba ito kagabi? O malalim na galit sa akin na hindi ko pa rin matanto kung anong rason? I'm not so dense to not describe how she treats me. She wasn't really hostile with me but I can say without hesitation that she's the only person in my father's side who gives me cold shoulders whenever I'm around.

"They went out," sabi niya at binalik ang stick ng sigarilyo sa bibig. "Pupunta daw silang bayan at may bibilhan doon. Sinama na rin nila si Sari."

I knew from there tatlo silang lumabas at hindi na nag-atubiling isama ako.

"Oh." That's all I could say to that. "Stop smoking, Tita Lai."

Bumuga ito ng hangin. Nalanghap ko ang usok na mula sa sigarilyo dahilan para mapaubo ako.

"A little bit of smoke won't kill you," she seriously said. She dropped the stick and stomped her foot on it. "May kailangan ka pa?"

Umiling ako. Sapat na siguro itong nagkausap kami kahit maikli lang. I wanted to bond with her but she seems aloof and intimidating. Napadako ang tingin nito sa bandang burol at bumaling sa akin.

"Nakita ko kayong umakyat doon noong isang araw, " aniya at inarko ang isang kilay.

Napakurap-kurap ako. There's something in her tone that poses danger.

"I went for a walk with Sariah. She told me the best time to catch the breathtaking view is in the morning."

Tumango-tango si Tita Lai. "Don't go there anymore. Wala kang mapapala sa mga Cordovas."

"Huh?"

"Don't ask me why. Just follow what I told you so."

Kahit na may pag-aalinlangan ay tumango ako, "Okay, Tita."

Pumasok na ng bahay si Tita Laila at naiwan akong mag-isa sa garden. Naiwan sa isipan ko ang sinabi niya. Why would I stay away from Cordovas? Wala naman silang atraso sa akin kaya bakit ko gagawin iyon? But Tita Laila said it and I should obey. Gustuhin ko mang magprotesta ay hindi ko nalang itinuloy. The last thing I want to happen is to drive her up the wall.

Hinanap ko si Lola Erlinda ngunit hindi ko siya makita. Nang tinanong ko si Cora, lumabas daw ang matanda at nagpahatid sa kaibigan na nakatira lang din sa sa Tierra Blanca.

Nagpasya akong lumabas na rin ng bahay. Ako nalang yata ang naiwan doon. Suot ang bucket hat ay naglakad ako hanggang sa marating ang taniman ng mangga. Nakita ko ang ilang mga trabahador doon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at naupo sa malaking ugat ng isang puno doon nang makaramdam ng pagkahapo.

"Mag-isa ka lang?" boses sa aking likuran ang nagpasinghap sa akin.

Lumingon ako at napabuga ng hangin nang makilala kung sino ang may-ari ng boses. "Bakit ka nandito, Leandro?"

Mahina siyang tumawa at umupo sa lupa malapit lang sa puwesto ko. "Lagi naman akong nandito. Ngayon mo lang akong nakita."

He leaned his back against the tree and slowly closed his eyes. Then he crossed his arms and his lips parted a bit. He expelled a heavy sigh and pursed his lips.

"Nakakapasok ka dito?" I asked. Tita Lai's warning still lingers on my mind. Of all the things she said, her comment about Cordovas stayed with me.

"Hindi naman bawal at kilala na rin ako ng mga tao dito." Bahagya niyang minulat ang mga mata at bumaling sa direksyon ko.

I immediately looked away. "Where's Lily?"

"Nasa bahay, natutulog."

Gaya nga ng sabi ni Sariah, mahilig daw matulog si Lily, lalo na sa hapon.

"Wala bang magandang pasyalan dito?" I turned my gaze to him that made him shift in his position.

He cleared his throat and put his hands at the back of his head. "Tamang-tama, isang linggo ang selebrasyon ng pista dito sa Tierra Blanca. Pangalawang araw pa lang naman at maraming pwedeng gawin at panoorin sa bayan."

"Really? I mean, okay lang ba na mamasyal tayo."

"Okay lang sa akin. Baka sayo bawal?" tanong niya na may pagtatantiya sa boses.

Umiling ako. "Everbody left the house. Pagkagising ko, si Tita Laila nalang ang naiwan." She seems to have her own world. Hindi ko naman makausap ng matagal. "Ako nalang yata ang naiwan doon...kaya nandito ako," pinilit kong pasiglahin ang boses ko.

Tumuwid siya ng upo at tinapik tapik ang dalawang palad sa magkabilang hita. "Sige. Maghanda ka. Pupunta tayo ng bayan ngayon din."

"I'm ready!" Tumayo na ako.

"Are you sure?" tanong niya at sinipat ang suot ko. Napatuon din ang mga mata ko sa suot kong palda shorts at white top. "Well, that will do. Tara!"

Nauna siyang maglakad. Huminto ito at hinintay na makasabay ako sa paglalakad hanggang sa narating namin ang main road na parte pa rin ng hacienda. Panay ang sulyap ko kay Leandro na tila buo na ang isip na maglakad.

"Wala bang pwedeng masakyan dito?" tanong ko. Hindi ko na kayang magpanggap na kaya ko pang maglakad. Ang daan galing sa manggahan hanggang rito ay sobrang haba na at tila mabubuway na ako sa aking kinatatayuan.

"Meron, tricyle. Pero mas okay na maglakad," sabi niya sabay lingon sa akin.

"But my legs will hurt!" pag-alma ko.

"Malapit lang naman. Sige na, lakarin lang natin," kumbinsi pa nito. 

Oh my gosh, is he real? Hindi ba siya naaawa sa'kin? I'm not a walkathoner!

Tiyempong dumaan ang isang tricyle at nagtanong kung sasakay kami. Hindi na ako nag-inarte pa at hinila na si Leandro para sumakay. Pinaupo ko siya sa tabi ko. Habang nasa tricyle, panay ang sulyap niya sa akin. Nahinto lamang iyon nang may nadaanan kaming matandang pasahero at kinailangan niyang pumwesto sa likod.

Pagkarating sa bayan, mabilis na nag-abot ng pambayad si Leandro sa driver.

"Napagod ka ba sa nilakad mo kahapon?" tukoy nito sa pag-akyat ko sa burol. Ito ba iniisip niya mula pa kanina? I want to tell him that he was insensitive but I'm afraid it would make me look childish for pointing out his lack of concern that was never his intention. I smiled at him instead. Afterall, he was kind to offer to take me here.

"Kung hindi mo nakasanayan ang mahabang paglalakad ay paniguradong sasakit talaga ang mga binti mo," dagdag niya.

Tumango ako. I can feel the sincerity in his voice. "Siguro nga. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin."

Bahagya siyang lumapit sa akin. "Hindi na yan masakit sa susunod, basta't araw-arawin mo lang ang ganoon kahabang paglalakad," paniniyak niya bilang pang-alu.

"Naku," umiling ako. "Wala na sigurong susunod. Isang linggo lang naman kami dito." Napayuko ako. Tiningnan ko ang mga paa naming dalawang sabay na humahakbang.

I heard him chuckle. Patalikod siyang lumakad, nakaharap sa akin. "Edi maglakad ka lang nang maglakad sa mga natitirang araw mo dito."

"Wouldn't that be too boring?" Shaking my head, I laughed at his suggestion. Hindi naman ako naparito sa Tierra Blanca para lang maglakad.

Huminto siya sa paglalakad dahilan para mapahinto din ako malapit lang sa kanya. "Hindi naman, basta may kasama ka lang."

Umiling ako. "That's not a bad idea. Pero wala naman akong kasama."

"Nandiyan naman si Sariah." Tumalikod na siya at sumabay ng lakad sa'kin. Ang mga mata ko'y bumalik sa aming mga paa.

"They seem to be enjoying my absence," naisatinig ko. Katahimikan ang sunod na namagitan sa aming dalawa.

"Sige. Ako nalang ang sasama sa'yo tutal libre naman ako," alok nito, nakangiti. Umangat ang tingin ko sa kanya at nilibot ang mga mata. "Pasok tayong perya."

Naririnig ko ang sigawan sa iba't ibang parte ng lugar na iyon. Nagkalat din ang mga tao doon na walang pinipiling edad. Pansin ko ang karamihan doon ay mga bata pa. Ang ilan sa kanila ay nagtakbuhan papunta doon sa larong kagaya ng sa dart at 'yong tatamaan ay mga balloons na nakadikit sa wall.

Sinulyapan kong muli si Leandro. "What will we do here?"

"Manood?" Tumawa ito. "O kung gusto mong tumaya, okay rin naman. May alam ka bang laro?"

"Wala akong dalang pera. Remember, wala akong dalang wallet. At isa pa, first time kong magperya."

"Madali lang naman matutunan ang mga laro. At h'wag kang mag-alala, papautangin kita," paniniguro nito ngunit hindi sapat para makumbinsi akong maglaro. Kuntento na lamang akong manood.

Naglibot muna kami at napapahinto kung saan may naghihiyawan. Napapakilatis ako kung paano nilalaro ang ilan sa doon. Nang matapat sa isang larong roleta, dumukot si Leandro ng barya sa bulsa. Tataya ito.

Nakailang taya pa ito hanggang sa tumayo na ito at nilisan na namin ang parteng iyon ng perya.

"Wala talaga akong swerte sa mga ganyan. Kumain nalang tayo," sabi nito at nauna nang maglakad.

"Wait..." agap ko.

"Bakit?"

"Pahiram 50 pesos."

"Ahm...ito nalang natira ng pera ko." Nahihiyang inabot niya sa akin ang bente pesos. "Pamasahe natin pauwi."

"Akin na yan. Maglakad nalang tayo mamaya," sabi ko. I have a plan in mind that I hope will work out.

"Anong gagawin mo?"

Sa halip na sumagot ay tinungo ko ang Color Game na malapit sa amin. Pawang mga kabataan ang mga naglalaro doon. Tinaya ko ang buong bente pesos sa kulay dilaw.

"H'wag mo namang ilagay lahat," awat niya sa akin ngunit desidido na ko. Naku. Maglalakad talaga tayo nito panigurado."

I smirked at him. "All or nothing at all."

"Sasakit ang mga binti mo," babala niya pa.

"Manood ka nalang diyan!" asik ko sa kanya.

Nang nahulog ang mga dice, kulang nalang ay tumili ako nang natapat sa kulay dilaw ang dalawa sa mga iyon. Nakita ko ang pagngiti nang malapad ni Leandro nang bumaling ako.

"See?" I shot up a brow.

"Ang galing mong manghula, ah. Sana ikaw nalang pinataya ko kanina doon sa roleta, eh," manghang sambit niya.

"Too early to say that. Pero balikan natin 'yon kapag tuloy-tuloy ang swerte natin dito."

Tumaya ulit ako sa ibang kulay at swerteng natatapat din ang kulay ng mga dice matapos hilahin ng bangka ang tabla ng kahoy. Ang bente pesos na hawak ko kanina ay kalaunan naging 600 na. Nakita kong napakamot sa ulo ang bangka.

I faced Leandro and said, "Okay na siguro'to. Alis na tayo."

"Give me 500," utos niya na parang nakikiusap.

"Huh?"

Mabilis niyang nakuha sa kamay ko ang 500 at basta-basta nalang nilagay doon ang buong 500 na magkahalong barya at papel na pera sa kulay dilaw. Nang nagdraw ang bangka, nalaglag ang balikat ko dahil walang kulay dilaw na lumabas. Napunta lahat sa bangka ang pera dahil wala ni isa ang tumaya doon sa green.

Humarap sa akin si Leandro habang hinihimas ang batok nito. "Sorry. Kain nalang tayo. Wala talaga akong swerte."

Pinandilatan ko siya ng mata. "Are you crazy? Bakit nilagay mong lahat 'yong 500 sa isang kulay lang?"

"Ganoon din tayo nagsimula kanina, diba? All or nothing at all. Di bale, may 100 pa naman tayo. Panalo pa rin tayo ng 80 pesos."

May point naman, pero kahit na...

Chest heaving, I followed Leandro who was now heading towards the exit. Sandali akong huminto upang lingunin ang Color Game na tinumpukan ng isang grupo na naman ng mga kabataan.

Dinala ako ni Leandro sa isang kainan doon kung matatawag ba talagang kainan iyon.

"Is it clean? Do they have the sanitary permit to operate?" tanong ko nang nilinga ang buong lugar. Nagdududa talaga ako kung tama ba ang pinagdalhan niya sa'kin. Magkadikit-dikit kasi ang mga kainan doon at wala ng bakanteng upuan at lamesa dahil okupado nang lahat. Sa dami ng tao, hindi mo maiiwasang magtanong kung malinis din ba ang paghahanda ng mga pagkain doon.

"Oo naman!"

Pinanood ko siyang hinahalo ang pasta at ang spaghetti sauce. Ilang sandali pa ay sumubo na siya at nagmwestra sa akin na kumain na din nang makitang hindi ko ginagalaw 'yong sa akin.

"Kainin mo na 'yan hangga't mainit pa," tango niya sa akin. Nagdadalawang-isip pa ako ngunit mayamaya ay pinalibot ko na ang pasta sa hawak kong tinidor nang mahalo ko na.

Napakurap kurap pa ako nang manamnaman ang pagkain. Well, it exceeded my expectation. Tumango-tango habang nginunguya iyon. Napangiti si Leandro nang makita ang reaksyon ko.

Siguradong babalikan ko ang kainang ito in the future.

"Bakit ka nakangiti diyan?" tanong ko dahil hindi na mapuknat ang ngiti niya kanina pa.

He cleared his throat and tried to hide his smile but still it showed. "You look like you're enjoying the food. Masarap ba talaga?"

"Okay lang," pinilit kong maging casual.

"In the scale of 1-10, ilang ang rating mo?" tanong niya.

"7? 8?" Hindi talaga ako sure.

"Okay. 7.5!" he announced.

Napailing ako. "Does it matter? I mean, my rating can't be accurate."

"It matters to someone who has just put up a business. Kaklase at kaibigan ko ang may-ari nito."

"Really? You mean, sa batang edad nagnenegosyo na siya?" I looked back and craned my neck to see the woman who made our order. I didn't pay much attention to her a while ago. Hindi naman kasi ako lumapit kaninang nag-uusap sila.

"Hindi na bata ang kaibigan ko. 28 years old na siya."

"Ow?"

"Nahuli lang sa pag-aaral, but that still counts, right? Sa pasukan, magkakaklase din siguro kami. Pareho kami ng kinukuhang kurso. Pangarap niya rin maging isang engineer."

"Wow!" Tumango-tango ako. "Just wow! Magaling na magluto at business, isang engineer pa pagdating ng araw."

Nakita kong kumaway si Leandro sa bandang likuran ko. Nang lumingon ako, nakita ko ang babaeng matangkad. As in, sobrang tangkad. Halos malula ako nang lumapit siya sa aming direksyon. Mayamaya ay pinakilala na kami ni Leandro sa isa't isa. He called her 'Ate Tracy' kaya ganoon na rin siguro ang itatawag ko sa kanya.

Agad din namang umalis si Ate Tracy dahil may dumating na mga customers. The restaurant is getting busy by minute. Matapos ubusin ang spaghetti at softdrink ay umalis na kami. Maririnig ang bandang tumutugtog sa bandang plaza ngunit hindi na kami dumaan doon. Pagabi na rin kasi at baka hanapin na ako sa bahay.

Naglakad kami papuntang terminal ng tricyle at nakasakay din kami agad. Hinatid kami ng driver hanggang sa labasan, hindi na umabot sa bandang bahay. Hinatid ako ni Leandro hanggang sa gate.

"Maraming salamat sa pagsama, Leandro," I said, smiling, before I entered.

"Walang anuman," maikling sagot niya, bagaman may galak sa boses nito. "I hope it won't be the last."

I smiled widely. "I hope so."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro