IX
"Are you sure that's all you're gonna bring?" tanong ni Lily sabay nguso sa drawstring bag na nasa likod ko.
"Yes," sagot ko. Tanging wallet, panyo, payong at iilang pampaganda ang nasa loob niyon.
"Hindi ka maliligo mamaya?"
Umiling ako. Kagabi ko pa naisip na hindi ako maliligo kaya naligo na ako kanina bago pumunta dito.
"Tingnan natin," tila hamon pa niya. "Baka 'pag nakita mo ang tubig mamaya ay biglang magbago ang isip mo."
Nagkibit balikat lamang ako. Nakita ko si Leandro at bitbit niya ang malaking food container na may lamang kanin. Hindi nagtagal ay dumating na ang kotseng sasakyan namin papuntang Amado Beach. Nilagay kaagad ni Leandro ang bitbit niya sa loob at iba pang pagkaing hinanda nina Ate Tracy at ni Kuya Charlie. 7th anniversary nila at niyaya kaming tatlo na sumama. Iyon daw ang kondisyon ng mga magulang ni Ate Tracy. Bawal silang lumabas ni Kuya Charlie na sila lang dalawa maliban lamang kung may kasama.
Isang oras at kinse minutos ang itatagal ng biyahe. Napagitnaan ako nina Lily at Leandro sa backseat. Pareho silang may dalang backpack, siguro ay pamalit na damit at tuwalya ang nasa loob. So, they are really going to swim, huh.
"Mabuti naman at nakasama ka, Dani. Akala ko talaga hindi ka makakarating, eh," si Lily nang tumatakbo na ang sasakyan. Si Kuya Charlie ang nagmamaneho at katabi niya si Ate Tracy. May pinag-uusapan din ang mga ito sa mababang boses na sapat na sa kanilang dalawa.
I smiled bitterly. "Namimiss ko na rin kasi ang beach."
"Oh," singhap ni Lily. "You surely do. I bet lagi kayo sigurong lumalabas buong mag-anak tuwing weekend."
"Hindi naman. But we hit beaches when we feel like dipping," totoo sa loob na sabi ko. "Lagi akong sinasama ni Emerald."
"Emerald?"
"She's my cousin." Biglang sumikip ang dibdib ko nang maalala ang pinsan ko. Namimiss ko na rin siya. "Don't worry I'll introduce her to you one day." I tried to put a smile on my face.
"We'll go home at 3:00," sabi ni Ate Tracy.
I pouted. "Why?"
Humalakhak si Ate Tracy. "Anong why?" she replied. Muli siyang lumingon. "We can't stay there for the whole day anyway. The last thing I want is my overbearing parents dragging me back home."
Napatawa ako. I have witnessed how strict her parents are with her whenever it involves traveling or going out with Kuya Charlie. But I can't imagine them causing a scene if they catch them spending more time than they should.
"Hindi ka pa siguro naniniwala kasi hindi mo pa nakita," she added, trying to make me believe about her statement.
"Did it happen before?"
Tumango si Ate Tracy. Napanganga ako.
"Yes. One time, dinala ako ni Charlie sa birthday ng pinsan niya. Hindi ako nagpaalam noon at tinatago ko ang relasyon namin sa mga magulang ko. Ginabi ako doon sa birthday kasi biglang nasira ang motor ni Charlie at hindi niya ako mahatid agad. Nang naayos naman at nakaalis kami, nasiraan ulit kami sa gitna ng daan. Hinahanap na pala ako sa bahay no'n tapos ang kapatid kong hindi mataguan ng sikreto nagsumbong kay Mama. Tapos ganoon eksena ang naabutan nila Mama at Papa sa daan. Napagkamalan pa kaming magtatanan.
"Si Mama pinaghihila ang buhok ko. Tapos si Papa panay pagpapaulan ng hampas kay Charlie. Pakasal daw kami dapat pero pareho kaming tumanggi ni Charlie. Naku. Alam mo naman ang mga Marites. Iba ang iisipin kapag nagpakasal agad, diba? Najuntis kaya shotgun wedding! Ang bata ko pa noon. Wala pa sa isip ko ang pag-aasawa."
"Mahal niyo naman ang isa't isa, diba? Bakit hindi kayo nagpakasal?" tanong ko.
"You tell me. That's not the only thing that you should consider when getting married. Love won't feed us both. Hindi pa ako nagka-college no'n. I was still working that time so my other siblings can continue their studies. Gusto ko pa makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho bago pumasok sa pagpamilya. If love could suffice, edi sana walang mga failed marriages, diba?
"Kasi nga hindi lang naman iyon ang isinaalang-alang sa pag-aasawa. Marami pang bagay gaya ng money matters, saan kayo titira, family plan, at marami pang iba."
Marahan akong tumango.
"Eh kamusta kayo noong pinaghiwalay kayo? Namiss niyo ang isa't isa, no? Tapos nagtatago kayo?" Humagikhik si Lily. "Hindi niyo ba naisipang magtanan?"
"We did. Pero hindi natuloy. Hindi ako sumipot. So Charlie came to ask for my hand in marriage instead."
"Apaka romantic naman ni koya," saad ni Lily. Humalakhak si Kuya Charlie at ganoon din kami.
Mangilan-ngilan lamang ang mga tao sa beach nang dumating kami. We rented a cottage and then arranged our things before running to the water. Nagpaiwan sina Ate Tracy at Kuya Charlie para magbantay ng mga pagkain. Mamaya na lamang daw sila maliligo.
Nag-unahan sa pagtakbo sina Lily at Leandro, halatang sabik na sabik sa dagat. Nanatili akong nakatayo sa shore. Kinawayan ako ng dalawa para lumapit pa lalo. Ganoon nga ang ginawa ko. Ilang hakbang ang ginawa ko at nakita kong nagbabadya ang dalawang sabuyan ako ng tubig para mabasa ako.
"Don't dare splash water on me!" mariin kong babala kay Leandro habang nakakrus ang dalawang braso ko. Mas lalong lumakas lamang ang tawa at pang-aasar ng magkapatid. Gusto ko lang naman maglaro sa tubig-dagat at maglakad sa buhanginan. "You're really going to pay for it!"
"Dapat kasi nagbaon ka ng ekstrang damit," maktol ni Lily. "Sabi sayo eh, hindi mo matitiis ang tubig." Umaamba na naman siyang wisikan ako kaya ganoon na lamang ang iwas ko.
Parang gusto ko na nga magsisi na hindi ako makakaligo kung ganito ba naman kalinaw ng tubig at peaceful ng lugar. Walang katao-tao doon. Nagmistulang nagrenta kami ng buong beach.
"Okay na ako. Maligo na kayo doon," taboy ko sa kanila. Pero bago pa man ako tumalikod ay nahawakan na ng dalawa ang magkabilang kamay ko at hinila pa hanggang sa lumagpas na ang tubig sa beywang ko. I gaped at Lily when she started sprinkling water in my head. I almost cried as I felt the water dripping down my face.
I got totally wet!
"Ang daya niyo ha. Sabi nang wala akong dalang damit, eh!" mangiyak-ngiyak na turan ko at saka nagsaboy ng tubig kay Lily. Humagikgik pa ito lalo sa ginawa ko at bahagyang lumayo para umiwas sa sunud-sunod kong atake. Nang nakalayo na, kay Leandro ko binunton ang paghihiganti ko.
"Relax!" tawa pa nito na tila amused pa sa sitwasyon ko. Itinaas nito ang mga kamay bilang pagsuko."Matutuyo din naman yan, eh."
Niyakap nito ang sarili at umabante palapit sa akin.
"Kahit na!" sabi ko sa mababa at mariing tinig.
Biting my lower lip, I ran my hands through my hair and pushed it back. Then, I tied it with the scrunchy that was on my wrist.
I heaved a sigh before raising my head. Nahagip na aking tingin ang nakaawang na bibig ni Leandro at mabilis na tinikom din iyon. Tumiim ang panga niya at bumaling sa dakong kaliwa. Sinundan ko ang mga mata niya at nakita ang grupo ng mga kabataan na naghihiyawan nang magtampisaw sa malinis na dagat.
I heard him let out a sigh before turning to me. He smiled and looked over my shoulder.
"Balik tayo sa cottage. Kain muna tayo. Baka hindi ka pa nag-agahan," aya nito. He did not even wait for my reply and just walked past me.
Kung kailan basa na ako, wala na silang plano maglunoy sa tubig!
Natanaw ko si Lily sa cottage na lumalantak ng fried chicken. Kanina ko pa nilalabanan ang pagkalam ng sikmura. Hindi na ako nag-agahan dahil iniiwasan kong mapang-abot ni Tita Laila. Hindi na ako bastang makakaalis kapag nangyari. Pagbabawalan niya akong lumabas lalo na't Sabado.
Hindi ko alam bakit ganoon na lamang ang paghihigpit niya sa akin, lalo nang umalis Lola Erlinda at nagbakasyon sa isa pa niyang anak na nasa US.
Tita Laila kept my phone. Inalis din ang telepono sa dating pwesto at nilipat sa kusina na madaling makikita ng mga katulong.
I can't buy a new one. Wala akong pera! Kakarampot ang baon na binibigay ni Tita Laila sa akin, sapat lamang sa aking pamasahe at pagkain. Kung hindi pa nga ako nililibre nina Lily, Leandro at Ate Tracy minsan, hindi pa ako nakakapag-snacks.
My life really sucks here.
Habang ang Vivian at ang magaling na Sariah ay nagpapakasasa sa yaman ng pamilya.
"I'm sorry," sambit ni Lily nang umupo na ako matapos kumuha ng pagkain. Sina Ate Tracy at Kuya Charlie naman ang masayang lumalangoy sa dagat ngayon.
"Para sa ano?" nagtatakang tanong ko. Lily looked apologetic which really puzzled me.
"Hindi ka sana basa ngayon kung hindi dahil sa amin."
Binaba ko ang pinggang hawak ko at tipid na tumawa. "Sira! Yun lang pala. Akala ko kung ano na."
"Aw! Akala ko nagalit ka." Umaliwalas ang mukha ni Lily at nagpakawala ng malalim na hininga. Si Kuya kasi..." Kumunot ang noo nito at nilingon si Leandro na tahimik na kumakain habang nakatanaw sa dagat. "... sabi niya kasalanan ko daw nasira ang mood mo. Ang totoo, ako talaga ang mastermind na sabuyan ka ng tubig. Nadamay lang siya. Pinagalitan pa nga ako, huwag daw kitang asarin."
"Salamat nga sa inyo. Mapipilitan na akong maligo nito. At tama naman kayo, matutuyo naman ang suot ko." Sinipat ko ang suot ko. Hindi ko na nga halos ramdam na basa iyon. Mahangin sa dalampasigan at mataas na ang sikat ng araw.
I would not mind swimming my heart out until we need to go home.
"Nga naman. Anong silbi ng pagpunta mo dito kung hindi ka naman maliligo, diba? Hindi naman tayo pumunta rito para lang magpapicture, ano?" Bumungisngis ito. Para talagang bata. "Anu-anong beaches na ba napuntahan mo?" she asked, wrapping herself with a towel.
I thought for a while and tried to recall some of the family trips we had. "I've been to Siargao, Panglao, Coron, Subic, Puerto Galera, Isla del Fuego, Balesin..." Tumango-tango ako, "... and the list goes on."
"You literally traveled to the whole Philippines!"
I shook my head, laughing. "Ano ka ba? Ang dami ko pang hindi napupuntahan."
"Nakakainggit ka, grabe! Gusto ko rin sana mabisita ang mga beaches na nabanggit mo. Kaso sa ngayon, wala pang budget." She let out a deep sigh.
"It will come around soon. Kaya nga tayo nag-aaral, diba? Para pagdating ng araw, pag may trabaho na tayo at kumikita na, mapupuntahan natin ang mga lugar na pinapangarap natin, mabibili ang mga bagay na gustong-gusto natin," pahayag ko.
"Tama. Kaya nga inggit na inggit ako kay Kuya dahil isang taon nalang at makakapagtrabaho na siya. Makakaalis na siya ng Tierra Blanca."
I'm not surprised anymore to hear people wanting to leave this place. Kung nanaisin ni Leandro na magtrabaho sa ibang lugar ay mas maigi nga.
"It's worst to be stuck here, isn't it?"
"Minsan, oo. Nararamdaman ko iyong kagustuhan na umalis dito. Pero kapag naiisip ko naman na lilisanin ko na nang lubusan ang lugar na ito, parang may maiiwan ako. This place hasn't lost its touch. Payapa. Mabagal ang oras. Feeling ko nga forever akong bata dito, eh." Ngumiti ito. "Kaya nga siguro kahit mangibang-lugar ako, babalikan ko pa rin ang Tierra Blanca."
"I hope I could think the same way you do." Wala na kasi akong ibang iniisip kundi ang araw ng pag-alis ko.
"Pero ano pa bang mga beaches ang hindi mo pa nabisita?"
"Boracay at saka yung Isla Gigantes at marami pa."
"Save them for later. Isama mo naman ako pagpunta mo doon."
"Sure. No problem. Yun lang, baka sa susunod na may pera na tayo, wala naman tayong time."
"Eh, hindi naman problema ang pera sa'yo. Marami kayo no'n."
"Pamilya ko lang ang may pera. Ako, wala! Kita mo, wala nga akong maiambag sa outing natin, eh."
"Huwag mo na kasing isipin iyon. Sagot naman ni Kuya Charlie at Ate Tracy lahat, eh."
"Atleast nagdala kayong magkapatid ng kanin, no? Literal na katawan ko lang talaga ang dinala ko rito."
"Ang mabuti pa, magrelax nalang tayo. Tutal naman ay nakikinabang tayo sa mag-jowa, sulitin nalang natin ang araw." Sinampay nito ang tuwalya sa kawayang upuan at bumaling sa akin. "Siguradong masisiyahan ang mga iyon kapag nakitang nageenjoy tayo,"
Ganoon nga ang ginawa namin. Matapos iligpit ang pinagkainan ay bumalik kami ni Lily sa dagat at pinagsawa ang sarili sa paglangoy Si Leandro ay natanaw kong nakikipag-usap sa mga mangingisda na nagdidiskarga ng mga nahuling isda.
"Dito na ba talaga kayo nakatira? Mula pagkabata?" tanong ko nang bumalik kami sa dalampasigan.
Lily nodded. "Dito na kami nakatira simula noong ipinanganak ako. Si Maynila kasi ipinanganak ni Mama si Kuya Leandro. Naisipan lamang na bumalik dito ni Mama nang naghiwalay sila ng ama ni Kuya."
"Oh. So, you're..." my voice trailed off.
"Half-siblings," she ended my sentence for me. "Nang umuwi dito si Mama, dala si Kuya, nagtrabaho siya sa hacienda at doon nakilala niya ang ama ko hanggang sa nagkamabutihan sila. Inampon nito si Kuya Leandro kaya naging Cordova rin ito. Sa kasamaang palad, namatay si Papa noong grade 5 ako dahil sa sakit sa puso."
"I'm sorry."
"But I'm happy that Papa no longer feels any pain." Tumingala siya sa langit. "Hi, Pa." Kumaway doon na tila may kinakausap. Hinawakan niya ako sa balikat. "Kaibigan ko po pala, si Danielle Therese. Baka po makasalubong ninyo diyan ang Mama niya. Pakisabi, maganda pa rin po ang anak niya. Medyo may pinagdadaanan lang minsan kaya mukhang bugnutin."
Mahina akong tumawa. "Sira!" bahagya kong tinapik ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko. Naikwento ko sa kanya noon ang tungkol sa nangyari kay Mama.
Humalakhak ito at binawi ang kamay niya. She scooped sand and started dumping it on her legs. I turned my gaze to the waves coming in and out.
"Losing someone you really love is hard," I said, looking at her and then at Leandro walking towards us.
"Oo. Ganoon talaga siguro ang buhay. Walang permanente. May mananatili, may aalis at may darating. Life has to move forward regardless."
"It still hurts kapag naaalala ko ang pagkawala ni Mama."
"Ako din naman. Naiiyak pa rin ako kapag naalala ko si Papa lalo na sa tuwing may mahahalagang okasyon. Pero naisip ko, mas masakit siguro na nakikita ko si Papa na nahihirapan dahil sa sakit niya."
"Darating kaya ang araw na di na masakit para sa atin ang paglisan nila?"
"The wounds remain. The pain won't just go away, but we'll learn to live with it. Ang mahalaga, naipadama natin sa kanila ang pagkalinga at pagmamahal noong nabubuhay pa sila. At patuloy lamang nating gawin iyon sa mga taong mahal natin."
"Sana nga. At sana, wala ng aalis pa. I can't take any more pain."
Bumuntong-hininga si Lily at tumingala ulit sa langit. "But death is a fact of life," sambit niya pa at nilipat ang tingin sa dagat. "Lahat tayo mawawala pagdating ng araw. Nagkataon lang na nauna ang iba..." halos bulong na lamang ang tinig niya, "...kagaya ng Mama mo at ang Papa ko."
"Tingnan niyo, oh. Nakabili ako ng isda, mura lang!" balita ni Leandro. "Ang sarap sabawan nito."
Sabay kaming tumawa ni Leandro nang makita ang pagdilim ng mukha ni Lily.
"Happy na kayo?" she scoffed at us. She would eat anything except fish. She hated it a lot. "Kahit hindi na kami magkita ng isda habang buhay."
"May mag-uulam na naman ng toyo at mantika mamaya," dagdag pa ni Leandro na lalong nagpa-asar kay Liy.
Binato niya ito ng nilamukos niyang buhangin sa palad. Mabilis na tumakbo si Leandro pabalik sa cottage na walang patid ang tawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro