Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

II

Lumipas ang mga araw at naging malaking pasanin para sa akin ang paglipat ng mag-ina sa aming bahay. Malapit nalang at sasabihin ko na kay Papa na gustong kong lumipat sa apartment. I'd rather live there than be stuck with Sariah in my room.

Pero ano naman ang isasagot ko kung sakaling tanungin ako ni Papa ng rason ko kung bakit gusto kong lumipat? Can I tell him that I want to live independently from now on?

He's my only family now. Hindi ko naman gustong magkahiwalay kami.

I immediately ignored the idea. It's like giving them full authority to access everything in the house if I do that.

"Tell me where I can buy the pin just like yours, please," nagsusumamong wika ni Sariah. Hinigit pa nito ang siko ko para mapansin siya.

I sighed heavily before turning my gaze at her. Bakit kasi ang tagal dumating ni Emerald? Akala ko ba magkikita kami ng alas nwebe? Alas dies na pero wala pa rin siya. The last time I checked, she said she's on the way here. Kanina pa kami naghihintay sa kanya dito sa mall.

"You can't buy it here," I replied, touching the music note brooch pin on my dress. This is something I can say I own. Bakit niya gustong magkaroon din nito?

"Ganoon ba? Gusto ko rin sana magkaroon ng ganyan para sana match din tayo." She looked at me with disappointment in her eyes. "I'll try to look online. Maybe I can find one that looks exactly like that," dagdag pa niya sabay tingin sa brooch ko.

"Don't!" mariing iling ko at hinawi ang kamay niya. Bahagyang nagulat siya sa ginawa ko. "This was given by my mother!" nasambit ko sa nagsusumamong boses at napabuga ng hangin.

"I-I u-understand..." alanganin niyang tugon. Napalunok ito bago umatras. I'm not sure if she completely understood what I meant.

Napapiksi ako nang may biglang umakbay sa akin. Bahagya akong lumingon at nakita ko si Emerald. Pumagitna siya sa amin ni Sariah at inakbayan din ang isa.

"I'm sorry. Medyo traffic lang sa daan," aniya sa boses na hinihingal. "Kanina pa ba kayo?" 

Nagtagpo ang mga mata namin ni Sariah. Bumuntong-hininga ako at nag-aktong kalmante. "Do we look like we just arrived?" sabi ko at bumaling kay Emerald.

"Pasensya na. Hindi ko naman kasalanan na ma-traffic, eh," depensa nito. 

Lagi namang traffic dito sa Manila! Her reason is just outdated I couldn't believe it anymore.

Inirapan ko lamang  siya at naunang maglakad. 

Pupunta kaming grocery store. Ito naman ang sadya namin dito, diba? Siya ang nag-aya sa amin, tapos siya pa ang may ganang ma-late.

"Anong problema no'n, Sari?" naulinigan kong tanong niya.

Binagalan ko ang paglakad at naghihintay ng magiging sagot ni Sariah. Ilang sandali pa bago ko siya narinig na tumikhim at mahinang tumawa.

"I think she's hungry, Emmie. The truth is we've been waiting for you for more than an hour already," she  replied.

Is Sariah making excuses to cover up for me? And...for what?

Is she no longer the slow-witted girl I have always known? 

"Hayaan nalang natin siya. Ganyan talaga 'yan kapag mainit ang ulo," sagot ni Emerald. Gusto ko siyang lingunin at kuyugin! 

Hindi ba' t siya ang rason bakit mainit ang ulo ko ngayon? Ang galing din umaktong parang walang ideya sa panggagalaiti ko, eh.

Mayamaya ay nakarating na kami sa grocery store at sinimulan na ang pamimili ng mga ingredients para sa special menus na gagawin namin. All I did was watch them looking and choosing the products. Wala akong ideya sa mga ganoon. Sila lang yatang dalawa ang nagkakaintidihan sa area na iyon kaya hinayaan ko nalang.

Sa halip na mabagot, ang ginawa ko na lamang ay mamili ng mga chihirya na nakita ko sa estante sa di-kalayuan. May pera naman akong pambili at hindi ko kailangan ng kasama ngayon para gawin ang bagay na ito.

Pinagsawa ko ang sarili sa paglalagay ng mga kung anu-ano sa cart ko na mabilis kong napuno. Umikot pa ako sa katabing estante at nakita ko ang pinakaborito kong potato chips doon. Mabilis kong tinulak ang cart at pilit na inabot ang nag-iisang chips na nakadisplay doon. Dahil sobrang taas, kinailangan ko pang tumingkayad pero hindi naging sapat iyon hanggang sa napaatras ako nang bumungad sa mukha ko ang isang kamay. 

Someone is reaching it for me. Natuwa ako sa nalaman. Lumapit ako sa kanya para kunin iyon.

"Thank you," I said as I held out my hand. 

He arched an eyebrow as he watched me moving closer to him. 

"What?" tanong nito. Ang buong atensyon ko ay nasa bag ng potato chips na hawak niya. 

"That's mine," I smiled as I looked up at him. Di hamak na matangkad nga siya kasya sa akin kaya't madali niyang naabot ang potato chips. "You're reaching it for me, weren't you?" 

"I was getting it for myself," he replied and looked away. Nagpatuloy ito sa pag-abot ng iba pang mga chichirya at nilagay sa cart niya ngunit hindi pa rin binibitawan ang target ko.

"Excuse me, I got a hold of it first!" may tigas na sabi ko. Sinundan ko siya at pinukulan ng matalim na titig.  Hindi man ako ang naunang nakaabot. But it was clear as day that I had it first.

"Kumuha ka nalang ng iba," tugon niya, mahinahon. Hindi man lang tumingin sa akin at tumalikod na. 

I balled my fists in so much frustration. "Hey!"

It's just a potato chip but I'd die for it. Sirang-sira na ang araw ko. Ayokong hayaan na lamang ng isang ito na hindi marunong umunawa sa sitwasyon. 

Iniwan ko ang cart sa isang tabi at nagdadabog na sinundan siya patungong lane kung saan siya pumila para magbayad.

"Give it to me," mariing sabi ko. Nakikita ko ang bag ng chips sa pinakatuktok ng cart niya pero hindi ko rin magawang agawin na lamang iyon kahit posible naman. We could end this in an amicable way, couldn't we?

He cocked his head as he turned to me. "Aren't you a little bit ashamed of yourself?" seryosong usal nito. "Just for a bag of chips?"

"This is not just only about chips, okay? We both know what happened back there, don't we?! " Halos mapatid ang litid ko sa sobrang inis.

Bumuntong hininga ito bago kinuha ang chips at inabot sa'kin. Napaawang ang bibig ko habang tinititigan iyon. Inangat ko muli ang tingin sa kanya.

Kunot ang noo niya na mas lalong  lumapit sa akin. Hindi ko pa rin iyon tinatanggap kaya naman kinuha niya ang kamay ko at pinayakap sa akin ang chichirya.

"There," aniya at nakataas na kilay na tumitig sa akin. Tumalikod na ito at lumapit sa cart niya at matiyagang pumila.

"Bakit mo binigay sa akin?!" hiyaw ko.

Bagot na bumaling siya sa akin. "Isn't that what you wanted? Go, now. I have no time to talk to anyone right now." Kulang nalang ay itaboy niya ako.

Hindi nakatakas sa mga mata ang pagtingin sa aming direksyon ng ilang mga tao sa paligid. I have never wanted to win an argument this way. Gusto kong mapasaakin ang bagay na ito dahil inaamin niya na ako ang nakauna doon at hindi dahil sumuko na lamang siya para matahimik ako. Iyon ang pinapalabas niya, eh!

"No, I'm not taking this!" Basta-basta ko na lamang binalik iyon sa kamay niya at gumuhit sa mukha niya ang pagkagulat.

Nagsalubong ulit ang aming mga mata.

Nagkibit-balikat ito. "Okay. That's very fine with me."

Oh, no. Parang mapapasakamay na nga talaga niya ang chips ngunit wala na akong pakialam. I'd rather keep my pride than be belittled like that. He didn't understand where I was coming from. He didn't want to admit that he took something away that was clearly mine.

I had enough already. Pagkabalik ko sa direksyong pinanggalingan ko, wala na ang cart ko. Sa bandang gilid ko, may saleslady na nagbabalik ng mga chichirya sa estante. Pagkakita ko sa cart ay nakilala kong sa akin nga iyon.

Mariin ko na lamang pinikit ang mga mata at lumayo sa section na iyon. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at matarayan ko lamang ang saleslady na hindi man lang naghintay na mabalikan ang mga pinamili ko. 

Natanaw ko sina Emerald at Sariah na abala pa rin sa pamimili. Obvious naman na nagkakasundo sila. Hindi na nga nila halos naramdaman na kasama pala nila ako. 

I cleared my throat to get their attention. Mula sa pagbusisi ng mga pasta ay sabay silang lumingon. 

"Saan ka galing? Ang tagal mong nawala ha," bungad sa'kin ni Emerald. Bumaling sa akin si Sariah. She gently smiled at me like everything was okay between us.

Is she back to being so naive again? Hindi ko naman kakitaan ng  katiting na pagkailang sa titig niya. Ang galing niya naman yatang umarte.

"May tiningnan lang ako banda roon," katwiran ko sabay turo sa section kung saan ako nanggaling. I looked at their side. Medyo puno na nga ang cart. Siguro malapit na silang matapos.

Pareho silang tumango bago nilagay sa cart ang napili nilang pasta noodles para sa spaghetti.

"Should we make a soup for Tita Fe?" I asked, not really knowing why. Pakiramdam ko parang kailangan ko ng ambag kahit papaano. Napadako ang mata ko sa malilit na pasta at kumuha ng malaking pack doon. 

Isn't this the right shape used for the soup? Basta ko nalang nilagay doon sa cart at nakangiting humarap sa kanila.

"I think we're good," sambit ko. 

Bahagyang umiling si Emerald. "Since may soup pa pala. Dagdagan pa natin ng  ibang ingredients para riyan."

Naglakad na ito at kumuha pa ng iilang items habang nakasunod kami.

Tinulungan ko si Sariah na itulak ang cart hanggang sa cashier. Si Emerald naman ay may ch-in-eck pansamantala sa Beer and Wine Section kaya naiwan kaming dalawa ni Sari sa pila.

"Are you not buying anything for yourself?" tanong ko kay Sariah. I was thinking, that maybe she would want to stroll around first while I take care of our groceries. Sila naman kasi ang namili lahat. I might give them the time to look for things they want to buy for themselves.

Bumaling siya sa akin habang kagat ang ibabang labi.

"I'm okay," sabi nito habang ang mga mata niya'y sa brooch ko. 

Ito pa rin ba ang gusto niyang bilhin? There's no way she can afford something like this. It's real diamond.

She looked away. Medyo mahaba ang pila kaya naman matagal din kaming hindi nag-imikan. 

"Ikaw ba? Wala ka bang gustong bilhin?" untag niya sa akin. 

Dahil sa tanong niya, naalala ko naman ang lalaking nang-agaw ng potato chips. Sa isiping balikan ko pa ang estante kung saan nakadisplay iyon ay napapilig ako ng ulo. Nawalan na rin kasi ako ng gana. Malamang wala pa ring nakalagay doon. Bakit kasi nag-iisa nalang iyon? Magtatanong sana ako sa saleslady kanina kung may stock pa ng ganoong chips kaso naimbyerna na ako nang makita siyang binabalik lahat ng mga pinamili ko. Pinili ko na lamang manahimik kaysa may masabi pa ako.

Umiling ako at sumulyap sa kanya. "I'm good. " Natanaw ko si Emerald pabalik sa amin. "Let's go eat after this."

Mahinang tumango siya. "Yes. I bet you're already hungry," bungisngis niya. 

I scoffed. "Very much."

May wine na bitbit si Emerald at bayad na iyon. Hindi ko alam kung paano niya naloko ang kahera na payagan siyang bumili ng ganoon. She looks like a child, so how come she got to buy it?

Hindi ko nalang inalam. Ilang sandali pa ang lumipas at sa wakas ay kami na ang naglalapag ng mga pinamili namin sa counter. Habang inisa-isa sa pag-scan ng kahera ang mga items, paminsan-minsan itong sumusulyap sa akin. I looked behind me to check something. Abala si Emerald at Sariah sa pag-uusap at nagtatawanan pa nga. I feel out of place because I don't have the slightest idea of the topic. Nagbabatuhan sila ng mga foreign words.  Are they talking about the latest Korean drama?  I think I heard it somewhere. 

She was probably looking at the two, kaya ganoon na lamang ang amusement sa ekspresyon nito.

Binalik ko nalang ang tingin sa kahera na nakatutok na ngayon sa monitor. 

Umabot ng twenty thousand ang lahat ng mga binili namin. Nagbayad si Emerald gamit ang credit card. Sumulyap ulit ang kahera sa akin bago inabot kay Emerald ang resibo.

Matapos ma-pack ang lahat ng items, umalis na ang bagger na siyang bahala para maghatid ng mga malalaking boxes sa parking lot. 

"Miss, sandali lang," tawag ng babae na nagpalingon sa amin.

Ako ba ang tinutukoy niya? Napalingon ulit ako kina Emerald at Sariah. They just shrugged their shoulders and then looked curiously at the woman and me. 

Tinuro ko ang sarili ko dahil hindi ko sigurado kung sino sa amin ang tinatawag niya.

"Oo, Miss," nakangiting sabi nito, "may nagpapabigay nito sa'yo."

Nakita ko ang paper bag na hawak niya. Sino namang magbibigay sa'kin? "Are you sure it's for me?"

Lumapit ako para tingnan iyon. It contains a bag of chips I was defending to have for myself earlier. 

My lips parted when I remember the guy I had an argument with.

But why?

Binasa ko ang nakakabit na sticky note doon sa mismong chips.

I hope this makes you feel better. 

Smile.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro