Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

This chapter contains disturbing scenes, read at your own risk.

***

Kakatapos lang mag-ayos ni valentina pero nasa loob pa rin siya ng bathroom niya sa apartment niya, nakatingin siya sa salamin habang tinitignan nang maayos ang itsura niya.

Naka-suot na siya ngayon ng black na jeans, grey shirt saka demi jacket. Nakalagay na ulit ang mga hikaw niya sa tenga, marami na ulit iyon hindi niya lang alam kung handa ba si jared kapag nakita ang itsura niya.

Kahapon kasi para siyang batang inosente dahil sa suot niyang kulay asul na dress.

Huminga muli siya nang malalim bago nagpasya lumabas ng bathroom, binuksan niya ang pinto at pormal na naglakad palabas.

Lumakad siya sa harap ni jared at hindi pinahalata ang kaba. Agad naman niyang nakita ang pagkagulat sa mukha ng binata, titig na titig ito sa mukha niya bago siya nito binigyan nang tingin mula ulo hanggang paa.

Handa na sana siya ipaliwanag ang totoong sarili niya nang unahan siya magsalita ng binata.
"Cool..." Hindi niya mapigilan sa sarili ang magulat dahil sa narinig na salita kay jared, ang inaasahan niya ay pang-huhusga o kahit anong puna ang maririnig niya kay jared pero hindi niya akalain na iyon ang salitang matatanggap niya.

Masyado kasi siya nasanay na tawagin, tomboy, bad bitch, adik, o kahit anong puna sa itsura niya lalo na galing sa mga magulang niya.

Naalala niya noon kung paano sa pilitan na kinulayan ng black ang buhok niya dahil galit na galit ang ina't ama niya ng makita nang mga ito ang kulay asul niyang buhok.

Sino nga ba ang matutuwa sa anak na katulad niya eh sa gano'n professional na mga tao ang pamilya niya habang siya ay pariwara.

"Tingin mo... Cool ang suot ko?" Nakangiti niyang tanong kay jared, hindi niya mapigilan ngumiti dahil minsan lang siya makatanggap ng papuri mula sa tao.

Pinanood niyang tumayo si jared sa sofa kaya napa-atras siya nang kaunti, alam niya sa sarili niya kaunti nalang paramdam ng kabutihan ni jared sa kan'ya ay bibigay na siya at magbubukas na ng puso para sa binata.

Kaunti nalang ay magtitiwala na siya sa binata na iniingatan niya dahil ayaw niya mangyari iyon. "Yes, it's really cool, valentina. You know ngayon lang ulit ako nakakita ng babae ganto manamit." Papuri sa kan'ya ni jared, kaya mas napangiti siya.

Natutuwa talaga siya dahil imbes husgahan siya ni jared ay parang natuwa pan ito sa suot niya. "Thank you..." Mariin niyang tinikom ang bibig dahil kaunti nalang talaga lalabas na ang malaking ngiti niya.

"So... Alis na tayo? Okay lang hindi magpaalam sa mother mo, before tayo umalis kanina she said, basta kasama mo ako pwede kahit saan." Deklara ng binata sa kan'ya, sunod-sunod naman tumungo si valentina sa kan'ya.

Nag-isip siya kung saan niya gusto pumunta, may gusto na talaga siyang puntahan na lugar kundi sa bar.

"Jared... Game ka ba sa bar?" Tanong niya kay jared, kumunot ang noo ni jared dahil sa sinabi niya nakita ni valentina ang pagtataka at pagkalito sa mukha ni jared.

Hindi niya alam kung hinuhusgahan ba siya nito o hindi alam ang isasagot sa kan'ya.

"Please..." Pagmamakaawa niya, hindi niya ugali magmakaawa pero wala siyang magagawa dahil hindi siya makakaalis kung hindi kasama ang binata at gusto na talaga niya pumunta bar dahil magkikita sila roon ni kelvin. Problemado kasi ang kaibigan niya ng tumawag ito sa kan'ya kanina ng makauwi siya sa apartment.

Para bang may nalaman itong hindi nagustohan ng kaibigan kaya nagyayang uminom.

"Fine but, let's go first to the bookstore okay? I need to buy something there, and also... I don't go to bar honestly I never been there." Umawang ang bibig niya dahil sa narinig sa binata.

Parang gustong batukan at ganutan ni valentina ang sarili dahil nalimutan niyang mama's boy si jared, napansin niya iyon dahil nung nakita niyang nag-uusap si jared at ang mama nito ay parang lahat ng desisyon ni jared ay naka-depende sa ina nito.

Kapag ayaw ng ina ni jared hindi gagawin ni jared kapag gusto at inutos ng ina nito sa kan'ya ay gagawin ni jared.

Gusto niya maawa kay jared dahil malaki na pero naka-depende pa rin sa sariling ina pero, alam niya sa sariling wala siyang karapatan maawa dahil miskong binata ang pumili sa desisyon na iyon.

Wala naman pumipilit kay jared, tska sa tingin ni valentina ay malaki na naman talaga si jared para sa desisyon niya sa buhay, kung ang gusto ni jared ay sundin ang gusto ng ina nito ay wala siyang magagawa dahil buhay naman iyon ni jared, at hindi buhay niya.

"Anong bibilhin mo?" Tanong niya. "Some books, paper, pen, and self-help books you need that." Sagot ni jared sa kan'ya, ngumisi naman siya at umiling-iling.

"Baliw, hindi ko kailangan ng gan'yan tska babasahin ko pa, ayoko nga mamatay nalang." Derederetsyo niyang sabi. Nakita na naman niyang kumunot ang noo ng binata habang tinititigan siya.

"Valentina, why I feel like... Gusto mo na talaga mamatay." Biglang sambit ng binata habang nakakunot pa rin nakatingin sa kan'ya.

Bumuntong hininga naman siya saka nagsalita.
"Paano kung sabihin ko sa'yong, gusto ko na? Anong magagawa mo?" Seryoso niyang tanong sa binata, nawala ang pagkakunot ng noo nito at napaltan ng awa at lungkot ang mukha ni jared.

"Why?" Ramdam na ramdam ni valentina ang lungkot sa boses ng binata, hindi niya maiwasan madala roon.

Parang mag-iisang araw pa lang silang magkilala pero ganto na agad ang nararamdaman nila sa isa't isa.

"Dahil..." Huminga siya nang malalim at tinitigan ng maigi si jared, hindi siya pwede magkamali nababasa niya talaga ang lungkot sa mata at sa mukha ng binata, ramdam din niya ang lungkot sa boses nito.

"Wala akong makitang dahilan kung bakit pa ako mabubuhay. Pagod na ako mabuhay eh, ayoko na talaga gusto nalang mamahinga kaso ayoko naman patayin pa ang sarili ko kasi, alam mo 'yon? Sa tuwing sinusubukan mo lagi ka naliligtas. Tangina buhay 'yan." Malakas siyang tumawa bago nag-iwas nang tingin kay jared.

Pakiramdam niya ay hindi niya kaya magkwento dahil sa mga mata ni jared na nakatingin sa kan'ya, malungkot ang mga iyon.

Parang sinasabi sa kan'ya na 'wag siya mag-isip ng gano'n bagay dahil malulungkot si jared kapag nawala siya sa mundo pero, hindi niya rin mapigilan isipin na baka lang naawa sa kan'ya si jared dahil hindi pa naman siya matagal nagkakasama pero ganto na agad ang nararamdaman niya.

"Kaya nga hindi na ako nag-aral kasi mamatay naman, kaya nga hindi na ako nag-aral magluto kasi mamatay naman, wala akong makitang dahilan para mabuhay wala akong makitang purpose para manatiling buhay." Mahaba niyang sabi at umiling-iling, huminga ng malalim sa valentina bago hinarap ang mukha ni jared.

"Wala na eh... Wala akong makitang dahilan para manatiling malakas, wala akong makitang dahilan para manatiling buhay... Jared.
Pagod na ako sa mundong ito, gusto ko nalang maglaho na parang bula... Na parang wala na paghihirap, lahat ng masasamang alala ko malilimutan ko ng kusa wala ng sakit sa puso ko..." Mariin na kinagat ni valentina ang labi niya para pigilan ang sariling malungkot.

Tinatapik niya ang sarili binti para manatiling kalmado habang nagsasabi kay jared.

"Valentina... Why are suffering right now? Dahik ba sa nakaraan mo?" Malungkot na tanong sa kan'ya ni jared.

Mapait siyang ngumiti dito saka marahan na tumungo.

"Oo eh..." Peke siyng tumawa para pigilan ang sariling maluha. "Tangina past kasi 'yan, kung nabubura lang iyan kaso hindi, kaya sirang-sira na ako ngayon at pagod na mabuhay, tanginang nakaraan 'yan pagod na pagod na akong takbuhan ang madilim kong nakaraan, jared... Gusto ko nalang talaga magpahinga..." Mapait muli siyang ngumiti kay jared at tinalikuran niya na ito, nanguna na siya maglakad palabas dahil ayaw niyang mas lumalim ang pag-uusap nila at madala siya ng emosyon.

Hindi pa siya handa sabihin kay jared ang totoo, oo comfortable na siya magsabi dito pero hindi niya pa kaya pakawalan ang hinanahik na tinatago niya.

Sa ngayon tama na muna ang mga information na naibibigay niya sa binata.

Tama na alam ni jared na hindi siya natatakot mamatay. Para alam ni jared na kahit anong gawin nitong tulong sa kan'ya.

Wala na talaga siyang nakikitang purpose para maging malakas at mabuhay pa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro