Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

Nakangiting pinagkatitigan ni jared ang mahimbing na natutulog na si valentina, alas-otso pa lang nang umaga ay nagising na siya, late silang natulog parehas nila valentina pero inagahan pa rin niya ang gising.

Kailangan lagi mauna siya magising kay valentina dahil kailangan niya itong bantayan at alagaan ayon na rin sa kahilingan ng ina nito pati sa utos ng sariling ina.

Inihiling ni jared ang ulo sa sandalan ng upuan habang hindi inaalis ang paningin sa dalaga. Bumuntong hininga siya at hindi maalis sa isipan ang narinig niya sa pinsan nitong lalaki.

May mali talaga siyang nakikita sa pamilya nitp pati na rin mismo sa bawat galaw at pananalita ni valentina. May kailangan talaga siyang malaman tungkol kay valentina.

At tutulungan niya ito kapag nalaman niya ang bagay na iyon sa ngayon ang tanging magagawa niya ang kasunduan nila ng ina niya, bantayan at alagaan si valentina.

Hindi siya umimik nang makita niyang bumangon si valentina sa pagkakahiga, agad siyang napangiti nang makita niya ang mukha nitong nakakunot ang dalawang kilay habang ginagala ang paningin sa buong kwarto, agad naman nanlaki ang mata ni valentina sa kan'ya ng makita siya nito nakaupo.

Daling-dali inayos ni valentina ang magulong buhok kaya bahagyang natawa si jared. "Good morning." Bati niya kay valentina saka tumayo mula sa pagkakaupo at lumakad palapit sa dalaga.

Maayos na ito ang buhok nito hindi na kasing gulo ng kanina, mukha na itong nasa matinong pag-iisip at halatang naka-recover na mula sa gulat.

"Morning..." Balik na bati ni valentina kay jared, ngumiti naman si jared bago umupo sa dulunan ng kama ni valentina, nagulat naman si valentina dahil sa ginawang pag-upo ni jared kaya mabilis siyang napaatras.

"What do you want to eat?" Tanong ni jared kay valentina, hindi naman agad sumagot ang dalaga sa tanong niya kaya napilitan muli siyang magsalita.

"What do you want, valentina? I'm a good on cooking, nakapagtapos ako ng hospitality management major in culinary arts, don't worry I will make sure na masarap ang luto ko." Sabi ni jared at ngumiti kay valentina, tumungo naman sa kan'ya si valentina bago muli inayos ang sarili na parnag hindi kontento sa ginawang ayos sa sarili kanina.

"Mukha ba akong bruha?" Tanong ni valentina sa kan'ya, natawa naman si jared at agad umiling bilang sagot.

Hindi naman mukhang bruha si valentina pagkagising, para kay jared ang ganda tignan ng natural na mukha nito, walang nakalagay na make-up. Natural natural ang pagkakaputi ng balat nito, ang maikling buhay na kulay abo ay bumagay sa itsura ni valentina, pati ang tatto nito sa buto nito sa dibdib. Lalo siyang humanga kay valentina.

Gandang-ganda siya rito, hindi niya maitanggi iyon sa sarili niya.

"Sure ka? Ba't ka tumatawa?" Halata sa boses ni valentina ang inis kaya kahit natatawa si jared sa reaction nito ay pinigilan na niya ang sarili baka kasi isipin pa ni valentina na pinagtatawanan siya ni jared.

"Marunong ka ba magluto ng pansit?" Tanong ni valentina. "Of course, what kind of pansit ba? Bihon? Mike? Or glass noodles?" Tanong ni jared, agad siyang nagtaka ng makita ang umawang na bibig ni valentina.

"Basta pansit, astig ka ah.
Sana all marunog magluto." Tumatawang sabi ni valentina, hindi pa alam ni jared kung totoo ba ang tawang pinakawalan ni valentina.

"Why? Hindi ka marunong?" Gulat na tanong ni jared kay valentina, mabilis naman tumungo si valentina bilang sagot, hindi mapigilan ni jared ang umawang ang bibig sa gulat pero mabilis din niya isinara iyon saka muling nagsalita.

"Madali lang naman magluto, mag-aral ka tutulungan kita." Aniya, umiling naman si valentina dahil sa sinabi niya.

"Ba't pa mag-aaral magluto? Kung mamatay din naman." Tumawa ng malakas si valentina habang si jared naman ay natulala nalang dahil sa sinabi ng dalaga, hindi niyo maintindihan.

Pakiramdam niya hindi biro ang sinabi ni valentina, hindi ito nagbibiro sa sinabi parang bang gusto na talaga nito mamatay ng maaga.

"Oh, ba't natahimik ka?" Tanong sa kan'ya, umiling si jared at ngumiti nalang. Ayaw niya tanungin si valentina na agad, ayaw niyang mabigla ito sa mga gusto niya itanong. Ayaw niyang pasukin at pangunahan agad si valentina.

"Pupunta na ako sa kitchen niyo, want to come with me?" Tanong niya, tumungo naman si valentina bilang sagot. "Pero, toothbrush muna ako. Ikaw ba?"

"Kanina pa ako naka-ayos hinintay lang kita magising." Sagot niya dito, pinanood niyang umawang ang bibig nito at mabilis din nitong isinara iyon.

"Ba't hindi mo ako ginising?" Tanong ni valentina.

"You look tired kanina bago ka matulog kaya hinayaan kita matulog ng matagal." Sagot niya, tumungo naman si valentina saka nagpaalam sa kan'ya na pupunta muna sa restroom para ayos.

Naiwan si jared sa loob ng kwarto kaya ginala niya ang buong paningin sa paligid, nagsimula na siya maglakad para tignan at mag-obserba sa kwarto.

Una niya tinungo ang mga drawer ni valentina na nasa tabi ng kama nito, dahan-dahan niya binuksan iyon.

Gano'n nalang siya kabilis kinain ng pagtataka nang makita doon ang isang kahon ng blade at maraming klaseng cutter. Sunod naman niyang binuksan ang isang drawer, puno naman iyon ng bulak, benda, at iba pang pampalinis ng sugat at mga gamot. Sinara niya iyon at binuksan pa ang pinaka huling drawer.

Kumunot ang noo niya ng makitang pang-kulay iyon ng buhok, sigarilyo, ligther, at mga hikaw.

"Ibig sabihin naninigarilyo siya?" Tanong niya sa sarili. Akmang kukuha siya ng isang kahon sigarilyo nang marinig niyang bumukas ang pinto ng bathroom ni valentina, dali-dali niyang sinarhan ang drawer at bumalik sa tayo kung saan siya nito huling nakita.

Muli na naman siyang kinain ng pagtataka nang makita niya ang suot ng dalaga ay iyong suot pa nito nung una niya ito makita.

"You don't have clothes?" Tanong niya. "Wala rito ang mga damit ko." Sagot ni valentina sa kan'ya, nakita niyang bumulong ito at hindi marinig ang mga sinasabi nito.

Nilingon niya ang isang cabinet at itunuro iyon.
"What's the inside, then?

"Basura, demonyo, mga gago, masamang alala, at mga animal." Deretsyong sagot ni valentina sa kan'ya, pinagkunutan niya ito ng noo dahil hindi niya makuha ang ibig sabihin ni valentina.

Hindi niya din nakikita na nagbibiro ito dahil seryosong seryoso ang mukha ng dalaga habang sinasabi ang mga salitang 'yon.

"'Wag mo na lang pansinin, lutuan muna ako. Gutom na ako. Tara na." Yaya ni valentina sa kan'ya, kahit naguguluhan at gustong magtanong ay tumungo nalang si jared at pinauna si valentina lumabas saka siya sumunod sa dalaga palabas ng kwarto at sinara iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro