Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Hindi alam ni valentina ang gagawin niya, nakatingin siya sa kamay ng binata na kanina pa naghihintay sa kan'ya.

Makikipagkamay lang naman siya eh, ba't hindi ko mahawakan. Tanong niya sa sarili, gusto niya pagalitan ang sarili na 'wag maging matatakutin lalo na mukhang mabait naman na lalaki si jared.

"Valentina." Agad pansin sa kan'ya ng ina, huminga siya nang malalim saka maharahan na tinaggap ang kamay ni jared at pilit na ngumiti dito. "Valentina... Nice meeting you... Jared."

"The dinner is ready, let's go." Agaw sa atensyon nila, gusto niya na tumakas dahil ito lang ang pagkakataon niya pero hindi niya maintidihan ang sarili dahil parang may pumipigil doon.

Nasa harap na sila nang hapag at nakatingin lang siya sa mga pagkain, katabi niya ang binata habang nasa harap nila ang magulang nila. Wala ang ama niya, at wala ang ibang kamag-anak nila sa bahay kaya apat lang silang kumakain ng sama-sama.

Kanina pa niya napapansin na panay ang linggo sa kan'ya ni jared, sa isip-isip ay siguro nagtataka ito kung bakit parang hindi niya ginagalaw ang pagkain na nakalagay sa pinggan niya, hindi naman hilig ni valentina ang pagkain na nasa hapag kaya hindi niya magalaw iyon. Isa pa may allergies siya sa lemon and seafood.

Hipon ang pagkain nila. Gusto niya na naman malungkot at magdabog dahil parang hindi talaga siya kilala ng magulang niya.

Maski allergies niya sa pagkain hindi alam ng mga ito.

"Valentina, iha. Kamusta ka?" Agad siya napa-angat nang tingin sa mama ni jared na malaking nakangiti sa kan'ya, napilitan siyang ngumiti dito.

Ito, ata na mamatay. Gusto niya sabihin iyon pero hindi niya magawa.
"I'm good po, tita..." Sabi na lamang niya at nagkunwari na naghihiwa ng hipon. Magmukha na siyang maarte sa harap ng ina niya kaysa magkamot siya magdamag at mahirapan huminga.

Bumalik na sa pag-uusap ang mga magulang nila, nasa pinggan lang ang paningin niya at pasimpling umiinom sa iced tea. 'Yon nalang ang ilalagay niya bilang laman tiyan. Ramdam niya din na kanina pa hindi matali ang paa niya, ibig sabihin kinakabahan siya na hindi maintidihan.

"Valentina..." Marahan siya napalingon sa katabi na si jared, hindi niya alam sa sarili pero nababasa niya sa mga mata ng binata ang pag-aalala. Hindi niya maintidihan ba't iyon ang kan'yang nakikita nang titigan niya ito.

"Are you okay lang ba? Ayaw mo ba ng pagkain mo?" Tanong nito na nagpatigil sa paa niya sa pagiging hindi matali. Hindi maintidihan pero parang may humaplos sa puso niya.

Maliban sa kaibigan na si kelvin ay parang kay jared niya lang ulit narinig ang mga tanong na iyon.

Ngumiti siya dito, hindi niya din alam ang dahilan pero comfortable siya sa mga tingin nito pagkatapos niya makipagkamay kanina, kung sa ibang tao ata ay hindi niya kaya manatili sa tabi nang mga ito.

"I'm good, thank you for asking me." Ngumiti muli siya dito bago binalik ang tingin sa pinggan, lumingon siya sa kanan bahagi kung saan ang daan papunta sa kusina at nakita niya doon ang yaya niya, bigla siya napangiti nang makita niyang may dala itong tray na may naglalaman ng pagkain.

"Ma'am and Sir." Bati ng yaya niya sa kanila kaya pati ang magulang nila ay napalingon sa gawi nila.

"Yes, manang?" Tanong ng ina ni valentina sa kan'ya yaya, ngumiti ang yaya niya sa kan'ya at naglakad palipat sa gawi ni jared agad nawala ang ngiti niya dahil doon.

Akala ko para sa'kin, gutom na ako.

"Pinaluto po pala Ito ni sir jared." Sabi ng yaya niya bago ito nagpaalam at bumalik sa kusina. Nilingon niya ang tatlong platong inilapag sa gawi ni jared, gusto niya ngumuso na parang bata dahil gusto niya ang pagkain na iyon pero hindi niya magawa dahil ayaw niyang makita ng ina niya ang ugali ng batang valentina.

"'Nak, ngayon ko lang nalaman kumakain ka nang gan'yan." Gulat na sabi ng ina ni jared, napakunot ang noo ni valentina dahil doon.

Hindi ba siya kumain man lang ng sinigang at dinuguan na may puto? Rich kid nga pala. Sabi ni valentina sa isip.

"No mom." Sagot ng binata sa ina, mabilis nanlaki ang mata niya nang lagyan ni jared ng bagong plato ang harapan niya at inipat ang mga pagkain na iyon sa harap niya. "It's look like, valentina don't want to eat, butter shrimp." Dagdag ng binata hindi mapigilan ni valentina na hindi magtaka.

Paano nito nalaman? Tanong niya sa isip.

"Oh... I'm sorry dear, I forgot na you're allergic pala." Gusto umirap ni valentina dahil sa narinig mula sa sariling ina, kailan pa nga nito malalaman eh, maski doctor ang ina niya ay wala itong oras para sa kan'ya simula bata siya, lagi itong busy sa mga bagay-bagay.

"Bawal pala sa'yo 'yan, ba't hindi mo agad sinabi sa'kin." Lumingon siya gawi ni jared nang makisali ito sa usapan, ngumiti lang siya dito nang maliit bago muli nagsalita. "Salamat." Sabi niya, at itinuon nalang ang atensyon sa pagkain. Ngayon pwede na siya kumain dahil hilig niya ang mga iyon at hindi siya bawal doon.

Gusto man niya tanungin si jared kung paano nito nalaman ang hilig niyang pagkain at kung paano nito nalaman na ayaw niya ng pagkain na nasa harap niya, ngunit hindi niya magawa dahil hindi naman sila cloae nito.

At wala siyang balak makipag-close sa binata.

Pagkatapos nila mag-dinner ay nagpaalam ang magulang nila na pupunta lang sa library habang siya naman ay pumunta sa garden, naghahanap siya nang daan kung saan pwede lumabas para makatakas pero bawat butas sa mansion nila ay may mga bantay kaya wala nalang siyang nagawa kundi ang umupo sa isang pabilog na duyan sa garden.

"Tangina, naka-dress nga pala ako." Sabi niya, kanina pa kasi siya nilalamig wala siyang jacket sa taas kung meron man ayaw na niya suotin iyon, kung nasa kan'ya lang ang kaniyang cellphone ay natawagan na niya ang kaibigan edi sana hindi siya nilalamig sa labas, ayaw naman niya pumasok dahil saktong tapos nilang kumain ay dumating ang ama niya na abogado kasama ang tito niya na judge.

Gusto niya matawa dahil sa mga position ng mga kamag-anak niya sa buhay.

"Tatay ko abogado pero hindi ako kaya ipagtanggol." Mapait siyang tumawa at sumandal sa duyuan, deretsyo siyang tumingin sa langit at pinagmas daan ang buwan at bitiwin.

"Tito ko judge pero hayop." Sabi niya muli habang hindi inaalis ang paningin sa mga bitiwin, para na siyang nasisiraan ng ulo na sana bitiwin nalang siya na laging nasa taas at parang hindi nahihirapan.

"Nanay ko doctor pero hindi ako kaya alagaan, tangina pamilya 'to para sa mga pangalan hinahayaan akong masira. Gago." Mas malutong pa sa matulong ang mura niya.

"Tang—"

"Pang-ilan mura mo na 'yan?" Hindi niya natapos ang sasabihin nang may magsalita, mabilis siyang napatayo sa pagkakasandal at lumabas sa bilog na duyan. Gano'n nalang ang gulat niya nang makita niya si jared na nakatayo sa gilid ng duyan at may dalang makapal na jacket.

"Ba't ka nandito?" Tanong niya, akala niya ay nakasunod din si jared sa magulang niya at mag-uusap sa mga bagay-bagay, hindi naman siya kailangan doon kaya hindi siya sumunod.

"Malamig." Sagot nito na malayo sa tanong niya, umirap siya at tinitigan ang jared na inaabot nito, kulay gray iyon at mukhang bagong laba.

"Oo malamig, eh ba't mo binibigyan sa'kin?" Tanong niya, malamig tapos ikaw walang suot na jacket, sabog kaba? Tanong niya sa isip. "Suotin mo, naka-dress ka lang kasi."

"Ba't ka nandito?" Tanong niya muli at hindi pinansin ang sagot nito sa isang tanong niya, ayaw niyang umasa na may concern ang binata sa kan'ya kaya tinatanong niya ito.

Natatakot din siya na baka once na maniwala siya sa mga pinapakita sa kan'ya ni jared ay hayaan niya itong pumasok sa buhay niya at makuha nito ang loob niya, pero sa huli sasaktan at lolokohin lang siya, sisirain ang tiwala niya.

"Sinusundan kita." Simpleng sagot nito at ngumiti, ngumisi siya dahil sa sagot nito. Hindi siya umimik gano'n din ang binata, pinagkatitigan ni valentina si jared at muling ngumisi.

Mukhang mabait at magalang, ba't ba sumunod ito sa'kin? Eh hinayupak ako. Sabi niya sa isip.

"Wear it." Utos nito, gusto niya tanggihan ang jacket pero talagang nilalamig na siya. Kinuha niya iyon at dali-daling sinuot.

"Salamat." Sabi niya, ngumiti si jared at tumungo sa kan'ya. "Upo na ulit ako." Paalam niya, tinunguan ulit siya ng binata kaya umupo ulit siya sa bilog na duyan.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya, gusto na niya matulog at bumalik sa apartment niya. Kung saan mahahanap niya ang payapa na lugar, doon makakapag-inom siya at makakapag-sigarilyo na magpapagaan ng loob niya, hindi naman kasi niya magawa pumunta sa bar na pinupuntahan niya dahil naka banned siya doon.

Dahil ilang beses na siya napa-away, and ang huli niya naka-away ay isang VIP customer kaya tuluyan na siya na banned sa lugar na iyon. Malayo pa ang ibang bar sa lugar nila at alam niyang busy ang kaibigan na si kelvin kaya hindi niyang magawang umalis papuntang malayo.

"Lalim ata ng iniisip mo." Napalingon siya sa gawi kung saan nang galing ang boses, akala niya ay umalis na ang binata gano'n nalang ang pagtataka niya nandito pa ito at nakatayo lang sa gilid.

"Pakialam mo." Sagot niya dito, ayaw niya maging mabait dito kahit mukha itong mabait. Sad'yang ayaw niya lang hayaan makapasok ang lalaki sa buhay niya. Ayaw niya.

"Are you sure, you okay?" Mabilis kumunot ang noo niya. Psychology ba 'to? Tanong niya sa isip pakiramdam niya kasi alam nito lahat nakakabasa ito ng isip.

"You look tired, valentina. Gusto mo na ba magpahinga?" Tanong nito. "Oo gusto ko, 'yung wala nang gising na magaganap." Totoong sagot niya dito. Gusto nalang niyang matulog na hindi na siya magising para matapos na ang lahat. Ayaw na talaga niyang mabuhay.

Sawang-sawa na siya mabuhay.

"Don't say that."

"Why?" Taas kilay niyang tanong dito.

"Just don't, valentina. I'm here if you have a problem." Sabi nito, natawa siya.

Tangina. "Kaya ko ang sarili kong problema," Tumayo siya sa pagkakaupo at hinarap ang binata.

"Salamat sa pag-aalala pero, hindi ko kailangan 'yan." Peke siyang ngumiti dito bago niya ito tuluyan tinalikuran at naglakad na papasok papunta sa mansion.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro