Busangot ang mukha ni valentina habang nakaupo siya sa kama sa kwarto niya sa loob ng mansion nang kanilang pamilya.
Sa pilitan siyang isinama ng ina at ama niya papunta sa mansion, hindi pa siya nakakaligo ng gulat niyang makita ang mga ito sa harap ng apartment niya kasama ang mga bodyguard ng mga ito na naging bantay niya din sa nagdaan na taon ngunit lagi niya lang ito tinatakasan.
Mas nainis pa rin siya dahil hindi niya magawang makatakas, naka-lock ang pinto ng kwarto at may mga kadena na din ang kwarto ng binata niya, mukhang pinaghandaan talaga ng magulang niya ang pagkakakulong sa kan'ya sa loob ng kwarto.
Inis siyang tumayo mula sa pagkakaupo at dali-daling pumunta sa pinto ng kwarto at pinagsisipa iyon.
"Mom! Dad! Palabasin niyo ako!" Inis na inis niyang sigaw, ayaw niya murahin ang sariling magulang pero natatangina na talaga siya, lunch time na pero hindi pa rin siya pinapalabas ng mga ito, maski breakfast ay wala siya hindi man lang siya nakaligo nakapantulog pa rin siya hanggang ngayon.
"Mr. Bodyguard or whatever! Open this fucking door! Ayoko dito!" Galit na talaga niyang sigaw at sinusuntok ang pinto pero walang pumansin sa kan'ya hanggang sa mapagod siya ay wala pa rin nangyari kaya inis siyang nagpapadyak.
Tumakbo siya papunta sa telephone sa tabi ng kama niya pero malakas na mura lang kumawala sa bibig niya dahil pinutol ang linya ng telephone niya sa kwarto. Padabog siyang humiga sa kama at doon sumigaw.
Hindi niya na mapigilan ang magalit at maiyak, hindi niya alam kung ilang buwan na naman siyang ikukulong ng magulang niya lalo na ngayon mas dumami ang bantay niya dahil last time ay nakatakas pa rin siya sa mga ito.
Tahimik na umiyak si valentina sa mga unan dahil napapagod na siya, ayaw niyang makulong sa kwarto na 'to, marami siyang masamang alala dito hindi niya kaya manatili dito sa loob ng kwarto.
Umiiyak siya dahil hindi niya gusto makasama ang kamag-anak at pati ang sariling magulang niya na puro manunumbat ang sinasabi sa kan'ya.
"Valentina..." Mabilis siya napatayo sa pagkakahiga at dali-daling tumakbo papunta sa pinto. Wala siyang pakialam kung ano ang itsura niya pero nung narinig niya ang boses na 'yon ay para siyang nabuhayan ng loob.
"Eira, tulungan mo ako makatakas." Hiling niya sa nag-iisang babaeng pinsan na pinagkatiwalaan niya.
Narinig niya ang malakas na buntong hininga ng pinsan alam na niya ang ibig sabihin noon. Hindi siya nito kaya tulungan.
Marahan niya pinadausdos ang katawan pababa hanggang sa maupo siya nang tuluyan sa sahig. "Ba't ba nila ako pinahihirapan nang ganto, eira." Ngumisi siya saka pilit inaalis sa isipin ang mga malulungkot na bagay, dahil kung hindi niya gagawin 'yon ay magtutuloy ang lungkot niya hanggang sa kainin naman siya ng lungkot at tuluyan na naman siya umiyak.
Ayaw na niya umiyak, nasasawa na siya kakaiyak. Wala naman kasi naitutulong sa kan'ya ang pag-iyak kaya ayaw na niya gawin iyon.
"Hindi ko rin alam, tina... Mukhang may balak si tita para magtino ka hindi ko lang alam kung ano, nakita ko siyang kausap sila tita at tito." Mahinahon na sabi sa kan'ya ng pinsan, kumunot ang noo niya dahil sa narinig.
Hindi niya maintidihan ang nararamdaman pakiramdam niya may gagawin talaga ang magulang niya para magtino siya, hindi niya maiwasan hindi isipin 'yon.
Tangina buhay 'to! Sigaw niya sa isip.
"Pinapasabi sa'kin ni tita na... Maligo at magbihis ka raw nang maayos, may bisita ata tayo." Sabi ng pinsan niya, hindi nalang siya umimik. Narinig din niya ang hakbang ng pinsan na babae senyales na umalis na ito.
Tumayo siya sa pagkakaupo sala walang ganang naglakad papunta sa puting cabinet.
Huminto siya sa harap nito at pinagkatitigan iyon, hindi niya alam kung bubuksan niya ba iyon o hindi, marami na siyang masamang alala sa bahay na 'to lalo na sa kwarto niya, halos lahat ng gamit niya sa sariling kwarto ay ayaw na niya hawakan at makita pa sa tuwing nakikita niya ang mga ito bumabalik ang masamang alala niya.
Huminga siya ng malalim saka marahan inangat ang kamay pero hindi pa nabubuksan ito ay marahan na siya umaatras at mariin na pumikit.
"Lumabas kana d'yan... Iha.
Tutulungan kita ba't ayaw mo ba lumabas d'yan..."
Sunod-sunod siyang umiling para maalis iyon sa isipan niya. "Tangina naman!" Naiiyak niyang sigaw, hindi niya maintidihan kahit ilang taon na ang lumipas sa tuwing sumasagi iyon sa isipan niya ay natatakot siya, para siyang batang gusto na umiiyak dahil nawawala ito.
Umatras siya habang nakatingin sa puting cabinet. Lalo lang siya natakot, ayaw na niya hawakan ang bagay na 'yon.
Ayaw na niya balikan ang mga alalang 'yon.
Isa iyon sa dahilan niya kung bakit ayaw na niya sa mansion nila, lahat nang masamang alala ay bumabalik sa utak niya.
Napapagod na siya takbuhan ang mga alalang 'yon.
Mabilis niyang tinalikuran ang puting cabinet at daling-dalaing naglakad sa kama niya, yumuko siya rito at kinuha ang isang kahon na nasa ilalim ng kama.
Marahan niya binuksan iyon. No choice siya kundi suotin 'yon, para sa kan'ya iyon lang ang damit na matino, iyon lang ang damit na hindi babalik ang masasamang alala sa kan'ya.
Kulay asul na bestida iyon, binili niya iyon noon dahil gusto niya sa oras na mamatay siya ay iyon ang susuotin niya pero mukhang hindi niya maisusuot ang damit na iyon sa burol niya.
"Pisting mga hinayupak na sinira ang buhay ko, sinira pa ang pangarap na burol ko." Iling-iling niya kinuha ang bestida at tumayo sa pagkakayuko, binalik niya ang kahon sa ilalim saka naglakad papunta sa banyo ng kaniyang kwarto.
Napipilitan lang siya mag-ayos.
***
Dalawang oras pagkatapos niya mag-ayos ay pinuntahan siya ng pinaka matagal na yaya nila sa bahay, ito ang nag-alaga sa kan'ya ng bata siya ito na halos ang kinilala niyang ina kaysa sa tunay niyang ina.
"'Ya, kailangan ko ba talaga ang mga iyan?" Inis na tanong niya sa yaya niya, ngitian lang siya nito habang patuloy sa pag-aalis ng hikaw sa tenga niya, inayos din ng yaya niya ang buhok niyang kulay abo. Kahit maikli iyon ay nagawan pa rin ng hairstyle.
"Utos ng mommy mo, hayaan muna minsan lang naman mas maganda ka nga tignan kapag wala ang mga iyan tamo mukha ka lalong dalaga dahil sa suot mong bestida, bagay na bagay sa'yo." Malaking ngumiti sa kan'ya ito at pinagmasdan siya nang mabuti, naiinis lang siya dahil sa gusto ng ina niya.
Nagmukha tuloy siyang inosente.
Laking pasalamat niya dahil longsleeve dress ang binili niya noon natatakpan noon ang mga sugat niya sa katawan, malipan sa mga sugat sa binti niya dahil hanggang tuhod lang ang bestida.
"Sino po ba ang bisita ng pamilya ko?" Walang gana niyang tanong, nanatili naman nakangiti sa kan'ya ang yaya niya habang hinahaplos ang buhok niya.
"Kaibigan ng mommy mo, kasama ang anak na lalaki nito." Sagot sa kan'ya, lumaki ang mata niya nang marinig niya ang salitang lalaki parang bigla siyang kinabahan.
Makakakita na naman ako nang panibagong mukha, panibagong lalaki. Sabi niya sa isip, hindi niya maiwasan makaramdam ng takot.
"Halika kana, hinihintay ka na nila." Yaya sa kan'ya, tumungo nalang siya at hinawakan ang kamay ng kaniyang yaya, kabado siya nang lumabas siya sa kan'ya kwarto.
Marahan niyang nilibot ang paningin sa paligid ng mansion, mapait siya napangiti.
Dati nagagawa ko pang-tumawa at tumakbo sa loob ng mansion pero, ngayon hindi ko na magawa... Purok nalang takot ang nararamdaman ko. Sabi niya sa isip.
Marahan ang naging lakad nila hanggang sa makababa sila sa sala, nang makita siya ng ina ay agad itong tumayo, may dalawang tao itong kausap na nakaupo sa harap nito.
Ngumiti sa kan'ya ang ina niya, gusto niya matawa dahil alam niyang hindi totoo iyon.
"Valentina, this is your tita daisy." Pakilala ng mommy niya, tumayo ang ginang at humarap sa gawi niya agad siya nito nginitian, hindi niya alam ang i-re-react.
Agad siya napalingon sa binatang kasama nito, tumayo ito at lumingon sa gawi niya agad itong ngumiti sa kan'ya.
Napatulala siya sa itsura ng lalaki, nakasuot ito ng bilog na salamin, matangos ang ilong, maputi, matangkad, may mahabang pilk mata, at halata talaga ang pagkagwapo. Mukha lang itong hindi marunong mag-ayos na parang isang gwapo na lalaki na madalas niyang makita kapag nasa bar siya.
"Iha, this is my son, jared."
"Hi, valentina. I'm Jared, twenty-five years old, nice meeting you."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro