Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

"Hello?" Antok na sagot ni Valentina sa tawag, antok na antok pa talaga siya dahil ginabi na sila sa pag-aayos ng gamit ni Jared sa apartment niya kaya late na rin sila parehas natulog.

Marahan inalis ni Valentina ang braso ni Jared na nakayakap sa bewang niya saka umupo sa mukha habang nanatiling nakapikit dahil sa antok.

"Valentina, seven pm, pumunta ka rito huwag mong subukan hindi sumunod, gusto ka makita ng Daddy and Lola mo." Natigilan siya nang makilala niya kung kaninong boses iyon, inilayo niya ang cellphone sa tainga para tignan kung tama ba ang hula niya kung sino ang tumawag.

Nang masigurado niyang ang Mommy niya ang tumawag sa kan'ya ay muli niyang binalik ang cellphone sa tainga niya saka nagsalita.

"Anong meron?" Antok niyang tanong, kumunot pa ang noo niya dahil nagtataka talaga siya, hindi naman kasi siya hilig hanapin ng Daddy niya, mas nasanay siya na wala itong pakialam sa kan'ya at hindi siya pinaniniwalaan.

"Your Dad win another big case! Kakauwi lang din ng Daddy mo that's why he wants to have a big celebration." Sagot ng ina niya sa tanong niya, napabuntong hininga si Valentina at hindi napigilan ngumisi.

Naiipaglaban ang iba pero sariling anak hindi mabigyan ng hustisya. Sabi niya sa sariling isip.

"Okay." Iyon nalang ang sinabi niya saka pinatay ang tawag, alam niyang sesermonan siya ng Mom niya dahil binagsakan niya ito ng tawag pero, hindi naman siya interested sa bagay na iyon at inaantok pa talaga siya.

Ibinalik niya ang cellphone kung saan ito nakalagay kanina saka muling bumalik sa pagkakahiga sa tabi ni Jared, yumakap siya rito, narandaman din naman niyang lumipat ang isang braso ni Jared sa bewang niya.

Hindi niya napigilan ang ngumiti at mas yumakap ng mahigpit.

Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na mas pinili ni Jared na talikuran ang manipulative nitong ina para sa kan'ya.

Masaya siya hindi dahil pinili siya, masaya si Valentina dahil nagawa na rin ni Jared magdesisyon para sa sarili niya.

Tumigil na siya sa pag-iisip at ipinikit nalang ang mata maya-maya ay narandaman niya na ang antok at unti-unti siyang hinila hanggang sa tuluyan na siyang makatulog.

***

Kamot ang ulo nang lumabas ng kwarto si Valentina, kakagising niya lang at agad siyang lumabas ng kwarto kahit hindi pa ayos dahil wala sa tabi niya si Jared pagkagising niya.

Kinuskus muna niya ang mata niya bago dumilat nang tuluyan. "Jared." Tawag niya sa binata at ibinaling ang tingin sa kusina bago inilipat ang tingin sa sala, mabilis siyang napahawak sa dibdib dahil sa gulat.

Saktong paglingon niya sa sala ay na roon ang kaibigan niyang si Kelvin.

"Gago, ginagawa mo rito?" Gulat niyang tanong saka naglakad palapit sa binata at naupo sa tabi nito, agad naman niyang narinig ang malakas na ngisi ng kaibigan.

"Visiting you, remember I have a key." Sagot nito sa kan'ya, mabilis nanlaki ang mata ni Valentina at dali-daling humarap sa kaibigan. Ba't niya nga ba nakalimutan na may copy ng susi ng bahay ang kaibigan niya, ngayon lang pumasok sa isip niya na kapag mananatiling may copy ng susi si Kelvin ay baka may oras na mahuli sila nito na may ginagawa na kung ano sa loob ng apartment niya.

"Gago, akin na ang susi." Utos niya, kinutan agad naman siya ng noo ni Kelvin at iling-iling na kinuha ang susi sa bulsa nito at inabot kay Valentina.

"Val, I know you're living with a man right now and I'm happy because kahit papaano sumasaya at ngumingiti kana, but always remember this, kahit marami pa ang dumaan na lalaki sa buhay mo, nandito pa rin ako for you, okay? I'm still your friend." Malambing na sabi ni Kelvin sa kan'ya, maliit naman ngumiti si Valentina kay Kelvin bago niya ito tinunguan, saktong pagtungo niya ay siya rin pagbukas ng pinto.

Pumasok doon si Jared na kakagaling lang sa Grocery store. Agad tumayo si Valentina sa inuupuan at lumapit kay Jared para tulungan ito magbuhat.

Hindi niya mapigilan ang ngumiti nang makitang hindi nito suot ang salamin niya, mas lalo kasi gwapong tignan si Jared kapag hindi nito suot ang salamin pero hindi itatangi ni Valentina sa sarili na mas Hot tignan si Jared kapag nakasalamin ito.

"Hungry?" Tanong ni Jared sa kan'ya. "Medyo." Sagott naman ni Valentina at nauna na maglakad papunta sa kitchen dala ang ibang pinamili ni Jared, agad din naman niyang naramdaman ang pagsunod ng binata sa kan'ya.

Marahan niyang inilapag ang ibang pinamili sa lamesa bago nilingon si Kelvin na nakatayo na mula sa pagkakaupo.

"Val, alis na ako." Paalam nito sa kan'ya.

"Sige, ingat."

Pinanood ni Valentina na makalabas si Kelvin sa pinto, nang masiguradong nakalabas na ang kaibigan ay saka naman niya binaling ang paningin kay Jared.

"Ba't hindi mo ako ginising?" Tanong niya, gusto pa naman niya sana sumama mag-grocery.

"Ayoko, mapapagod ka." Sagot nito, mabilis naman siya umiwas nang tingin dito at hindi napigilan ang sariling mapangiti. Hindi niya nararamdaman ang ganitong pakirandam noon, lahat nang nararamdaman niya ngayon ay bago.

Hindi niya noon nararamdaman ang pag-aalaga pero ngayon nararamdaman niya na. Minsan nga iniisip niya, kung nakatakas kaya siya sa mansion nila ng araw na magpasya ang magulang niya na ipakilala si Jared sa kan'ya, mararamdaman niya kaya ang mga ganitong pakirandam?

Inayos nalang nilang dalawa ang pinamili bago siya nagpaalam kay Jared na mag-aayos muna, habang si Jared naman ay magluluto na ng tanghalian nila dahil tanghali na rin siya nagising hindi na siya nakapag-almusal.

Mabilis naligo lang ang ginawa niya dahil hindi niya trip maligo, black oversized na v-neck shirt, at black na pants ang sinuot niya.

Mainit ang suot niya pero roon siya komportable.

Nang makalabas siya ng kwarto ay luto na ang pagkain at naka-ayos na rin sa lamesa.

"Pineapple chicken lang niluto ko, napansin ko kasi mahilig ka sa chicken and also something sour foods that's why I decided to make Pineapple chicken, it's taste like mix sweet, salt, and sour." Salubong agad sa kan'ya ni Jared, hindi na pigilan ang matawa dahil sa mukha ng binata.

Para bang special customer siya habang di-ne-describe ang pagkain nila.

"Paano mo napansin iyon? Hindi naman ako pala kain." Tanong niya, totoo iyon. Hindi siya palakain kahit pa gutom siya minsan kapag tinatamaan siya ng sapak ay saka lang siya kakain ng sobrang dami at ang susunod na kain ay bukas na ng gabi hindi naman kasi siya nakakaramdam ng gutom kahit hindi agad siya kumain.

Umupo siya sa lamesa at agad naman naupo rin si Jared sa harap niya.

"I disposed of your cigarettes, blade, cutter, and a few sharp objects." Mabilis natigilan si Valentina sa pagsandok ng pagkain at inis na nilingon si Jared.

"Ba't mo pinakealam?!" Sigaw niyang tanong sa binata, ni-kaunting takot ay hindi niya nakita sa mukha ni Jared para bang sanay na sanay na ito sa kan'ya.

Inis na inis siya dahil ayaw na ayaw niya sa lahat ay pinapakaelam ang gamit niya.

"It's not good for you, Valentina. Specially the blade and—"

Inis niyang binitiwan ang kutsyara at tumayo mula sa pagkakaupo.

"Sino ka ba?! Huwag na huwag mong papakialaman ang gamit ko, Jared! Sino ka ba ha?! Sino ka ba sa buhay ko para makialam ng gamit ko? 'di ba wala?! Hindi naman tayo, at walang tayo para makialam ka!" Nanlilisik at inis na inis na sigaw ni Valentina kay Jared.

Akmang iimik na naman siya nang makitang namasa-masa ang mata ni Jared at nag-iwas nang tingin sa kan'ya habang tumutungo.

Hindi pa siya nakaka-imik ay tumayo na si Jared sa pagkakaupo at mabilis siya nitong tinalikuran at tuloy-tuloy na naglakad palabas nang apartment niya.

Inis siyang nagpapaadyak at gusto nalang niyang suntukin ang sarili na mapagtanto kung ano ang mga nasabi niya.

"Tangina!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro