Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

Nakasuot ng itim na jogging pants na pambahay at gray na oversized shirt si valentina habang naglalakad sa paligid ng restaurant ni jared. Dala niya pa ang damit na pinalabhan, nakasuot rin siya ng sumbrelo at mask.

Ayaw siya papasukin ng guard dahil hindi raw pwede, naiinis siya dahil napaka-judger ng mga tao sa loob, oo pang-mamahalin ang restaurant na meron si jared pero hindi porket dahil sa suot niya ay huhusgahan agad siya at hindi pwede pumasok sa mamahalin at magandang restaurant.

Tinatawagan niya rin kasi si jared pero busy ang cellphone nito, siguro nga dahil marami rin itong ginagawa.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa gilid at lumakad muli pabalik sa entrance ng restaurant.

"Ang kulit mo naman ineng, baw-"

"Manong, nand'yan ba may ari? Paki-sabi nga nandito si valentina." Putol ni valentina sa matanda, nauubos na ang pasensya niya sa paulit-ulit na sinasabi sa kan'ya ng matanda.

Pero hindi niya maintindihan ang sarili na kahit ubos na ubos na ang pasensya niya gusto pa rin niyang pumasok at makita si jared. Miss na miss na kasi talaga ang binata.

"Ineng naman, hin-"

"Manong, ubos na pasensya ko. Kilala ko ang may ari, jared pangalan niya." Muling putol niya sa matanda at masama itong tinignan, wala naman nagawa ang matanda kundi mapakamot ang ulo at umalis sa tinatayo para gawin ang sinabi ni valentina.

Pagkaalis na pagkaalis ng matanda at mabilis na pumasok si valentina, hindi niya na pinansin ang mga tingin ng tao sa kan'ya.

Sino ba nga naman ang hindi siya titigan, jogging pants at oversized shirt ang suot niya habang fancy restaurant ang pinasukan niya.

Mabilis napatigil sa paglalakad si valentina ng harangin siya ng dalawang waiter na lalaki.

"Ma'am, do you have a reservation? And also, why are you looking for the owner?" Tanong ng isang waiter sa kan'ya, bumuntong hininga siya at dinistasya ang sarili sa dalawang lalaki. Hindi siya comfort lalo na kung paano siya titigan nang mga ito.

Ayaw man niya manghusga pero alam niya ang paraan nang pagtitig na iyon.

"I don't have a reservation but, I kn-"

Mabilis kumunot ang noo niya at agad nakaramdam nang kilabot nang hindi man lang siya patapusin magsalita ng dalawang lalaki at hinawakan siya ng dalawa sa braso at hinila palabas. Agad niyang nararamdaman ang kaba at takot nang maramdaman niya sa balat niya ang kamay ng dalawang lalaki.

Gusto niyang sumigaw para bitawan siya nang mga ito pero hindi niya magawa dahil ayaw niyang gumawa nang gulo sa restaurant na pag-aari ng lalaking kilala niya.

Pilit siya nagpupumiglas pero malakas ang dalawa, hindi pa siya tuluyan nahihila ng dalawang lalaki palabas ay narinig niya ang sigaw ng isang lalaki.

"Stop, don't touch her." Si jared habang takang-taka siyang tinitignan, agad naman siyang binitawan ng dalawang lalaki kaya nakahinga siya nang maluwag.

Nang ilibot niya ang paningin sa paligid doon niya na kita na halos lahat ng customer ay tinitignan siya para bang nandidiri ang mga ito sa kan'ya.

Agad siyang nakaramdam nang hiya at gusto nalang niya tumakbo, akmang tatalikod na siya para lumabas nang maramdaman niya ang kamay ni jared na humawak sa braso niya.

Taka niya itong tinignan at sinalubong ang tingin nito pero para gusto nalang niyang magsisi na sinalubong niya pa ang tingin ni jared, kitang-kita niya sa mga mata nito ang inis na alam niyang pinipigilan lang ni jared para sa kan'ya.

Walang ano-anong hinila siya nito papasok sa loob looban hanggang sa marating nila ang office ni jared.

Agad siyang pinasok nito sa loob at ni-lock nito ang pinto. Pinaupo siya nito sa isang sofa at kinuha ang bitbit niyang bag at nilapag sa gilid iyon.

Hindi niya alam sa sarili bakig siya kinakabahan, lumuhod sa harap niya si jared para magpantay sila.

"What are you doing here?" Deretsyong tanong ni jared sa kan'ya at seryosong-seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kan'ya.

Parang gusto niyang masaktan dahil sa narinig sa binata.

Ayaw niya ba ako makita? Hindi man lang ba niga ako na miss?

Hindi niya maiwasan hindi tanungin ang sarili, nang makitang masama pa rin ang tingin sa kan'ya ni jared ay nag-iwas siya nang tingin sa binata.

Randam na randam niyang sumisikip ang dibdib niya, pakiramdam niya ay maiiyak siya na parang hindi niya kayang pigilan, gustong-gusto niya pagalitan ang sarili na dahil sa maliit na bagay na iyon ay nasaktan siya.

Pakiramdam niya hindi na siya ang dating valentina na hindi agad nasasaktan dahil sa maliit na bagay, pakiramdam niya nagbago na ang valentina na walang pakialam sa iba.

"Valentina..." Mariin na tawag ni jared sa pangalan niya, kaya wala siyang nagawa kundi napilitan na humarap sa binata ngunit iniwasan niya ang tingin sa binata.

Agad naman niyang narinig ang marahas na buntong hininga nito.

Nakagat niya ang gilid ng bibig niya, parang gusto niyang umiyak na naeewan na rin siya sa sarili niya.

Baliw ka na ba valentina? Tangina? Ba't ka naiiyak dahil kay jared?! Pagalit niya sa sariling isip.

"Answer me..." Mariin muling sabi ni jared, mas napayuko siya at tinago ang mukha. Hinaplos-haplos niya ang mga peklat sa braso habang iniiwas ang tingin kay jared.

Gusto niyang tumawa mula sa pagkakaupo ngunit hindi niya magawa, sobrang lapit sa kan'ya ni jared at inipit nito ang dalawang binti niya dahilan para hindi siya makatayo.

"Isa-"

"Bakit hindi ka nagpakita sa akin? Bakit walang text or tawag?" Putol niya rito habang nanatiling nakayuko at pinaglalaruan ang mga peklat niya sa braso.

Gustong sampalin ni valentina ang sarili niya dahil pakiramdam niya ang arte-arte niya.

"Dahil doon pumunta ka rito?" Tanong ni jared sa kan'ya, hindi niya inaasahan ang tanong na iyon. Mas lalo niya naramdaman na parang ayaw na talaga sa kan'ya ni jared, na ayaw na siya makita nito.

Kaya ba hindi ka nagparamdam? Dahil nagsawa ka sa ugali ko?

Gusto niya mainis nang maramdaman niya na namamasa ang sarili niyang mata na para bang atat na itong umiyak.

Hindi siya umimik pakiramdam niya pipiyok siya kapag ginawa niya iyon, kundi nalang talaga ay tutulo na ang luhang kanina pa niya pinipigilan lumabas.

"Dapat hindi ka na nag-abalang pumunta pa rito." This time hindi na talaga niya kaya, tuluyan na lumabas ang luha sa mata niya, ang bigat nang dibdib niya at randam na randam niya ang kirot doon.

Kung gantong pagmamahal ang sinasabi ni christina, ayoko nalang magmahal. Masakit. Sabi niya sa isip habang umiiyak.

Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang sariling gumawa ng hibik at hindi mahalata ni jared na umiiyak siya.

Hinawakan ni jared ang baba niya at inangat ang mukha niya. Kitang-kita ni valentina ang gulat sa mukha ni jared nang makiga nito ang mukha niya, sinubukan niyang iiwas ulit ang mukha sa binata pero lagi rin itong hinuhulik pabalik ng binata.

"I'm sorry, don't cry please..." Sabi ni jared, hinaplos nito ang mukha niya at pinapahid ang luha niya.

"I don't want to avoid you but, mom... Gusto ni mom na iwasan na kita at iwan, but I don't want, valentina. I want to stay with you but, mom didn't want that. Nung una gusto niyang dumikit ako lagi sa'yo kaso tumawag siya nung nakaraan linggo gusto na niyang layuan kita... I don't want to leave you but, ayoko rin ma-dispoint si mommg sa akin. Kaya ginawa ko ang gusto niya." Paliwanag ni jared kay valentina.

Marahan siyang tumungo, alam na niya naman iyon na sinusunod talaga ni jared ang sinasabi ng ina nito.

"But... If choosing my happiness make her disappoint. I will choose my happiness, valentina. You're my happiness... Thank you for make me realized na, malaki na ako. Hindi naka-depende lahat ng desisyon ko sa buhay sa mommy ko, I love her but, she make me feel I'm worthless, dahil hindi ko man lang kaya gawin ang desisyon na gusto ko..."
Dagdag na sabi sa kan'ya ni jared habang patuloy ito sa paghaplos sa mukha niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro