Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

"Last one." Pamimili ni jared sa kan'ya, kanina pa siya umiling na ayaw na niya dahil busog na talaga siya, gusto nalang niyang mahiga at matulog na ulit pero ayaw siya tigilan ni jared dahil hindi niya pa rin nauubos ang sinadok na soup para sa kan'ya.

"Please, valentina..." Pamimilit pa rin ni jared sa kan'ya, wala nalang siya nagawa kundi pagod na ngumanga at sinubo ang pagkain.

Sunod naman inabot sa kan'ya ni jared ang gamot lagnat at tubig, hindi niya tinaggap iyon at sunod-sunod na umiling.

"Valentina..." Halata niya na nauubusan na talaga nang pasensya sa kan'ya si jared pero, ayaw niya talaga.

Ayaw niya nang gamot, takot siya uminom nang gamot, pakiramdam niya ay bumabara ito lagi at hindi maalis. Malaki na siya pero hirap na hirap pa rin siya uminom ng gamot.

"Ayaw ko..." Paos niyang sabi.

"But, valentina. You need to take this, paano ka gagaling?" Pamimilit ulit sa kan'ya ni jared, umiling naman siya. "Ayaw ko talaga, hindi ako marunong. Gagaling ako sa tulog." Sagot niya rito, bumuntong hininga si jared saka binaba ang tubig at gamot sa side table.

"You don't really want to drink it?" Tanong ulit sa kan'ya ni jared, tungo naman ang sinagot niya sa binata, wala naman nagawa si jared kundi hayaan nalang sa gusto si valentina.

Ayaw niya itong pilitin, hindi niya ugali mamilit.

"Okay..." Iyon lang ang lumabas sa bibig ni jared bago siya nito inalalayan mahiga nang maayos. Humiga siya nang maayos sa kama at mas binalot niya ang sarili sa makapal na kumot.

Nilingon niya si jared na nakaupo sa kabilang side ng kama habang tinititigan siya. "You shouldn't drink alcohol, anymore."

Agad naman kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ni jared, pakiramdam niya ay sinisisi ng binata ang alak kaya siya nagkasakit.

Hindi niya nalang pinansin ang sinabi nito at pumikit nalang, hindi talaga kaya nang katawan niya magsalita at gumalaw masyado.

"I already called you mother, nasabi ko na you sick kaya hindi ka makakapunta." Sabi ni jared, alam niyang siya ang kausap nito dahil silang dalawa lang naman ang tao sa apartment niya.

"I need to cook for our lunch, valentina. Go on sleep well." Sabi nito ulit sa kan'ya, naramdaman niyang tatayo na ito mula sa pagkakaupo kaya agad niya itong hinawakan sa pulsuhan para piligilan.

"Why?" Halatang-halata niya ang pagtataka sa boses ng binata, pangalawang beses na niya ito piniligilan sa tuwing aalis ito sa tabi niya, kung si jared ay naguguluhan sa mga bagong galaw niya, mas lalo na siya naguguluhan din siya sa sarili niya.

Hindi niya alam ba't hinahayaan na niya si jared makapasok na lalo sa buhay niya, kung dati ayaw na ayaw niya mangyari ang bagay na iyon pero eto siya ngayon at hinahayaan ang binata na, pasukin na tuluyan ang tahimik at magulo niyang buhay.

"Stay here, tabihan mo ako." Nakapikit niyang sabi, hindi niya nakikita ang reaction ni jared pero alam niya sa sarili na naguguluhan si jared sa desisyon na gagawin.

"You sure? What if you're not still comf—"

"Jared... Please? Stay, I already told you, kagabi I am comfortable with you." Paos na paos na sabi ni valentina, pilit niyang pinapakalma ang sarili niya para hindi sumigaw, kasi kung uulitin ni jared ang sinabi nito kagabi sa kan'ya siguradong magtatalo na naman silang dalawa.

Hindi niya kasi talaga maintindihan bakit pinagpipilitan ni jared ang bagay na iyon, alam naman kasi niya sa sarili niya na hindi siya tanga para hayaan si jared na hawakan at tabihan siya kung hindi siya comfortable sa binata. Baka una pa lang kung hindi talaga siya comfortable sa binata ay pinalayas na niya ito.

Narinig niya ang buntong hininga ni jared bago niya naramdaman na tumabi ito sa kan'ya, gumalaw naman siya sa pagkakahiga at siya na mismo ang yumakap kay jared.

Binalot niya nang kumot ang katawan nilang dalawa at mas hinigpitan ang yakap kay jared, ramdam na ramdam niya ang paninigas at gulat nito dahil sa ginawa niyang pagyakap, pero wala siyang pakialam dahil doon siya comfortable at nakakaramdam nang gintawa.

Hindi pa siya nakontento at mas isiniksik pa niya ang sarili niya kay jared, inilagay niya ang ulo niya sa leeg nito at isiniksik nito ang mukha sa leeg ni jared. Ramdam na ramdam niyang tumaas ang balahibo nito.

"Valentina..." Namamaos na tawag ni jared sa kan'ya, gusto niyang magtaka bakit namamaos ang boses nito pero hindi na niya binigyan pansin iyon at mas siniksik nalang ang sarili kay jared.

Ipinatong pa niya ang isang binti sa mga binti ng binata.

"Okay lang bang ganto?" Mahinahon niyang tanong kay jared, nakapikit pa rin siya at nanatili ang mukha sa leeg ni jared. Hindi niya mapigilan mapangiti dahil amoy na amoy niya ang mabango na pabango nito.

"Yeah... If you're comfortable with that, I'm okay with that." Sagot nito sa kan'ya kaya ngumiti siya, inayos niya ang sarili sa pagkakapulupot sa katawan ni jared at hinayaan na ang sariling antukin.

Pero ilang minuto na ang lumipas hindi pa rin siya inaantok, kaya inalis niya ang mukha niya sa leeg ni jared at tinitigan niya ito, lumingon ito sa kan'ya kaya napaatras ang mukha niya. Muntik na magtama ang mga labi nila.

"Why?" Tanong sa kan'ya ni jared pero hindi siya nakasagot, hindi niya maiwasan humanga sa mukha ni jared, sobrang lapit nito sa kan'ya at kitang-kita niya ang magandang mukha nito.

Mas lalo itong naging gwapo dahil hindi nito suot ang salamin.

Hindi niya napigilan ang sariling iangat ang isang kamay at hawakan ang mukha ni jared sa sobrang mangha.

Parang si jared na ata ang pinaka gwapong lalaking nakilala niya.

Hinaplos-haplos niya ang mukha nito, para sa kan'ya ito iyong gwapong hindi nakakasawa titigan.

"Ang gwapo mo..." Hindi niya napigilan ang sarili magsalita at ngumiti nang malaki, ngiting totoo at walang halong peke.

Patuloy pa rin siya sa paghaplos sa mukha nito.

Inilibot niya ang paningin sa buong mukha ni jared at tinitigan ang mata, ilong, pilik mata, hanggang sa tumigil siya sa labi nito.

Hindi niya alam sa sarili pero parang gusto niya lapitan ang labing iyon, pulang-pula iyon at halatang naaalagaan, hindi katulad nang kan'ya na sobrang putla na.

Titig na titig siya sa labi ni jared, dahan-dahan lumipat ang kamay niya papunta sa labi nito at hinaplos niya ito gamit ang isang daliri niya.

Marahan siyang nag-angat nang tingin kay jared habang hindi nawawala ang ngiti niya sa labi. Titig na titig din ito sa kan'ya lalo na sa labi niya.

"I want to kiss you, valentina... But I don't want to disrespect you..." Umawang ang bibig niya dahil sa narinig, bigla niya nailipat ang tingin sa labi ni jared bago muli nag-angat nang tingin sa binata.

"P-Paano kung... Sabihin kong gusto ko rin?" Kinakabahan niyang sabi, nahalikan na siya noon aksidente sa bar pero, hindi niya alam kung ano ba talaga ang pakiramdam noon, lasing kasi siya noong mahalikan siya.

"Can I kiss you, valentina?" Tanong nito sa kan'ya at titig na titig pa rin sa labi niya, hindi niya maintindihan ang sarili pero marahan siyang tumungo bilang pagsang-ayon.

Marahan siyang pumikit agad din niyang naramdaman ang labi ni jared sa labi niya, hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya bago dahan-dahan nagsimula gumalaw ang labi nito sa labi niya.

Hindi alam ni valentina pero, tuwang-tuwa siya sa pakiramdam na nararamdaman niya habang hinahalikan siya ni jared, pakiramdam niya ngayon niya lang naramdaman ang bagay na iyon.

Damn... My heart.

Sobrang bilis ng puso niya, hindi niya alam kung ano ang dahilan, dahil ba sa kaba o dahil naghahalikan sila.

Dahil hindi naman siya marunong humalik ay sinasabayan niya lang ang bawat galaw ng labi nito, ipinulupot niya ang dalawang braso niya sa leeg nito at mas lalong idiniin ang pagkakahalik nila sa isa't isa.

Patagal nang patagal mas bumabagal ang galaw ng labi ni jared sa kan'yang labi, hanggang sa pinutol na ni jared ang halikan nila dahil parehas na silang kinakapos nang hininga.

Titig na titig sila sa isa't isa habang naghahabol nang hininga, hindi maintindihan ni valentina dahil mas bumibilis lalo ang tibok ng puso niya.

"Ano bang ginawa mo sa akin... Bakit ako nakakaramdam ng ganto?" Tanong niya kay jared pero imbes sagutin siya nito ay hinawakan ng binata ang magkabilang pisngi niya saka muli siya siniil ng halik na agad naman niyang ginantihan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro