Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

Gabi na at nakauwi na sila, ilang linggo rin ang lumipas at ganto madalas ang gawin nila ni jared, basta kasama niya si jared nakakalayas siya.

Masakit na ang ulo niya dahil naka-inom siya ng alak, kakagaling lang nila sa bar kahit ayaw na ni jared papuntahin siya doon ay wala naman itong nagawa dahil iyon ang gusto niya.

"Water?" Rinig niyang tanong sa kan'ya ni jared, ungot lang ang sinagot niya dito at binagsak ang katawan sa kama.

Hindi pa naman talaga siya lasing, sad'ya masakit lang ang ulo niya kanina mas sumakit lang nung maka-inom siya kaya pinili nalang niya umuwi ng maaga para makapag-pahinga na.

Kailangan niya rin kasi ayusin ang sarili bukas, hindi pwedeng amoy alak at halatang galing siya sa bar bukas dahil pupunta siya sa La Sanchez Private Resort, pag-aari ng pamilya ng mama niya, may magaganap na malaking party para sa lolo niya sa mother side niya.

Kailangan niya unattend doon kahit ayaw niya. Wala naman siyang magawa kundi sundin lagi ang gusto ng magulang, minsan nga pumapasok sa isip niya kailangan ba talaga siya makakalaya sa puder nc magulang niya.

"Here." Marahan siyang tumayo sa magkakadapa sa kama at umupo ng maayos, kinuha niya ang tubig at agad niyang nilagok niya, pakiramdam niya ay lalagnatin siya sa sobrang sakit ng ulo at sama ng pakiramdam niya.

Sa totoo lang ay nung isang araw pa masama ang lasa niya pero ayaw niya sabihin kay jared lalo na hindi naman niya ugali magsabi kapag may sakit siya, hindi rin naman siya makahingi ng tulong sa kaibigan na si kelvin dahil alam niyang busy din ito sa sariling problema sa buhay.

Ayaw niyang dumagdag pa siya, marami na naitulog sa kan'ya si kelvin, sapat na ang mga bagay na iyon ayaw niya pa ito idamay sa mga gulo na meron siya.

Nilingon niya si jared at inabot dito ang baso na wala nang laman na tubig, titig na titib ito sa kan'ya kaya kumunot ang noo niya dahil sa paraan na pagtitig sa kan'ya ni jared. Hindi naman siya naiilang pero, na wei-weirdohan, oo.

"Ano?" Taka niyang tanong kay jared habang nakakunot pa rin ang noo, umiling lang sa kan'ya si jared at hindi nagsalita kaya mas lalo siyang nagtaka, sa ilang linggo nilang halos araw-araw magkakasama ay hindi siya tinititigan ni jared kapag hindi ito nakakapansin ng mali sa kan'ya kaya nagtataka siya ngayon.

Tumayo si jared sa pagkakaupo sa kama niya pero bago pa humakbang palabas ng kwarto niya ang binata ay hinawakan niya ang kamay nito para pigilan ito sa balak na paglabas.

Nilingon siya nito, nahalata niya ang gulat sa mukha ni jared kaya agad niyang binitawan ang kamay nito at nag-iwas nang tingin, maski siya sa sarili niya ay nagtataka.

Hindi niya naman kasi hinahawakan si jared kasi madalas ito ang humawak sa kan'ya lalo na kapag nagpapasaway siya ay hinihila na siya nito kaya hindi na siya magugulat kung makita niya ang reaction ni jared sa action na ginawa niya.

"Why?" Kalmado na tanong ni jared. Naka-iwas pa rin ang tingin ni valentina kaya hindi niya alam ang reaction ni jared.

"Ano... Uhm... Dito ka ba matutulog?" Tanong niya, 'yon nalang ang naisip niya dahil hindi niya talaga alam sa sarili kung bakit niya pinigilan si jared sa paglabas pero, alam niya sa sarili niya na gusto rin niya malaman kung saan matutulog si jared.

Madalas kasi ay sa labas ito natutulog sa sasakyan nito o sa sala ng apartment niya, ayaw naman niya maging madamot sa kama pero iisa lang ang kama at kwarto sa apartment niya at hindi rin niya alam kung kakayanin niya makatabi si jared sa pagtulog.

Oo, medyo nagiging komportable na siya kay jared at hindi na siya na-iilang sa binata pero, hindi niya maiwasan matakot na baka mamaya ay managinip siya ng masama at akalain niyang masamang tao si jared at masaktan niya ito kaya ayaw niya ito itabi kahit alam niya sa kaloob-looban niya okay lang sa kan'ya na tumabi sa pagtulog niya ang binata.

"Maybe outside or, sa car ko. Why?" Hindi siya nakaimik, hindi niya maiwasan mainis sa sarili na bakit ngayon lang pumasok sa isip niya na baka nilalamok or uncomfortable ang nagiging tulog ni jared sa sasakyan o sa sala, matanda si jared kaya hindi ito kasya sa sofa niya.

"Napaka selfish mo naman valentina, sa kagustohan mo makalayas lagi nag-stay sa'yo si jared para samahan ka at makatakas ka." Mahinang bulong ni valentina sa sarili at sigurado siyang hindi iyon maririnig ni jared.

Inilipat niya ang tingin kay jared at hindi na nga siya nagulat nang makitang titig na titig ito sa kan'ya at naghihintay ng sagot.

Tangina, valentina. Para kang siraulo. Sabi niya sa sariling isip.

"Uhm... Dito kana matulog sa loob." Imik niya, tumungo naman si jared.

"Okay, since gabi na baka hindi ko kaya makarating sa parking lot. So for sure sala ang pagtutuluga—" Umiling-iling nang mabilis si valentina kaya naputol ang pagsasalita ni jared.

Kunot noo siyang tinignan ni jared. "Why?"

"I mean... Dito..." Gagi ka valentina. Sabi niya sa sariling isip na para bang nahihiya kahit hindi naman siya mahiyain.

"Kana matulog sa... Kwarto ko..." Pagpapatuloy niya sa sinasabi, para siya nahugutan ng hiningan nang masabi niya na ang mga salitang iyon.

Sino ba hindi mahihirapan magsabi sa isang lalaki na dito matulog sa tabi mo, baliw. Sabi niya na naman sa sariling isip na para bang may kausap siya.

"You... Know... I know you're not comfortable, valentina..." Aniya, kaya kinunotan siya ng noo ni valentina, kahit masakit ang ulo at nahihilo niya ay pinilit niyang tumayo na agad naman siyang nilapitan ni jared para alalayan.

Nang makatayo na siya nang maayos ay deretsyo niya tinignan si jared, kinakailangan niya pa tumingala nang kaunti dahil mas matangkad si jared sa kan'ya.

Seryoso niya itong tinitigan sa mata gano'n din ang ginawa ni jared.

"Yakapin mo ako." Seryoso niyang utos, muli na naman kumunot ang noo ni jared dahil sa pagkagulo.

Bumuntong hininga si valentina at hinakbang ang pagitan nila ni jared, kinuha niya ang dalawang braso nito at niyakap sa bewang niya bago muli inangat ang tingin kay jared na gulat na gulat habang mababasa sa mata ang pagka-gulo at pagka-taka.

"See, I'm comfortable with you, sleep with me, then." Sabi niya rito, hindi umimik si jared dahil sa sinabi niya at nanatili ang gulat sa mukha habang tinititigan siya.

"Valentina, I know you're not comfortable— stop!" Hindi na nito matapos ang sasabihin dahil mas hinapit niya palapit si jared sa kan'ya inilagay niya rin ang dalawang braso sa bewang nito.

"See. I'm comfortable and if I'm not, I will punch you." Sabi niya kay jared, hindi na ito nakagalaw dahil mas hinigpitan niya ang kayakap kay jared.

"You're not comfortable, valentina. You're just forcing you—"

"Tangina, isang pilit mo pa susuntukin na kita mukha na akong tanga jared, tumabi kana kasi! Ikaw ba si ako ha?! Makapag-desisyon  'to! Desisyon ka?!" Inis niyang sabi at humiwalay sa pagkakayakap.

Tumungo nalang si jared sa kan'ya kaya maliit siyang ngumiti sa binata at bumalik sa pagkakahiga sa kama, hindi naman sobrang liit ng kama at kasya talaga silang dalawa.

Puwesto si valentina sa kabilang gilid at napilitan naman mahiga si jared sa tabi ni valentina.

Narinig ni valentina ang malalim na paghinga ni jared kaya nilingon niya ito, deretsyo nakatingin si jared sa kisame hindi man lang siya magawang lingunin.

"Ayaw mo ba ako katabi?" Tanong niya kay jared, iling naman ang sinagot sa kan'ya. "Eh ba't gan'yan itsura mo?" Takang tanong ni valentina.

Huminga nang malalim si jared bago siya nilingon at nagsalita. "I know my bad things na nangyari sa past mo, valentina..." Panimula ni jared.

"Sa ilang linggo at halos isang buwan kang kasama, nakamasid lang ako lagi sa'yo," dagdag nito, tama ito dahil lagi nga itong nakamasid sa bawat galaw na ginagawa ni valentina.

"Nakikita ko kung gaano ka ka-uncomfortable pagdating sa lalaki, valentina. Maski sa kaibigan mo na si kelvin hindi ka magawang hawakan at yakapin kasi alam nito na uncomfortable ka. Ngayon sinasabi mo sa akin you're feel comfortable with me." Patuloy nito, hindi siya nakasagot at nakipagtitigan lang siya kay jared.

Dahil tama lahat ng sinabi ng binata tungkol sa kan'ya, si kelvin na kaibigan niya nakakalapit niya pero hindi niya ito niyayakap kahit gaano alam na rin naman ng kaibigan na lalaki ang dahilan.

Pero ngayon siya mismo ang nag-yaya kay jared na tabihan siya matulog.

Gulong-gulo na siya sa sarili niya.

Basta ang alam niya comfortable talaga siya kay jared. "Eh sa, comfortable ako sa iyo. Anong magagawa mo? Matulog nalang tayo, isipin mo nalang may tiwala na ako sa'yo." Sabi ni valentina kay jared at tinalikuran na niya ito at humarap sa kabilang gawi.

Kinuha niya ang kumot at agad binalot ang katawan.

"Good night." Sabi niya at palihim na ngumiti.

"Good night, sweet dreams, bella donna." Sabi ni jared sa kan'ya, kumunot ang noo ni valentina dahil hindi niya alam kung sino ang tinutukoy na "bella donna" ni jared, hindi niya alam kung tao ba iyon o ano.

Hindi nalang siya nagtanong pa at pumikit nalang at matulog, ayaw niya isipin na ex ni jared ang tinutukoy nito na "bella donna"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro