Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

TRIGGER WARNING! This chapter contains bad scene, bad words, and many more, read at your own risk.

Masamang ang loob ni valentina nang umuwi ito sa sariling apartment. Bago pa kasi siya umalis sa mansion kung saan siya galing ay sunod-sunod na mura at masasamang salita ang narinig niya mula sa sariling magulang, hindi na bago sa kan'ya ang mga gano'n na bagay pero hindi niya pa rin maiwasan masaktan na dahil mas kaya paniwalaan ng sariling magulang ang ibang tao kaysa sa paliwanag niya bilang anak ng mga ito.

Inis niyang nilapag ang itim na bag sa kan'yang kama at saka dumiretsyo sa bathroom ng kaniyang apartment.

Mabilis siyang naghilamos ng mukha para mapigilan ang sariling maluha, tumungay siya at tinitigan ang sarili sa salamin na nakadikit sa ding-ding sa ibabaw ng lababo.

Kulay abo na buhok, maraming hikaw sa magkabilang tenga, may ahit ang isang kilay, maikling buhok, at ang pagod na mukha ni valentina, iyan ang nakikita niya sa salamin habang tintitigan ang sarili.

"Tangina." Malutong niyang mura at malakas na hinampas ang salamin sa harap niya hindi niya ininda ang sakit kahit nabasag niya ang salamin, hindi niya mapigilan hindi sisihin ang sarili dahil tama naman lahat nang sinabi ng sariling magulang sa kaniya kanina, pabigat siya at walang silbi.

Galit na galit ang mga magulang ni valentina sa kaniya dahil nahuli siya nang mga ito na may hawak na patalim habang nakatutok iyon sa kaniyang pinsan na lalaki.

"Putangina talaga, hayop." MUmura niya muli at hindi na napigilan ang sarili na sunod-sunod sinuntok ang salamin sa harap niya hanggang sa nabasag iyon nang tuluyan, nilingon ni valentina ang mga bubog na nagkalat sa sahig bago niya nilingon ang kamay niya puno ng dugo.

"Hayop nabuhay 'to, kapag sinubukan ko na naman patayin ang sarili ko ay walang mangyayari, mabubuhay pa rin ako at maliligtas, tangina na 'yan." Sabi niya at pekeng tumawa, gusto niya umiyak dahil sa sama nang loob na meron siya pero hindi niya magawa, dahil maski ang sariling mga mata ay napagod na,

Natawa si valentina sa sariling naiisip na, sa loob ng maraming taon na puro iyak at pagmamakaawa ang ginawa niya ay para pala siyang tanga, dahil ngayon na gusto na niya umiyak muli ngunit walang lumalabas.

Umiling siya at hinugasan ang sugat, lumabas siya sa bathroom saka nagpunta sa kama niya at kinuha ang cellphone, mabilis niya idinial ang number ng kaibigan na lalaki.

Si kelvin. Si kelvin ang bugod tangi lalaking pinagkakatiwalaan niya, kagaya niya ito noon, rebelde ngunit nagbagong buhay pero siya, wala na talaga siyang nakikitang pag-asa para magbago pa.

"Ano nangyari sa'yo, valentina?" Salubong na tanong agad-agad ng kaibigan na lalaki sa kan'ya, bahagya siya natawa. Dahil kilalang kilala na siya ni kelvin, alam ni kelvin ang ugali ng kaibigan na babae.

Hindi ugali ni valentina ang tumawag basta sa kan'ya, tatawag lang ito sa kan'ya kapag may kailangan or may mabigat na problema, naiintindihan naman ni kelvin ang kaibigan dahil simula highschool ay magkasama na sila.

"Dala ka gamot dito, tska pagkain na din nagutom lang ako sa peste na mansion na 'yon, parang kasalanan ko pa ah. Sila naman itong nagyaya." Mahaba niyang sabi habang ang paningin ay nasa kamao na dumudugo.

"Okay, may dadaanan lang ako." Sabi ni kelvin sa kan'ya, kumunot ang noo niya.

"Animal ka talaga 'no?" Tumawa siya at napangisi nalang. "Stalker ka talaga ni alexa." Tumawa siya muli bago humiga ng maayos sa kama at huminga ng malalalim.

"Crazy, titignan ko lang situation niya I hope she's still okay, kwento ka sa'kin mamaya ano nangyari sa mansion niyo, bye na bili na din kita ng bagong damit mukhang susunugin mo na naman ang suot mo ngayon." Napairap naman si valentina dahil sa daming sinabi ng kaibigan sa kan'ya.

Siya na mismo ang pumatay sa tawag at basta nalang binato ang cellphone niya sa kung saan. Inilagay niya ang isang kamay sa mukha at pumikit.

"Nakakatangina na talaga mabuhay." Wala sa sarili niyang sabi, hinayaan niya lang ang sarili pumikit ng matagal hanggang sa maramdaman niya ang antok at tuluyan na siya nakatulog.

***

Mabilis nagising si valentina dahil sa masamang mangungot, naninikit ang dibdib niya at nanginginig ang dalawang kamao niya.

Sunod-sunod siyang huminga ng malalim hanggang sa mapakalma niya ang sarili niya, nilingon niya ang dalawang kamao na nanginginig kanina na kalmado na ngayon.

Hindi na siya nagtaka kung bakit malinis na ang sugat niya, dahil alam niyang nilinis na iyon ni kelvin, may susi ang kaibigan ng apartment niya dahil sa ugali na meron siya noon kaya hanggang ngayon ay may susi pa rin ito ng apartment niya.

Nilingon niya ang maliit na lamesa sa loob ng kwarto niya, may pagkain doon na mukhang bagong bili lang galing sa isang restaurant. Marahan siyang umalis sa pagkakahiga saka lumakad sa lamesa.

Agad siya napangiti ng makita ang mga bagong damit, grocery, at mga panlinis ng sugat. Nilingon niya ang maliit na papel kung saan may iniwan na mensahe ang kaibigan.

Hindi na kita ginising, I know na antukin ka. Nag-aaway na naman sila mom and dad kaya hindi na ako nagtagal pa, eat your dinner na and also please stop making trouble valentina, 'wag kana din magbasag ng salamin dahil hindi na kita papalagyan pan-sampo na 'yan. Goodnight. -Kel

Umiling si valentina sa nabasa, hindi niya alam kung maiinis ba siya or matutuwa sa sinabi ng kaibigan. Umupo siya sa upuan na nasa tabi ng lamesa saka binuksan ang pagkain na binili para sa kan'ya ng kaibigan.

Nilingon niya ang orasan at doon niya nakita na alas-nuebe na nang gabi.

***

Pagkatapos kumain ay inayos niya ang mga grocery at mga bagong damit na binili para sa kan'ya, twenty-six na siya pero hindi pa rin siya marunong magluto maliban sa pagsasaing.

Sino ba naman ang may oras pa mag-aral magluto kung mamatay din naman. 'Yan lagi ang sinasabi niya sa utak niya.

"Bwisit... Bwisit..." Sabi niya habang binababad ang sarili sa bathtub. Naitapon niya na ang damit na suot kanina. Hindi na niya muli gusto suotin 'yon. Dahil nadumihan na iyon, nahawakan ng isang halimaw nakilala niya.

"Grabe... Hindi ko maintindihan sila, gusto nila ako mag-aral pa rin para ano? Mapamukha sa mga tao na matatalino at matitino ang nasa pamilya namin, tangina na 'yan." Sabi niya sa sarili.

Senior high lang ang natapos ni valentina muntik pa nga hindi matapos, hindi na niya kinaya ang mag-aral pa dahil sa mga problema dinadala niya mag-isa. Hindi rin niya makita ang sariling mangrap. Basta ang alam niya sa sarili ay wala siyang pangarap.

Hindi niya din alam kung ano pa ba ang purpose niya sa mundo, ayaw na naman niya mabuhay dahil pagod na siya magsinungaling sa mundong hindi naman niya pinili, pagod na siya magtiwala sa mga taong hindi niya alam kung totoo pa ba sa kan'ya.

Basta isa ang pinaka pinangako niya sa sarili.

Hindi niya pagtatangkaan muli ang sarili na patayin muli ang sarili ngunit, sa oras na magkasakit siya hindi siya magdadalawang isip na hindi lumaban.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro