chapter 3
A/N:
One of my friends told me to have KN as the characters para hindi na daw ako mahirapan.
So KN na lang. I am planning on changing my book cover to KN cover pero until then, yan na muna yung cover.
If you want, you can imagine KN as the characters, para may idea na kayo. But if you don't want to imagine KN as the characters, you can imagine other people. It's okay.
sorry for the wait! eto na!
primera cita [ n. ]
________________
first meeting.
MAXINE.
Pumasok na kami sa Buena Hotel agad naman kami lumakad sa may red carpet para kunan kami ng litrato bago kami dumiretso sa reseved seats namin. May isang babae ang lumapit sa amin. Matangkad siya, maputi, with jet black hair at mukhang may pagka mestiza siya. I wonder who she is.
" Hello! I am Cassandra. I am so glad to meet you! I have been expecting the three of you. Your parents informed me that you will be attending the fashion show and they already told me that they can't come. Anyways, may I know your names?" sabi ni Cassandra. Siya pala yung gumawa ng event na ito. I already feel that she is nice base lang sa tone ng pananalita niya. Pinakilala naman namin ang isa't isa.
"Nice to meet you too. I am Maxine. This is my twin Josiah..." sabi ko sabay turo kay Josiah na titig na titig sa kausap namin. Gosh, pati ba naman dito. "...and this little girl is my sister, Victoria." sabi ko naman habang tinuturo si Victoria na ngayon ay karga ni Josiah. Ngumiti naman siya at nag-hi rin kay ma'am Cassandra. Narinig naman namin ang pagsabi ng emcee na magsisimula na ang fashion show.
"Well, I guess we shall have to continue our chat later on, then? I will lead you to your seats. Please follow me." sabi ni Cassandra at dinala niya kami sa harap kung saan naroon ang tatlong reserved seats na may mga pangalan namin na nakalagay sa isang maputing papel.
Umalis na si Cassandra at umupo na kami sa seats namin at nagsimula naman yung fashion show. This fashion show is for a charity purpose, kumbaga lahat ng perang makukuha ngayon at mapupunta sa mga women who are diagnosed with breast cancer sa selected hospitals na pinili ng coordinator o organizer ng event na ito, which is si Ma'am Cassandra.
Natapos na yung fashion show at pumunta kami sa conference room ng hotel for the after party. Ayoko na sanang pumunta sa after party pero pinilit ako nitong si Josiah na pumunta tutal naman walang mangyayaring masama. Sana nga. Gosh, he is so! Ugh! Kung alam ko lang he just wants to attend the party for the ladies. Ito kasing kambal ko, he is known for being a flirt. Kaya we went to the conference room and hell, it was so noisy inside! Buti nalang at kami nalang ni Josiah ang pumunta. Hindi na namin sinama si Victoria kasi kanina pa siya inaantok kaya pinasundo na namin siya. At baka masira pa yung ears niya sa lakas ng sound.
Naghiwalay na kaming dalawa ni Josiah, may mga kaibigan rin pala siyang andito sa event. Sinubukan kong hanapin si Miss Cassandra since narinig ko nabanggit ng ilang mga guests na ayaw niya daw yung tinatawag siyang ma'am, kaya miss nalang.
Hindi ko nakita si Miss Cassandra. Kaya naman I headed sa may bar corner at nagorder ng coke. Yes, coke. Ayokong malasing although hindi naman ako madali malasing. Ayoko kasi alam kong malalasing tong kakambal ko kaya it's better if one of us is sober. At ako na yun. He will be drunk, ngayon pa sa nakikita kong mga kasama niya ngayon. There's no doubt.
Dumating na yung coke ko nang may lalaking tumabi sa akin. Naramdaman kong nakatitig siya sa akin. Anong problema neto?
"Pansin kong kanina ka pang nakatingin. Do I know you?" sabi ko pero hindi ako nakatingin sa kanya.
Ilang segundo na ang dumaan pero wala akong narinig na sagot galing sa katabi ko. Lasing na kaya siya? Baka naman akala niya lasing na ako? Kasi hindi ko tinaas ang ulo ko? Inangat ko naman ang tingin ko and I met a pair of hazel brown eyes which were staring deeply at me.
Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya at naramdaman ko ang pamumula ng mga pisngi ko. I'm not blushing! Narinig kong tumawa siya.
"Bakit ka tumawa? May nakakatawa ba?" sabi ko.
Ngayon nakatingin na ako sa kanya ng maayos. Siguro naman hindi niya mahalata ang namumula kong pisngi. Ngumiti naman siya bilang sumagot.
"Nothing. Bakit mo tinago yung mukha mo? Akala ko kasi lasing ka. Well, are you?" Aniya in a husky voice.
Damn that voice. Dumating na yung drink niya at agad naman napalitan yung atensyon ko doon sa drink niya bago ko siya tignan ulit. Light lang yung iniinom niya. Siguro ayaw niyang maglasing.
"Wala namang nakakatawa. And no, hindi ako lasing. Coke lang nga itong iniinom ko eh. There, does it answer your question?" sabi ko sabay tinaas ko yung baso ko.
I'm not pissed off or anything. I just don't want someone talking to me right now. But I guess us talking is not so bad. I just hope that he doesn't get that first impression of me.
"Wel–"
Bago pa siya makapagsalita, dumating naman yung kambal ko. Tinitignan lang kami ng katabi ko. "Bakit andito ka lang? Let's enjoy! Walang kj! Tara na!" hinila niya ang kamay ko pero pumiglas naman ako sa hawak niya.
"Ayoko. Dito lang ako. Pumunta ka na doon, mukhang tinatawagan ka na ng mga kaibigan mo." Sabi ko. Pero bago umalis si Josiah, tinignan niya naman yung katabi ko. Lumaki ang mata niya nang makita niya ito.
"Oh? Ikaw pala yan bro! Kamusta ka na? Halika, punta tayo sa table namin nandoon sila. Tara na?" sabi niya sa katabi ko. Kumunot naman ang noo ko. Kilala pala to ni Josiah? Wala naman akong alam na kilala niya pala itong katabi ko. Matanong nga mamaya. He seems familiar. And that makes me curious.
Ngumisi naman yung katabi ko at tinignan ako bago sumagot, "Ayos lang naman. Sige pero ikaw nalang ang pumunta doon. May hinihintay kasi ako." May hinihintay? Sino naman? Eh hindi ko naman nakitang nilabas niya ang cellphone niya. Hinihintay my ass! Yan ba ang dahilan kung bakit light lang yung iniinom niya?
"Ganon ba? Osige, ingat bro. Mauna na ako." paalam ng kapatid ko.
"Sige." sabi niya.
Humarap naman yung kakambal ko sa akin at tinaas baba niya ang dalawa niyang kilay. Heck! I know what he meant by that. Tinignan ko naman ulit yung katabi ko.
"Magkakilala kayo?" sabi ko habang tinutukoy yung kapatid ko. Lumingon naman siya sa akin.
"I'm sorry but I am afraid we still don't know each other. May I know your name? Miss?" sabi niya. Inirapan ko lang siya. Pagkatapos niya akong sabihan na 'we still don't know each other'?! Bakit ko naman sasabihin ang pangalan ko sa kanya? Hindi naman siya mukhang masamang tao kaya why not.
"Maxine. And you are?" tanong ko.
I waited for him to reply pero biglang tumunog yung cellphone niya, "Hello? Yes, I'll be right there. Bye." sabi niya sa kabilang linya. Sino yung kausap niya? Girlfriend? Tumingin naman ako sa kanya, hindi niya pa sinasabi ang pangalan niya. So ano to? Is he going to leave me hanging?
"Sorry but I have to go. Something urgent happened." sabi niya. Ganun ba? You may go!
"Wait, hindi mo pa nga sinasagot yung tanong ko. Magkakilala ba kayo?" tanong ko ulit.
"Yes. I am a good friend of your brother." Aniya.
So, alam niya na kapatid ko siya. Pero bakit hindi niya ako kilala? Tumingin naman siya sa akin, this time iba yung klase ng ngiti niya.
Tinaas ko naman yung kilay ko, "Bakit naman ganyan yung ngiti mo?"
Hindi niya sinagot yung tanong ko at tumayo na siya, siguro aalis na siya dahil sa tumawag sa kanya kanina.
"Don't worry, this isn't going to be our last meeting. I guess we'll see each other soon. The name's Elijah by the way. Later." sabi niya at nag-wink! Inirapan ko lang siya. Teka, Elijah?? Yun pangalan na yan...parang familiar. And ayun na yung mga kakaibang feeling sa tiyan ko.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang pamilyar at kilalang kilala ng katawan ko ang taong ito? Bakit nang makita ko ang mga mata niya, parang nalulungkot ako?
Before I said goodbye, nandoon na siya sa malayo. Ang bilis niya! Bahala na nga. Naalala ko iyong sinabi niya bago siya umalis. Magkikita pa kame? Kailan?
Dug-dug. Ayan nanaman ang hataw sa puso ko. Just the thought of seeing him again brings this feeling in my stomach that's hard to explain. Na parang may mga bulate sa tiyan mo. People usually say its butterflies but I think hindi naman.
• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •
I will try to update twice this week since I feel like kailangan kong bumawi.
thoughts?
vote and comment down below.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro