Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

9 : Pushing Daisies?

9.

Pushing Daisies

Agatha

 

“Will he be okay?” Hindi ko maiwasang mapatanong habang pinagmamasdan si Cooper na natutulog matapos nang treatment niya.

“He will be. Siya si Cooper Alvarez, magiging okay lang siya.” Giit naman ni Javi kaya napabuntong hininga na lamang ako.

“If you like each other, then go date each other.” Otomatiko akong napalingon kay Reema habang nakakunot ang noo dahil sa sinabi niya.

“What?!” Painosenteng tanong nito habang nakangiti ng nakakaloko.

“I don’t like-like him.” Giit ko at inisnaban na lamang siya. Di bale ng lapain niya ako ng buhay, basta wala akong gusto kay Cooper.

“Kung hindi mo siya gusto, bakit parang concerned na concerned ka sa kanya?” Sabi ni Javi habang nakangisi. Nakakainis! Maging si Javi, tinukso nadin ako.

“Caring akong tao. Kung kayo ‘yun ganun din ang gagawin ko.” Giit ko at lumabas na lamang.

------

Nood ng tv, higa, kain, internet, kain, nood ng tv, soundtrip, nood ulit ng tv—Ay ewan! Nawawalan na ako ng gagawin sa lugar nato! Kakainis! Gusto kong matulog kaso baka matagalan na naman ako sa paggising.

“Agatha hija?” Sambit ni Kuya Leo habang kinakatok ang pinto ko kaya dali-dali akong umayos sa pag-upo.

“Hi po!” Bati ko sa kanya at agad naman siyang pumasok. Inilapag niya sa maliit na mesa ang isang kahon ng pizza, kahit kailan ang bait niya talaga sa amin.

“Kinwento sa akin ni Javi ang nangyari kanina. Maraming salamat kasi hindi mo sinukuan ang alaga ko.” Sabi pa ni Kuya Leo kaya napangiti na lamang ako.

Nakakatuwa talaga siya, para na talaga niyang tinuturing na anak si Cooper. Kung tutuusin, halos ituring na niya kaming lahat na anak niya. Nakakahanga talaga siya.

“Kamusta na po siya? Nagising na po ba siya?” Tanong ko at tumango naman siya.

“Gising na siya kaso ayaw kumain. Pwede bang kausapin mo siya? Parang sayo lang kasi yun makikinig.” Sabi pa ni Kuya Leo kaya agad na nakunot ang noo ko.

“’Yun makikinig sakin? Pero sige po, susubukan ko.” Kinuha ko ang tsinelas mula sa ilalim ng kama ko at isinuot ito. Pupuntahan ko na sana si Cooper nang may maisip akong ideya.

“Kuya, pwede bang sumunod nalang ako?” Paalam ko at tumango naman siya.

-------

“Delivery daw to para kay Agatha Grace---“ Hindi ko na pinatapos pa ang gwardya sa pagsambit ng buo kong pangalan at dali-dali ko ng inagaw mula sa kanya ang dalawang supot at dali-daling umakyat papunta sa kwarto ni Cooper.

“Oh Agatha, andito ka pala. Sige lalabas muna ako.” Sabi ni Kuya Leo nang dumating ako at dali-daling umalis. Lokong matanda, iniwan pa talaga ako.

Inilapag ko ang mga supot sa mesa at kumuha ng mga bowl. Buti nalang talaga kumpleto sa mga gamit ang kuwarto ni Monggol.

“Anong ginagawa mo dito?” Walang emosyong tanong ni Cooper kaya napatingin na lamang ako sa kanya. Nakita kong hindi pala niya ginagalaw ang mga pagkaing nakalagay sa tray na nasa harapan lang niya.

“Ayaw mo ba talagang kumain?” Tanong ko habang hawak ang bewang ko kaso umiwas lang siya ng tingin. Teka, anong problema niya? Galit ba siya sakin?

“Cooper ano, ayaw mo ba talagang kumain?” Tanong ko ulit at tanging iling lamang ang naging sagot niya.

Kinuha ko na lamang ang tray mula sa kanya at nilapag ito sa mesa.

“O sige, aalis nalang ako kasama ‘tong bulalo.” Nagparinig ako sabay kuha ng supot ng mga bulalo. Lalabas na sana ako nang biglang…

“Teka, bulalo? Pahingi.” Nauutal niyang sambit kaya muli akong napangiti. Bulalo lang pala ang katapat ng unggoy nato.

------

“Cooper naman, dahan-dahan lang, baka mabilaukan ka.” Paalala ko kaso hindi niya ako pinansin at sa halip ay nagpatuloy lang siyang kumain. Iisang bowl pa lamang ang nakakain ko kaso siya, nakaka-apat na.

Teka kung nakakain siya ng 9 bowls last week tapos ngayon naman 4 na, ibig sabihin nakaka-13 na siya ngayon. Wow naman! Galing ko talagang mag-math! -_-

“13 Bowls, that’s impressive.” Napabuntong hininga na lamang ako. Nakakailang, hindi ko na alam ano pa ang sasabihin ko.

“87 pa, kailangan kong bilisan to!” Giit ni Cooper kahit na may laman pa ang bunganga niya.

“Coops naman, walang humahabol sayo.” Giit ko pa.

Lumunok siya at pinunasan ang labi niya, “Meron Agatha, ang kamatayan. Mahirap na baka, dumating na ang sundo ko at di ko matupad ang pangako ko sayo.”

Otomatiko kong nailapag sa mesa ang hawak kong mga kubyertos at nawala ang ngiti sa mukha ko. Ako na ngayon ang nawalan ng ganang kumain. I just really hate it when someone talks about death like that.

“Who says you were dying?” Paulit-ulit na gumalaw ang talukap ng mga mata ko habang pilit kong pinipigilang lumuha.

“Magmula nang umapak ako sa ospital nato, makailang ulit ko na yang naririnig. Sanay na nga ako eh.” Nagawa na niya ulit na tingnan ako sa mga mata at ngumiti.

“You’re not dying. No one’s dying. No one’s going to die.” Giit ko kahit na unti-unti nang pumipiyok ang boses ko.

“We’ll all die eventually. Siguro mauuna lang talaga ako sa inyo. Diba nga—“ Natigil sa pagsasalita si Cooper. Nakita niya siguro ang pagluha ng mga mata ko kaya dali-dali ko itong pinunasan habang pinipilit ang sarili kong ngumiti, di bale nang magmukha akong baliw.

Dali-daling lumapit sa akin si Cooper at ipinahid sa mukha ko ang jacket niya. Pinupunasan ba niya ang luha ko o minumudmod ang jacket niya sa mukha ko? Baliw talaga.

“Teka teka, wag kang umiyak! O sige na, hindi na ako mamamatay. Malay mo sina Reema at Javi pa ang mauuna sa akin—“

“GAGO!” Magkasabay kaming napasigaw ni Cooper nang may sumigaw mula sa likuran namin. Nagulat kami nang mapagtantong nakabukas pala ang pinto at mula dito ay nakikinig sina Reema at Javi sa amin.

------

Napahikab ako at napatingin sa relo ko. Mag-aalas syete na pala ng umaga pero napakalamig ng palagid at mayat-mayang tinatangay ng hangin ang buhok ko.

I took a big risk in going here in the rooftop alone. Sana lang talaga ‘wag akong makatulog dito, kundi lagot talaga ako.

Sumandal ako sa pader habang nakaupo sa sahig, kahit papaano gumagaan ang pakiramdam ko dito. Muli ko nalang binuklat ang libro ko at nagbasa.

I haven’t slept since yesterday, which is a good thing kung ako ang tatanungin, but I have to admit medyo nabo-bore na talaga ako. Nakakamiss rin pala ang kakulitan ni Cooper. May check-up kasi siya ngayon at hindi ko mahagilap. Sina Reema at Javi rin hindi ko maka-hangout kasi binisita sila ng mga parents nila—Which is also the reason kung bakit ako nandito ngayon sa rooftop—Maiinggit lang ako kapag nakita kong kasama nila ang mga pamilya nila kaya mas mabuting nandito ako.

“Hindi ko alam kung bingi ka o masyado kang focus sa binabasa mo?” Nabigla ako nang may magsalita kaya dali-dali akong napalingon.

Speaking of the crazy idiot named Cooper...

Looks like bumalik na siya sa dati, nakangisi na kasi ulit siya at parang wala ng problema. Malayong-malayo sa Cooper na nakita ko kahapon.

“Not now Coops, I’m busy.” Giit ko at muling napatitig sa librong binabasa ko.

Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko pero hindi ko siya pinansin. Sinusubukan kong magpatuloy sa pagbabasa kaso hindi na ako makabalik, panay lang ang titig ko sa mga salita. Kasalanan talaga ‘to ni Cooper.

Nagulat ako nang nang bigla na lamang humiga si Cooper sa hita ko. Hindi ko maiwasang mataranta kaya ksidente kong nabitawan ang librong hawak ko at bumagsak ito sa mukha niya.

"Aray! Ba't mo ginawa yun?" Iyak ni Cooper habang hawak ang mukha niyang nabagsakan ng libro.

"Sorry! Hindi ko sinasadya! Bat mo kasi ako ginulat?!" Nakakakonsensya, medyo makapal pa naman yung libro lalo na ang cover. Bahagya akong yumuko at sinubukang tanggalin ang kamay na nakatakip sa mukha niya, gusto kong tingnan kung may sugat ba siya kaso masyado siyang malakas. 

"Cooper naman eh! Sorry na! Patingin bilis!" Giit ko habang pinilit na hinigit ang kamay niya kaso ayaw niya talaga akong pakinggan. 

Pakiramdam ko balewala lang ang effort ko sa kakulitan niya kaya napabuntong hininga na lamang ako at muling sumandal sa pader.

"Cooper tumayo ka na diyan. Mabigat na ang ulo mo." Giit ko at muli na lamang bumalik sa pagbabasa--and by pagbabasa i mean, titig sa mga salita kasi hirap akong makapag-focus dahil sa kanya.

"Coops bilis tumayo ka na!" Giit ko at bahagyang iginalaw ang paa ko kaso umiling-iling lang siya habang tinatakpan ang mukha. Lokong 'to, may balak pa yata siyang gawin akong unan.

 Hindi niya ako pinapansin kaya hindi ko nalang din siya pinapansin. 

Ilang sandali pa ay unti-unti ko nang naiintindihan ang mga binabasa kaso nararamdaman kong sinusundot-sundot niya ang librong hawak ko. Nakakainis na talaga siya kaya binitawan ko ang hawak kong libro kaya muli itong lumanding sa mukha niya. This time, sinadya ko na talaga.

"Agatha naman eh! Masakit kayang mabagsakan ng libro!" Giit niya habang hinihimas-himas ang noong tinamaan ng libro. Ang cute niya pala kapag naiinis. Parang batang nagtatantrums.

"Tumayo ka na kasi. Anong akala mo sakin unan?" Tinaasan ko siya ng kilay.

This time it worked kasi dahan-dahan siyang bumangon at umupo na lamang sa tabi ko. Bwahahaha! Panalo ako! Oh yeaaah!

Gaya ko ay bumuntong hininga siya at sumandal sa pader. Napatingin siya sa akin at nagtama ang mga tingin namin kaya dali-dali akong umiwas ng tingin at bumalik sa pagbabasa. Nakakainis, baka akalain niyang may gusto ako sa kanya--Which is hindi naman.

"Bakit ka nandito? Malamig dito." Biglang sambit ni Cooper at ipinatong sa ulo ko ang jacket niya. Hindi talaga siya gentleman. kainis.

"Musta check-up mo?" Pag-iiba ko ng usapan.

Ayoko ng ikwento pa ang inggit na nararamdaman ko kay Javi at Reema kasi baka mainggit pa ako. Miss na miss ko na talaga ang pamilya ko.

"Sabi ng doktor, ito na daw ang pinakamaayos na kundisyon ko magmula nang ma-diagnose ako sa sakit ko." 

Isinara ko ang libro ko at napatingin sa kanya. Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ko ang saya sa mukha niya. Nakatingala lamang siya sa maulap na kalangitan pero kapansin-pansin ang sigla niya.

Kinuha ko ang camera ko na nasa gilid ko lang at kinunan siya ng litrato, bagay na ikinagulat niya.

"Stalker." Mahinang sambit niya at nginitian ako ng nakakaloko.

"Photographer Cooper. Animal photographer." Ganti ko saboy abot sa kanya ng litrato. "Tutal malapit ka nang gumaling, regalo ko nalang 'yan sayo. Remembrance kumbaga ." Biro ko.

Tumawa siya habang tinitingnan ang litrato, "Gumaling? Agatha 'yan na yata ang pinaka-nakakatawang joke na narinig ko."

Wala akong nagawa nang bigla niyang inagaw ang camerang hawak ko. Inakbayan niya ako habang nakatutok sa direksyon namin ang camera kaya ngumiti na lamang ako at nag-peace sign gaya niya.

"Cooper naman. Gagaling ka rin. Sa tapang at tatag mong 'yan, siguradong malaki ang posibilidad na magkaroon ka ng normal na buhay." Giit ko habang hinihintay namin ang paglitaw ng imahe namin sa litrato.

"Paano kung hindi na?" Tanong niya habang nakangiti parin.

"Paano kung gagaling ka talaga?" Ganti ko.

"Imposible." He shrugged and continued taking photos of us. 

"Pero Cooper makinig ka nga. Gusto mo bang gumaling? Gusto mo bang magkaroon ng normal na buhay?" Tanong ko kaya naman natigil siya sa pagkuha ng litrato at napatingin sa kawalan.

Napabuntong-hininga siya at napangiti.

"Araw-araw kong pinagdarasal na sana magkaroon na ako ng normal na buhay." Mahinang sambit ni Cooper at muling humiga sa hita ko. Nakatalikod siya mula sa akin na para bang tinititigan ang kalangitan.

"You're the bravest and strongest person I have ever met. You will have a normal life Cooper, I can feel it. You just have to believe in yourself." Napabuntong hininga ako at napatingin din sa kalangitan gaya niya.

"Naniniwala ka ba talagang gagaling ako?" Walang emosyong tanong ni Cooper. Hindi ko na makita pa ang mukha niya.

"Just have faith Cooper. Never let your faith in him wither." Giit ko.

"'Samahan mo ako hanggang sa gumaling ako, pwede ba 'yun?" Tanong niya kaya napangiti ako at tumango-tango.

"As long as i'm awake." Pangako ko.

"Stay Awake." Giit ni Cooper at humarap siya sa akin habang nakahiga parin sa hita ko. Bahagya akong napayuko upang magtama ang mga tingin namin.

"I'll try but to be honest,  I have this habit of disappointing people Coops." Giit ko habang hinahayaan ang sarili kong tumitig sa kulay abo niyang mga mata.

"Just stay awake. Stay Awake, Agatha." Sabi ulit ni Cooper habang nakangiti.

END OF CHAPTER 9

Thanks For reading!

Vote and Comment <333

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro