8 : The real Cooper Alvarez
8.
The other side of Cooper Alvarez
Agatha.
"Cooper!" Napatili ako sa abot ng makakaya ko. Muli kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin at sinubukang tanggalin ang mga tinta sa mukha ko sa pamamagitan ng panghihilamos. Lecheng Cooper, alam kong siya na naman ang may gawa nito. Araw-araw hindi talaga siya pumapalya sa pangt-trip sakin. Makakaganti rin ako sa panget na 'yon.
"Thanks Agatha." Napapitlag ako nang bigla na lamang sumulpot sa likuran ko si Reema. Nakasandal lamang siya sa nakabukas na pinto ng banyo habang nakangisi.
This girl is really giving me the creeps. She's a fangirl and I like her kaso creepy talaga siya.
"Sa ano? Reema naman eh! 'Wag ka ngang basta-bastang sumusulpot!" Lumingon ako sa kanya at sumandal sa lababo habang pinupunasan ang basang-basa pa.
“You saved us all from Cooper’s wrath. Alam mo bang simula nang dumating ka dito naging payapa na ang buhay namin?” Aniya.
Hindi ko alam kung isa ba ‘tong compliment pero ito na yata ang pinaka-mabait na moment ni Reema sa akin. For the first time hindi siya nagmukhang nangangain ng tao. Gumagana na kaya ang mga gamot niya? Sabi kasi ni Javi walang ibang sakit si Reema kundi depresyon. Matinding depression. Polar bear something? Ewan nakalimutan ko ang sakit niya.
“Payapa sa inyo, sa akin impyerno. Solong-solo ko ang lahat ng kalokohan niya. How nice.” Sarcastic kong sambit. I hate the fact that Cooper ruins my everyday life but I must admit, dahil sa kanya hindi nagiging boring ang pamamalagi ko dito, yun nga lang talaga, araw-araw akong highblood.
“You really don’t get it do you?” Tanong niya habang nakakunot ang noo pero nakangiti.
“Ang alin?” Nakunot ang noo ko. Nakakalito naman kausap ang babaeng to.
“You’ve been here for almost 5 months, siguro hindi mo pansin pero kami, kitang-kita namin ang malaking pinagbago ni Cooper.” Nagulat ako sa sinabi ni Reema. Ang bilis naman ng panahon, malapit na pala akong mag limang buwan sa ospital nato. Akala ko talaga hindi ako aabot ng isang buwan pero tingnan mo naman 5 months na ako dito.
“Hayy, sa five months ko dito malamang mas matagal akong tulog.” Napabuntong-hininga na lamang ako at muling pinagmasdan ang repleksyon ko sa salamin at pati narin kay Reema.
“Alam mo bang sa tuwing tulog ka, walang ibang ginagawa si Cooper kundi tumambay sa kwarto mo at hintayin kang magising?” Tanong ni Reema kaya muling nakunot ang noo ko.
“At bakit naman niya ‘yon gagawin? Reema naman, imposible yata ‘yan.” Giit ko at lumabas na lamang mula sa maliit na banyo. Nakakailang kaya umupo nalang ako sa kama ko at nagpatugtog ng kanta. Ngayon ko lang napansing hapon na pala.
“Agatha naranasan mo na bang magmahal man lamang sa isang tao?” Umupo si Reema sa tabi ko habang nakatingin sa kawalan. Hindi naman siguro psychotic ang babaeng to diba? Dapat talaga ni-research ko yung tungkol sa sakit niya para naman maintindihan ko ang kinikilos niya.
“Oo naman! Minsan binilhan ako ng papa ko ng rabbit para pet. Sobrang mahal na mahal ko yun kaso wala eh, pumunta na sa langit.” Muli akong napabuntong hininga at napasandal nalang sa headboard ng kama pero laking gulat ko nang bigla na lamang niya akong sinamaan ng tingin. Yung parang kakainin ka talaga ng buhay? May sa demonyo yata talaga ang babaeng ‘to.
“Tao Agatha. Tao.” Walang emosyon niyang sambit kaya muli akong napaisip.
“Si.. Uhm… Si Jesse McCartney!” Pagmamalaki ko. I so love that guy. Ang ganda ng boses! Kamusta na kaya siya ngayon? Kainis! Kailangan nakalimutan kong i-check kung may bago na ba siyang kanta.
“It sucks right? It sucks not to have a normal life?” Sabi pa ni Reema na para bang nanlulumo. Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot sa sinabi niya.
Yes it sucks. It sucks not to have a normal life. It sucks not to have friends. It sucks kasi ni minsan hindi ko pa nararanasang pumasok sa isang normal na school. It sucks kasi halos hindi ko nagagawa ang mga gusto kong gawin. Yung mga love story, adventures, bakasyon at kung ano-anong kaek-ekan—Nakakalungkot kasi ni minsan hindi pa ako nakakaranas ng ganun. Sa tv at movies ko lang ito parating nakikita.
Ano kaya ang pakiramdam magkaroon ng isang normal na buhay?
“Shit! Tama na! Ayoko na!” Nagulat ako nang bigla na lamang umalingawngaw ang isang napalakas na sigaw mula sa labas. Hindi ako sigurado pero para bang boses iyon ni Cooper.
Napatingin ako kay Reema at muli akong nagtaka kasi parang balewala lang sa kanya ang narinig. Nakatingin lamang siya sa sahig na para bang malungkot.
Tatayo na sana ako upang puntahan si Cooper sa kwarto niya kaso bigla na lamang hinigit ni Reema ang kamay ko.
“Just pretend you didn’t hear it.” Giit ni Reema.
“Ano?! Paano kung kailangan talaga ni Cooper ng tulong. Narinig mo naman yun diba?”
“Limang buwan ka pa lang dito at siguro parati kang tulog sa mga araw na ganito kaya hindi mo pa ito naririnig. Pero ako, magta-tatlong taon na ako dito kaya sanay na akong marinig ang mga palahaw niya sa tuwing nagche-chemo siya.”
Hindi ako matalino pero sa tagal ng pagpapalipat-lipat ko sa mga ospital ay alam ko na kung ano ang chemo. Alam kong may sakit si Cooper pero hindi ko inakalang aabot pala sa puntong kinakailangan na niyang magpa-chemo. Naloko ako ng bawat ngiti at tawa niya. Ngayon alam ko na kung bakit siya parating may suot na beanie. Kawawa naman siya… Hindi siya dapat mag-isa.
Iwinakli ko ang kamay ni Reema at dali-dali akong lumabas.
Laking gulat ko nang bigla na lamang akong hinarang ni Javi gamit ang wheel chair niya. Siyempre otomatiko akong napaatras, baka magulungan pa ang daliri ng paa ko. For sure masakit.
“’Wag mo na siyang puntahan. Magagalit lang siya.” Giit ni Javi na para bang nanlulumo bagay na minsan ko lang makita. Hindi ko na lamang siya pinansin at dumaan nalang sa gilid niya.
Natigil ako sa paglalakad nang umabot ako sa bahagyang nakabukas na pintuan ng kwarto ni Cooper. Naririnig ko parin ang mga palahaw niya kaya lalong bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Bakas ang matinding sakit sa boses niya kaya pakiramdam ko, maging ako ay nasasaktan din.
Nagdadalawang isip man, dahan-dahan akong sumilip sa loob.
Napatakip ako sa bibig ko. Bumigat lalo ang pakiramdam ko nang makita ko si Cooper na nakahiga ng patagilid sa kama niya habang namimilipit sa sakit. Nakaharap siya sa direksyon ko kaya kitang-kita ko ang matinding paghihirap sa mukha niya, nakakuyom ang mga kamao niya habang nakapikit pero nagagawa ko paring maaninag ang pag-agos ng luha niya. May mga nurse sa loob at iilang mga doktor, hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila pero parang may tinuturok sila sa likod ni Cooper at parang napakasakit talaga nito.
Walang ibang naroroon para umalalay sa kanya o magparamdam sa kanyang hindi siya nag-iisa. Wala ang mga magulang niya at wala rin si Kuya Leo. Mag-isa niyang hinaharap ang matinding sakit at hirap.
“He’s been here for almost 12 years. He’s been fighting for his life ever since he was a kid.” Napalingon ako at nakita ko si Javi na para bang nanlulumo. Alam kong matagal-tagal narin siya dito kaya alam narin siguro niya ang mga paghihirap ni Cooper.
“Ano ang sakit niya?” Hindi ko maiwasang mapatanong.
“Myeloma—Isang uri ng blood cancer na pinagdudusahan niya magmula noong bata pa siya. Malakas si Cooper, balita ko nga binigyan siya noon ng taning ng doktor. Sabi nila hindi na siya aabot ng 10 years old pero tingnan mo naman, hanggang ngayon buhay na buhay pa.” Paliwanag ni Javi kaya muli akong napatitig kay Cooper.
Bakit parang dinudurog ang puso ko habang nakikita ko siyang ganito?
Bakit pakiramdam ko, nasasaktan rin ako ng matindi gaya niya?
“Nasaan ang pamilya niya? Bakit siya nag-iisa?” Muli akong napalingon kay Javi.
“A-agatha.” Nauutal na sambit ni Javi habang tinuturo ang mukha ko kaya agad ko itong hinaplos. Ngayon ko lang napansin na lumuluha na pala ako.
“Ayaw ni Cooper na masaktan ang mga magulang niya at pati narin si Kuya Leo. Ayaw niyang kaawan natin siya. Agatha, siguradong ayaw ni Cooper na nakikita mo siyang ganito.” Giit ni Reema na sumunod rin pala sa amin.
Itinuon ko ang pansin kay Cooper na hanggang ngayon ay wala paring kaalam-alam na nandito kami. Hanga ako sa tapang niya. Sa kabila ng lahat ay nagagawa parin niyang tumawa. Kung hindi ko siya nakikitang ganito, aakalain kong wala siyang kaproble-problema sa buhay.
Akala ko ako lang ang malungkot sa lugar nato. Kung tutuusin, lahat kaming nasa ward nato ay parehong nasasaktan at nalulungkot. Lahat kami pakiramdam namin nag-iisa lang kami. Siguro ito ang dahilan kung bakit kami nilagay sa ward nato. Siguro nilagay kami sa ward nato para hindi na naming maramdamang nag-iisa kami.
Hindi ko alam kung bakit ko ‘to ginagawa pero namalayan ko na lamang na pumasok ako sa kwarto ni Cooper. Napatingin sa akin ang mga nurse at doktor pero hindi ko sila pinansin at sa halip ay umupo ako sa paanan ng nanginginig na si Cooper.
Napansin yata ako ni Cooper kaya idinilat niya ang mga mata niyang hanggang ngayon ay lumuluha parin.
“Alis! Umalis ka dito!” Kahit bakas ang matinding panghihina sa mukha niya ay sinigawan parin niya ako at nagawa pa akong panlisikan ng mga mata.
Ayokong sinisigawan ako pero sa kabila nito ay hindi ako natatakot sa kanya. Alam kong pinapairal lang niya ang pride niya kaya hinawakan ko nalang ng mahigpit ang nanginginig niyang kamay.
“Agatha! Putangina! Lumabas ka! Hindi kita kailangan!” Muli niyang sigaw kahit na napapaungol na siya habang namimilipit sa sakit. Hindi ko alam kung totoong galit ba talaga siya pero nginitian ko na lamang siya at tiningnan siya sa mga mata.
“Sumigaw ka lang. Sabi nila pwede daw maibsan ang sakit kung sisigaw ka.” Giit ko.
Kahit na anong gawin niya, kahit murahin niya ako ng murahin, hinding-hindi ako aalis sa tabi niya and besides hindi naman ako pinapaalis ng doktor o kahit ng nurse. Kung tutuusin, para pa nga silang natuwa nang makita ako.
“Agatha…” Hinang-hina na ang boses ni Cooper. Halos walang tigil ang panginginig ng labi niya dahil sa sakit kaya lalo kong hinigpitan ang hawak sa kamay niya.
“Simula ngayon tatawagin na kitang Cooper the Monggol dahil mukha kang…” Sinusubukan ko mang magbiro ay hindi ko na magawa kasi maging ako ay naiiyak narin kaya napalunok na lamang ako at tumango-tango. Pinilit ko ang sarili kong ngumiti.
“Kaya mo ‘to. Ikaw si Cooper the Monggol. Matatalo mo ‘tong sakit mo.” Paulit-ulit kong sambit.
Huminga siya ng malalim at tumango-tango. Naramdaman kong hinawkan narin niya ng pabalik ang kamay ko. Alam kong namimilipit parin siya sa sakit pero nagawa parin niya akong ngitian.
Ito ang unang pagkakataon na nakilala ko ang totoong Cooper Alvarez. Buong akala ko, nakilala ko na ito bilang isang loko-lokong lalaking walang ibang ginawa kundi manggulo at mangtrip sa lahat pero hindi--Itong taong nakikita ko ngayon, siya talaga si Cooper. Isang taong may mabigat na pinagdadaanan pero taas noo niya itong hinaharap habang may ngiti. He's bravest person i've ever met.
Cooper is special, not in a mentally unstable kind of way, but he really is a special guy.
END OF CHAPTER 8
K's Note : Just to be clear, Reema has a bipolar disorder =)
Thanks for reading.
Vote and Comment <333
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro