28 : Struck by Truth
28.
Struck by truth.
Agatha
“Agatha masaya ka ba ngayon?”
Saglit kong tinantanan ang Pizza na kanina ko pa kinakain. Napatitig ako sa nag-aalalang mukha ni Reema. She asked me to hang-out here at the hospital cafeteria to have a girl talk since umalis muna saglit sina Cooper.
Si Reema talaga, alam kong may mga pinagdadaanan rin siya pero kapakanan ko parin ang inaalala niya.
“I got you guys. I’m more than happy.” Ngumiti ako at inabot na lamang sa kanya ang isang piraso ng Pizza mula sa kahon. I know Reema, she’s not sweet. She’s not one of those girls who can be clingy and sweet. Sometimes her words can be hurtful. But hey, she’s awesome. I’m so lucky to have this crazy girl as my bestfriend.
“Nga pala, paano ka nakabalik sa ospital? Wala ka namang sakit diba?” I cant help but to worry. Cooper got back because he got hit by car, Javi came back because he decided to continue his theraphy. Wala naman sigurong sakit si Reema diba?
“Promise you won’t laugh?” Aniya habang tinataasan ako ng kilay.
“I’ll try not too.” Biro ko at sumipsip muna ng pineapple juice.
“I purposely ate a scoop of powdered soap so my parents had to rush me here to get my stomach pumped. They thought I was trying to commit suicide again so they re-admitted me here.” Pagmamalaki niya kaya agad kong naibuga ang iniinom ko.
“You did what?!” Nanlaki ang mga mata ko. Wala akong pakialam kahit na nasayang lang ang juice ko.
“I did that for you so don’t judge me.” Giit niya at inabot sa akin ang panyo niya na agad ko namang ginamit na pamunas sa braso kong basang-basa na.
“But you could’ve died!” I tried not to scream loud.
“But I didn’t.” Pagmamalaki niya habang nakangisi.
“You’re crazy.” Napabuntong-hininga na lamang ako.
“Nah biatch, you’re crazier. You and Cooper are.” Sumandal siya sa kinauupuan at napabuntong-hininga din gaya ko, “But you guys used condom right?” Pabulong niyang sambit kaya agad nakunot ang noo ko.
“C-condom? Anong condom?” Tanong ko pero lalo akong naguluhan nang bigla na lamang rumehistro ang magkahalong gulat at takot sa mukha ni Reema. Okay, OA na ang isang ‘to.
“You mean hindi siya nagsuot ng ano habang nag-ano kayo?” Mabilis at pabulong niyang sambit kaya agad akong napangiwi.
“Will you just get straight to the point?! Na-aano na ako sa kakaano mo!” Giit ko pero laking gulat ko nang bigla na lamang siyang tumayo at hinila ako papunta sa kalapit na drugstore.
***
“What the heck is this thing?” Tanong ko habang kinikilatis ang maliit at parisukat na plastic.
“That’s a pregnancy test kit! Now go to the bathroom and pee on it! Hurry!” Giit niya kaya labis akong nagulat.
“Pregnancy test kit?! Hala teka, hindi ako buntis!” Pabulong kong sigaw kasi baka may makarinig sa amin dito sa kwarto ko. It’s a good thing na wala dito sina Cooper at Javi though.
Reema glared at me as if she’s gonna go incredible hulk on me so I had no choice but to run to the bathroom and do what she says.
Completely confused and grossed out, I left the bathroom holding the little piece of white rectangular thingy in my hand.
“Am I pregnant or what?” Kunot-noo kong tanong habang pilit itong iniaabot sa kanya kaso panay naman siya sa pag-iwas.
“Ba’t ako! Ikaw magbilang!” Nakangiwi niyang sambit.
“Ano?! What the hell am I gonna count?! The Droplet of pee?” Hindi ko napiligilang mapasigaw sa inis. Damn it, mababaliw na yata ako dahil kay Reema.
“Count the red lines. Kung isa buntis, kung dalawa baka, kung tatlo negative! Ay hindi! Kung walang line negative, ay teka—“ Kunot-noo siyang napakamot sa ulo niya. Its she doesn’t even know how to read this.
“Girls are you okay in here?” Kapwa kami napasigaw ni Reema nang bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok ang isang baguhang babaeng nurse kwarto ko. Sa sobrang taranta ko ay aksidente kong natapon ang hawak kong pregnancy test kit…And the worst part, sa direction pa ng nurse nag-landing na agad naman niyang nakita.
Kapwa kami nagkatinginan ni Reema. Both of our faces screamed terror and shame.
“Teka kanino to?” Takang tanong ng nurse nang pinulot niya ito.
“Malay ko.” Pagmamaang-maangan ko.
“Sayo ba to?” Tanong naman ng nurse kay Reema.
“Hindi ah!” Giit naman ni Reema.
“Teka kung hindi kayo ang may-ari nito, kanino to? Kawawa naman, negative ang resulta.” Napakamot ang nurse sa ulo niya na para bang hindi siya nagdududa ng ni katiting sa amin. Napaniwala namin siya. Wow this girl’s— Wait its negative? Yey!
“Stupid.” Biglang tumawa si Reema kaya agad ko siyang pinanlisikan ng mga mata. We are both thinking of the same thing but its much meaner and inappropriate saying it. Baka ma-offend o ma-hurt ang nurse, kawawa naman.
“Wait ikaw si Agatha diba?” Ngumiti sa akin ang nurse kaya ngumiti na lamang ako pabalik.
“Hi po.” Bati ko na lamang kasi mukhang mabait siya kahit medyo clumsy.
“Today’s my first day here but andami na akong naririnig na kwento tungkol sayo. Grabe pala yung sakit mo no? Bigla-bigla ka nalang nakatulog. Hindi ka ba nababagot na parati kang tulog? Ba’t hindi ka tumataba? Diba kapag—“ She was so talkative that all I could hear was blablablablabla. Gusto ko rin siyang maging kaibigan kaso parang ang awkward kasi hindi ako halos makapagsalita sa sobrang daldal niya.
“Okay if you don’t mind, my friend here needs to rest.” Reema spoke up finally stopping the nurse from yapping like there’s no tomorrow.
“Ay pasensya na. Oo nga pala, kailangang magpahinga ni Ms. Agatha. Naalala ko pa, sabi ni Head Nurse Leo sa akin na sa lahat ng pasyente dito sa ward nato, si Ms. Agatha ang dapat kong bantayan parati kasi para daw siyang time bomb. Ano mang oras pwedeng tumigil sa paghinga o mamatay.”
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ng nurse.
Sa isang iglap para akong tinakasan ng lakas sa narinig.
Nanlambot ang mga paa ko hanggang sa napaupo na lamang ako sa sahig.
Nagsimulang manginig ang mga kamay ko at halos sumikip ang dibdib ko sa takot.
“Bitch get the hell out of here!” Narinig kong sumigaw si Reema ng ubod ng lakas at nahagip ng paningin ko ang nurse na agad na nagtatakbo palabas na para bang takot na takot kay Reema.
“Totoo ba?” Unti-unting umagos ang luha mula sa mga mata ko, “Totoo ba ang sinabi niya?! Mamamatay na ba ako?!” Tuluyan akong napasigaw habang humahangos.
Reema didn’t say anything. She just stood in front of me and cried.
“Oh my God.” Napahawak na lamang ako sa bibig ko.
Unti-unting nagtagpi-tagpi sa isipan ko ang lahat.
Kung bakit bumalik si Cooper, kung bakit napaka-clingy ngayon ng mga kaibigan at mga magulang ko at kung bakit sa isang iglap bigla na lamang akong nakakaramdam ng matinding lungkot at panlulumo.
---
Third Person’s POV
Dala ang mga pasalubong na bulaklak at pagkain para kay Agatha, Nagulat si Cooper nang maabutan sina Reema at Javi na mistulang lumuluha habang nasa labas ng kwarto ng dalaga. Hindi nito napigilang mag-alala lalong-lalo na’t minsan niya lang makitang tumahimik ang mga ito.
“Nasaan si Agatha?” Agad nabitawan ni Cooper ang mga dala niya at nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata niya, “Nasaan siya? Anong nangyari sa kanya?” Natataranta nitong sambit kaya napatingin si Reema sa kanya.
“Cooper she knows.” Mangiyak-ngiyak na sambit ni Reema at iniyuko na lamang ulit ang kanyang ulo.
“Teka bakit niya nalaman?! Akala ko ba walang magsasabi?! Reema bakit mo hinayaang malaman niya ang totoo?!” Galit na sambit ni Cooper.
“Cooper wag na tayong magsisihan, at some point kailangan ring malaman ni Agatha ang totoo.” Giit ni Javi.
“You saw how she took it the first time she learned the truth! Paano kung gawin niya yon ulit?! Sino ang kasama niya sa loob?” Muling sambit ni Cooper at sinubukang pumasok sa loob ngunit lalo siyang nagalit nang mapagtantong nakalock ito.
“Kuya Leo’s inside. He says he’ll talk to Agatha first.” Mahinang sambit ni Javi.
-----
“Ilang araw nalang ang meron ako?” Mangiyak-ngiyak na sambit ni Agatha kaya hindi halos makasagot ang matanda.
Parang naging anak narin ng nurse na si Leo si Agatha kaya mahirap rin para sa kanyang ibahagi ang masaklap na katotohanan rito.
“Kuya Leo sagutin mo ang tanong ko! For once pwede bang wag na kayong magsinungaling!” Muling nagsisisigaw si Agatha kaya naman napapikit na lamang ang matanda at huminga ng malalim.
“few more months… or weeks.” Nanlulumong sambit nito kaya napapikit na lamang si Agatha at napatingala sa kisame habang hinahayaan ang sariling humagulgol.
“Agatha hija,” Dahan-dahang nitong nilapitan si Agatha na kasalukuyang nakaupo lamang sa sahig habang nakasandal sa pinakadulo ng kwarto. Umupo ito sa harapan ng dalaga at hinawakan ng mahigpit ang kamay nito.
“Hija alam kong masakit. Alam kong napakahirap ng pinagdadaanan mo. Pero Agatha sa kabila ng lungkot at pighati mo, wag na wag kang panghihinaan ng loob. Marami ang nagmamahal sayo. Marami ang masasaktan oras na makita ka nilang sumuko.” Mahinahon nitong sambit.
“And they will get hurt once I die. Kuya leo ayoko pang mamatay. Gusto ko pang mabuhay.” Nanginginig man, nagawa parin ni Agatha na magsalita habang pikit matang humahagulgol.
“Hiram lamang ang mga buhay natin kaya wala tayong control sa mga mangyayari. Isipin mo nalang ang mga magulang mo, kung nasasaktan ka ngayon, siguradong mas nasasaktan rin sila, ano nalang kaya pag nakita ka nilang nagkakaganito ngayon?” Napabuntong hininga si Kuya Leo at ipinahawak kay Agatha ang isang kulay puting rosaryong may mala-metal na palamuti, “Pray. Don’t just wish. When everything else fails, siya lang ang makakapitan mo. Agatha tandaan mo to, hindi nagtatapos ang lahat sa kamatayan.”
“What did I do to deserve this? Masama ba akong tao?” Mistulang hinang-hina na si Agatha kakaiyak.
“No one in this world deserves pain. Sometimes blessings disguise for the worse, always remember that okay?” Maging ang matanda ay naiiyak narin dahil kay Agatha.
“Paano kung bigla nalang akong mawala?” Mahinang sambit ni Agatha.
“Then live your life the way you’ve always wanted. Don’t let the deadline get the best from you. Make the best out of your deadline instead.” Giit ng matanda at niyakap ang dalaga ng mahigpit at hinayaan itong umiyak sa kanyang bisig na para bang isang amang kumakalinga.
---
Nang makaalis ang nars na si Leo sa kwarto ni Agatha ay ang mga kaibigan naman niya ang pumasok dahil sa matinding pag-aalala.
“Agatha…” Mahinang sambit ni Cooper nang maabutan si Agatha na nakaupo sa sahig at nakatingin sa kawalan.
“Oh my God, hide every sharp objects. Even ang mga sabon o cleaning materials.” Alalang sambit ni Reema kay Javi pero laking gulat nila nang bigla na lamang napatingin sa kanila si Agatha na mistulang natatawa.
“Reema bilang na ang mga araw ko, I’d rather spend it with you guys than hurt myself.” Nakangiting sambit ni Agatha bagay na ikinagulat nilang lahat. Malayong-malayo ito sa Agatha na nakita nilang nagdadalamhati ilang oras na ang nakakaraan.
“Lumuwag ba ang tornilyo sa utak niya o sadyang magaling lang mag-pep talk si Kuya Leo?” Bulong ni Javi kaya agad siyang binatukan ni Reema.
“Guys, I’m really not okay and I really need a hug right now.” Muling sambit ni Agatha kaya hindi na nagpaligoy-ligoy pa sina Cooper at Reema na dali-daling lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
“Teka paano ako? Naka-wheelchair ako! Di ako makasali sa group hug!” Reklamo ni Javi sabay kamot sa ulo.
“Imaginary Hug.” Ani Agatha na agad namang ginawa ni Javi sa pamamagitan ng pagtaas ng dalawang kamay kahit na sa hangin lamang siya nakayap kahit na nagmukha siyang timang.
“You’re not going to die.” Bulong ni Cooper sa dalaga.
“Whatever happens, I’ll be okay.” Mahinang sambit na lamang ni Agatha at napapikit sabay kagat ng labi upang mapigilan ang sariling muling humagulgol.
END OF CHAPTER 28.
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro