Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

26 : Nothing

26.

Nothing

Agatha

 

 

“Yuck!.”

“Super yuck!”

“Whoa?”

Imbes na bumitaw sa kamay ng isa’t-isa, ay mas lalo naming sinadya ni Cooper na ibalandra sa harapan nila ang mga kamay naming hindi mapaghiwalay. Hindi naman sa nag-eenjoy akong ka-holding hands ang baliw nato, sadyang natutuwa lang talaga akong makita ang nakangiwi at gulat na mukha nila Reema, Javi at Trent.

“Oh my God, Agatha are you sure?” Nakangiwing sambi ni Reema na para bang diring-diri, “Okay that’s it, wala na talaga akong ganang mag-dinner.” Dagdag pa nito sabay lapag ng plato sa sahig.

“Move on na kasi Reema, tanggapin mo ng wala akong gusto sayo.” Paang-aasar pa ni Cooper kaya agad napairap si Reema at napahawak na lamang sa sariling sentido.

“Agatha hindi ka ba nandidiri?” Tanong pa ni Javi na hindi parin maalis ang gulat sa mukha. Gaya ni Reema ay tumigil narin siyang kumain.

“Aba’t ginagago mo na talaga ako ah!” Sabi pa ni Cooper habang nakasimangot, akmang babatukan niya si Javi kaya dali-dali kong piningot ang tenga niya, “Aray aray aray, oo na, hindi ko na papatulan. Pa-kiss na nga lang.” Aniya agad kong pinitik ang noo niya. Baliw talaga.

“Mabuti naman at nagkaayos na kayo.” Nakangiting sambit ni Trent kaya ngumiti rin ako pabalik sa kanya.

“Hoy ano yan?!” Biglang tumayo sa harapan ko si Cooper na para bang hinaharanagan si Trent mula sakin. “’Wag mo ngang ngitian ng ganyan si Agatha! Akin siya!” Halos magsalubong na ang kilay niya dahil sa inis. Kahit kailan, napaka-isip bata niya parin.

“Hindi ko na kasalanan kung mahuhulog si Agatha sa ngiti ko.” Pagbibiro ni Trent pero lalo lamang nainis si Cooper bagay na lalong nagpatawa kay Reema at Javi.

Hindi ko alam bakit parating nagseselos si Cooper kay Trent. Magkaibigan lang naman kami at isa pa, alam kong hanggang ngayon ay hindi parin nakaka-move on si Trent sa ex niya. Nakakalungkot talaga ang nangyari sa kanila.

“Hala anong sayo ako? Kapal mo ah.” Pabiro kong sambit kaya sa akin naman siya humarap na para bang isang batang nasa bingit na ng pagta-tantrums.

“’Wag mong sabihing nakalimutan mo?” Nagpapadyak siya sa kinatatayuan, “Agatha naman eh! Nakalimutan mo na ba yung nangyari sa atin kagabi? Diba nga—“ Bago pa man matapos ni Cooper ang sasabihin niya ay dali-dali kong tinakpan ang bibig niya at pinanlisikan siya ng mga mata.

“Teka sandali? Anong nangyari sa inyo kagabi?” Gulat na sambit ni Javi habang palipat-lipat ng tingin sa amin ni Cooper.

Nakita kong naningkit ang mga mata ni Cooper na nakatitig sa akin, tinatakpan ko ang bibig niya pero sigurado akong nakangiti siya ngayon at mayroon na naman siyang kalokohang naiisip.

“Oh my God! May nangyari sa agad sa inyo kagabi?!” Sigaw pa ni Reema na parang abot langit na ang pandidiri kaya agad akong napabitaw kay Cooper at umiling-iling habang ini-ekis ang mga kamay ko.

“Teka wala! Hindi! Mali ang iniisip niyo! ‘Wag kayong malisyoso!” Giit ko.

“Tama ang iniisip niyo! ‘Wag kayong maniwala kay Agatha!” Giit naman ni Cooper. Ang kaninang inaasar ay siya na ngayong nang-aasar. And unfortunately ako agad ang pinagtripan, bilis nga naman ng karma.

Gustuhin ko mang ipagtanggol ang sarili ko, wala akong magawa. Nakakahiya rin naman kasi kung malaman nila ang totoong ibig sabihin ni Cooper sa sinabi niya—I admitted na kailangan at gusto ko siya after asking him to leave me alone,  I swallowed my pride, tell me that’s not embarrassing enough.

“Kumain na nga lang tayo.” Pag-iiba ko na lamang ng usapan at muling ibinaling ang pansin sa plato ko.

“Teka nasaan ang pagkaing nilagay ko dito?” Nakunot ang nook o habang pinagmamasdan ang platong kanina’y puno pa ng pagkain, wala na akong ibang suspect pa maliban kay Javi na siyang pinakamalakas kumain sa amin kaya agad akong napatingin sa kanya, “Grabe, pati pagkain ko di mo pinalampas.” Biro ko na lamang.

“Huh?” Nakunot ang noo ni Javi. “Agatha natapos ka ng kumain. Hindi ako ang kumain niyan, kundi ikaw.” Aniya kaya tumango-tango na lamang ako at pinilit ang sarili kong ngumiti.

“Agatha you just ate? Hindi mo ba naalala?” Mahinang sambit ni Reema na para bang biglang nalungkot.

“Naalala niya, gutom lang talaga siya.” Pangangatwiran ni Cooper kaya agad akong napahawak ng mahigpit sa braso niya. “Don’t worry its normal to be forgetful.” Bulong niya kaya sakin kaya tumango-tango na lamang ako at pinilit ang sarili kong ngumiti.

“Agatha…” Mahinang sambit ni Reema na tila ba nag-aalala.

“Huh?” Pagmamaang-maangan ko.

“Agatha okay ka lang ba talaga?” Tanong pa ni Reema kaya biglang nabalot ng nakakailang na katahimikan ang paligid.

Napatingin ako kay Cooper na ngayo’y napakahigpit ng hawak sa kamay ko. With him right next to me, there’s never a dull moment.

Come to think of it… I’m holding the hand of the person who drives my heart crazy—I’m with him. I’m with my friends who never fail to make me feel special. I have loving parents. I have a family who cares so much for me. I can see, I can breath, I’m awake, I’m alive, and I still have time to be with them. I’m okay. I really am okay with this.

God thank you for letting me have these amazing people in my life.

***

Huminga ako ng malalim upang malanghap ang napakasariwang hangin na bigay ng malamig na umaga. Wala masyadong sasakyan sa mga kalsada at ang lahat ay naghahanda pa lamang para sa mga araw nila. Thank God, hinayaan ako ng mga tao sa ospital na umalis para mamasyal at lumanghap ng saringhangin.  

Andami kong taong mga nakakasalubong, ang iba masaya, ang iba malungkot at ang iba naman ay sumasabay lang sa buhay. Hindi lang ako ang may problema sa mundo. Maybe some people have it worse. Maybe I’m still lucky.

“Wear this.” Sabi ni Cooper sabay lagay ng mask na nagtatakip sa bibig at ilong ko.

“I don’t have to.” Giit ko at hihilahin sana ito pababa pero hinawakan niya agad ang mga kamay ko.

“You have to, pollution’s bad for you. ‘Wag ng matigas ang ulo.” Aniya kaya agad akong napangiwi at napapadyak sa kinataayuan ko.

“Cooper naman eh! Baka akalain ng mga taong makakakita sakin na may sakit akong nakakahawa!” Reklamo ko pero ngumiti lamang siya at nagsuot din ng mask sa sariling mukha.

“Better?” Aniya kaya napabuntong-hininga na lamang ako’t pabiro siyang inirapan.

“Lets be freaks together.” Biro ko.

“That’s my girl.” Mahina niyang sambit at hinalikan ako kahit kapwa kami may suot na kulay puting mask.

I can help but to giggle.

There goes the butterflies in my stomach again.

I never thought Cooper would be this sweet.

I never thought Cooper and I would still be happy despite of everything that’s happened.

“Red lights on. Lets go cross the street.” Nakangiti niyang sambit at agad na inabot sa akin ang kamay niya na para bang gusto niyang hawakan ko ito.

“What am I? A kid?” Sarcastic kong sambit at agad na sinilid ang dalawang kamay sa bulsa ng sweater na suot ko.

“Cute. Yes you’re a kid.” Aniya at hinigit ang kamay ko saka hinawakan ito ng mahigpit.

“Ugly jerk.” I smirked.

“Admit it, you’re madly inlove with this ugly jerk.” Taas-noo niyang pagmamalaki sabay turo sa mukha niyang nakangisi kaya natawa na lamang ako’t hinila siya upang tumawid.

“Boyfriend Commandment number 1, check.”

Nakunot ang noo ko nang bigla niya itong sabihin nang makarating kami sa kabilang kalsada.

“Anong sabi mo?” Tanong ko.

“Sabi ko, nagawa ko na ang isa sa boyfriend commandments mo,” Itinaas niya ang mga kamay naming magkahawak parin sa isa’t-isa na para bang ipinagmamayabang ito sa akin, “Boyfriend should hold my hand while crossing the street. Cheesy but I like it.” Dagdag pa niya kaya nabigla ako.

“Wait naalala mo yun?” Kunot-noo kong tanong.

“Yup.” Pagmamalaki niya at nagsimula kaming maglakad.

“But I burned that list?” Naguguluhan kong sambit.

“Sinunog mo nga pero hindi naman nawala sa alaala ko. I remember every single cheesy thing on that list and I will do that just for you.” Aniya kaya tumawa na lamang ako’t napahawak sa mukha ko. My cheeks are already warm and I bet they’re blushing already. Curse this idiot beside me.

“And why would you do that? You don’t have to do that.” I said as I was trying to keep myself from giggling uncontrollably.

“Boyfriend mo ako. Bakit naman hindi?” Sarcastic niyang sambit kaya napasinghal na lamang ako’t tumawa ng bahagya.

“Boyfriend? Ulul. You’re not my boyfriend.” Giit ko kaya bigla siyang tumigil sa paglalakad at napabitaw sa kamay ko. Agad akong lumingon sa kanya and I swear all I could see on his face was disbelief and disappointment.

“Kung hindi mo ako boyfriend, ano tong ginagawa natin?” Wala na ang ngiti sa mukha niya at mukhang inis na siya. Wala siyang pakialam kahit maraming taong dumadaan sa paligid. He sure looks like he’s about to argue. “Agatha ano ba talaga tayo?” Dagdag pa niya kaya napabuntong-hininga ako at bahagyang humakbang palapit sa kanya.

“We’re nothing Cooper.” Walang emosyon kong giit habang nakatitig sa mga mata niya.

“Nothing?” Nanlulumo niyang sambit kaya tumango-tango ako.

“In this world, nothing lasts forever. God knows how much I want to spend an infinity with you so let’s be nothing okay?” Tinanggal ko ang suot niyang kulay itim na beanie at isinuot ito sa sarili ko, “Let’s be nothing since it’s the only thing that lasts forever.” Dagdag ko pa sabay halik sa pisngi niya kahit pa may mask parin ang bibig ko.

Biglang napabuntong-hininga si Cooper. Nakita ko ang gulat sa mukha niya dahil sa sinabi at ginawa ko. Napahawak siya sa magkabila niyang bewang at umiling-iling nang tuluyang maintindihan ang ibig kong sabihin.

“Tangina, kinilig ako dun.” Walang emosyon niyang sambit kaya agad akong sumaludo sa kanya bilang pagmamayabang. “

 END OF CHAPTER 26.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro