23 : Don't forget
23.
Dont forget
Agatha
To : Reema
Hurry up! This place is killing me T_T
From : Reema
Not done with class, 1 more hour. Chill -_-
To : Reema
Chill?! The spawn of satan is next door!!! >_<
From : Reema
Calm ur tits, im coming.
Sa sobrang inis ay naitapon ko na lamang ang cellphone sa kama.
I kept on pacing back and fourth, biting my nails, worried what should i do. Kanina pa ako nag-iisip kung ano ang gagawin pero kahit mag-isip, hirap parin akong gawin. Sa lakas ba naman ng music mula sa kwarto ni Cooper, sinong tao ang makapag-iisip?!
Ugh! Hindi ko alam kung nananadya ba siya o sadyang selfish lang talaga siya sa tenga ng iba! Okay lang sana kung magagandang kanta ang pinapatugtog niya kaso yung screamo pa talaga ang pinagdiskitahan niya, yung mga kantang parang hindi kanta, puro sigaw lang. Ugh! Nakakabwisit!
"Idiot! Hinaan mo nga 'yan!" Sigaw ko nang hindi na talaga ako nakapagpigil sa inis.
"Ha?!" Narinig kong sigaw niya pabalik. I can't see him but I can already imagine the silly smile on his face right now. Nakakainis siya! Ba't pa kasi siya bumalik dito.
Lumapit ako sa kama ko at hinanap kung saan man lumanding ang cellphone. Matawagan nga si Reema, for sure makakatulong siya.
Nagulat ako nang bigla na lamang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Parang alam ko na kung sino ito kaya lalo akong nainis at napasimangot.
"Cooper go back to your room !" Muli akong napasigaw sabay hagis ng unan sa pinto.
Sa sobrang inis ko ay humiga na lamang ako sa kama at ibinaon ang mukha ko sa kumot. Bahala siya, hinding-hindi ko siya pagbubuksan ang pinto, mamatay man.
"Agatha ako to, si Trent." Muli kong narinig ang katok kaya dali-dali akong napatayo at inayos ang buhok kong gulong-gulo.
Dali-dali kong kinuha ang jacket na nakasabit sa likod ng pintuan bago ko ito binuksan.
"Trent, you just saved my life." Hindi ko napigilang mapangiti at mapabuntong-hininga nang makita ko siyang nakatayo sa labas ng kwarto ko.
"Huh? Anong nangyari?" Kunot-noong tanong ni Trent kaya napatingin ako sa kwarto ni Cooper. Ituturo ko sana ito nang bigla kong nakita si Cooper na nakadungaw sa bintana niya. Nakasimangot ito at napakasama ng tingin sa amin, lalo na kay Trent.
Narinig kong tumawa si Trent kaya muli kong ibinalik ang tingin sa kanya. Nakita rin pala niya sa Cooper kaya pasimple kong hinampas ang braso niya para tumahimik.
"Ba't ka pumunta dito?" Tanong ko na lamang sa kanya.
"Ah yun ba? Ano kasi," Tumango-tango siya, natatawa parin siya pero ngumisi na lamang siya, "Sabi ni Reema puntahan daw kita dito. Timing kasi pupunta kami ng kapatid ko sa mall. Apprently, my little sister wants to go see that obese red bee and eat a happy meal. Sama ka?" Aniya kaya walang pagdadalawalang-isip akong tumango. Anywhere's better than here.
Hindi pa kami nakakalayo sa nilalakaran ay biglang tumigil si Trent sa paglalakad at napatingin sakin habang nakakunot ang noo.
"Problema mo?" Pabiro kong tanong sa kanya.
"Wala ka bang nakakalimutan?" Tanong niya kaya napakunot rin ang noo ko.
"Wala, dala ko ang jacket ko and besides libre mo naman diba?" Biro ko na lamang.
Napatingin siya sa paanan ko, "Agatha, nakapaa ka lang."
"Huh?" Napayuko ako at napangiwi na lamang nang makitang tama nga siya, nalimutan kong magsuot ng shoes o kahit tsinelas. Babalik sana ako sa kwarto pero pinigilan niya ako. Lalo akong nagkataka nang saglit siyang lumingon sa kwarto ni Cooper at ngumisi.
Bago pa man ako nakapagtanong ay bigla siyang tumayo at lumuhod sa harapan ko. Tinapik niya ang balikat niya, "Sakay."
"Ano?" Napakamot ako sa ulo ko.
"Aish, wag ka na ngang magtanong, bilis sakay ka na sa likod mo kung ayaw mong iwan kita dito kasama yung ugok na 'yon." Aniya at wala na akong nagawa pa nang bigla niya akong hinila papunta sa likuran niya. Namalayan ko na lamang na nakasakay na ako sa likod niya at napakakapit na ako ng mahigpit sa kanya.
"Bigat mo pala Agatha." Pang-aasar ni Trent kaya hinampas ko ng mahina ang likod niya.
Ilang sandali pa ay napansin kong lumingon si Trent habang naglalakad. Muli kong hinampas ang likod niya nang makita ko ang nakakalokong ngiti sa mukha niya habang nakatingin sa direksyon ng kwarto ni Cooper.
"Stop it." Giit ko kaya ibinalik niya ang tingin sa nilalakaran.
"I cant help it, nakakatuwang asarin ang boyfriend mo. He looks so pissed." Aniya kaya sa pangatlong pagkakataon muli ko siyang hinampas. "Aray naman Agatha!" Reklamo niya.
"He's not my boyfriend. Umayos ko nalang nga kung ayaw mong mahampas ulit." Banta ko sa kanya kaya tumawa na lamang siya.
Panay lang ang asaran at kwentuhan namin ni Trent habang naglalakad (okay si Trent lang) kami papunta sa elevator nang bigla itong bumukas.
"Agatha! Trent!" Nakangiting bati sa amin ng isang lalaking nakasakay sa isang wheel chair. Nawala ang ngiti sa mukha niya nang makitang karga ako ni Trent, "Hala anong nangyari? Napilay ka narin ba?!" Aniya na para bang nag-alala kaya nagtawanan kami ni Trent at umiling-iling.
"Wala, nalimutan ko lang kasing--" Natigil ako sa pagsasalita.
Ano nga ulit ang pangalan niya? Magkaibigan kami nitong lalaking naka-wheelchair. Marami akong naalalang pangyayari kung saan magkasama kami pero nakalimutan ko ang pangalan niya. His name is on the tip of my tongue but I cant say it... Shit ano nga ang pangalan niya.
"Agatha okay ka lang?" Tanong ulit ng Pilay sakin... Teka kung pilay nalang kaya ang itawag ko sa kanya? Close naman kami at malamang di siya magagalit kung tawagin ko siyang pilay.
"Agatha naririnig mo ba kami?" Bahagyang lumingon si Trent sa akin kaya tumango-tango ako at pinilit ang sariling ngumiti.
Sa isang iglap biglang sumama ang pakiramdam ko. Wala na akong ganang lumabas, ang gusto ko nalang ngayon, manatili sa kwarto ko at alalahanin ang pangalan ni Pilay.
"Trey ibaba mo na ako. Hindi nalang ako sasama." Utos ko sa kanya sabay takip ng balikat niya.
Muli silang napatingin sakin, kapwa nakakunot ang noo. Teka, may masama ba akong sinabi?
"Agatha Trent ang pangalan ko." Sabi pa ni Trent kaya tumango-tango ako.
"Trent nga, bakit ano ba sinabi ko?" Tanong ko pero kapwa lang sila nagkatinginan ni Pilay.
"You just called him Trey." Tumatawang sambit ni Pilay na para bang pinagtatawanan ako kaya pabiro ko siyang tinaasan ng kilay.
"Trent and Trey, pare-pareho lang yan, pilay." Pabiro ko na lamang sambit para wag nalang mahalatang nagsisimula na akong matakot.
"Pilay?" Kunot-noong sambit niya na biglang natigil sa pagtawa. "Javi ang tawag mo sakin, hindi pilay. Para ka namang si Cooper niyan eh!"
Javi... Oo nga pala siya si Javi!
Shit na-offend ko ba siya? Oh my God, sorry.
"Agatha okay ka lang ba?" Dahan-dahan akong ibinaba ni Trent kaya muli kong naapakan ang malamig na sahig.
Tumango-tango ako at pinilit ang sarili kong ngumit.
"Sorry kung na-offend kita." Napatingin ako kay Javi, "Sige babalik na ako sa kwarto ko. Bye." Dali-dali na akong naglakad pabalik ng kwarto ko. Tinatawag nila ako pero hindi ko sila pinapansin. Kailangan ko munang mapag-isa.
Malapit na ako sa kwarto ko pero namalayan ko na lamang na lumuluha na pala ang mga mata ko.
Papasok na sana ako nang napansin ko si Cooper na nakatayo sa labas ng kwarto niya. Gaya ng kanina, kitang-kita ko parin ang inis sa mukha niya.
"O Akala ko ba may date--" Natigil sa pagsasalita si Cooper nang magtama ang mga tingin namin. Dali-dali kong pinunasan ang luha ko pero alam kong balewala ito kasi nakita na niya.
Dali-dali na lamang akong pumasok at naglock ng pinto.
"Agatha okay ka lang? Anong ginawa ng ungas na 'yun?!" Kinakatok ni Cooper ang pinto pero hindi ko siya pinagbubuksan.
Napatingin ako sa dingding at pinagmasdan ko ang mga litratong nakadikit dito. Nandito ang mga litrato namin ng mga kaibigan ko at ng pamilya ko kaya kinuha ko ito at isa-isang pinagmasdan.
Mommy, Daddy, Reema, Javi, Trent, Kuya Leo... Agatha 'wag na 'wag mo silang kakalimutan. Hindi mo sila dapat kalimutan. Please alalahin mo sila parati.
- - - - - - - -
"Get-up, lets go eat dinner." Naramdaman kong hinihila ni Reema ang paa ko pero napatingin lang ako sa kanya.
"Reema San Jose..." Mahina kong sambit habang pinapaulit-ulit ang pangalan niya sa isipan ko para wag siyang malimutan. Natatakot akong makalimutan ang ni isa man sa kanila.
"Bakit Agatha Grace--Shit ano nga ulit apelyido mo?" Tumatawa niyang sambit habang hinihila parin ako. Hanggang ngayon di niya parin pala alam ang apelyido ko kaya pabiro ko na lamang siyang inirapan.
"Reema, hindi ka naman siguro magagalit kung bigla kitang makalimutan diba?" Tanong ko habang pilit pinapanatili ang ngiti sa labi ko.
Dahan-dahang napabitaw si Reema sa paa ko at umupo sa tabi ko. I suddenly felt bad when I realized that she was no longer smiling.
"Okay lang kung makalimutan mo kami basta hinding-hindi ka mawawala," Nauutal niyang sambit at muli kong nakita ang ngiti sa mukha niya, "Hindi mo naman kami iiwan diba?"
Naiilang na ako sa pinag-uusapan namin kaya ako na mismo ang tumayo at humila sa kanya papunta sa opisina ni Kuya Leo kung saan kami parating kumakain.
- - - - - - - -
"Ha-ha-ha, anong pakiramdam maging pilay? Boom bali buto!"
Pagdating pa lang namin sa opisina ay naabutan agad namin silang lahat sa nakaupo sa sahig at naghahanda ng kumain. Ang ingay nilang lahat lalong-lalo na't panay ang pang-aasar ni Javi kay Cooper.
Nabaliktad ang sitwayon, ang dating nang-aasar ang siya na ngayong naasar.
"Agathangina! Dito ka sa tabi ko!" Sigaw ni Cooper sabay kaway nang makita ako. Ang lapad-lapad ng ngiti sa mukha niya, para bang hindi na siya naiinis di gaya kanina.
"Agatha okay na ba ang pakiramdam mo?" Tanong naman ni Trent na kasama pala ang nakababata niyang kapatid na babae. Mahilig ako sa mga bata kaya siyempre dali-dali akong tumabi sa kanya upang makipagkulitan dito.
Malas kasi magkatapat kami ni Cooper pero atleast hindi kami magkatabi.
"Sandali, may naamoy ako!" Biglang sigaw ni Javi kaya napatingin kaming lahat sa kanya, "May amoy sunog! Sunog na puso! Hahaha!" Dagdag pa ni Javi sabay turo kay Cooper.
Nagulat ako nang mapansin kong napakasama na pala ng tingin sakin ni Cooper. Tipong, para bang isang batang inis na inis at ano mang oras eh magta-tantrums na.
"Problema mo?!" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Wala!" Sigaw niya pabalik at umiwas ng tingin.
"Ang ingay niyo! Kumain na nga kayo!" Sigaw naman ni Reema na mukhang naiinis na sa amin.
Mas marami kami ngayong kumakain pero di hamak na mas tahimik kami ngayon kesa noon. Walang ibang maingay maliban lamang kay Javi na panay ang pang-aasar kay Cooper.
"Awkward." Mahinang sambit ni Javi at isa-isa kaming tiningnan.
"Ano pong awkward?" Tanong ng walang kamuwang-muwang na bata sa tabi ko.
"Kita mo tong mukhang to?" Tinuro ni Javi ang mukha ni Cooper kaya agad itong natigil sa pagnguya ng pagkain. "Ah eh, nevermind." Umiling-iling na lamang si Javi at napakamot sa ulo. Natakot na yata kay Cooper.
Kinuha ko ang bottled water at tinangka itong buksan. Nagulat ako kasi hindi ko ito mabuksan. Hindi ko alam kung masyado bang mahigpit ang pagkakasara nito o sadyang humina na talaga ako ngayon.
"Ako na. Sa right iniiikot ang takip, nakalimutan mo na ba?" Nagulat ako nang biglang inagaw ni Cooper ang bottled water mula sa kamay ko at siya na ang nagbukas nito para sa akin. Walang kaemo-emosyon ang boses niya, nainis yata talaga sakin.
"Agatha ba't ka magtutubig? Diba ayaw mo ng tubig? Heto Juice." Tanong ni Trent sabay abot sa akin ng pineapple juice. Oo nga no? Hindi ako mahilig sa tubig pero ba't yun ang kinuha ko.
Utak naman please wag mo na akong pahirapan...
"Salamat." Ngumiti ako sa kanya sabay kuha nito.
"Paano na tong tubig?!" Biglang bulyaw ni Cooper na magkasalubong na naman ang kilay.
"Akin nalang 'yan." Pag-agaw ni Javi dito.
Hindi ko maiwasang matawa pero nagulat ako nang mapansing napakasama na naman pala ng tingin ni Cooper sakin habang nakangiwi.
Isip batang ulol. Tss.
"Nga pala, pagkatapos niyong kumain, nakatokang maglinis dito sina Agatha at Cooper." Biglang anunsyo ni Kuya Leo kaya muntik akong mabilaukan sa iniinom kong juice.
"Agatha cant clean. She needs to rest." Giit ni Reema kaya agad akong tumango-tango at nag-thumbs up. Yey! Savior ko talaga si Reema!
"Eh sino maglilinis dito? Baka lumakas pa lalo ang ulan, kailangan na ninyong umuwi." Giit ni Kuya Leo.
"Tama! Tama!" Biglang sigaw ni Cooper na napakalapad na ng ngiti. Napansin niyang nakatingin ako sa kanya pero bago pa man ako nakaiwas ng tingin ay bigla niya akong kinindatan.
Ugh! Kill me now!
END OF CHAPTER 23
Thanks for reading!
Vote and Comment <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro