Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

21 : The Fool's move

21.

The Fool's move

Third Person's POV

Nagtatalo at nagkakainitan ang apat sa labas pero nanatili lamang sa loob ng kwarto ni Agatha si Kuya Leo.

Hindi niya naiwasang maging malungkot nang makita ang lagay ng dalagang halos itinuring narin niyang isang anak.

"Agatha, maswerte ka kasi may oras ka pa. 'Wag mo na itong uulitin kasi masasaktan mo lang ang mga taong nagmamahal sayo." Wika ng matanda at lalabas na sana ngunit sa di malamang dahilan ay tuluyan nang nagsalita si Agatha matapos ang isang araw na pagiging tahimik.

"Euthanasia." Mahinang sambit ni Agatha kaya tuluyang napako sa kinatatayuan ang matanda na halatang nagulat sa narinig.

"A-ano?" Kunot-noong tanong nito nang muling lumingon kay Agatha.

"Tulungan mo po ako. Pagod na pagod na po ako. Pwede niyo namang gawin iyon diba?" Mahinang sambit ni Agatha na tila ba nagmamakaawa kaya umiling-iling na lamang ang matanda at lumabas mula sa kwarto.

Muling naiwan si Agatha na mag-isa. Dahan-dahan siyang napatingin sa mga kamay na may benda at napapikit na lamang hanggang sa unti-unting nakatulog.

- - - - - - - 

Hatinggabi na at tahimik na ang buong ospital. Nagsiuwian na ang karamihan sa mga narito maliban lamang kay Cooper na nataling nakaupo sa labas ng kwarto ni Agatha.

“Cooper bakit nandito ka pa? Umuwi ka na. Kanina pa natapos ang visiting hours at malamang hinahanap ka na ng mga magulang mo.”  Biglang tumabi sa kinauupuan ni Cooper si Kuya Leo at tinapik ang likod nito.

Imbes na tumayo at umalis ay nanatili lamang si Cooper sa kanyang pwesto at umiling-iling.

“Bakit ako nagka-ganito?” Walang kabuhay-buhay na sambit ni Cooper habang nakatingin parin sa kawalan.

“Kasi tao ka. Lahat ng tao nagkakamali.” Walang kagatol-gatol na giit ni Kuya Leo.

“Tao? I left her when she needed me the most. I didn’t say goodbye and  I even tried to erase her from my life. I did that to the girl who never gave up on me… I did that to the girl who sacrificed everything for me. Tao parin ba ako sa lagay nato?” Napasandal na lamang si Cooper sa kinauupuan at napapikit.

“Tao ka Cooper. Gago nga lang. Para ng anak ang turing ko sayo kaya hindi kita kukunsintihin. Hindi ko sasabihing wala kang ginawang masama. Hindi ko sasabihing hindi ka naging makasarili. Pero Cooper, may oras ka pang itama ang mga pagkakamali mo. May pagkakataon ka pang humingi ng tawad at bumawi. Matanong nga sayo, mahal mo pa ba si Agatha?” Tanong naman nito kaya unti-unting kumurba ang maliit na ngiti sa labi ni Cooper.

“Mahal na mahal ko si Agatha. Kahit kailan hindi nagbago o nabawasan ang nararamdaman ko para sa kanya.” Pag-amin nito kaya maging si Kuya Leo ay napangiti rin at hinayaan na lamang ang anak-anakan na umiyak sa balikat niya.

------

Namumugto ang mga mata at may bahid parin ng dugo ang damit, tahimik na pumasok si Cooper sa kwarto ni Agatha. Nilibot niya ang paningin at napangiti dahil wala paring nagbabago dito at bumalik sa isipan niya ang masasayang alaala.

Kinuha ni Cooper ang upuan at tumabi sa harapan ni Agatha na natutulog na.

Muli, hindi niya napigilan ang sariling lumuha habang pinagmamasdan itong natutulog. Dahan-dahan niyang hinawi ang buhok na humarang sa mukha nito at hinaplos ang pisngi ng dalaga.

“Nasasaktan ka parin ba hanggang ngayon? Kung sana maibabalik ko lang ang oras, sana hindi nalang kita iniwan. Sana hindi kita sinaktan. Sana hindi ko hiniling sayong manatili kang gising,” Kinuha ni Cooper ang kanang kamay ni Agatha at pinagmasdan ang nakabenda nitong pulso. Muli, hindi niya napigilan ang sariling umiyak at hinalikan na lamang ang kamay nito, “Bakit mo nagawang mag-sakripisyo para sa taong gaya ko? Paano mo nagawang mahalin ang gagong gaya ko?”

Tinitigan ni Cooper ang maamong mukha ni Agatha at pinilit ang sariling ngumiti sa kabila ng pagluha.

“Agatha don’t die. Please don’t. Okay lang sakin kahit mawala ka sakin pero ang mahalaga hinding-hindi ka mawawala sa mundong ‘to.”

Tumayo si Cooper at kinumutan ng maayos si Agatha bago tuluyang humiga sa tabi nito. Ipinatong niya ang ulo ng dalaga sa bisig at muling pinagmasdan ang mukha nito.

“Okay lang sa akin kahit na hindi mo na ako mapatawad o kausapin pa. Mabuhay ka lang at hayaan mo akong manatili sa tabi mo, masaya na ako.” Bulong ni Cooper at hinalikan ito sa noo.

------

“Hijo hindi ka pa ba umuuwi sa inyo?” Salubong ng guwardya kay Cooper nang muli siyang pumasok sa ospital dala ang nabiling mga bulalo.

“Bahay ko ang ospital nato. Nakauwi na ako.” Nakangiting sambit ni Cooper ngunit hindi parin siya tinantanan ng gwardya.

“Hindi ka ba nandidiri diyan sa suot mo? May dugo pa ang damit mo.” Paalala nito ngunit ngumiti lamang ulit si Cooper.

“Gwapo parin naman kaya okay lang.” Biro ni Cooper kaya napailing-iling na lamang ang gwardya at napangiwi.

Marami mang inaalala at kinakatakutang mangyari, pinilit na lamang ni Cooper ang sariling ngumiti dahil makikita niya ulit si Agatha. Habang naglalakad sa pasilyong kinaroonan ng kwarto ni Agatha ay laking gulat ni Cooper nang makitang maraming mga nurse sa kwarto kaya dali-dali siyang napatakbo papunta dito.

Nakahinga ng maluwag si Cooper nang makitang maayos lang naman pala ang lagay ni Agatha at sa katanunayan ay nakaupo na ito habang nakangiti.

“Bakit ka pa bumalik dito?” Salubong ni Trent na nakakunot ang noo pero imbes na makipag-away ay mas pinili na lamang ni Cooper na lapitan si Agatha kahit pa napakasama na ng tingin nila Reema at Javi.

"Agatangina, tingnan mo oh? Bumili narin ako ng mami kasi baka nagsasawa ka na sa bulalo." Nakangiting sambit ni Cooper kay Agatha na para bang hindi sila nagkasamaan ng loob.

"You jerk! Get the hell out of here!" Biglang sigaw ni Agatha habang nanlilisik ang mga mata na siyang ikinagulat ng lahat maliban lamang kay Cooper na inaasahan ng mangyayari ito.

Tahimik ang lahat. Minsan lang nila makitang galit si Agatha kaya hindi nila alam anong gagawin.

"Jerk na kung jerk. Dali na, kain na tayo. Nagugutom na ako!" Nakangiting sambit ni Cooper na tila ba binabaliwala na lamang ang malamig na pakikitungo sa kanya ng dalaga.

"Cooper umalis ka na!" Giit ni Agatha na magkasalubong na halos ang kilay dahil sa galit.

"Agatha calm down. Baka mas makasama sayo kapag nagagalit ka." Sabi pa ni Trent ng mahinahon pero imbes na kumalma ay mas lalo lamang nainis si Agatha at sa kanya naman napatingin ng masama.

"Calm down?! Trent ikaw ang sinapak niya kagabi! Dapat sakin ka kumampi!" Giit ni Agatha at napahalukipkip na lamang sa braso.

"K-kagabi?" Nauutal na sambit ni Reema habang nakakunot ang noo.

"Wait what the hell is this? Ba't may benda tong mga kamay ko?" Takang tanong ni Agatha habang pinagmamasdan ang mga kamay. Hindi niya maiwasang mapangiwi sa sakit nang mapagtantong mayroon siyang malalim na sugat sa pulso at palad.

Muling binalot ng katahimikan ang buong kwarto. Nalilito sila sa kinikilos at sinasabi ni Agatha kaya ilang sandali silang nagpalitan ng litong mga tingin.

"Agatha.." Umupo si Reema sa harapan ni Agatha at tiningnan ito sa mga mata, "Agatha Grace, ano ang huling naalala mo?" Dagdag pa ni Reema na halatang seryoso sa tanong kaya nakunot ang noo ni Agatha.

"Trent and I were eating noodles at the convenience store and then all of a sudden biglang bumigat ang pakiramdam ko tapos..." Napapikit si Agatha at napakamot sa ulo, "Ugh! Did I fall asleep again? How long was it this time." Inis nitong sambit.

"Teka hindi naalala ni Agatha ang nangyari kahapon?" Mahinang sambit ni Javi na hindi makapaniwala sa nasasaksihan.

"Huh?" Napadilat si Agatha at kunot-noong napatingin kay Javi, "Bakit ano palang nangyari kahapon?" 

"Ah wala. Nalaglag ka kasi mula sa kama mo tapos lumanding ka sa matalim na bagay kaya ka nasugatan." Biglang sabat ni Trent at sa isang iglap nagsitanguan ang lahat biglang pagsang-ayon sa kasinungalingan nito.

"Seryoso?" Napatingin si Agatha sa mga nurse at tumango-tango rin ito sa kanya.

"Malas ko naman." Kumbinsido, napabuntong hininga na lamang si Agatha.

"Magsisinungaling ka na nga lang, ang korni pa." Bulong ni Cooper bilang pasaring kay Trent kaya muli silang nagpalitan ng masamang tingin sa isa't-isa.

"Oh ba't nandito ka pa? Akala ko ba ayaw mo na sa lugar nato?" Sarkastikong sambit ni Agatha kay Cooper habang tinataasan ito ng kilay.

"Oo na aalis na ako!" Inis na sambit ni Cooper at kahit napipilitan man ay nagsimula na lamang siyang maglakad palayo ngunit bago pa man tuluyang makalabas ng kwarto ni Agatha ay nilingon niya ito at kinindatan habang nakangisi bagay na lubos ikinainis ng dalaga.

"Bumalik na yata ang dating Cooper." Mahinang sambit ni Javi habang nakangiti.

- - - - - - -

Tila wala sa sariling naglalakad-lakad sa gilid ng kalsada si Cooper. Wala itong pakialam kahit na nababangga na niya ang mga taong nakakasalubong niya, nanatili lamang siyang nakatingin sa kawalan.

Ilang sandali pa ay natigil siya sa paglalakad at napako sa kinatatayuan.

Napabuntong hininga siya at napatingala sa kalangitan sabay silid ng mga kamay sa bulsa. 

"Akala mo ikaw lang ang marunong mag-sakripisyo, pwes ako rin Agatha, kayang-kaya ko." Bulong ni Cooper sa sarili hanggang sa unti-unting kumurba ang isang pilyong ngiti sa mukha niya. Nilibot niya ang paningin at nakita niya ang tuluyang pag-berde ng ilaw ng traffic light.

Habang may ngiti parin sa mukha, walang paligoy-ligoy na tinawid ni Cooper ang kalsada sa kabila ng mga sasakyang dumadaan.

"Hijo tumabi ka! Masasagasaan ka!"

"Nababaliw na ba siya?!"

"Manong ihinto niyo ang sasakyan!"

"Diyos ko! Magpapakamatay na yata siya!"

Naririnig ni Cooper ang mga sigawan ng mga taong nakakakita sa kanya pero imbes na tumabi ay hinto siya sa paglalakad at nanatiling nakatayo sa gitna ng kalsada.

Ilang sandali pa ay narinig ni Cooper ang busina ng sasakyang para bang sasalpok sa kanya kaya napapikit na lamang siya.

End of Chapter 21

Thanks for reading!

Vote and Comment <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro