Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

12 : Stay close and don't let go

12.

Stay close and don't let go.

Agatha

 


Huminga ako ng malalim nilulunok ko ang kulay pulang kapsula na ibinigay sa akin ng doktor ko. Pumayag akong maging kauna-unahang taong sumubok ng gamot nato at pakiramdam ko'y tama ang naging desisyon ko dahil isang linggo na ang nakakaraan, matapos kong simulan ang araw-raw na pag-inom nito ay nagiging normal na ang pagtulog ko. 

Nakakatuwa kasi magkapareho na kami nila Cooper, natutulog ng maaga at maagang nagigising. Hindi na ako katulad ng dati na bigla-bigla nalang nakakatulog sa kalagitnaan ng araw at inaabot ng ilang araw bago magising. Pakiramdam ko, isa na akong normal na 17 year-old.

I took a leap of faith and now things are finally going my way.

“Para saan yun?"

Napapitag ako nang marinig ko ang boses ni Cooper kaya dali-dali kong nilagay sa loob ng cabinet ko ang maliit na boteng nagsisilbing lalagyan ng eksperementong gamot.

“Wala, vitamins lang.” Pagkikibit-balikat ko ngunit nang lumingon ulit ako sa kanya ay nakita kong hawak na niya ang diary na sinusulatan ko kaya dali-dali ko itong inagaw. “Hands off, Cooper.” Paalala ko at ito naman ang itinago ko sa cabinet ko.

“Boyfriend commandments? Korni pero sige gagawin ko.” Aniya at ngumiti ng nakakaloko. Ewan ko ba pero naiilang ako sa mga tingin niya kaya pabiro ko na lamang siyang inakbayan at hinila palabas ng kuwarto.

 Masya ako kasi sa wakas pakiramdam ko normal na ako pero higit sa lahat, mas masaya ako kasi mas matagal ko ng nakakakulitan si Cooper at higit sa lahat, hindi na siya ulit mag-iisa pa sa pakikipaglaban kasi parati na akong nasa tabi niya upang suportahan siya.

*****

2 weeks later.

"Go Agatha! Go Agatha! Go Agatha!" 

Huminga ako ng malalim at pikit mata kong ginupit ang mahaba kong buhok. Nagsigawan kaming apat nang tuluyang naging maikli ang buhok ko. Hindi ko maiwasang mapangiwi dahil ang dating abot dibdib kong buhok ay ngayo'y abot-batok nalang. 

Bakit ko ginupit ang buhok ko? Well napagtripan lang naming apat. Sa sobrang pagkabagot naisipan naming ichallenge ang mga sarili namin. Kami ni Reema ay magkakaroon ng instant haircut samantalang sina Javi naman at Cooper ay magkakaroon ng instant piercing sa tenga. Tapos na sila kanina, si Cooper halos magwala sa hapdi samantalang si Javi naman ay halos tumawag na ng nanay niya. 

Sa loob ng napakatagal na panahon, nanatili kami sa ospital nato at wala kaming normal na buhay kaya gusto namin ng pagbabago kahit paunti-unti, adventure kumbaga. 

Javi, Reema, Cooper and I are special.

We are special people who met for a reason.

And maybe thats because we needed each other to lean on. Ayoko na yata ng normal na buhay kasi sa kanila palang, kontento na ako. Siguro nga may dahilan talaga ang lahat.

“Agatha hindi ka ba inaantok?” Tanong ni Cooper matapos humikab. Hindi na yata niya kinaya ang antok niya kaya humiga siya sa mismong likod ni Javi na kanina pa tulog at humihilik na.

“Hindi ako inaantok.” Pagmamalaki ko at nagpatuloy sa pagbabasa ng hawak kong libro.

“Seryoso?” Narinig ko ang boses ni Reema na para bang nasa mismong harapan ko kaya dahan-dahan kong ibinaba ang hawak kong libro at napasinghap na lamang ako nang bumungad sa akin ang walang emosyong mukha ni Reema na halos magmukha ng panda dahil sa eye bags niya.

“Reema it looks like kailangan mo ng matulog.” Suhestyon ko at pinahiga na lamang siya sa hita ko at ilang sandali pa ay napansin kong tulog na silang lahat at ako nalang ang natitirang gising. Nakakapanibago, first time ‘tong mas nauna silang makatulog kesa sakin.

Napansin kong dahan-dahang bumukas ang pinto at nakita ko ang ulo ni Kuya Leo na sumilip samin. Ngumiti ako sa kanya ngunit nakunot lang ang noo niya.

“Agatha pwede ka bang makausap?” Aniya kaya dahan-dahan kong ibinaba ang ulo ni Reema sa unan at lumabas para naman ‘wag magising ang tatlo.

“Bakit po? May problema po ba? Kung kami po ang inaalala niyo, okay lang po na sa iisang kuwarto muna kami matutulog. Sanay naman kami sa monthly disinfection ng mga kwarto.” Tanong ko nang kaming dalawa na lamang ni Kuya Leo ang nasa pasilyo ng ospital.

“Hija kailan ka huling natulog?” Walang paligoy-ligoy niyang tanong kaya ngumiti na lamang ako.

“Two days ago po.” Pag-amin ko. Walang silbi ang pagsisinungaling sa kanya. Parang tatay na namin siya dito at alam kong parati niya kaming binabantayan.

Sa totoo lang naguguluhan na ako sa nangyayari sa katawan ko. Noon, hindi ko makontrol ang antok at pagtulog ko pero matapos akong magsimula sa pag-inom ng pulang kapsula ay naging normal na ang tulog ko. Pero ngayong mag-iisang buwan na, hindi na ako nakakaramdam ng antok. Sa totoo lang, natatakot na ako pero iniisip ko nalang na baka nagiging nega lang ako.

“Kailan ka nagsimulang uminom ng gamot na yun?” Tanong niya na para bang nag-aalala kaya naikuyom ko ang kamao ko. Ewan ko ba pero kinakabahan narin ako.

“Last month po kuya pero sana po ‘wag niyo po 'tong sasabihin sa iba.” Pakiusap ko sa kanya, kung kailangan kong lumuhod at magmakaawa gagawin ko. Ayokong mag-alala sila at isa pa desisyon ko 'to.

"Alam ba 'to ng mga magulang mo?" Aniya habang nakangiwi. Paulit-ulit siyang napakamot sa ulo na para bang namo-mroblema sa sitwasyon ko. Ayokong magsinungaling pero kung ito lang ang paraan para 'wag na silang mag-alala sakin, nakahanda ko itong gawin.

Tumango ako at ngumiti bilang sagot. 

"At pumayag naman sila?!" Gulat niyang tanong kaya muli akong tumango-tango. Kasinungalingan parin. Pineke ko ang pirma nila sa waiver at parental consent

"Kuya Leo hindi ko po pinagsisihan ang desisyon ko at kailanman, kahit na anong mangyari, hinding-hindi ko po ito pagsisisihan. 'Wag niyo na po akong alalahanin, magiging maayos lang po ako." Paniniguro ko sa kanya habang pilit kong nilalakasan ang loob ko sa pamamagitan ng pagngiti.

"Agatha tigilan mo na ang pag-inom niyan." Aniya kaya muli na lamang akong ngumiti at tumango-tango. Mapapatawad naman siguro ako ng diyos sa pagsisinungaling ko.

Tumalikod ako mula sa kanya at nagsimula akong maglakad pabalik sa sarili kong kuwarto dahil gusto ko munang mapag-isa. Hindi ko na napigilan pa ang pag-agos ng luha ko pero sinikap kong ipanatili ang ngiti sa labi ko.

Nang makarating ako sa kuwarto ko ay nagulat ako nang napansin kong nakatiwangwang na sa sahig ang mga laman ng cabinet ko at para bang may naghalughog dito. Nakarinig ako ng ingay mula sa banyo kaya dali-dali ko itong pinuntahan at mas lalo akong nagulat nang makita ko si Reema na nakatayo sa harapan ng toilet at may ibinubos siya dito. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung ano ito--Ang gamot ko. 

"Reema 'wag!" Wala na akong nagawa pa nang tuluyan niyang mai-flush ang mga kulay pulang kapsula.

Nasapo ko ang ulo ko at mas lalo akong naiyak. "Reema bakit mo ginawa 'yon?! Nababaliw ka na talaga!"

"Ako?! Agatha ikaw ang nababaliw! Narinig ko ang usapan niyo ni Kuya Leo! Kung siya naloko mo! Pwes ako hindi!" Humarap siya sa akin, nanlilisik ang mga mata niyang lumuluha at napakahigpit pa ng hawak niya sa bote ng gamot na ngayo'y wala ng laman. "Putangina mo! Ang bobo mo! Akala ko matalino kang babae ka! Inuna mo pa ang kalandian kesa sa sarili mo!"

Makailang ulit na niya akong napagsalitaan ng masama noon pero ito na yata ang pinakamasakit. Akala ko ba magkaibigan kami? Bakit niya 'to sinasabi ngayon? Hindi niya ba iniisip na napakasakit ng mga salitang binitawan niya?

"Alam mo ba kung ano ang maaring mangyari sayo dahil sa punyetang kapsulang yon?! Agatha hindi 'yon gamot! Its a fucking experiment you bitch!" Mangiyak-ngiyak niyang sigaw kaya napapikit na lamang ako habang tinatanggap ang bawat masasakit at masasamang salitang binibitawan niya sakin. Sa galit niya, pakiramdam ko ano mang oras ay sasabunutan na niya ako. 

"Sabihin mo... Dahil ba to kay Cooper?" Mistulang tumamlay ang boses ni Reema at na para bang kumalma na siya.

Reema and I are like bestfriends. We tell each other everything. We are so close up to the point na nagkakaintindihan na kami sa pamamagitan ng tingin.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya napatingin na lamang ako sa bilugan niyang mga mata.

"Agatha, mahal mo ba si Cooper?" Aniya habang nakataas ang isang kilay.

"Hindi ko alam..." Napailing-iling na lamang ako habang pinipigilan ang luha ko.

"Hindi mo alam?" Sarcasic niyang sambit at agad na napahawak sa bewang niya. "Bitch! You are risking your life for that idiot and youre saying hindi mo alam?! Come on! Thats bullshit--"

"Reema magkaibigan tayo... please intindihin mo nalang..." Halos walang salitang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin, kaibigan ko si Reema at ayokong masira ang pagkakaibigan namin dahil sa pagtatalo.

"Magkaibigan tayo kaya ko to sinasabi! Is Cooper even worth the sacrifice?! Mahal ka ba ni Cooper?! Bakit mo sinasayang ang buhay mo para sa isang lalaking last year mo lang nakilala?! For God's sake! You are risking your life for that son of--" Dali-dali kong tinakpan ang bibig ni Reema.Sa lakas ng boses niya, natatakot akong may ibang makarinig nito lalong-lalo na si Cooper.

Marahas na iwinakli ni Reema ang kamay ko kaya muli na lamang akong napatitig sa sahig. Natatakot akong tumingin sa mga mata niya.

"Darating ang araw, pagsisihan mo ang desisyon mo Agatha. Tandaan mo 'to, kung mamamatay ka dahil dito sa pinaggagawa mo, asahan mong hinding-hindi ako pupunta sa libing mo at hinding-hindi ako magsasayang ng luha para sa isang tangang gaya mo." And with that she stormed off the room, leaving me all alone and crying my eyes out.

Her words are  far from painful.

They were like knives thrown into my weak heart.

Natatakot ako, paano kung tama siya?

               *****

5am. Dilat na dilat parin ang lumuluha kong mga mata. Sinusubukan kong matulog pero walang ibang pumapasok sa isipan ko kundi ang mga masasakit na salitang binitawan sakin ni Reema. Akala ko nakahanap na ako ng tunay na kaibigan sa kanya, hindi pala. 

Sa sobrang sakit ng mga salitang binitawan niya sakin kagabi, hindi ko alam kung kaya ko pang ngumiti sa kanya. 

Narinig kong may kumatok sa pinto kaya dali-dali kong pinunasan ang luha sa pisngi ko at huminga ng malalim para 'wag mahalatang umiiyak ako.

"Agathathathathathathatha!" Narinig kong nagsisigaw si Cooper mula sa labas. Umagang-umaga umiiral na naman ang kabailwan niya kaya hindi ko maiwasang mapangiti kahit na marami akong agam-agam.

Binuksan ko ang pinto ng kuwarto ko at gaya ng inaasahan ay bumungad agad na akin ang mukha niyang abot tenga ang ngiti. Hindi ko maiwasang magtaka nang mapansin kong, iba na ang suot niya. Parang may lakad yata siya kasi suot na niya ang jacket at baseball cap niya.

"Umiiyak ka ba?" Nawala ang ngiti sa mukha ni Cooper at nakunot ang noo niya kaya dali-dali akong nag-isip ng maipapalusot.

"Oo, yung pinapanood ko kasi--" Pinilit ko na lamang ang sarili kong tumawa habang pinupunasan parin ang luha ko.

"Miracle at cell number 7?" Nakangiwi niyang sambit. Kahit hindi ko pa napapanood ang pelikulang 'yan ay tumango-tango na lamang ako para matapos ang usapan.

"May lakad ka?" Tanong ko.

"May lakad tayo." Giit niya at muling ngumiti ng malapad.

"Saan?" Nakunot ang noo ko.

"Basta! Bilis kunin mo ang jacket mo. Tsinelas lang ang suotin mo at magdala ka nalang din ng camera." Aniya na para bang atat na atat kaya napakamot na lamang ako sa ulo ko at sinunod ang sinabi niya.

                    *****

[ EPISODE THEME : VEGAS SKIES - THE CAB (MULTIMEDIA BOX ---> )

"Dahan-dahan baka madapa ka, pagtatawanan talaga kita." Paalala ni Cooper kaya mas hinigpitan ko na lamang ang hawak sa dalawa niyang kamay.

"Eh kung tanggalin mo nalang kaya tong blindfold ko? Ramdam kong buhangin tong nahahawakan ko, alam kong nasa tabing dagat tayo!" Giit ko habang dahan-dahang humahakbang sa takot na baka madapa nga ako.

Naririnig ko ang huni ng mga ibon at ang pagtama ng alon sa dalampasigan. Napakasarap sa pakiramdam kahit na hindi ko pa ito nakikita ng tuluyan.

"Umupo ka, dahan-dahan lang." Aniya at sinunod ko na lamang siya. Napakasarap sa pakiramdam ng buong paligid lalo na nang malamig na hanging tumatangay sa ngayong maiksi ko ng buhok, pakiramdam ko wala akong problema...

Naramdaman kong umupo si Cooper sa tabi ko at dahan-dahan niyang tinanggal ang blindfold na pinasuot niya sa akin.

"Dahan-dahanin mo lang ang mga mata mo, baka mahirapan ka." Giit niya kaya ngumiti na lamang ako at tumango-tango.

Nang maitanggal niya ang blindfold ay huminga ako ulit ng malalim at dahan-dahang idinilat ang mga mata ko. Nilibot ko ang paningin ko at labis akong namangha nang makita ang unti-unting pagsikat ng araw. Mistulang naglalaban ang araw at kadiliman, napakaganda nito tingnan kaya dali-dali kong kinuha ang camera ko at paulit-ulit itong kinunan ng litrato. 

"Ang ganda! Oh my God!" Walang pagsidlan ang tuwa ko.

"Napakaganda." Napatingin ako kay Cooper at nagtaka ako nang mapansing nakatitig siya sa akin.

"May dumi ba ako sa mukha?" Napahawak ako sa pisngi ko ngunit tumawa lamang siya.

"Hindi yan dumi. Panget ka talaga. Kunan nga kita ng litrato." Aniya at bigla na lamang inagaw mula sa akin ang camera.

Once in a lifetime ko lang yata masisilayang ang ganito kagandang sunrise kaya dali-dali akong tumayo at ngumiti sa harapan niya.

Matapos niya akong kunan ng litrato ay tumayo siya sa likuran ko at nagulat ako nang bigla niya ipinulupot ang braso niya sa bewang ko. Ngumiti na lamang ako nang iniharap niya ang camera sa aming dalawa.

Ibinaba niya ang hawak na camera at isinandal niyang noo sa balikat ko. Namalayan ko na lamang na biglang bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko na magawang makagalaw pa. Naguguluhan ako, hindi ako kumportable pero ayoko namang lumayo sa kanya.

"Cooper?" Halos walang boses na lumabas mula sa bibig ko.

"Can we just stay this way? Just for a few more seconds? Don't move, don't let go." Aniya.

Biglang sumagi sa isipan ko ang pangsampung nilagay ko sa boyfriend commandments na isinulat ko; Number 10. Boyfriend should watch sunrise with me.

"Cooper..." Muli kong sambit nang hindi lumilingon sa kanya.

"Its weird..." Bulong niya. Nakasandal parin ang noo niya sa balikat ko at parang mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin.

"What's weird?" Hindi ko alam pero kusa na lamang akong naluluha.

"Magmula noon marami na akong kinakatakutan. Isa na dun ang takot na baka iwan kita o iwan mo ako. Pero sa unang pagkakataon, hindi ako natatakot. Ngayong yakap kita, hindi na ako natatakot. Agatha anong ginawa mo sakin?" Aniya kaya napapikit na lamang ako.

"Cooper... Cooper mahal mo ba ako?" Hindi ko alam kung tama bang tanungin ko siya nito.  Reema's words are haunting me. Natatakot akong baka tama siya. 

Naramdaman ko ang unti-unting pagbitaw sa akin ni Cooper. Itinaas niya ang ulo niya at dahan-dahan niya akong pinaharap sa kanya. Nakangiti siya. Tipid lamang ang ngiti niya pero ramdam kong totoo ang ngiting ito. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at hinalikan niya ang noo ko.

Nagulat ako nang bigla na lamang naging malabo ang lahat ng nakikita at naririnig ko. Pakiramdam ko'y nanlalambot ang mga paa ko at para bang tinatakasan na ako ng lakas sa buo kong katawan.

Naramdaman ko na lamang nakahiga na ako sa bisig ni Cooper. Paulit-ulit niyang tinatapik ang pisngi ko at kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya. Napatingin ako sa kamay niya at napansin kong may dugo na ito at galing ito sa sakin. Nagdurugo na pala ang ilong ko.

"Agatha?! Agatha stay awake! Agatha dont sleep! Stay with me!" Paulit-ulit niyang sigaw at nakita ko ang pagtakas ng luha mula sa mga mata niya.

Gusto kong magsalita. Gusto kong sabihin sa kanyang okay lang ako. Gusto ko siyang pigilan sa pagluha kaso hindi ko na magawa kasi hindi ko na magalaw ang katawan o ang labi ko. Hindi ko na nararamdaman ito. Pakiramdam ko'y nawawalan na ako ng kontrol sa sarili ko.

Sa huling sandali, nanatili akong nakatitig sa mukha ni Cooper.

END OF CHAPTER 12.

K's Note : BIG CHANGES ARE COMING YOUR WAY! bwahahaha! Sorry for the late update! 

Thanks for reading!

Vote and Comment <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro